Chapter55: Text Conversations
Inside Feelings...
Chapter55: Text Conversations
Tumulo ang luha ko nang marinig ko ang tunog na pumuputol sa linya ng tawag naming dalawa ni Ginno bago ko pa masabi sa kanya ang mga salitang,
"Mahal kita."
Yes. I said it. Hindi nga lang niya narinig dahil naputol na ang linya ng tawag namin. A minute later, may dumating na text galing sa kanya.
From: Bubble'Ginno
Naubos na yung pantawag ko eh. Sorry. :D See you tomorrow. Punta ako dyan. Good night. Tulog na. :*
Hindi ko na siya nireplyan at ibinaba ko nalang ang phone ko sa kama at pumikit para matulog.
If only I have the guts to say how I really feel for you.
--x
10:30am na akong nagising dahil almost 4am na ako nakatulog. Hindi rin sumapat ang itinulog ko dahil kahit hanggang ngayon, hindi ko kayang bumangon.
"Kanina pa kita ginigising," sabi ni Tatay. "May bisita ka."
Napamulat ako ng mata nang marinig ko si Tatay. Bisita? Ganito kaaga? Ay. . . tanghali na nga pala.
"Sino?" tanong ko habang bumababa sa higaan ko.
"'Yung best friend mo," sagot ni Tatay.
"Si Celine?" kunot-noo kong tanong. Hindi eh. Natutulog pa 'yun. Panigurado.
"Hindi. 'Yung isa. Si Ginno,"
Ginno? I didn't expect na umaga siya pupunta. Akala ko kasi, hapon or gabi tulad ng nakagawian.
"Pero hindi kami magbest friend," sabi ko.
"Weh? Eh bakit mas madalas pa siya pumunta dito kesa kay Celine? Baka naman manliligaw mo? Or boyfriend? Ayie." sabad ni Ate.
Inirapan ko lang siya bago nagpaalam na maliligo at magbibihis na ako. Sinabi rin ni Tatay na kanina pa daw si Ginno dito. Si Nanay naman, nagluluto ng lunch namin.
Nang matapos na akong maligo at magbihis, lumabas na ako. Nakita ko naman si Ginno na kasama si Tatay. Nanonood ng TV. Bigla akong kinabahan. Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?
Pumikit ako ng mariin at bumuntong-hininga bago ko hinarap si Ginno.
"Bubble," tawag ko.
Lumingon naman siya at ngumiti sa akin. Tinapik niya 'yung cleo patra na mahabang upuan at sinabing umupo ako doon. And so I did.
"Dito ako maglu-lunch," sabi niya.
Halata naman. Almost 11:00am na kaya.
"Wala ka nang makain sa inyo?" tanong ko sa lalaking nasa tabi ko at nanonood ng TV.
"Marami."
K. Nasa TV parin atensiyon niya. Basketball pinapanood eh.
Ilang sandali pa ay nakaluto na daw si Nanay. Naghain na siya sa dining area ng pagkain at kami naman, syempre. Eat wild. De, joke. Eat well.
Matapos kaming kumain, nagkwentuhan pa kami sa bahay ng ilang oras pa bago ako niyayang lumabas ni Ginno. Nainip? Hindi. Nagutom na naman. Nakaakbay siya sakin na parang mag-tropa habang naglalakad papuntang McDo. Libre niya.
"Hindi ka man lang nga nagpaalam eh," sabi niya pa.
Nagkwe-kwentuhan kasi kami about sa Prom kagabi. Nagtatampo daw siya dahil bigla daw akong nawala. Hindi man lang niya daw ako naisayaw. Sus. If I know, isang tao lang ang gusto niyang isayaw...
...at masakit para sa akin 'yon. . .sobra.
Nakarating kami sa McDo at tuwang-tuwa ako dahil tinotoo niya ang pangloloko ko na ilibre niya ako.
"Large Fries. Monster McFloat. Burger. Sundae. Thank you." sabi ko nang itanong niya kung ano ang gusto ko.
Para namang hindi siya makapaniwala nang marinig ang mga sinabi ko kaya ngumuso nalang ako at pinalitan.
"Joke. Medium Fries, regular McFloat at burger nalang." sabi ko at nangalumbaba.
Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko bago pumila sa order-an. Nahagip naman ng mata ko ang cellphone niya. Naiwan? Tatawagin ko sana siya para sabihin na nasa akin ang phone niya kaso may nakita akong unread messages. Tatlo. Puro kay Jena.
Tumingin ulit ako kay Ginno at nakita kong nakatuon lang ang atensiyon niya sa pagpila niya kaya kahit alam kong bawal 'tong gagawin ko, at alam kong masamang mangialam ng gamit, binuksan at binasa ko parin ang messages na 'yon galing kay Jenna. Nagulat pa ako nang makitang may heart ang contact name niya.
From: Jenna <3
..di kna nagteteks.
From: Jenna <3
..busy kb?
From: Jenna <3
..ah, cgur0 mgksma na nmn kau ni Mirah. Cge, enj0y. :(
Nagulat ako sa mga nabasa ko kahit na alam kong walang dapat ikagulat. Sa sobrang curious ko, binalikan ko mga old conversation nila at napanganga ako matapos kong mabasa ito:
From: Jenna <3
..alm mu bng crush kta?
Alam kong posible 'yun. Pero ang lalo pang nakapagpalaglag ng panga ko ay:
To: Jenna <3
Hindi. Alam mo rin bang crush kita?
Hindi nabanggit sa akin 'to ni Ginno. 'Yung text nila na 'to ay 2 days before the prom. Binasa ko pa ang mga sumunod na texts.
Jenna:
..true?
Ginno: Yep. :)
Jenna:
..kung gnun, panu na c Mirah? Panu qng msktan cia?
Ginno:
Hindi niya naman kailangang masaktan dahil una sa lahat, magkaibigan lang kami. At pangalawa, magkaibigan lang tayo. :))
Jenna: ..aa, ok. :)
Muntik na akong matawa sa nabasa ko. Nagbasa pa ako ng nagbasa hanggang sa umabot na ako sa conversations nila kagabi, after ng Prom. 2am eh.
Ginno:
Salamat kasi sinamahan mo ako kanina.
Jenna:
..wla un. Ikw pa? Alm mu nmng crush kta e. ;)
Ginno:
Thanks talaga. :)
Jenna:
..wla un. Pwd b taung mgkta tom?
Ginno:
Sorry. Balak ko pumunta sa bahay nila Almirah eh.
Jenna:
..klala ka ng prnts nia?
Ginno:
Oo.
Jenna:
..aww, pra kaung mgjowa. Nkkpgselos nmn. :(
Ginno:
Maraming nagsasabi. Pero magkaibigan lang talaga kami. Wag ka na magselos. Ikaw lang ang crush ko. :*
Napatigil ako sa pagbabasa. Bakit... bakit kailangang ipagdiinan na magkaibigan lang talaga kami? Alam kong 'yun lang ang meron kami. Pero bakit... bakit nage-expect ako ng more than that? Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa at pakiramdam ko, nabuhusan ako ng malamig na tubig sa nabasa kong text nila bago sila matulog. 4:30am.
Jenna:
..selos na selos na aq. :(
Ginno:
Haha. Wag ka na sabi magselos. Ikaw lang ang mahal ko. :)
Jenna: ..mhal mu aq?
Ginno:
Oo. Dati pa. :')
Jenna:
..sbhin mu nga ult?
Ginno:
Sabi ko, mahal kita. Mahal kita, Jenna Domingo. Iloveyou. :'*
Jenna:
..aww. Klig nmn aq. I love you 2. :'*
Ginno:
Tayo na ba? :)
Jenna:
..mnlgaw ka mna. :p
Hindi ko namalayang umaagos na pala ang luha ko dahil sa mga nababasa ko.
Bakit. . .bakit hindi nasabi ni Ginno sakin ang tungkol kay Jenna?
Kaya ba. . .kaya ba ang sweet nila nung nag-iinuman kami noon?
Kaya ba. . .kaya ba palagi silang magkausap?
Kaya ba. . .kaya ba minsan, parang wala nalang sa kanya ang tungkol kay Felice?
Dahil may Jenna na siya?
Okay lang naman eh. Okay lang talaga. Pero bakit. . .bakit hindi niya sinabi sakin? Bakit siya naglihim?
"Chewie, eto na ang or--"
Napatigil siya sa pagsasalita nang bigla akong yumuko at halos pumasok na sa ilalim ng lamesa.
"Chewie? Anong ginagawa mo dyan?" tanong niya.
"W-wala. N-nalaglag kasi 'yung ano. . .c-cellphone ko," sabi ko.
Pero 'yung totoo, pinupunasan ko lang ang luha ko. Pero ayaw talagang tumigil sa pagtulo ang mga luha ko eh. Bakit. . .bakit sobrang sakit para sakin? Alam kong wala akong karapatan na masaktan. Magkaibigan lang naman kami, 'di ba?
Pero bakit kahit wala akong karapatan na maramdaman ang lahat ng ito. . .bakit nararamdaman ko parin?
Nang maramdaman kong hindi ito titigil sa pagtulo kaagad, yumuko ako para matago ng bangs ko ang mukha ko at nagpaalam.
"A-ano, CR."
'Yan nalang ang nasabi ko bago ako tumakbo papunta ng CR. Pumasok kaagad ako sa isang cubicle at doon, ibinuhos lahat ng luha ko.
I was supposed to tell him about what I feel for him. Pero bigla kong naalala, may sasabihin nga rin pala siya sakin. Ito ba 'yun? Na naka-move on na siya kay Felice?
Kung totoo ngang naka-move on na siya kay Felice, I'm happy for him. Dahil 'yun din ang gusto ko. Pero kung sasabihin niyang si Jena ang dahilan ng pagmu-move on niya, I don't think magiging masaya ako.
Nang matanggal ko na lahat ng bahid ng pag-iyak ko, lumabas na ako ng CR at ready na ulit harapin si Ginno. Nang umupo ako sa harap niya, sinumangutan niya ako.
"Umiyak ka,"
Nanlaki naman ang mata ko doon sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Nakita niya ba ako? Pero. . .anong sasabihin ko? Anong sasabihin kong dahilan kung bakit ako umiyak? Hindi kaya, ito na talaga ang tamang panahon para malaman niya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya?
______
Author's Note:
Okay. Given nang late na naman ang update ko. Sorry. Writer's Block and busy sa school. I am so sorry for the very very long wait. :(
Last 5 Chapters plus Epilogue. Malapit na siyang matapos. Yehey! :D Thanks for waiting, guysxzi. <3 <3 <3
-MarisolMariano ♥
(@MarissRocks_)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top