Chapter2: First Conversation

Inside Feelings...

Chapter2: First Conversation

"Hi. I'm Ginno Conception. 13 years old." pagpapakilala niya sa sarili niya.

Hindi ko maiwasang mapayuko sa tuwing titingin siya sakin. Nahihiya kasi ako eh. Ilang sandali pa akong nakayuko ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Pagtingin ko sa kanya ay nanlaki ang mata ko.

"Hi." sabi ni Ginno.

"H-Hi din." awkward na sabi ko.

Nakita ko na namang ngumiti siya kaya ako naman ay tumingin sa kabila at hindi mapigilang ngumiti na rin. Dahil siguro ang gwapo niya lalo na kapag ngumingiti. Tumingin ako sa kanya.

"Nakita kita kahapon sa subdivision kung saan nakita 'yung pinsan ko. Doon ka ba nakatira?" sunod sunod na sabi niya.

Ngumiti muna ako bago nag iwas ng tingin at sagutin ang mga tanong niya.

"Uh. O-Oo. N-Natatandaan nga kita. Uhm, hindi ako doon nakatira. 'Yung bestfriend ko." sagot ko.

Narinig kong tumawa siya kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko rin naiwasang mapangiti dahil ang cute niya. Medyo nawawala kasi ang mata niya kapag tumatawa.

"Ang cute mo. Mahiyain ka nu? Anong pangalan mo?" tanong niya.

"W-Wala kasi akong kilala dito. At hindi rin ako gaanong nakikipag usap sa mga di ko naman kilala. Uhm, a-ako si Almirah. Almirah Martinez." sabi ko.

Naglahad siya ng kamay at ngumiti sakin.

"Ako si Ginno. Friends na tayo ha? Wag ka ng mahihiya sakin."

"Sure. Friends." sabi ko.

Pinisil niya muna ang kamay ko bago kami nagbitaw sa shake hands. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pag init ng mga pisngi ko dahil doon. Marami naman sana akong friends na boys noong first year high school ako. Pero bakit nagkakaganito ako ngayon?

Ilang minuto pa kami nagkwentuhan bago ako tinawag ng Adviser namin para magpakilala. Nang mapakilala naman lahat ay dinisscuss na ang rules and regulation sa classroom kaya hindi na rin kami gaanong nakapag kwentuhan ni Ginno. Pero kahit ganoon, masaya parin ako kasi ang gaan na agad ng loob namin sa isa't isa. At dahil first day of school ngayon, ibig sabihin, half day lang ang pasok ngayon. So ibig sabihin...

"Almirah. Saan gala natin ngayon?"

Pagkalabas ko ng classroom namin, nakita ko na naghihintay sakin si Celine at 'yan ang bungad na tanong niya sakin.

"Mall nalang tayo. Nagugutom na ako eh." sagot ko naman sa kanya bago kami sabay na naglakad palayo sa classroom namin.

"Almirah!"

Narinig kong may tumawag sakin kaya lumingon ako. Nakita ko naman si Ginno na papalapit sakin at inabot sakin ang panyo kong puti na may design na orchids.

"Nakita kong naka embroidered 'yung name mo kaya nalaman kong sayo 'yan. Sige. Ingat sa pag uwi."

Pagkasabi niya niyan, ngumiti siya sakin at umalis na. Naiwan naman akong tulala sa kawalan bago ko marinig si Celine na magsalita.

"Sheeet! Ang pogi talaga ni Ginno." bulon sakin ni Celine na parang kilig na kilig.

Napalingon naman ako agad sa kanya matapos kong marinig iyon.

"Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanya.

Naglakad na ulit kami pababa ng building dahil nga tapos na naman na ang klase.

"Nope. Pero kilala ko siya. Pinsan siya ng neighboor ko. Kahapon ko lang naman siya nakita eh. Pinakilala lang siya sakin ni Robert." paliwanag niya.

"Oh." nasabi ko nalang.

Nagkwentuhan pa kami habang naglalakad. Malapit lang kasi ang mall sa school namin kaya keri lang. Tawa lang ako ng tawa habang nagkwe-kwento siya. Sabi niya kasi, para daw mukhang hindi naliligo ang classmates nya na boys. Para naman daw coloring book ang mukha ng mga babae dahil sa make ups. Sabi ko naman, kasalanan niya 'yon kasi panay ang cutting niya kaya nasa section6 siya. Hindi man lang siya nakasama sa Star Section. Tsk. Tsk. Tapos ang nakakairita pa sa public school na 'to, kung sino pa 'yung mga nasa lower section, sila pa ang mga may ganang magpaganda, makipag away, makipag artehan or makipag landian. Kung nagbabasa nalang sila, de may napala pa sila. Mga tao talaga ngayon, kung sino pa mga hindi nag aaral ng mabuti, sila pa nagmamagaling. Muntik na rin akong mapaaway last year huh! Diba nga nasa lower section ako nun. Tapos inaway ako ng classmate ko kasi nilalandi ko daw 'yung crush niya. Eh ano kayang magagawa ko kung friends kami nung crush niya? Tsaka ano namang karapatan niyang awayin ako kung crush niya lang pala? Hindi naman pala niya boyfriend eh. Buti nalang hindi kami umabot sa pisikalan dahil nag sagutan lang kami.

Nandito na kami ngayon sa McDo. Naka order na kami ng pagkain namin. Eto namang si Celine, ini-interview na naman ako. Hay nako.

"So, what? Friends na kayo? Anong pinag usapan niyo? Nakuu. Crush mo na no? Hahaha!" sunud sunod na tanong niya sakin.

Di ko naman mapigilang matawa dahil natutuwa ako sa itsura ni Celine. Sobrang curious. Tinatanong niya sakin yung about kay Ginno.

"Haha. Oo. Friends na kami. Siya rin pala 'yung nakita ko kahapon na nakasandal sa pader ng kapitbahay niyo. At hindi ko 'yun crush no! OA nito. Kaka-friends palang, crush na agad?" sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya.

"Hahaha! Eh kasi naman 'yung crush mo last year na kapitbahay niyo. Hindi naman kayo nag uusap pero bakit nagkagusto ka sa kanya, diba?" pang uusisa pa niya.

"Crush ko siya kasi ang lakas ng dating ng pagiging suplado niya. Si Ginno, f-friends lang kami nun. Wala akong gusto dun."

Nung sinabi ko 'yung pangalan ni Ginno, nakatingin na ko nun sa sundae ko at nilalagyan ng putol na fries. Ang awkward kasing pag usapan para sakin kaya kahit bestfriend ko siya, naiilang ako.

"Hmm. Basta, Almirah! Nafi-feel ko na may fishy fishy ka dyan kay Ginno. Normal lang naman 'yon nu. Ang gwapo niya kaya!"

Tumawa ulit ako sabay kinutsara ko ang sundae na may fries na sa ibabaw. Sarap!

"Hindi ba parang ang landing tingnan kung may crush ka na, pero magkakacrush ka pa sa iba?" tanong ko.

Bigla lang akong nacurious kaya natanong ko out of the blue. Bigla naman siyang natawa.

"Syempre hindi! Tayong mga babae, maraming crush. Pero kapag nagmahal tayo, isa lang."

Let's give Celine a round of applause! Ang galing ni Love guru no?

"So crush mo na nga si Ginno?" tanong niya out of nowhere.

"What?! Hindi nga. OA ka Celine." sabi ko tapos inirapan ko siya at tumawa.

Walang hiya ang babaeng ito eh. Basta kung ano ang nararamdaman niya, kahit mali, ipagpipilitan niya. Totoong friend ko lang si Ginno. Di ko siya crush.

**

Ilang oras pa kaming nag ikot sa mall at nag tingin tingin ng mga tinda pero hindi naman namin binili bago namin napag pasyahang umuwi.

"Kamusta aral, bunso?" tanong sakin ng tatay ko.

"Ayos naman. Boring dahil first day. New found friends. Ganun." sagot ko.

"Diba half day lang kayo kapag first day?" tanong ni nanay.

"Oo. Eh si Celine inaya pa akong magmall eh. Oo nga pala, mag cocomputer muna ako nay ha? Tatay pengeng pera. Hehehe." sabi ko ng natatawa tawa.

"Ano bang gagawin mo?" tanong ni Tatay.

"May assignment kami."

Okay. Nagsisinungaling ako. Gusto ko lang magcomputer para makasilay sa forever crush ko na si Jiro. Hihihi. Inabutan naman nila ako ng bente pesos. Salamat sa bente ni Tatay. Hay nako. Hirap maging mahirap.

Naglakad na nga ako papunta sa computer shop. At tamang tama nga naman dahil si Jiro kaso nakakaiyak dahil hindi naman kami nag uusap. Mag uusap lang kami kapag ganito:

Me: Paopen nga po sa number 2.

Siya: Ilang oras?

Me: Open hour po.

After more than 1 hour.

Me: Out na po. Magkano?

Siya: Bente.

Me: Eto po bayad.

Ganyan lang ang routine ng pag uusap namin sa tuwing mag cocomputer ako sa shop. Hindi ko nga alam kung bakit naging crush ko 'yung animal na 'yon eh. Sobra pagkasuplado, di naman gaanong gwapo. Sabagay. Ang lakas kasi ng appeal ng matangos niyang ilong pati ng pagka snabero niya eh. Hihihi.

"Paopen po. One hour lang. Sa 8."

"Okay."

See? I told you.

So, nag log in na ako sa facebook ko. Hindi pa uso ang facebook ngayon pero gumawa parin ako dahil sa farmville na kinukwento sakin ni Celine. Nakaka addict naman kasi. How I wish, may sarili kaming computer para di nabubulok mga tanim ko.

Di naman kasi ako mayaman. Mahirap lang kami. Pero di naman kami 'yung super hirap na halos hindi na kumain at hindi na mabili ang mga gusto namin. Kasi kami, kumakain kami 3 times a day tapos nabibili ko pa naman kahit papaano mga luho ko. So, hindi talaga kami 'yung super mahirap.

May nakita ako sa notification ko, apat. May friend request ako. Isa lang. Pag tingin ko sa friend request, my jaw dropped.

What the--? I was about to search his profile pero naunahan niya ako?

At bakit kinikilig ako ng ganito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top