Ch19: Epic Fail

“SEx tayo?”

Ito ang kauna unahang sinambit ni John pagkalabas na pagkalabas naming tatlo sa classroom. Nagkatinginan kami ni Enzo at napatingin kay John na ngiting ngiti.

“Tayong tatlo?” Tanong ni Enzo sa kanya.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa labas.

“Oo, mas marami, mas enjoy!” Natatawa niyang sabi. Nagkatinginan ulit kami ni Enzo at napakunot pa ang noo ko hanggang sa…

“Aaaahh~ Ang sarap!”

Sabay sabay kaming natapos at siguro ang weird namin dahil may mga nakatingin sa amin at parang nagtataka kung bakit may mga highschoolers na nag iingay dito. Ngitian naman kaming tatlo na para bang first time namin gawin 'to.

  

Actually, first time nga namin 'to.

Ang sarap pala talaga sa feeling kapag first time, feeling ko nakalutang ako sa cloud 9! Plus, nakakatuwang experience in dahil kasama ko ang dalawang lalaking 'to—syempre mas masaya ako kasi si John ang isa sa mga lalaking 'yun.

Ahihihihihi.

“Balik tayo dito ah! Ang sarap ng Sinangag Express!” Sabi ni Enzo habang hinihimas himas ang chan niya. “Teka, CR muna ako”

Tumayo siya at iniwan kaming dalawa ni John. Nagkangitian kami tapos nakafeel ako ng awkwardness.

HUHUHUHU bakit ang awkward?! Kailangan kong alisin 'to!!!

“Uy—“ 

“Ma—" 

Nagkangitian kami at nagtawanan saglit dahil sabay kaming nagsalita. Medyo nag away pa kami kung sinong mauuna pero ayaw niya patalo kaya mauna daw ako.

“Ang sasabihin ko lang naman eh next time dapat libre mo ako with extra rice! Gusto ko kasi matry 'yung tapa nex—“ Napatigil naman ako dahil nailang ako sa titig niya habang nakangiti pa.

Ang awkward pero—syet kinikilig ako! 

Hindi ko na napigilan kaya natawa ako sa sobrang kilig. ANG GWAPO KASI TAPOS PARANG ANG ATTENTIVE NIYA SA MGA SINASABI KO TAPOS PARANG—AAAAHHHHHHHHH SYYEEEETTTT~

“Hahahaha bakit ka ba ganyan makatingin? Ahihihi” Sorry hindi ko talaga mapigilan kilig ko! “Ano na sasabihin mo?” Ngiti kong tanong.

“Ah kasi—“ Naputol ang sasabihin niya nang napatingin siya sa likod ko. Paglingon ko, naglalakad na si Enzo papunta sa amin. “Next time na lang”

Nakangiti siya at ngumiti rin naman ako pero sinamaan ko ang tingin ko kay Enzo.

ISANG MALAKING EPAL!!!

Ayoko nga pumasok, katamad! 

Ito ang text sa akin ni Enzo nung pinipilit ko siyang pumasok. Kakatapos lang kasi ng final exam namin at mag aayos na kami ng school. Last time, Halloween 'yung theme pero ngayon, ano pa nga ba?

 Dahil malapit na ang February, valentines ang theme ng school.

Nakasimangot akong pumasok ng school dahil kahit kelan talaga 'yung kumag na Enzo na 'yun, ang tamad! Epal na nga, tamad pa—ano na lang mangyayari sa buhay niya di ba?! 

Pero akala ko talaga mababadtrip ako the whole day pero hindi, dahil ayan si John, nasa tabi ko.

AHIHIHIHIHIHIHI.

Simula nung parang nabasa ko 'yung note niya sa notebook niya last time nung physics namin, parang lagi na akong kinakabahan kapag naglalapit kami—as in kahit na close na kami, ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.

Pero 'yung kabog ng dibdib ko na 'yun, ang sarap sa pakiramdam.

“Zelle, 'yung sa taas ah!” Tinanguan ko lang 'yung nag utos sa akin at paakyat na sana ako nung parang stairs ba 'yun, wait. Ano nga ba 'yun? Yung akyatan na steel lang siya tapos pang mga carpintero? Ganun!

So ayun nga, paakyat na dapat ako nang…

  

“Ako na d'yan” Paglingon ko, nagwala na naman ang puso ko.

Napatulala ako at parang feeling ko lumulutang ako, sa saya? Siguro nga.

Patagal kasi nang patagal, lalo kong nakikilala si John. Lalo kong nakikita kung sino ba siya, lalo ko siyang nakikilala.

At isa sa mga ugali niya na sobrang turn on:

Gentleman.

“Ah, hindi—“

“Zelle, delikado d'yan. Hawakan mo na lang para hindi gumalaw” Napatango na lang ako ng wala sa oras at siya na ang umakyat dun sa steel  climb/stair whatever kung ano man tawag dun. So ako naman, hinawakan ko na lang 'yung steel. 

Pero pramis ko naman na if ever mahulog siya…

…handa akong saluhin siya.

AHIHIHIHIHI LANDI MO ZELLE OMAYGAHD. 

“Paabot nung pandikit” Kinuha ko naman 'yung pandikit at iniabot sa kanya pero feeling ko nakuryente ako nang biglang magsagi ang balat ko at ang balat niya.

As in parang may “bzzrrtt!”

Napatingin ako sa kanya pero parang hindi niya napansin 'yung kuryente. Napahinga ako ng sobrang lalim dahil nagpipigil pala ako ng hininga.

Ewan ko pero napangiti ako.

  

Kilig pa rin ba 'to, bakit parang iba?

Buong araw lang akong kinikilig—este nag aayos ng mga classroom para sa valentines. Ewan ko ah pero ngayon ko lang narealize na nakakabitter pala 'tong school namin. Naglalagay sila ng pang valentines eh paano naman kaming mga—ehem, love life?!

Makapagreklamo nga! Nakakabitter eh! Hahahahaha. 

“Bakit hindi pumasok si Enzo?” Tanong ni John.

“As usual, tinatamad” Ngumiti siya pagkasabi ko nun. Naglalakad na kasi kami papunta sa sakayan pauwi hanggang sa tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin ng seryoso.

“Oo nga pala, may tanong ako” 

Pagkasabi niya nun, kinabahan agad ako.

“A-Ano?” Magkatitigan lang kami at feeling ko any moment, pwede na akong malusaw.

“Ka—“

 

BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPPP!!!!!!!!!!!

Napatingin kami ni John sa truck na biglang bumisina ng sobrang lakas kaya hindi ko narinig 'yung sinabi niya.

  

“Ano ulit? Ang lakas nung busina eh” Nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya. Napakamot siya sa batok niya at sobrang cute ng gesture niyang 'yun!

“An—“

“Nene tabi!” Napatingin kami ni John sa biglang sumigaw and the next thing I knew, hinila ako ni John pero hindi kami nagkayakapan okay?! Hinila lang niya ako sa braso. SO SAD.

Nagulat naman ako nang matawa si John. 

“Bakit?”

“Wala, mukhang ayaw ako patapusin eh hahaha” Hala, bakit ba ang gwapo tumawa nitong lalaking 'to?!?!?!

“Hindi sige, wala ng eepal. Sabihin mo na...?” Ang epal ko na nga siguro pero sobrang gusto ko na talaga malaman kung anong tatanong niya.

BAKIT BA, HINDI AKO NAG EEXPECT OKAY?!

“Uh ano kasi Zelle, huwag ka mabibigla ah?” Pagkasabi niya nun, nabigla ako! De joke lang pero kinakabahan talaga ako ng todo todo. Eh kasi, parang ngayon lang siya nahiya sa itatanong niya.

Eh what if nagtanong nga siya?

ANONG ISASAGOT KO?

I DO BA AGAD?!

“Kasi Zelle—“

“Uy John!” Napalingon ako sa tumawag kay John at nagdugtong ang dalawa kong kilay. Papunta siya kay John kung sino man siya pero napatingin siya sa akin na parang natakot pa ata dahil masama ang tingin ko sa kanya. “A-ano…” Nakatingin lang siya sa akin na parang nagtataka kung bakit ako nakatingin sa kanya ng masama. 

“PAKSYET KA! HINDI MO BA ALAM NA MAGTATAPAT NA SA AKIN NG EVER LASTING LOVE SI JOHN TAPOS EEPAL KA?!!” Hinawakan ko siya sa kwelyo at ibinato siya papuntang langit.

BUTI NGA SA KANYA. 

Pero syempre, joke lang 'yun. Ngumiti lang ako dun sa lalaking epal kahit ang totoo eh gusto ko na talaga siya ibato palayo sa amin. Pagkaalis nung lalaki, nagkatinginan kami ni John at natawa kami parehas.

“Ang fail!” Sabi niyang natatawa, ako naman, nakitawa pero ang totoo, BITIN NA BITIN NA AKO!

“Ano nga ulit 'yung itatanong mo?” Nakangiti kong sabi.

“Ah ano, nahiya na ako eh. Wag na lang”

Pagkasabi niya nun, gusto ko na lang maglaslas. (///_-)/>

----x
Author's Note:
I will keep updating this as long as alam kong may nagbabasa nito kaya maraming salamat sa mga nagpaparamdam pa rin dito sa story!!! :D

Dedicated to minminlovesss dahil hanggang ngayon, nandito pa rin siya at sinusuportahan sila Zelle, John at Enzo. Hi Jasmine, maraming maraming salamat dahil nandito ka pa rin no matter what happens ahihihi.

PS: Hindi ko na itutuloy 'yung dedication list ko para dito dahil karamihan ng nandun (dahil sinagot nila yung prologue question) ay hindi ko na nakita pa dito. From now on, I'll start to dedicate chapters to my real readers, hindi ko nakikita 'yung mga naglalike kaya sorry about it, sa comments talaga ako tumitingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top