Ch17: An awkward experience

“Mahal kita!”

Natulala ako sa sinabi niya. Titig na titig ako sa kanya na feeling ko wala nang ibang tao sa paligid namin although wala naman na talagang tao sa paligid. Tahimik kaming dalawa, nakatitig sa mata ng isa't isa. Wala akong ibang naririnig kundi ang lakas ng kabog ng puso ko pati na rin ang pangilan-ngilang kotse na nagmamadali.

 Walang nakakapagsalita at halos ilang segundo kaming tahimik sa lakas ng buhos ng ulan—ang awkward.

Did he just… confess?

OMAYGAD KINIKILIG AKO—pero bakit, biglaan?

“A—Ano?” Hindi ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob para magtanong, as in nabingi ako pero rinig na rinig ko 'yung malasigaw niyang sinabi.

Napatitig siya sa akin at nanlaki ang mga mata na parang ngayon lang niya narealize ang nasigaw niya kanina. Napansin ko rin na parang nahiya siya, hala ang cute!

“Ay—ano! Ano kasi…” Okay Zelle, kalma! Kunwari hindi ka kinikilig kahit ang totoo eh sasabog ka na any moment. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko, nakakabingi.

“Sa—sa ano, mahal kita” Nanlaki lang ang mata ko at feeling ko mababaliw na ako sa sobrang kaba ko.

Ano ba John, hindi ako makareact!

“Ay ano ba! Sa ano, mahal kita inn! Mag stay tayo sa mahal kita inn!” Napatigil ang paghinga ko sa narinig ko. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at iniharap sa likod ko na may tumambad sa akin na napaka laki na parang sinisigaw ng sign ang nakasulat.

       MAHAL        KITA
DRIVE-INN & RESTAURANT
      --->       --->       --->

Natulala ako sa nakita ko, napatitig ako sa sign na nasa harap ko. Para akong nilulunod sa tubig ng mga 37.45 seconds at parang unti unting gumuho ang mundo ko.

ARAY. OUCH. ANG SAKIT, UMASA AKO! PINAASA AKO NI JOHN!


AKALA KO YUN NA, AKALA KO PWEDE NA! HINDI PALA!! *insert sadness here*

Out of nowhere, tumawa si John sa may likod ko kaya napalingon ako sa kanya at tumingin sa kanya ng medyo masama. Medyo masama lang kasi… pinaasa niya ako eh!

“Hahahaha, ang awkward nun” Medyo tinakpan niya ng kaunti 'yung bibig niya habang nakatingin sa parang lapag habang tumatawa ng kaunti. “Parang nagconfess ako sa'yo. Hahahaha, sorry”

“Hahahaha” I faked a laugh. FAKE. “Oo nga, awkward. Buti na lang hindi ako naniwala, kundi paninindigan mo ang anak ko” Natatawa kong sabi pero ang totoo n'yan eh konti na lang magkocollapse na ako.

“Ha? Paninindigan ang anak?” Nanlalaki ang mga mata niya, NAGPAPAKYOT AMP!

“Syempre, wala ng patumpik tumpik pa no!”

 

“Ang adik mo talaga, Zelle!” Ginulo niya bigla 'yung buhok ko. GALIT AKO SA KANYA pero… kinikilig ako. First time lang ako hawakan ni John sa ulo pati first time lang niya guluhin ang buhok ko.

Omaygahd never ko ng ishashampoo 'to!

“So ano? Palipas muna tayo ng gabi?” without further ado, tumakbo kami papasok ng mapanlinlang na drive-inn. Medyo hindi ko rin gets bakit drive-inn, weird. Pagpasok na pagpasok namin, naweirduhan agad ako sa parang background music.

(play youtube video there--->)

Nagkatinginan kaming dalawa ni John, at parang kinabahan kaming dalawa.

“Welcome sa Mahal Kita Inn sir, ma'am” Tumingin sa amin ang halos lahat ng pares ng mata sa—lobby ba tawag dito

Sa pagbati sa amin nung nandun sa counter, nanlamig agad 'yung mga kamay ko hanggang sa nakarating na kami sa harap ng counter. Nakangiting tumingin sa amin 'yung babae sa counter at parang napakunot siya ng ulo.

“Ilang taon na kayo?” Nagkatinginan kami ni John at parang nag usap ang mga mata namin.

“19 po” Sabay naming sinabi as if 19 na talaga kami. Grabe, 4 years tinanda ko ngayong araw. Akala ko ba si Enzo ang may birthday, bakit ako ang naging 19? Hahahaha.

“Sumunod po kayo sa akin” Pinasunod kami nung parang lalake na inutusan nung babae sa counter. Habang naglalakad kami, may ilang mga tao na nakatingin sa amin.

“Ang babata pa nitong mga 'to oh”

“Mga kabataan talaga ngayon, ang pupusok”

“Kung mahal naman nila isa’t is—“

Nagulat ako dahil bigla akong hinila ni John papasok sa elevator. “Pasensya na dun ah”

“Sa?” Pagtataka ko.

“Akala nung mga tao, tayo” Tinignan ko siya ng may pagtataka sa mukha ko. Hindi ko kasi magets!

“Tayo?”

“Na may relasyon tayo” Nanlaki ang mga mata ko at parang napanganga ako ng kaunti. Feeling ko nag init ang buong mukha ko sa sobrang kahihiyan at…

KILIG OMAYGAHD OMAYGAHD!!!!!! AHIHIHIHI.

Pagdating namin sa room, nagpaalam na sa amin 'yung lalaki at sinara na 'yung pintuan. Maganda 'yung room, kaya lang iisa lang 'yung higaan at ang weird lang dahil panay salamin. Ang vain naman ata ng mga tao dito.

Binuksan ko 'yung tv dahil nakakapagod rin 'yung mga nangyari, tumingin ako sa orasan para malaman 'yung oras. Mag aalas dos na ng madaling araw.

“Papalipas lang tayo ng ulan, para hindi delika—“ Napatigil sa pagsasalita si John. Sabay kaming napatingin sa tv sa sobrang gulat sa narinig namin.

“uck me! Uhhh” Nanlaki ang mata ko pagkakita ko kung ano 'yung nangyayari sa tv. “Aaahh~ Jez—“

“Ohmaygahd!” Natataranta ako sa sobrang gulat sa nakikita at naririnig ko. Agad kong pinatay 'yung tv at parang nanginginig ako. Ang lakas pati ng tibok ng puso ko. Napatingin ako kay John na nakatingin lang sa akin, na parang pati siya nagulat sa mga nangyari.

"aahhh~ oohh~" Napatingin ako sa tv pero nakapatay naman, bakit may naririnig pa rin ako?!

"Sa kabilang kwarto" Nanlaki ang mga mata ko at feeling ko nag iinit na naman ang pisngi ko.

At tulad ng kanina, bigla na lang siyang tumawa at pati ako, natawa rin sa nangyari. “Ang awkward ng madaling araw na 'to”

Natatawa ako kasi feeling ko naging mas kumportable kami ni John sa isa't isa at ang epic fail lang ng mga awkwardness namin.

The rest was history.

Joke. Bale hindi kami natulog, naidlip lang kami at parehas kaming nakaupo sa lapag at nakapatong lang ang mga ulo namin sa kama habang nakaidlip. Pag gising ko nga, may kumot na nakabalot sa katawan ko.

Ang sweet ni John, di ba?

Kumain muna kami at libre niya lahat, bale wala akong ginastos at ang kyot lang niya na bagong gising siya tapos ako tapos alam mo 'yun, para kaming mag asawa! Ahihihihi.

Hinatid na niya ako sa bahay namin ng mga ala sais. Hindi naman ako pinagalitan nila papa dahil tulog pa sila nun at hindi rin naman nila nakita si John. Natulog lang ako buong sabado dahil sa sobrang pagod at sa sobrang daming experience ko with John.

Pwede ko na 'to ilagay sa “memories with John” book ko! Hahahaha joke.

Pagkagising ko, kumain na ako at nagcomputer agad. Pagbukas na pagbukas ko ng facebook, isang status ang bumungad sa akin na nagpangiti sa akin ng husto.

That was an awkward yet fun experience, thank you!  (●´∀`●)

Like agad ang drama ko syempre. Ahihihi. Habang kinikilig, nagstatus naman ako.

Isa sa mga nakakatuwang feeling ‘yung mapagkamalan ng ibang tao na kayo nung crush mo. ♥

At ewan ko kung bakit biglang tumalon ang puso ko panandalian nang mabasa ko ang napaka bilis na reply sa status ko.

Enzo Loren sinong crush?

---x
Author's Note:
Ang tagal ba ng update? Sorry. :( Sinusunod ko pa rin kasi 'yung quota ko at ang tagal mangyari nung quota <///3 But anyways, sa mga taong nananatili sa pagbabasa nitong story nila Zelle, THANK YOU! Lalo na sa mga comments niyo, sobraaang thank you! :">

Dedicated to mercy_jhigz dahil sinagutan niya ang tanong sa prologue. Hi Lenlen, salamat sa pagsagot sa prologue! Cheers! \:D/ 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top