Ch7: Slow motion
From that day onwards, I declare to myself that I, Maria Criselda “Zelle" Hindimapantayangkagandahan, is now officially in crush with John A. Tan.
…and it's been two weeks since then.
And since that day, para akong tinubuan ng balat sa buong pagkatao ko dahil two weeks ago pang hindi ko nakikita si John. Nakakainis no? Ito 'yung nakakabadtrip na feeling na nung hindi mo pa crush, halos magpapansin na sa'yo dahil lagi mo siyang nakikita pero once na naging crush mo na, doon naman nagtago.
GRABE AH, THANK YOU.
Nasa library kami ngayon ni Enzo at tumatambay plus nagpapalamig. Ako, binabantayan ko 'yung pintuan ng library, hinihintay kung magpapakita ba si John sa akin o hindi. Please Lord, magpakita naman po siya sa akin.
Haaayyy, ang hirap naman magkacrush sa taong hindi mo naman kilala.
Speaking of that…
“Hindi ba, lalaki ka?” Tanong ko kay Enzo na nakapalumbaba lang sa tabi ko.
“Ay, hindi ba obvious?” Nangiti lang ako sa reaksyon niyang parang nabadtrip.
“Tanong ko lang kasi, pwede ka ba magkagusto sa isang babae na hindi mo naman kilala? I mean, kunwari nakikita mo lang siya sa school pero hindi mo alam name niya, ganun ganyan?” Hinihintay ko talaga 'yung sagot niya, tagal nga sumagot eh.
“Oo, pwede naman”
“Eh, makikipagtitigan ka ba dun sa babaeng crush mo?”
“Pwede din. Depende, bakit mo ba natanong 'yan?” Pagtataka niya.
“Basta…”
Naalala ko na naman 'yung mga titigan session namin ni John. Agh, Zelle! Ang assuming mo naman eh. Bakit mo naman iniisip na baka gusto ka din ni John?
“…'yung crush mong babaeng 'yun, iaadd mo ba siya sa facebook?”
Okay sorry na ah? Pero kasi, sa araw araw na ginawa ng Diyos, lagi kong binubuksan ang facebook ko para makita ang friend request kung nandoon ba siya.
Pero wala eh. Haaayy.
“Zelle, pwede ba? Wag mo ako itulad sa sarili mo! Hindi ako stalker!” Natawa naman kaming dalawa sa sinabi niya, pinalo ko pa siya sa braso. Nang aasar na naman kasi eh!
“Hoy, hindi ako stalker! Pero ano nga, hindi mo siya iaadd?”
“Hindi. Hindi ko naman kilala eh”
“Kahit alam mo pangalan nung babae?” Kasi si John, alam niya pangalan ko eh!
“Oo, kahit alam ko…” Napabuntong hininga naman ako at sumimangot. Tinitigan ko lang si Enzo at nag isip isip.
What if, ganun din si John? Nahihiya siya iaadd ako. Nahihiya siya kasi baka sabihin stalker siya? What if, ganun nga?
“Pero, paano mo siya maaadd sa facebook?” Ano ba Zelle, ayaw paawat lang?
“Kapag nagkausap na kami, tska ko siya iaadd” Tumango tango na lang ako sa sinabi niya. Oo nga no. TAMA! Hindi pa kami nagkakausap ni John eh, baka natatakot lang 'yun na baka hindi ko siya iaccept.
EEhhhh, kinikilig naman ako.
“Ay, alam mo ba Zelle”
“Hindi pa, ano 'yun—aray!” Bigla ba naman akong binatukan! Kainis, eh hindi ko nga alam eh.
“Adik ka. Hindi kasi, naaalala mo 'yung sinabi ko sa'yo na gusto ko makahanap ng babaeng puso ko pagaganahin ko?” Napangisi na lang ako sa sinabi niya.
“O, ano meron?”
“Nakita ko na siya” Napangiti naman ako sa biglang pagbabalita niya at nacurious.
“Talaga?? Paano? Anong nangyari? Kwento mo! Maganda ba?”
“Maganda? May itsura siya pero hindi siya ganoon kaangat” Napasimangot ako.
“Nyeh, bakit ka magkakagusto sa taong 'yun kung hindi naman maganda?”
“Zelle, Zelle, Zelle… Hindi ako naghahanap ng babaeng maganda, okay?” Nagkunwari pa siyang parang ang henyo ng itsura niya pero hindi naman.
“WEH?!—Aray!” Binatukan na naman ako! Bad.
“Pero ano nga, kwento mo! Paano nangyari 'yun? Saan mo nakita? Kilala mo ba? Close kayo?”
“Isa-isa lang kasi 'yung tanong!” Pinandilatan ko siya ng mata.
“KWENTO MO NA KASI” And then, nagkwento na siya.
“Nakita ko lang siya dito sa school. Basta, unang kita ko pa lang sa kanya, nagslow motion lahat tapos parang nagningning siya sa paningin ko. Nagmute 'yung buong paligid. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Siya lang nakikita ko nung mga panahong 'yun, grabe. Siya lang ganun ang epekto sa akin” May effect pa siyang parang nag inaalala ang nakaraan. Ang korni eh. Hahahaha
“Kilala mo nga?” Napakamot naman ng ulo si Enzo.
“Hindi eh” Pagkasabi niya n'yan, agad akong napaface palm.
“Nyeh. Eh anong balak mo?”
“Ewan… Kikilalanin?” Napatango tango na lang ako sa sinabi niya.
Nag slow motion ang lahat ng bagay, nagningning sa paningin at nagmute ang buong paligid. Wow John, unang kita ko pa lang pala sa'yo—may epekto ka na talaga sa akin.
And speaking of John, as if on cue, pumasok siya sa library at paglingon niya sa may pwesto namin ni Enzo, nagkatitigan na naman kami. Pero hindi tulad ng dati na parang naiinis pa ako kasi lagi kaming nagkakatinginan, ngayon—bigla akong kinabahan.
Paglakad niya sa kabilang side, hindi ko napigilang ngumiti. Nakakakilig eh!
“Bagal mo talaga. Malelate na tayo!” Tumango na lang ako kay Enzo at tumayo na.
Haaayyy John, kamusta naman ang pagslow motion ng paligid pagnagkikita kita? :”>
---x
Author's Note:
Ano, nakakarelate ba kayo? Hahahaha joke lang. Sana ay hindi kayo magsawa sa pagbasa ng story ni Criselda. Sana hindi kayo mabore sa mga kalandian niya sa buhay. Thank you sa patuloy na pagsuporta, paglike, pagbasa lalo na ang pagcomment per chapters.
I really appreciate it a lot.
This chapter is dedicated to MissDReyes. Hindi ko syor kung naaalala pa niya ito pero nagsagot siya sa tanong sa prologue. Thank you po sa pagsagot po! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top