10: Between Work and Something Else

J A D E
present

"Aneurysm."

Iyon lang ang paliwanag sa amin ng medical examiner tungkol sa naging sanhi ng pagkawala ni Ruby.

Tugma rin naman 'yon sa death certificate niya na Subarachnoid Hemorrhage ang nakalagay na immediate cause, due to (or as a consequence of) Ruptured Cerebral Aneurysm.

Walang sintomas. Bigla na lang nangyari. Kaya walang mapaglagyan ang hinagpis ng mga magulang ko dahil sa pagkawala ni Ruby.

Kaya ko namang bayaran ang lahat ng gastos sa punerya at sa lamay. Pero hindi na ako nagulat nang malamang pinaasikaso na ni Darwin ang lahat ng 'yon. Gano'n naman kasi talaga ang ginagawa niya sa tuwing may empleyado na nawawalan ng mahal sa buhay.

"My condolences," mahina niyang bati sa magulang ko no'ng unang araw na bumisita siya.

Siguro ay nasa kalahating oras din sila na magkakausap, pero hindi ko na alam kung anong pinagduskusyonan nila dahil ako ang abalang nag-asikaso sa iba pang mga bisita.

"How are you?" pangungumusta niya naman sa akin nang pansamantalang umalis sila Mama para batiin ang Kapitan ng Barangay namin na pumunta rin para makiramay.

"Ayos lang," sagot ko. "Pagkalibing ni Ruby, babalik na rin ako."

"No, you're not. You're staying," mabilis na kontra niya.

"Wala naman akong gagawin dito," paliwanag ko.

"Be with your family, Jade," determinadong sagot ni Darwin. "That is an order."

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod na lang. Mabuti na rin siguro 'yon para maalalayan ko sila Mama kahit papaano.

Subject: Payment Confirmation – Vito's Prime Steak & Bar

Dear Mr. Romero,

This is to confirm that a payment has been successfully made using your credit card ending in 0025.

Napakunot ang noo ko sa email notification na pumasok sa personal inbox ni Darwin. It's 01:45 in the morning. Anong ginagawa niya sa labas?

Ch-in-eck ko ang location niya at nakitang wala nga siya sa condo niya.

Current location detected:
The Residences at Greenbelt

What is he doing? Wala naman siyang nasabi sa akin na meeting with an investor.

I almost texted him to ask where he was, but I was quick to stop myself.

I am still on leave. At ayaw na ayaw ni Darwin kapag nagtatrabaho pa rin kami kapag gano'n.

Every morning, he stopped by the funeral home. And every night, after dinner at some upscale restaurant, he'd end up in the same condo for a few hours, before finally returning to his own place.

What is he doing in The Residences at Greenbelt? I could not help but worry.

After almost an entire week of wondering, nasagot na rin sa wakas ang katanungang 'yon sa isip ko nang isama ako nila Denver at Mads para magpaalam kay Darwin sa airport.

I knew who she was as soon as I saw her.

Therese Atienza. Only daughter of Emilio Atienza and Margaret Punzalan, both prominent board members of the Romero Group of Companies.

College blockmate.

Not a friend. An acquaintance.

Sandaling nagtama ang mga mata namin ni Mads . . . pareho ang iniisip.

Nang makaalis na si Darwin ay inihatid muna namin si Therese sa sasakyang minamaneho ni Kuya Lino na nakaparada lang sa basement ng airport. Doon kasi siya ibinilin ni Darwin.

"Uhm, bye! Nice meeting you, guys!" paalam niya.

Nakipagbeso namang muli 'yong dalawa sa kaniya.

Out of all the girls he dated, Therese looked the most expensive. Siguro dahil literal na expensive naman siya talaga, growing up in a wealthy family. Kutis niya pa lang ay halatang babad na sa aircon.

Nang makasakay na kami sa kotse ni Denver ay wala ni isa sa amin ang nagsalita. Tahimik lang naming binaybay ang ruta pauwi. Nakatulog na rin kasi si Patrick at himbing na natutulog sa car seat.

Tantsa ko ay nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang hindi na mapigilan ni Denver ang sarili. "Tangina, sorry, kilala niyo ba 'yon?" tanong niya. At alam kong hindi lang si Mads ang kinakausap niya, kung hindi pati na rin ako.

My loyalty is to Darwin, not to him. Wala namang binilin sa akin si Darwin na kung ano tungkol kay Therese. In fact, not once did we even discuss her. Still, I knew not to say anything that could be misinterpreted later — not to confirm, not to deny, not to even give her name more weight than it already had.

"Huwag ka sabing magmura kapag nandito si Patrick," mabilis na suway ni Mads. "Pero tulog naman siya, so okay. Oh, my gosh! Finally!!!" Dumiretso siya ng upo at tila biglang nabuhayan.

Sa reaksyon pa lang niya ay kumpirmadong kanina pa niyang gustong pag-usapan 'yon. Siguro ay pinigilan niya lang ang sarili dahil baka isipin ni Denver na interesado pa rin siya sa personal na buhay ng kapatid nito.

Tiningnan ako ni Denver sa rearview mirror. "Is she with my brother?" interesado at nakangiting tanong niya.

Umiling ako. "Wala siyang nabanggit sa akin."

At totoo naman 'yon.

But seeing him kiss her goodbye at the airport, siguro nga ay sila na.

Darwin is not one to play around.

"Therese Lim. Therese Santos. Therese Atienza. Therese Manalansan. Sino kaya siya rito? Puro naka-lock ang profile!" himutok naman ni Mads sa passenger seat.

"Atienza." Si Denver ang sumagot na tila ba may naalala. "Iyong Therese Atienza yata, parang pamilyar. Check mo nga sa LinkedIn ko, mhie. Parang mutuals kami ro'n."

Hanggang sa LinkedIn ay umabot na sila. Gusto kong matawa sa kanilang dalawa at kung paano sila nagti-team up para mahanap 'yong girlfriend ni Darwin.

Girlfriend ni Darwin . . .

Parang hindi ako sanay. Matagal na kasi mula no'ng naghiwalay sila ni Miss Belle at siya na 'yong huling karelasyon ni Darwin na nakilala ko. Hindi ko rin naman puwedeng i-count si Mads dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman opisyal na naging sila.

Tumunog ang cellphone ko at agad kong binuksan 'yon. May naka-assign na kasing ringtone sa akin kapag si Darwin ang tumatawag o kaya ay nagme-message.

FROM: Darwin
MESSAGE:  My plane's leaving. I'm OOR until I land.

Nagtitipa pa lang ako ng isasagot sa kaniya nang muli siyang mag-send ng kasunod na text.

FROM: Darwin
MESSAGE: Please check on Therese. Make sure she gets home safely.

Ilang ulit ko 'yong binasa. Ito ang unang beses na inutusan ako ni Darwin nang may kinalaman sa personal niyang pangangailangan.

Back when it was Belle and Mads, he did everything for them himself.

Siguro kasi ngayon, hindi tulad noon, ay nasa Australia siya at naiwan naman dito sa Pilipinas si Therese.

Hindi na rin ako nagtaka na alam niyang kilala ko si Therese. I know everyone and almost everything about him.

FROM: Darwin
MESSAGE: Thanks, Jade. I know I can count on you.

I stared at his message for a long time.

It should be simple. A routine instruction. Something I've done a hundred times before without thinking twice.

But it wasn't.

Because this time, it wasn't about schedules or work or anything that fit neatly into the boundaries we've always operated in.

I replied to his message while letting out a soft sigh.

Then I did what I've always done . . .

I followed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top