Chapter23: Third Year

Chapter23: Third Year

 

"Nay! Gusto ko nito." pagmumuryot ko kay nanay habang hawak ang napaka gandang notebook na kulay pink and violet na may design na paru-paro. Para siyang diary kasi may garter siya na kulay pink na pang sarado sa notebook.

"Magkano ba 'yan?" tanong niya.

"149.50 pesos, Nay. Sige na. Minsan lang naman eh." pamimilit ko pa.

"Tumigil ka nga. Kamahal eh. Hindi mo naman magagamit sa school 'yan. Kung ano ano lang naman ang isusulat mo dyan." simpleng sabi ng Nanay ko.

At kahit masamang masama ang loob ko, ibinalik ko sa pwesto niya ang notebook na 'yon. Napabuntong hininga nalang ako. Lintik naman kasi ang National Bookstore. Ang mahal. Sabagay, ginusto kong dito mamili eh. Magdusa ako. Hahaha.

Habang namimili ako ng notebook na gagamitin ko for this school year, (nakakahiya nga lang sabihin na may pasok na kami bukas pero ngayon palang ako bumibili ng mga gamit ko dahil tinatamad ako) may nahagip ang mata kong isang napaka pamilyar na mukha.

Ginno...

Nakita ko siya na nasa counter. Nagbabayad ng mga gamit na binili niya. Kasama niya 'yung kapatid niyang lalaki na mas bata sa kanya ng isa or dalawang taon. Sa gitna ng pagtingin ko sa kanya...

"Huy, tara na. Haba na ng pila oh." sabi ng Nanay ko at pumila na rin kami.

Pero bago ko pa man maialis ang tingin ko kay Ginno, nakita ko. Nakita kong tumingin siya sakin. Nakita ko na parang nagulat pa siya ng makita niya ako. At nakita ko rin, nakita ko rin na ngumiti siya sakin.

Sa hindi malaman na dahilan, napatalikod ako sa kanya. Kasabay ng pagtalikod ko ay ang biglaang pagngiti ng mga labi ko, at ang automatic na paghawak ng mga kamay ko sa dibdib ko, sa tapat ng puso kong mabilis na tumitibok.

Napaka tagal. Napaka tagal na nung huling beses niya akong ngitian. Napaka tagal na nung huling beses kong nakita na tumingin siya sakin na parang kilalang kilala niya ako. Dahil sa mga nakaraang linggo na hindi kami nagpapansinan, sa bawat tingin na itinatapon niya sakin, ang mga tingin na 'yun ay walang wala kumpara sa mga tingin niya sakin ngayon, at noong bago pa kami magkailangan. 'Yung mga tingin niya dati nung mga panahon na iniiwasan niya pa ako, parang simpleng kaklase niya lang ako na hindi kaibigan. Pero nung tiningnan at nginitian niya ulit ako kanina, naramdaman kong bumalik na ulit kami sa dati. Ang saya lang. Sobrang saya na parang nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan.

--x

"Tay. Nay, pasok na po ako. Baon ko?" pambungad na sabi ko sa kanila habang nakangiti ng malapad at nakalahad ang kamay.

"Wag ka nalang kayang mag aral? Baon lang naman habol mo eh." pagbibiro sakin ng Nanay kong kyot sabay abot ng baon ko.

"Huu! Babye na." sabi ko.

Masayang masaya pa ako habang bumabyahe sa trike dahil syempre sa kahapon, 'yung feeling na parang bumalik na naman kami ni Ginno sa dati. Nakakatuwa talaga. Hindi mapantayan ang saya ko ngayon. Pagkapasok ko sa school, hinanap ko kaagad 'yung mga kaklase ko at nakita kong nasa bench sila at nagkwe-kwentuhan.

"Huy!" bati ko sa kanila.

"Kyaah! Good morning, Almirah." tuwang tuwa pa sila nang makita ako.

"May good news at bad news kami sayo." sabi sakin ni Alena.

"Oh, ano naman 'yun? Good news muna." sabi ko.

"Magkakaklase ulit tayo!" sabi niya na tuwang tuwa na nagtatatalon pa na akala mo nanalo sa lotto.

Seriously? Dapat bang ikatuwa ko na classmate ko ulit sila? Haha. Joke. Syempre naman, oo. Natuwa nga ako nung nalaman ko eh. Syempre, kami kami ulit magkakasama palagi.

"Eh ano 'yung bad news?" tanong ko naman. Napahinto naman sila sa tawanan nila.

"Hindi na tayo section 2. Section 3 na tayo." malungkot na sabi ni Janna.

'Yung feeling na, feeling mo, nawala lahat ng saya na naramdaman mo matapos mong marinig 'yung bad news? Kahit naman hindi maganda ang karanasan ko sa section 2, masaya parin ako na nakilala ko sila.

At feeling ko, maiiyak nalang ako after kong malaman na hindi na pala kami section 2. Sino na ang mga magiging kaibigan namin? Hindi ko kilala ang mga nasa section 3 dahil hindi naman ako mahilig makipag usap sa mga hindi ko kaklase at hindi ko kilala.

"Pero may dalawa pa namang good news eh. Una, pwede pa kayong magpalipat sa section 2." singit ni Hanna. Section 2 parin kasi siya.

"At pangalawa, kaklase niyo si Ginno. Ayiee." nakangising sabi ni Aina.

Ginno...

 

Kahit papaano, napasaya ako sa huling sinabi ni Aina at ni Hanna. Pero kahit na. Nakakainis lang. Bakit ba kasi pinabayaan ko pa ang pag aaral ko? Kung kailan last quarter na, tsaka pa ako nagloko. Haaay.

"Sige na, Almirah. Pasok na kami, ah? Try niyo kausapin si Ma'am, magbaka-sakali kayo. Malay niyo, tanggapin kayo, 'diba?" nakangiting sabi ni Dari. Tumango nalang ako.

Umalis na sila at pumunta na sa classroom nila. Nakakalungkot naman. Bakit ba kailangan naming magkahiwa-hiwalay na magkakaibigan?

"Haaay. Nakakalungkot. Sana malipat rin tayo sa 2." sabi ni Janna sabay buntong hininga.

"Oo nga eh. Ayoko pa namang mahiwalay sa kanila. Nakakamiss 'yun, no." sagot ni Alena.

Ako, hindi nalang ako kumibo. Nalulungkot parin kasi talaga ako. Kahit na sabihin nilang magkaklase kami nila Ginno, hindi ko parin maiwasang isipin na magkakahiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan. Kaya in the end, kinausap nalang namin si Ma'am Salazar.

--x

"Ma'am. Sige na, please. Lima lang naman kaming babae eh. Ako, si Almirah, si Alena, si Janna at si Joyce. Sige na po, Ma'am. Please." pagmamakaawa ni Karla kay Ma'am Salazar.

"Mga ija, 60 na ang laman nitong section 2. Puno na. Sobrang dami naman 'di ba kapag tinanggap ko pa kayo?" paliwanag ni Ma'am.

"Pero Ma'am, hindi naman po kami mag iingay eh. Mababait naman po kami. Promise." dagdag pa ni Janna.

"Oo nga Ma'am, please." sagot ni Alena at Joyce.

Ako? Hindi na ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa katabing classroom, which is, 'yung magiging classroom namin kapag hindi kami tinanggap sa section 2. Dun sa classroom ng mortal enemy ng section2: Ang classroom ng section 3.

"Ma'am..." sabay sabay na sabi nila.

Karamihan sa mga istudyante na nasa section3, nakikita ko madalas kaya kilala ko ang mukha nila. Nakita ko pa si Ginno na nakaupo sa side ng mga boys. May mga kaibigan na siya.

"Bumalik nalang kayo bukas, mga ija. Aayusin ko pa ang Master's List, okay?" narinig kong sabi ni Ma'am Salazar.

"Aww. Okay, Ma'am." sabay sabay na sabi nila.

Naglakad na kami palayo sa classroom. Pumunta kami ng canteen para mag-miryenda muna. Nakakagutom naman kasi.

"Hoy, Almirah. Hindi ka man lang nakiusap kay Ma'am. Kainis 'to." sabi ni Joyce.

"Para namang may magagawa ang pakikiusap ko sa kanya. Kayo nga na halos lumuhod sa harap niya, hindi na pumayag eh. Ano pang magagawa ko?" sabi ko naman.

"At least, sana nag try ka. Alam mo bang ikaw ang pinaka matino sa barkadahan natin kung titingnan? Malay mo, pumayag siya kung ikaw na ang makikiusap sa kanya, 'di ba?" paliwanag ni Alena.

"Luh? Hahaha. Aba'y matino talaga ako. Hindi niyo na kailangang sabihin 'yan. Hahaha." natatawa-tawa kong sabi.

"Bugok. Naniwala ka naman." sabay sabay ulit nilang sabi.

Napa-buntong hininga na naman ako. Dati kasi, kapag ganitong oras, sama sama kaming magbabarkada na kumakain dito sa canteen. Nag aasaran. Pero ngayon, lima nalang kaming magkakasama.

"Swerte ka parin Almirah, kahit mapunta ka sa 3 ng tuluyan. Kaklase mo ang poreber crush mo na si Ginno eh. Ayii." pang aasar ni Alena.

Hanggang ngayon, hindi parin namamatay ang issue na 'yan. Psh.

"Ano ba? Wala nga akong gusto 'dun sa animal na 'yon." sabi ko.

"Hahaha. Deffensive." sabi nila.

Kinakabahan ako ngayong third year high school na kami. Wala namang kasiguraduhan ang sinabi ni Ma'am Salazar na 'yun. Paano kung hindi parin siya pumayag 'di ba? Anong mangyayari sa Junior Year ko kapag naiwan kami dito sa section 3? Ayoko 'dun. Haaay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top