Chapter18: Classes Again

Chapter18: Classes Again

Natapos na ang Christmas Break namin. Syempre, nakakabitin no. Sana nga, sa February nalang ulit 'yung pasukan para mas okay eh. Tsk. Joke. Haha.

Naibigay ko na kila Dari ang mga regalo ko sa kanila. Nakipagkita sila sakin sa Mall eh. So, dinala ko na rin 'yung regalo ko sa kanila. Si Kenneth at Ginno nalang ang hindi ko naibibigay pa ang mga regalo. 'Yung kay Kenneth, ibibigay ko na mamaya. 'Yung kay Ginno, wag na. Di ko nalang ibibigay.

"Nakakasawang maging crush si Ginno."

Napatingin ako kay Hanna na nagsalita. Wala pa kasi 'yung teacher kaya nagdadaldalan pa kami dito.

"Bakit?" tanong ni Janna.

"Wala lang. Basta. Nakakasawa. Hindi na ako kinikilig eh. Hahaha." sagot ni Hanna.

"So hindi mo na gusto si Ginno?" tanong ni Aina.

"Hindi na. May iba na akong crush eh."

Pakiramdam ko, sumaya ako ng sobra sa sinabi ni Hanna. Pakiramdam ko, may isang bagay na nagpuno sa pagkukulang sa puso ko. Pero syempre, hindi parin ako kumpleto.

"Bakit ka nangingiti dyan, Almirah?" bulong sakin ni Michelle na may tonong nang aasar.

"Natatawa lang ako."

"Hindi ka tumatawa. Ngumingiti ka lang."

"Ewan ko sayo." sagot ko nalang.

Nagsimula na ang klase at pinapasa na samin ng Teacher 'yung mga pinagawa nila samin during Christmas Break. Ang daya nila, no? Dapat nga hindi na sila nag iiwan samin ng mga school related stuffs eh. Kasi nga diba, Christmas Break, ibig sabihin, break muna sa pag aaral. Pahinga muna. Eh hindi rin naman kami napahinga eh. Halos lahat yata ng subjects, may pina-project samin. May mga research paper pa na akala mo, gumawa kami ng thesis sa sobrang dami eh.

"Haay nako. Nakakapagod." sabi ni Dari sabay buntong hininga.

"Ngayon ko lang narealize na pwede ka palang mapagod kahit nakaupo ka lang." pamimilosopo ko sa kanya. Inirapan naman niya ako.

"Hindi. I mean, nakakapagod 'yung mga araw na ginawa natin lahat ng projects natin. Feeling ko, college students na tayo." reklamo niya.

"Ahh. Ngayon mo lang naramdaman na napagod ka habang ginagawa mo 'yung mga 'yon." pamimilosopo ko ulit.

"Ewan ko sayo, Almirah." sabi niya. Binatukan ko nalang siya.

Kahit na nagsimula na ulit ang klase matapos ang mahigit 2 weeks na sembreak, wala parin nagbago samin. Ganun parin pakikitungo namin sa isa't isa kahit na ilang linggo kaming hindi nagkita-kita. Nakakatuwa lang na hanggang ngayon, Strangers parin kami ni Ginno. Wala talagang nagbago. Haay.

"Almirah, pengeng polbo." sabi ni Janna.

"Kunin mo nalang sa bag ko." sabi ko.

Nakahalumbaba ako ngayon sa desk. Nakakatamad kasi. Tapos nalulungkot pa ako sa tuwing iniisip ko na ganun parin kami ni Ginno. All along, inisip ko na babalik sa dati ang pakikitungo namin sa isa't isa. Kaso, hindi pala. Nagkamali na naman ako. Nasasaktan lang ako sa tuwing umaasa akong babalik pa kami ni Ginno sa dati kahit na alam kong wala naman na talagang pag asa.

"Yow!"

"Aray!"

Nagulat ako sa humampas sa balikat ko at umupo sa tabi ko. Paglingon ko, si Kenneth pala. Palibhasa, Lunch break kaya may gana na naman 'tong inisin ako eh.

"Ano na namang kailangan mo?" sabi ko.

"Wala. Ang pangit mo kasi kapag nakatulala. Halatang may pinoproblema ka. Wag mo na ngang isipin problema mo. Kasi, kahit hindi mo isipin ang problema mo o kahit wala kang problema, 'yung mukha mo, problemadong problemado." mahabang sabi niya na hindi ko naman na-gets dahil isa akong dakilang slow.

"Ha?"

"Wala. Sabi ko, ang pangit mo na nga, iniisip mo pa problema mo. Lalo ka tuloy pumapangit."

Napa-poker face nalang ako sa sinabi niya. Sama talaga ng ugali ng kupal na 'to. Birahin ko kaya 'to ng isang beses?

"Gulpihin kita, gusto mo?" tanong ko.

"Hindi. Kiss mo nalang si Ginno," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya sinapak ko siya bigla. "Aray!"

"Sorry. Abnormal mo kasi. Kung ano ano sinasabi mo." paliwanag ko.

"Wala ka pala eh. Dali na. Kiss mo na. Crush mo naman si Ginno, diba?" pamimilit niya.

"Hindi ko nga crush 'yon! May iba kaya akong crush." pagdadahilan ko.

"Lol. Sino? Ako?"

Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Siraulo. Paano ako magkakagusto sa kanya? Abnormal talaga. Nginitian ko lang siya bago sumagot. Sasakyan ko nalang trip nito.

"Oo. Ikaw."

"Bugok." sabi sakin.

Tawa ako ng tawa sa nireact niya. Paano naman kasi, biglang namula 'yung mukha tapos tumayo at naglakad palayo sakin. May toyo talaga.

Sa gitna ng pagtawa ko, nakita kong pumasok sa loob ng classroom si Ginno. Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Pero agad niya itong binawi na para bang wala siyang nakita. Naramdaman ko ang pag init ng mga mata ko na para bang anytime, iiyak na ako. Pero pinigilan ko. Bumuntong hininga nalang ako at inilabas 'yung diary na ibinigay sakin ni Celine nung pasko.

**

Dear Diary,

Ito ang unang beses na susulatan kita. Ito ang unang beses na magsasabi ako ng nararamdaman ko sayo. Pero hindi ko naman alam na sa unang beses na 'to, ang sakit sakit na ng nararamdaman ko.

 

Ano bang ginawa ko para iwasan niya ako? May sakit ba akong nakakahawa? Sa pagkakaalam ko, hindi naman nakakahawa ang asthma, diba? So bakit niya ako nilalayuan? Nakakalungkot. Ang sakit. Lalo na kapag naiisip ko na wala nang pag asa na bumalik ang pakikitungo namin sa dati.

 

-Almirah.

**

 

Itinago ko na ulit ang diary ko sa bag at naglakad na palabas ng classroom dahil maya maya lang, magsstart na ang Afternoon Classes.

Dahil lang ba sa kumakalat na balitang may gusto ako sa kanya, iiwasan na niya ako? Akala ko ba, sakin siya maniniwala? Sinabi ko naman na wala akong gusto sa kanya eh. Bakit ba hindi siya naniwala? Dahil ba mas pinapaniwalaan niya ang nakararami, o halata lang masyado na nagsisinungaling ako? Nasasaktan na ako.

Ngayon ko lang din narealize na habang pilit mong itinatago ang nararamdaman mo sa isang tao, lalo lang lumalala ang nararamdaman mo para dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top