Ch45: Hypothesis and conclusion
"Love leads people to become lost in their own feelings and ignore the world, so it’s no surprise their love for the world goes unrequited."
— Bauvard
~ ~ ~
HYPOTHESIS: If I choose him, then everything will be alright. . . right?
Gusto ko lang iliwanag. . . hindi po kami nagdate ni Enzo, BONDING LANG PO 'YUN!
Pinilit kong kalimutan si John (Naks, kalimutan!). . . Halos 2 week na lang naman ay malapit na matapos ang school year. Gusto ko na magbakasyon, gusto ko nang hindi makita sila, ganun na ako kadesperada. Nakakabaliw kasi itong taon na 'to, nakakabaliw itong paglipat ko sa school na 'to.
“Ako na magdadala n'yan.” Kinuha ni Enzo sa kamay ko ang mga box na inutos sa akin ng teacher na dalhin sa library. Binigay ko na lang sa kanya 'yung box para magtigil na siya at dahil mabigat rin ng kaunti 'yun.
Sabay kaming maglakad ni Enzo ngayon papunta sa library—hindi tulad dati na kung minsan ako ang nauuna o kaya naman siya, ngayon, sabay kami ng pacing—naghihintayan.
Kahit na halos ilang weeks na ang nakakaraan, nahihiya pa rin ako sa kanya. Pinipilit kong maging masaya, yes masaya naman ako kasama si Enzo lalo na at parang bumait siya sa akin ng mga 200 times plus 42 percent kumpara dati.
Pero nahihiya pa rin ako sa kanya, kasi hindi ako sanay na parang binibigyan niya ako ng ganitong treatment.
Nakapunta na kami ng library at binigay na ang box doon sa librarian. Pagkalabas na pagkalabas namin ng library, nakita ko na naman si John, syempre, kasama si Elle—nagtatawanan.
Napatigil ako sa paglalakad.
Tumingin sa amin sila John at napansin niya siguro kami kaya tumigil siya para batiin kami at ganoon rin ang ginawa ni Elle.
“Uy, pansin ko lagi kayong magkasama ah?” Nakangiting sabi sa akin ni Elle.
Uy, pansin ko lagi rin kayong magkasama ni John ah? Pero hindi ko sinabi 'yun. . .gusto ko lang malaman niya na pansin kong sobrang close nila.
“Nagdedate kasi kami eh” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Enzo, nakangiti lang siya pero ang seryoso ng itsura niya sa ngiting 'yun. Napatingin naman ako kanila Elle. . .tuwa ang makikita kay Elle pero kay John. . .
Nakangiti lang siya.
“Sabi ko na may something sa inyo eh!” Napatingin lang ako sa ibang side. . . hindi kami nagdedate, nagbabonding lang kami pero, gusto ko makita ang reaksyon ni John.
At mukhang masaya siya sa amin.
“Ah sige,” inakbayan ako ni Enzo, hindi siya nakatingin sa akin pero nakatitig siya specifically kay John. “Mauna na kami, may gagawin pa kami eh.”
Nagpaalam sa amin si Elle tapos si John, tumingin sa akin at ngumiti ulit.
Sana, hindi ka na lang ngumiti, John. . . sakit eh.
Naglalakad lang kami sa hallway habang nakaakbay sa akin si Enzo, tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita. Medyo lutang pa ako dahil paulit ulit sa akin ang ngiti ni John na para bang masaya pa siya na may ‘something’ sa amin ni Enzo.
Well, ano nga ba 'yung something na 'yun?
Ewan ko rin eh. . . hindi kami MU dahil hindi mutual ang feelings naming dalawa. Naaalala ko pa nung nag BONDING kami ni Enzo, opo, bonding po talaga 'yun! Bonding lang, okay?!
“Alam mo namang si John ang gusto ko di ba?”
“O, ano meron?” Nagtaka ako sa reaksyon niya dahil nakangiti lang siya hindi tulad ng dati na lagi siyang galit o nakasimangot or hindi ko malaman, pero ngayon, ang glowing lang ng aura niya.
“Wala kasi ano, ito tapos. . .” Inakbayan naman niya ako na siyang ikinagulat ko dahil hindi naman niya ako ginaganito. Nilapit niya ang ulo ko sa kanya tapos tinitigan ako. Naiilang ako sa ginagawa niya pero siya, nakangiti lang.
“Okay lang, magugustuhan mo rin ako.”
ANG KAPAL NG FESLAK DI BA?!
Pero sa hindi maipaliwanag na pangyayari, parang ano, medyo kinilig ako? MEDYO LANG AH HUWAG ASSUMING NA GRABE KILIG KO, MEDYO LANG!!!
Kasi kahit pag ikot-ikutin man ang buong mundo, iba pa rin ang kilig na nararamdaman ko kay John at kung si Enzo ang makakatuluyan ko?
AYOKO.
Apelido pa lang eh. . . AHAHAHAHA just jokening.
Nakaakbay pa rin sa akin si Enzo hanggang sa tumigil siya at tumingin sa akin na may seryoso pa ring itsura.
“Kung ligawan na kaya—” Napabuntong hininga ako. Inialis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at ngumiti.
“Alam mo naman na ayaw kong magpaligaw, di ba?”
“MAS MABUTI! Tayo na agad!” Natatawa niyang sabi kaya binatukan ko naman siya. “Joke lang. . .”
Hindi ko pinapayagan manligaw si Enzo, bakit? Kasi kapag nanligaw siya, baka kung ano pa ang gawin niyang kakaiba na kakasanayan ko at ayaw ko 'yun dahil parang hindi ako maiinlove sa kanya kundi sa mga ginagawa lang niya.
Ayoko ng ganun.
Ang patakaran namin, hahayaan naming natural na mainlove ako sa kanya.
Tulad ng natural na nainlove ako kay John at ngayon ay natural na rin akong nasasaktan dahil sa kanya.
“Huwag ka aalis ah, hintayin mo lang ako dito mamayang uwian.” Tumango na lang ako dahil hindi kami magkaklase ngayon. Pagpasok ko sa loob ng klase, eto na naman ang puso ko, hindi na naman mapakali.
Stay put lang heart, hindi tayo lalapit sa kanya.
Naglakad ako papunta sa may harapan sa may bintana dahil nasa likuran si John nakaupo. Ang ingay ng mga kaklase namin pero pakiramdam ko, mas maingay 'yung puso ko ngayon.
Nagsimula na ang klase pero hindi pa rin ako mapakali. Lagi naman akong ganito eh, simula nung nagprom kami hanggang ngayon na halos two months na ang nakakaraan, lagi akong ganito, kinakabahan. . . na parang natatakot ako, nahihiya. Ewan ko, ang gulo rin minsan ng nararamdaman ko na pati ako, naoOP sa sarili ko.
Wala akong nagets sa mga pinagsasasabi ng teacher namin tungkol sa exam next week, basta sabi lang niya, mag aral kami at kung anu-ano pa. Oo na lang ako.
Nang matapos ang klase, labas na labas na ako pero bago ko pa mahawakan ang door knob. . .
“Zelle. . . “ Bibilisan ko na sana ang paglabas pero hinawakan niya ako sa braso. Ano na naman ba 'to John?!
“Uy John, ano, hinihintay kasi ako ni Enzo.”
“Kamusta?” Napatigil ako sa pagpiglas at parang nagrelax bigla ang mga muscles ko sa katawan. Nakita ko na naman kasi ang ngiti niya na nagpapatibok ng sobrang bilis sa puso ko.
“O-Okay lang, ikaw?”
“Masaya ako na masaya ka” Ngumiti lang ako. Hawak pa rin niya ang braso ko at nagulat na lang ako, hinatak niya ako at niyakap ng mahigpit, sobrang higpit.
“T-Teka J-John!” Nanghihina ako. . . kaming dalawa na lang sa classroom at niyayakap ako ngayon ni John.
Totoo ba to? O panaginip na naman dahil sobrang nakakaantok ang teacher namin kaya nakatulog ako?
“One minute lang, bigyan mo ako ng one minute.”
Sinubsob niya ang ulo niya sa balikat ko. Nanghihina ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay mapapaupo na lang ako sa sobrang kaba.
“Anong, anong meron?” Ramdam na ramdam ko ang malalalim niyang paghinga, napapikit ako—shit, hindi ko alam, parang nasasaktan ako, parang naluluha ako at hindi ko alam kung bakit.
“Namiss lang kita. . .” Shit, shit, shit! Puso tama na! Hindi niya alam ang nararamdaman mo, huwag mo na ipaalam pa! “Lumalayo ka kasi sa akin eh.”
Napahawak na lang ako sa likod niya at niyakap siya pabalik kahit nahihirapan ako dahil sa nararamdaman kong ito.
“Sorry ah? Hindi ko kasi to magagawa sa harap ni Enzo, baka patayin niya ako”
Okay lang. . . okay lang.
Simula nung nangyaring 'yun, medyo naging close na ulit kami ni John—hindi kami ganun kaclose tulad ng closeness namin dati pero nagkakangitian na kami at minsan ay kulitan habang kami ni Enzo, ganun pa rin. . . oo kinikilig ako sa mga ginagawa niya pero may something kasi eh.
Nasa cafeteria lang ako nakatambay hanggang sa narinig ko na lang ang isang balita na hindi naman ako affected pero parang pati ako, nasaktan.
“Si Elle, magmimigrate na sa Canada?”
“Yes, doon daw kasi nagtatrabaho magulang niya at kinukuha na sila ng mga kapatid niya after nitong school year.”
“Aw, sayang, magaling pa naman siyang leader”
Pakiramdam ko, nasaktan ako dahil nasaktan si John—siguro ito 'yung dahilan kung bakit niya ako niyakap nung nakaraan. Gusto ko tuloy siya hanapin ulit at yakapin ng mahigpit at sabihing hindi ko siya iiwan pero kasi. . .
“O, bakit tulala ka d'yan?” Si Enzo eh, importante rin sa akin si Enzo kahit malaki siyang epal.
“Wala, tara libre mo na ako ng pagkain!” Nakangiti kong sabi.
“Wow, kapal mo ako dapat libre mo eh!” Natatawa niyang sabi at bumili na kami ng pagkain at kumain—KKB. Kanya kanyang bayad talaga, hindi nga kasi siya nanliligaw kaya napaka kuripot, hmp!
Pero may isa ring bumabagabag sa akin patungkol kay Enzo. . . 'yung ex niya.
I know wala akong karapatan magalit o magselos man lang, HECK, hindi ako nagseselos pero parang ano kasi, sa nakikita ko sa ex niya, may something pa siya kay Enzo pero ito namang si Enzo ay nagbubulagbulagan na parang hindi niya nakikita 'yung ex niya.
Hindi ko mapigilang hindi malungkot para sa ex niya kahit pa hindi kami magkakilala. Para kasing ako rin ang dahilan kung bakit hindi siya pinapansin ni Enzo, dahil sa akin nakatutok ang dati niyang boyfriend kaya parang siya 'yung naghahabol.
Gusto ko magsorry. . . kay Enzo, sa ex niya . . . kasi pakiramdam ko, isang malaking kontrabida ako sa love story nila.
Isa lang ang alam kong kaya kong gawin na tama. . . ang mamili ng pansarili ko sagot.
It was a sunny Monday after exam week when that happened. I never expected I'll do it—wait, bakit ako nag eenglish?! So ayun nga, isang araw nakita ko si John na mag isang nakaupo sa isa sa mga upuan na inilabas namin dahil nag gegeneral cleaning kami ngayon.
Napansin kong tahimik lang siya at nakatitig sa kawalan. Siya lang ang nakaupo doon kahit na maraming upuan ang nagkalat sa may tabi niya at unti-unti, naglakad ang mga paa ko papunta sa kanya at umupo sa tabing upuan niya na kabaliktaran niya.
Alam kong malungkot siya ngayon dahil papalapit na ang pag alis ni Elle.
Tumingin ako sa kanya at napatingin din siya sa akin sabay ngiti. Napangiti rin ako dahil itong lalaking nasa tabi ko, hindi niya alam, nasasaktan ako dahil sa kanya. Itong lalaking sobrang bait ay may pinapaasang babae ng hindi naman niya alam.
And right there and then, I think he deserves to know. . . PARA MAKUNSENSYA! Hahahahaha!
“John. . .” Tumingin ako sa may harap ko sa may mga building haba siya, nakatingin sa may field para hindi kami magkatitigan. Hindi ganoon kalakas ang boses ko pero alam kong maririnig niya ang pagsasalita ko dahil malapit lang kami sa isa't isa. Kinakabahan na ako ngayon, hindi ko alam… pakiramdam ko kasi, ito na ang tamang oras para sabihin ang lahat sa kanya. “Gusto ko lang sabihin sa'yo to, okay lang kahit huwag ka magreact, hayaan mo muna akong patapusin speech ko, okay?”
“Alam mo ba nung una kitang nakita, nababadtrip ako sa'yo?” Napahinga ako ng malalim. This is it. “Unang pagkakita ko sa'yo noon at nagkatitigan pa tayo, hindi ka na mawala sa isipan ko.”
Shit, nakakahiya! Nakakahiya!
“Nagkacrush ako sa'yo. Hinihintay kita minsan sa cafeteria dahil hindi ko alam kung anong klase mo. Minsan natutuwa ako kapag aksidente kitang nakikita sa school dahil pakiramdam ko, destiny tayo sa isa't isa.” Pero parang hindi naman. “Lalo mo akong napahanga nung nalaman ko opinyon mo sa debate dati sa English subject niyo, sobrang galing mo—na parang pati ako dati, mas pipiliin ko na rin ang taong mahal ko tulad mo. . . na pinili rin ang taong mahal mo.”
Kahit masakit.
Napabuntong hininga ulit ako sabay ngiti dahil napadaan ang ilan kong kaklase sa ibang subject. Napatingin ako ng kaunti kay John pero nakatingin lang siya sa field, sana… sana hindi siya naiilang or huwag sana siyang mag isip ng kahit ano.
Grabe, nakakailang—ang seryoso ko!
“Masaya ako nung naging close tayo at habang tumatagal, lalo akong nagkakagusto sa'yo,” napapangiti ako sa sinasabi ko habang nirereminisce ko ang mga nangyari noon. “Napapakilig mo ako sa mga simpleng bagay na ginagawa mo. Napapangiti ako sa tuwing nagkakatitigan tayo tapos ngingiti ka. Nakukuryente ang pagkatao ko sa tuwing nagkakadapuan ang mga balat natin—kahit 'yung split ends mo, madapo lang sa kamay ko, nakukuryente na ako”
Ang baliw ko, seryoso.
“Pero hindi ko naman sinasabi 'to ngayon para guluhin ka dahil alam kong si Elle ang gusto mo, okay lang na hindi mo ako gusto dahil hindi ko naman na rin hinahangad na maging more than friends tayo,” feeling ko gusto ko umiyak pero feeling ko lang 'yun. “Pero huwag ka mabibigla sa sasabihin ko ah?”
Tinignan ko siya sa peripheral version ko pero hindi pa rin siya umiimik.
“Buntis ako, ikaw ama.”
Pagkasabi ko nun, wala pa rin siyang nireact kaya napasubsub ako sa desk ng upuan ko ngayon dahil sa kahihiyan. Hindi man lang siya tumawa sa joke ko! Nakakainis, galit na ba siya sa akin?! Kahit na nakasubsob ang ulo ko sa may lamesa ng upuan ay sinabi ko pa rin ang gusto kong sabihin.
Pumikit ako, huminga ng malalim sabay sabi, “please wag ka magalit or mailang sa akin kung mahal kita!”
Rinig na rinig ang pagtibok ng puso ko mula sa posisyon kong ito. Pinagpapawisan na rin ang buo kong katawan, nanginginig na rin ang mga kamay ko at pakiramdam ko, nanghihina na rin ang mga tuhod ko. Dumilat ako at iniangat ko ang ulo ko saka ako humarap sa kanya.
“Okay lang naman na friends pa rin tayo, di ba?”
Napatingin siya sa akin at parang kinabahan ako sa tingin niya na seryoso hanggang sa. . .ngumiti siya sa akin.
Napangiti rin ako.
Pakiramdam ko nasa langit ako at nakikilipad sa mga ibon habang nakahiga sa ulap. Ang sarap sa pakiramdam na parang tanggap niya 'yung mga sinasabi ko. Nakakatuwa na kahit umamin na ako, hindi siya naiilang sa akin.
Hindi ko man nasabi kay John lahat, atleast gets niya 'yung point at ngumiti pa siya sa akin as a sign na tinatanggap niya ang friendship na inaalok ko hanggang sa…
Tinanggal niya ang earphone na nakalagay sa tenga niya—na may sobrang lakas na tugtog.
♪ ♫ know this is ridiculous,
that's just like me...
Napatitig ako sa earphone na hawak hawak niya ngayon at napatingin ako sa kabila niyang tenga only to see na may earphone ring nakakabit sa kabila.
♪ ♫ Make the most of living while you're young and have the chance to take your chances...
'Cause I've got to, I've got to go...
Teka, nakakapanlumo.
Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan siya habang unti-unting nawala ang mga ngiti ko, pinagpapawisan ang mukha ko at ito na naman ang puso ko, sasabog na.
Ngumiti ulit siya sabay tanong ng isang tanong na parang gusto ko na lang tumakbo at itapon ang sarili ko sa nearest trashcan to me,
“Ano 'yun, bakit?”
Right there and then, gumuho ang mundo ko pero hindi pa pala natatapos ang lahat dahil sa hindi kalayuan, nakatayo si Enzo na nakatingin sa amin ni John.
Hindi ito ang tamang oras para malaman niya ang sagot pero hindi pa ako nakakakilos, nakita kong ngumiti siya at. . . naglakad palayo.
Ang sakit pala. Ang sakit makasakit. . . at ang sakit masaktan.
CONCLUSION: I therefore conclude, everything will never be alright. . . yet.
---x
Author's Note:
Thanks for reading. Ito na po ang last chapter ng JOA. Yes, I know, nakakagulat na ito na ang last chapter dahil walang iyakang naganap hahahaha! Sabi ko nga, this is just a light story at hindi ito aabot ng 50 chapters, masaya ako na matatapos ko na ito. Salamat dahil hindi niyo ako iniwan. Epilogue will still be posted, marami pang mangyayari doon. . . ata?! :))
Dedicated to chum11 o kay Rio dahil gustong gusto ko 'yung sagot niya sa tanong doon sa prologue, it will be posted sa epilogue para hindi spoiler tapos masaya ako kasi hindi rin siya nang iiwan. Ayun lang, thank you Rio. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top