Ch18: Crush Note
Napatitig ako sa comment ni Enzo at parang feeling ko binuhusan ako ng napaka lamig na tubig.
BAKIT GANITO? ALAM KO NAKABLOCK 'TO SA MGA KAIBIGAN KO IN REAL LIFE AH!?!?
Nanginginig akong tinignan ang settings ng post na 'yun at napahinga ako ng sobrang lalim dahil akala ko, mabubunyag na ang sikretong tinatago ko.
Akala mo nautot lang eh.
Napangiti ako sa nakita ko.
Who can view this: Friends except: John A. Tan
Ehem ehem, matalino ata 'to.
At si Enzo? Wala. Snob ko siya.
Lumipas ang ilang araw at normal na ulit ang lahat. Ang abnormal nga lang eh 'yung puso ko dahil sa tuwing nagkakasama kami ni John which is halos everyday eh gusto nang kumawala ng puso ko at kumabit kay John.
Sa ngayon, tambay lang kaming tatlo—Enzo, ako at John sa cafeteria habang hinihintay ang next class hanggang sa wala talaga akong magawa at naiinggit ako kay Enzo sa pag facebook facebook niya sa cellphone niya.
“Pahiram nga!” Kinuha ko agad 'yung cellphone ni Enzo pero bigla niyang hablutin 'yun at muntikan nang mahulog. “Ang damot!!!!”
Binehlatan lang niya ako. Napatingin naman ako kay John, natutulog.
Ang boring! Huhuhuhuhu.
Yumuko na lang ako at nagmumuni-muni hanggang sa kinalabit ako ni Enzo. Tumingin ako sa kanya ng nakasimangot. Damot ng lalaking 'to eh.
“Ito na nga, baka magsuicide ka pa d'yan eh” Napangiti ako bigla nung binigay sa akin ni Enzo 'yung cellphone niya pero hindi pa rin niya binibigay sa akin talaga, hawak pa rin niya. Tinignan ko siya ng masama at tumingin rin naman siya ng masama sa akin.
“Pahiram na…” Nakasimangot kong sabi.
“Huwag na huwag mong ieexit 'yang facebook ah! D'yan ka lang!” Inirapan ko lang siya at nagsimula nang magfacebook sa cellphone niya. Nagtingin lang naman ako ng mga messages at notifications.
Buryong buryo ako dahil sa 21 notifications ko, ito lang ang kinoconsist:
*insert name here* likes your wall post: “happy birthday! :)”
Bakit ba?! Eh sa pag copy paste ng happy birthday na nga lang minsan ginagawa ko sa facebook eh!
*insert name here* commented on his wall post: “tNz pHoUwXsz”
Sorry for the jejemon people sa friendslist ko.
*insert name here* and 7827 others like your status: “Ang cute ko talaga forevs”
Maraming naniniwala. *winks*
*insert name here* added you on CHIX ACADEMY group
And so on and so forth.
Isa lang ang gusto ko dito eh, 'yung inaadd ako sa group na CHIX ACADEMY. Thank God may nakarealize na chicks ako! Hahahaha echos lang.
Agad agad ko naman tinanggal ang sarili kong account sa group na 'yun dahil hindi ko rin magets bakit nauso 'yun, plus 'yung mga free subscribers sa facebook. ANONG MERON? Yayaman ba ako kapag marami akong subscribers? Sikat na ako n'yan?
People these days.
I iz disappoint.
Pero ang nakakalerqui ay yung isang notification na sa una ay hindi ko napansin pero napansin ko na ngayon kaya kinikilig ako.
John A. Tan likes your photo: *insert my profile picture here* 9 hours ago.
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!
“Ahihihihi!” Napatawa ako ng kinikilig dahil sa nakita ko. Napatingin ako kay John, natutulog pa rin!
Ahihihihihihihi!
Nako if I know alam niyang makikita ko 'to kaya siya nagtutulog-tulugan at napatingin naman sa akin si Enzo na nagtataka.
“Problema mo?” Nakataas ang kanang kilay niyang tanong sa akin. Tinignan ko lang siya, pero hindi ko kasi hindi ko mapigilan 'yung kilig ko kaya ngiting ngiti ako pero ang ikinagulat ko ay nung tinignan ni Enzo 'yung screen ng selpon niya.
At sa reaksyon niya.
“Huy ano 'yan?!” Bigla niyang hinablot sa akin 'yung cellphone niya na andun pa 'yung napaka ganda kong mukha sa screen dahil viniew ko 'yung profile picture na nilike ni Enzo.
“Ang OA?!” Tinignan ko siya na parang sinasabi kong ang OA ng reaksyon niya. Napatingin siya sa akin na gulat na gulat tapos tinignan niya 'yung cellphone niya. “Huy ano ba, tinitignan ko picture ko!”
May kung ano siyang ginawa sa cellphone niya at parang nagpindot pindot hanggang sa…
“HAHAHAHAHAHAHAHA!” Nanlaki ang mata ko sa biglang pagtawa ni Enzo na pati si John eh nagising sa pagtawa niya. “Hahahahahahahaha!”
“Anong nangyari d'yan?” Narinig kong tanong ni John. Nagkatinginan kami ni John—wait kinikilig ako—at napatingin kami kay Enzo na tumatawa pa rin.
“Ang fail! Hahahahaha” Napakunot ang noo ko. Ano bang problema nito?! “Oh, ito na” Ibinigay niya sa akin 'yung phone, nasa home ulit siya ng facebook. “Takte, mini heart attack!” Natatawa pa rin niyang sabi.
“Ano ba 'yun?” Nakakainis kasi eh, kitang tinitignan ang napaka gandang kong profile picture tapos kukunin niya agad? ANONG MASAMA SA PAGTINGIN NG SARILING PROFILE PICTURE, HA?!
“Wala ka ng pakielam!” Natatawa niyang sabi.
“Paksyet ka!” Babatuhin ko sana sa kanya 'yung cellphone niya pero biglang nagsalita si John kaya nawala moment namin ni Enzo.
“Tara na, class na”
Uyyy, nagseselos si John. Ahihihihihi.
Nasa class lang kami at tulad ng everyday routine ng klase namin, walang nakikinig. Paano ba naman kasi, sinong matutuwa kung physics ang inaaral namin di ba? Alam mo 'yung feeling na wala kang magets?
Ganito 'yun eh.
“abshihuwatskehli velocity jomahshenauke speed polishaq whajcki over lkaheojske”
Hindi naman sa minamaliit ko 'yung sinasabi ni miss at ang sulat niya pero alam mo 'yun?
Ang nonsense ng datingan.
Mas gugustuhin ko pang magtranslate ng jejemon letter into normal kesa intindihin 'yung physics namin.
Nakatingin lang ako sa teacher namin pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Napatingin ako sa paligid, kaunti lang kami sa klase na 'to kumpara sa ibang class at pansin na pansing bored na ang lahat. May ibang naglalaro—tic tac toe ata nilalaro nung dalawa dun tapos may nagpapasahan ng papel, may nagtetext, may ilang nagdodrawing pero may ilan ding nagsusulat ng notes.
Pagtingin ko sa kaliwa ko, knock out si Enzo.
Ganito kakapal mukha niya, nasa harap ng teacher natutulog at pagtingin ko naman kay John, UY NAGSUSULAT!
“Naks! Kumokopya ng notes!” Lumapit ako sa kanya nang ngiting ngiti at tumingin sa sinusulat niya pero nagulat ako sa reaksyon niya.
“Uy!“ Napasara siya agad ng notebook at gulat na gulat na nakatingin sa akin. Napatingin pa sa amin 'yung ibang kaklase namin na narinig 'yung parang mahinang sigaw niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni John at feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa nakita ko sa note book niya.
Isang drawing ng babae at lalaki na nakangiti sa isa't isa at may label na—
—lle and me
Status update: Dear crush, alam kong crush mo rin ako. Ang babaeng may crush sa'yo, ang crush mo. o(≧∇≦o)
---x
Author's Note:
I know puro kalokohan na lang ang nandito pero kailangan ko lang tapusin 'tong story na 'to para naman malaman kong may katuturan pa rin ang mga pinag gagagawa ko. Thanks sa mga patuloy na nagbabasa at nagkocomments!!! ^_______^
This chapter is dedicated to Humi Gad na isang masokista! De joke lang, isa kasi siya sa mga pumili ng 'mahal ko pero hindi ako mahal' well, that's the typical HumiGad!! Plus, namiss ko na yang babaeng 'yan at nakakawindang ang mga stories n'yan! Hahahaha :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top