Chapter50: The Missing Batman
Chapter50: The Missing Batman
"Lagi kang nagdaraan, at laging inaabangan. Humahanap ng paraan, upang abutan sa daan. Sa kaway nagsimula, at sa iyo'y natulala. Buhay ko'y binago mo. Lahat sila'y tinalo mo..."
"Ano ba 'yang tinutugtog mo?"
Tumutugtog ulit ako ng gitara ngayon dahil 12-2 ang vacant namin. Tapos na rin kaming maglunch. Kasama ko si Ginno. 'Yung gitarang gamit ko, kay Benjie ito. Hiniram ko lang tutal napa-palitan na naman niya ng string 'yung naputol ko dati pa. Nasa likod kami ng classroom namin. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Awit para kay Raquel by Soulstitch." sagot ko.
Ipinagpatuloy ko na ulit ang pagtugtog at pagkanta.
"Simbaha'y laging tagpuan. Doon laging tinitingnan. Nang makausap sa gabi, halos nasasabi. Ngayon na ba magkakalayo, damdami'y 'di maglalaho. 'Di man tayo magkita, laging mag-ingat ka..."
"Awit para kay Raquel? Hindi ba Awit para kay Ginno?"
"Pagka't minamahal kita..." saktong nasabi ko nang sabihin niya ang pangalan niya.
Na-feel ko ang awkwardness sa pagitang naming dalawa kaya medyo nawalan ako ng focus sa pagtugtog. Tumigil muna ako at tumingin sa kanya ng masama, pero 'yung pabiro lang. Ngumiti siya.
"Ituloy mo." sabi niya.
Ngumiti ako at kinalabit ulit ang gitara. Tumingin ako sa gitara at doon itinuon ang pansin ko. Ang awkward kasi para sakin na tumutugtog habang nakatingin sa kanya. Parang hinaharana ko siya. Amp. Siya naman, mataimtim na nakikinig sakin.
"Pagmamahal dito na ba matatapos? Oh, eto na nga ba? Ngayon na nga ba? Ang panahon na tayo'y magkasama, kaibigan lang ba? Minahal mo rin ba ako?" pagkanta ko sa chorus ng kanta.
Tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong nakatitig pala siya sakin habang tumutugtog ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagtipa ng gitara.
"Ayoko niyan."
Napatigil ako sa pagtipa nang marinig ko siyang magsalita, kasabay non ay ang paghawak niya sa kamay ko, para pigilan ako sa pagtugtog. Napatingin ako sa kamay kong hawak niya. Maya-maya ay binitawan na niya ito.
"Wala bang ibang kanta na pwedeng tugtugin? Parang ang sakit ng meaning ng kanta na tinutugtog mo eh. Gusto ko 'yung maganda." request niya.
Ngumiti naman ako sa kanya at sinimulan na ang pagtipa ng gitara. Nakatingin ulit ako ngayon sa gitara. Plucking kasi 'yung tutugtugin ko, eh hindi ko naman gaanong kabisado 'to.
"Ilang beses nang nag-away. Hanggang sa magkasakitan, hindi na alam ang pinagmulan..."
Tumingin ako sa kanya matapos kong kantahin ang hulin linya na 'yun, at nakita kong nakangiti siya habang nakikinig sakin. Nakatingin lang rin siya sa gitara ko.
"Pati maliliit na bagay, na napag-uusapan, bigla nalang pinag-aawayan. Ngunit kahit na ganito, madalas na 'di tayo magkasundo, ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko..."
Napangiti ako ng marinig ko na kinanta ni Ginno ang huling linya gamit ang mahinang boses.
"Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano, ikaw parin ang gusto ko. Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa, nasusugatan mo. Ikaw parin, walang iba. Ang gusto kong makasama. Walang iba."
Sabay na naming kinanta ni Ginno ang chorus ng kanta. Napatingin tuloy ako sa kanya at nagtama ang paningin namin. Feeling ko naman, namagnet ng mata niya ang mga mata ko. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na rin tuloy alam kung tamang strings na ba ang nakakalabit ko dahil hindi ko naman 'to kabisado.
“Ano ba ‘yan. Naiinlove na tuloy ako sayo.” sabi niya matapos kong tugtugin ang unang chorus.
Napatigil naman ako sa pagtipa nang marinig ko siyang magsalita matapos naming kantahin ng sabay ang chorus. Gusto ko sanang itanong ulit kung ano ‘yung sinabi niya. Kunwari hindi ko narinig, pero…
"Ayieeee~ sobrang cheesy!!!" sigawan ng mga kaklase ko na nakasilip pala sa bintana ng classroom namin.
… may umextra na naman.
Napatingin tuloy kami doon ni Ginno. Natawa nalang kaming dalawa dahil sa kanila. Ewan ko ba. Hindi na ako naaasar. Oo. Kinikilig ako sa tuwing ginagawa nila 'yun. Pero syempre, hindi ko naman pwedeng ipakita. Tsaka nasanay na rin ako. Sa araw-araw ba naman na 'yun, hindi pa ba ako masasanay?
"Umattend ka ng JS Prom sa isang araw, ah?"
Napatingin ako kay Ginno na nagsalita. Actually, ang late na ng JS namin. Sa February 24, 2012 pa 'yun. February 22 na. Karamihan sa mga school dito, tapos na ang JS. Kami sa 24 pa. Pero okay lang naman sakin 'yun. Walang problema dahil wala naman akong pakialam. Wala sa plano ko ang umattend sa ganyang klaseng party. Hindi ko hilig eh. Hindi kasi ganyang klase ng event ang bagay sa katulad ko.
"Ayoko."
"Bakit?"
"Hindi ako bagay 'dun." paliwanag ko. Isinandal ko na sa stem ng puno ang gitara at nangalumbaba.
"Bakit mo naman nasabi 'yan? Para nga sa lahat 'yun eh. Sige na. Umattend ka na."
"Aish. Ayoko nga. Wala akong hilig sa party. Magbubutas lang ako ng bangko 'dun." sabi ko pa.
"Sus. Eh ano naman? Sige na kasi. Umattend ka na. Nandoon naman ako eh. Hindi naman kita iiwanan mag-isa dun eh. Please?" pamimilit niya.
Feeling ko, bibigay ako nung narinig ko 'yung 'please' niya.
"A-Ahh. E-Eh, a-ayoko talaga. Sorry." sabi ko at pinatong na ang ulo ko sa tuhod ko habang yakap yakap ko ang mga binti ko.
Mga ilang sandali pa ay hindi ko na ulit siya narinig na magsalita. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakayakap ang mga braso niya sa binti habang seryosong nakatingin sa kawalan. Napataas naman ang kaliwang kilay ko 'dun. Ang seryoso eh. Pero napangiti nalang rin ako after nun at ibinalik ang pagkakapatong ng ulo ko sa tuhod ko.
--x
Kinabukasan, umuwi ako ng lunchbreak dahil naiwan ko 'yung libro na gagamitin naming ngayong afternoon class. Halos kakapasok ko palang sa loob ng gate ng school namin nang may napansin akong kulang sakin, lalo na nung nahawakan ko 'yung bulsa ng jogging pants ko.
Napakunot ako. Hinalughog ko pa ang bulsa ko para malaman kung ano 'yung nawawala sakin.
"Ano ba 'yun?" mahina kong sabi sa sarili ko.
"Uy, girl. Patext nga. Nag-cut na unli ko eh."
Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa bench, kausap 'yung kaibigan niya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano 'yung nawawala sakin.
Fudge! 'Yung cellphone ko, nasaan?! Kanina ko pa hindi napapansin 'yun ah? Kanina sa bahay, hindi ko rin napansin na nasa bulsa ko 'yun! Feeling ko, kanina pa siya nawawala! Pero baka nasa bag ko lang. Naupo muna ako sa bench at 'yung bag ko naman ang hinalughog. Hindi pwedeng mawala 'yun. Bigay sakin 'yun ng Tatay ko! Nangingilid na ang luha ko. Pinipigilan ko lang.
Nang hindi ko makita sa bag ko 'yung cellphone ko, pumunta ako sa gurd at kinausap ito.
"Kuya Guard, pwede bang lumabas muna ako? 'Yung cellphone ko kasi nawawala eh. Nalaglag po yata sa tricycle na sinakyan ko kanina nung pauwi ako. Titingnan ko lang po sa pilahan ng tricycle kung nandun pa 'yung driver." nangingilid ang luha kong sabi.
"Ay, ganun ba? Osige." sabi nito at binuksan ang gate ng school namin.
Nang makalabas ako, mabilis akong tumakbo papunta sa mga nagtatawag ng pasahero para itanong kung natatandaan niya pa 'yung mukha at tricycle ng sinakyan ko kanina. Ako kasi, hindi.
"Manong, nakita niyo po ba 'yung tricycle na sinakyan ko kanina nung pauwi ako? Nalaglag po kasi 'yung cellphone ko doon eh." pagpapaliwanag ko.
"Ay, hindi Miss eh. Maraming pasahero ang sumakay at marami ring tricycle ang nakapila dito kaya imposibleng matandaan ko pa siya." paliwanag niya.
Nanlambot ako nang marinig ko ang mga sinabi niya. Hindi nalang ako sumagot. Tumakbo na ako papunta sa pilahan ng tricycle. Tiningnan ko 'yung mga tricycle na nandoon at pinilit na tandaan ang itsura ng tricycle at ng driver. Nakarating na ako sa dulo ng pilahan, pero hindi ko natandaan 'yung itsura ng tricycle at ng driver.
Sa huli, sumuko na rin ako. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko na mabilis ko namang pinigilan. Pumasok na ulit ako sa loob ng campus para pumasok sa klase.
"Ano? Nahanap mo ba?" tanong ni Kuya Guard.
"Hindi po." umiiyak kong sabi.
Nakayuko lang ako at umiiyak habang naglalakad papunta sa classroom ng TLE subject namin. Maya-maya, may humarang sa dinadaanan ko. Hindi ko na pinansin kaya lumiko nalang ako. Pero humarang ulit siya. Iniangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino 'yung humaharang sa daanan kong 'yun.
"G-Ginno..." sabi ko sa nakangiting tao na nasa harap ko. Pero nawala ang ngiti niya nang makita niya akong umiiyak.
"Chewie? Bakit ka umiiyak? Sinong nagpaiyak sayo?" sabi niya.
Ngumiti lang ako sa kanya at umiling.
"Wala. Nawawala kasi 'yung cellphone ko eh. 'Yung binigay sakin ni Tatay." sabi ko at pinunasan na parang bata ang mga luha ko gamit ang kamay ko.
"Alin? 'Yung may sticker na batman sa likod?" tanong niya. Tumango ako.
Ngumiti naman siya bago lumapit sakin at inakbayan ako tsaka kami naglakad ng sabay papunta sa klase namin. Then, I felt my heart is beating abnormally again.
"Wag ka ng mag-alala. Si batman lang 'yun, ano ka ba? Wag ka ng mag-alala. Si batman 'yun kaya babalik din siya sayo."
Napangiti ako sa sinabi niya. Siya lang naman ang tumatawag ng batman sa cellphone ko eh. Siya lang rin ang may kayang magpangiti sakin every time na umiiyak ako.
"Tama 'yan. Ngumiti ka lang. Ayaw kong nakikita na umiiyak ang Chewie ko. Naiinis ako. Ngiti ka lang palagi, ah?" sabi niya. Tumango naman ako sa kanya.
"Sabay na rin tayong umuwi. Haha!" dagdag niya pa. Napangiti na naman ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top