Chapter26: Teasing Again
Chapter26: Teasing Again
"Ano ba, Albert? Kulit nito." naiirita kong sabi.
Kasama ko ang mga section 2 ngayon dito sa canteen. Si Ginno? Ayun. Umalis na. May gagawin -kuno- daw siya.
"Asus. Kunwari ka pa. Sabihin mo na kasi samin. Nagde-date kayo ni Ginno, no?" pangungulit pa ni Albert.
"Oo nga, Almirah. Umamin ka na. May gusto ka parin kay Ginno, hanu? Ayiee." sabi ni Janna.
"Ha? At kailan ko sinabing nagkagusto ako kay Ginno? At kailanpa ako nagkagusto kay Ginno? Hindi ko yata alam 'yun, ah?" pagmamaang maangan ko.
Sa totoo lang, hindi na ako natutuwa sa kanila. Siguro, masama parin ang loob ko sa kanila hanggang ngayon. Dati, kapag ganito na inaasar nila ako kay Ginno, nakikipag tawanan nalang ako. Pero ngayon, naiinis na ako sa kanila, hindi dahil inaasar nila ako kay Ginno. Kundi dahil kasama ko ang mga nang iwan sakin doon.
"Weh? Kunwari ka pang siraulo ka. Kutusan kita dyan eh!" sabi ni Albert. Nagtawanan naman silang lahat. "Sige na. Umamin ka na kasi samin. Kaibigan mo naman kami eh, 'di ba?"
"Oo nga. Friends friends tayo, 'di ba? Promise. Ise-secret lang namin." sabi pa nila. Nainis lang ako lalo.
"Kaibigan? Wala akong kaibigan na nang iiwan sa ere." seryosong sabi ko.
Natahimik silang lahat. Hindi ko rin alam kung paano ko nasabi sa kanila 'yon. Parang naguilty tuloy ako.
"Uhm..." kasabay nito ay ang pag ring ng bell. "Sige. Pasok na ako."
Hindi ko na sila inantay na magsalita. Umalis nalang ako ng kusa doon kahit hindi pa sila pumapayak. Alam kong ang bastos pakinggan. Pero hindi ko kayang humarap sa kanila, hindi dahil nahihiya o natatakot ako sa kanila. Ayoko pang humarap muna sa kanila dahil masama pa ang loob ko. Baka mapagsalitaan ko lang sila ng masakit. At ayun nga, napagsalitaan ko na sila. Hindi ko man lang napigilan ang sarili ko.
Pagdating ko sa classroom, umupo kaagad ako sa upuan sa pinaka likuran. Doon sa inupuan ko kahapon.
"Almirah! Dito ka nalang!" sabi ni Krizel. Ngumiti ako at tumango bago pumunta sa upuan na 'yon.
--x
Ano ba 'yan! Ang bilis naman kumalat ng balita! Mahigit 1 week palang ako dito sa section 3 pero...
"Uyy. Almirah, ah? Sabi samin ng isang section 2, may gusto ka daw kay Ginno. Totoo ba? Ayieee." pang aasar sakin ng mga bago kong kaklase.
"Aist! Wala akong gusto kay Ginno, okay? Magkaibigan lang kami. Sino ba kasing nagsabi sa inyo ng mga kasinungalingan na 'yan?" naiirita kong sabi.
Hindi sa naiinis ako sa kanila. Naiinis ako dahil baka bigla na naman akong iwasan ni Ginno. Ayoko na uli mangyari 'yun.
"Si Jenre. Hahaha!" natatawa-tawang sabi ni Mylene.
"Takte. Naniwala kayo sa gagong 'yon?!?!" bulyaw ko sa kanila.
Hindi sila sumagot. Tumawa lang sila ng tumawa sakin. Sa sobrang bwisit ko, lumabas ako ng classroom namin at pumunta sa kabilang classroom nila Jenre, sa classroom ng section 2.
"Oh, Almirah? Naligaw ka yata?" bati sakin ni Kenneth.
Huminto ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa tapos ngumiti.
"Wow. Ang gwapo mo yata ngayon?" bati ko sa kanya pabalik. Totoo naman eh.
"Tseh. Lagi naman akong gwapo." sabi niya at nag Mr. Suave sign pa. Umirap nalang ako.
"Tseh ka din! Hindi ikaw ang pakay ko dito." sabi ko at tuluyan ng pumasok sa classroom nila.
Nakita ko sa gilid ng classroom nila si Jenre na nakikipag tawanan sa mga ka-dota niya.
"Hoy!" tawag ko dito.
"Oh? Problema mo?" kunot-noo niyang tanong sakin.
Sa loob ng mahigit isang linggo ko sa section 3, kahit papaano, tinuruan nila akong lumaban dahil nabalitaan rin pala nila 'yung pambubully sakin ng mga kaklase ko dati.
"Halika dito." sabi ko.
"Ayoko nga. Ikaw ang lumapit." sabi niya at nag crossed arms pa sabay ngisi.
"Ah. Ganun, ah?"
Lumapit ako sa kanya at tinadyakan ko ang ano niya.
"Aray! Paksyet kang pangit ka!" sigaw niya. Natawa naman ako 'dun.
"Paksyet ka rin. At least, kahit pangit ang itsura ko, mabait naman ako. Kesa naman sayo, pangit na nga, pangit pa ugali, pati ba naman utak mo, pangit rin? Habang buhay ka nalang bang kakapit sa pangongopya sa mga kaklase mo? Wala ka na bang ibang kayang gawin kundi pestehin ang nananahimik kong buhay? Bakit 'di mo itry mag aral ng mabuti? Tseh! Ang yabang mo! Wala ka namang ipagyayabang. Tss."
Pagkasabi ko niyan, iniwan ko na siyang namamalipit habang nakaupo sa desk. Bago ako makaalis doon, narinig ko pang sabi ng mga ka-dota niya...
"Taob siya 'dun, ah? Hahaha!"
Napangiti nalang ako. Paglabas ko ng classroom nila, nakipag appear sakin si Kenneth. Nakita ko rin na tuwang tuwa 'yung ibang kaklase (section 3) ko sa ginawa ko. Mahina lang naman ang pagsipa ko. Mahirap na, baka magpaospital pa ako. Maarte lang talaga 'yung si Jenre.
Tuwang tuwa pa ako nang sa wakas, nakaganti rin ako kay Jenre kahit na ganun lang. Kulang pa 'yun sa lahat ng ginawa niyang pambubully sakin. Nung una, tuwang tuwa pa ako. Pero nung nakita ko si Ginno sa malayo na nakatingin sakin ng seryoso, pakiramdam ko gumuho ang mundo ko...
Lalo na nung tinalikuran niya ulit ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top