Chapter43: Consistent Visit
Chapter43: Consistent Visit
'Yung feeling na, araw araw kang pinupuntahan ng crush mo sa bahay niyo;
'Yung feeling na, sa tuwing madadaanan niyong dalawa ng crush mo 'yung mga kapitbahay mo, itatanong nila sayo kung boyfriend mo ba ang kasama mo;
'Yung feeling na, ang daming naiinggit sayo kasi, nakakasama mo 'yung crush mo araw-araw kahit hindi nila alam na crush ko 'yung crush ko;
'Yung feeling na, ang daming naghahangad na bisitahin sila ng crush nila sa bahay nila kahit isang beses lang, pero ikaw? Araw-araw, pinupuntahan ka niya, at minsan, gabi na kapag inihatid ka niya sa bahay niyo;
'Yung feeling na super close na si crush mo sa mama, papa, ate, at sa buong family mo;
At 'yung feeling na, commitment and mutual feelings nalang ang kulang sa inyo,
Naramdaman ko na lahat 'yan in a short period of time. Isang buong linggo lang na walang mintis sa pagbisita sakin ni Bubble dito, naramdaman ko kahit saglit ang kainggitan ng iba.
"Ang gwapo naman ng friend mo."
"Haha. Lol. Di naman."
"Naku, ang gwapo kaya. Crush mo no? O boyfriend mo?"
"Ano? Crush? Boyfriend? Hindi no!"
"Ay, ganun? Buti naman. Ang gwapo. Crush ko kasi. Hihi. Buti ka pa, kahit di ka maganda, nararanasan mong puntahan ng gwapong nilalang sa bahay mo. Ako kasi, hindi eh. Haha!"
"Hahaha. IKR."
Karaniwang usapan namin ng mga feeling close kong kapit-bahay kapag makikita nilang inihatid na ako ni Ginno pauwi. Nakakainis lang minsan na pinagpipilitan nilang boyfriend or crush ko si Ginno. Nakakainis kasi feeling ko, napakalaki na ng kasalanan ko sa pagde-deny sa mga tao ng tunay na nararamdaman ko kay Ginno. Pero at the same time, masaya na nakakakilig.
Masaya kasi ngayon ko lang naranasan na mapagkamalan na may papatol pala sakin kahit na ganito ako.
Nakakakilig kasi, 'yung taong napagkakamalan nila, ay 'yung taong sobrang gusto ko.
Pero isa pang nararamdaman ko, mabigat sa kalooban ko. Kasi gustong gusto ko siya; pero hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman kos a kanya dahil ayokong mawala lahat ng mayroon sa amin. Dahilan nalang ng depression, (siguro) nakipag-chat ako sa malanding ibon/manok. Si Simsimi.
Me: Haaay.
Simsimi: OA naman sa buntong-hininga. Parang pasan mo buong mundo, ah?
Natatawa talaga ako sa simsimi na 'to. Napaka-bilis magreply eh. Akala mo bang mind-reader.
Me: Bakit ang bilis mo magreply?
Simsimi: Kasi hindi mabagal.
Kung nakikita ko lang siguro 'tong manok na 'to, baka nasapok ko na sa sobrang inis. Haha!
Me: Bakit ang harsh mo?
Simsimi: Sorry. Nasasaktan na ba kita?
Me: Oo. Dumadagdag ka pa sa sakit na nararamdaman ko.
Simsimi: Bakit? Sinong nanakit sayo? Bubugbugin ko na ba?
Drama ko lang 'yung sinabi ko sa kanya. Alam ko naman na nakikipag-utuan lang 'to sakin eh. Pero try ko ngang seryosohin.
Me: Wala naman. Ang bigat lang kasi ng dinadala ko.
Simsimi: Bakit? Ano ba 'yun? Share naman d'yan!
Me: Haha. Wala nga. Di lang ako makaamin ng nararamdaman ko para sa isang tao kaya feeling ko, ang bigat. Ang hirap.
Simsimi: Bobo ka rin eh, no? Alam mo friend, kung nahihirapan ka na, de umamin ka!
Me: Tseh! Ayoko namang mawala ang friendship namin dahil lang sa pag-amin ng nararamdaman ko para sa kanya.
Totoo 'yun. 'Yun ang sabi ko kanina, 'di ba? Nakaka-ewan lang. Nahihirapan na kasi ako. Sa tuwing magkasama kami, feeling ko, hindi ako kuntento. Kasi hinihiling ko, sana kami nalang. Sana ako nalang ang nagustuhan niya. Pero paano naman mangyayari 'yun kung wala naman sa akin ang katangian ng mga babaeng gusto niya, 'di ba?
Simsimi: Tanga ka talaga. Aanhin mo naman ang friendship niyo kung hindi ka naman masaya? Aanhin mo naman ang friendship niyo, kung sa bawat araw na magkasama kayo, nasasaktan ka kasi hinihiling mo na sana, totoong kayo nalang, 'di ba? Isip isip din, friend. Sarap natin batukan, ah?
Aray. Si Simsimi naman, namemersonal. 'Yung totoo? May problema ba 'to sakin?
"Huy!"
"Ay, tikbalang!"
Nagulat ako kasi may nanggulat sakin. Nai-close ko tuloy 'yung kay Simsimi. Kainis. Paglingon ko, nakita ko si Ginno! Ngumuso siya bago hinila ang monobloc at umupo sa tabi ko.
"Kanina ka pa ba naghihintay dito, kaya pati kautuan ni Simsimi, pinatulan mo na?" natatawa-tawa niyang sabi. Natawa nalang tuloy ako.
"Oo! Kaya kailangan, ilibre mo ako ng donut! Hahaha." sabi ko. Tumango naman siya.
Nagpa-logout na ako ng internet at binayaran naman 'yun ni Ginno. 30 minutes lang naman kaya 10 pesos lang 'yun.
"Saan na tayo?" tanong ko pagkalabas namin ng Internet Cafè.
"Donut?" tanong niya ng nakangisi.
"Yehey!" sabi ko.
--x
Hindi nga niya ako binigo. Matapos naming bumili ng Triple Choco Bavarian sa Mister Donut na medyo malayo dito, naglakad kami pabalik habang kinakain ang donut na binili namin.
"Hindi ka ba nagsasawa dito, Chewie?" tanong ni Ginno sakin, patungkol sa donut na kinakain namin.
"Hindi nu. Eto na nga lang ang kaligayahan ko eh." sabi ko sabay kagat ulit ng hawak kong donut.
"Nakakasuya kaya."
"De akin na!"
"Joke lang. Ang sarap nga eh." sabi niya sabay kagat ng donut niya.
Nang matapos na siyang kumain, inakbayan niya ako habang naglalakad kami na siyang nagpatigil at nagpa-awkward sakin.
"Alam mo, Chewie, kapag ganitong magkasama tayo, ang saya ko."
Naririnig ko na ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa mga pinagsasabi ni Ginno.
"Ewan ko, ah? Pero sayo ko lang naexperience 'to." dagdag niya pa.
"Bakit? Hindi niyo ba ginawa ni Felice 'to? O kaya, ng best friend mong si Jerlyn?" tanong ko naman.
"No. No. Hindi nga yata kami nakapag-date sa labas ni Felice eh. At si Jerlyn, parang best friend ko lang siya sa school. Hindi tulad niyo ni Kenneth. Best friend kayo, sa school, sa bahay, o kahit saan pang lugar." paliwanag niya.
"Ganun?" tanging nasabi ko. Hindi parin niya tinatanggal ang pagkaka-akbay niya sakin.
"Oo. Ikaw lang ang nagparamdam sakin ng ganito."
I'm starting to assume something. Feeling ko, assumera ako kasi ina-assume ko na may gusto rin sakin si Ginno despite of my flaws, physically, mentally, emotionally. Pero masisisi niyo ba ako sakaling mag-assume ako, kung ipinaparamdam niya sakin lahat ng 'to?
"A-Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong.
Tumingin siya sakin at ngumiti bago nag-inat na naging dahilan para mawala ang pagkakaakbay niya sakin.
"Wala naman. Naguguluhan lang ako."
Naguguluhan? Bakit naman siya naguguluhan? May babae ba siyang gusto pero hindi niya alam kung gusto niya ito?
"Paanong naguguluhan?"
Tahimik lang kaming naglalakad habang nag-uusap tungkol sa bagay na ito.
"May babae kasi. Hindi ko alam kung gusto ko siya. Pero natutuwa ako kapag nakikita ko ang magagandang ngiti niya."
Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, napahawak na ako dito kaya lalo kong naramdaman ito.
"S-Sino naman?"
"Basta. Kilala mo."
Kilala? Ibig sabihin, hindi ako? O ano? Parang nasaktan ako sa naisip ko na may babae na naman siyang nagugustuhan.
"Pero may isa pang babae na nagpapagulo sa sitwasyon ko."
May isa pa? So, kaya siya naguguluhan, kasi dalawa ang babaeng involve sa feelings niya?
"Sino naman 'yun?"
"Mag-best friend sila ng unang babae na nabanggit ko. Pero sa case na 'to, magulo."
Mag-best friend? Naguguluhan ako. Maaari kayang si Celine at Ako ang babaeng binabanggit niya? Nakaramdam na naman ako ng kirot dito sa puso ko kapag iniisip ko na si Celine ang babaeng 'yun. Pero kung sakaling si Celine ang babaeng magugustuhan niya, at kung sakaling gusto rin siya ni Celine, syempre, magpaparaya nalang ako.
Tutal, 'yun naman palagi ang role ko, 'di ba? Ang palayain ang taong gusto, para maging masaya kasama ang taong gusto nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top