Chapter10: Sorry Note

Chapter10: Sorry Note

English class na. Ang tagal naman nilang magdatingan. Halos kalahati palang kami dito. Wala pa 'yung iba. Sabagay, maaga pa naman ng 10 minutes bago mag start ang second class eh.

Sa gitna ng paghihintay ko, tinawag ako ng English teacher namin na favorite akong utusan kahit alam niyang may asthma ko: Mrs. Castillo. Pero okay lang sakin. At di ko rin naman ginagawang reason ang asthma ko para makaiwas sa mga utos eh. Joke. Syempre minsan. Hahaha.

"Dalhin mo 'to sa English Hall. Patong mo 'to sa mga folders na nasa table ko tapos pakikuha na rin 'yung pagkain ko. Nagugutom na ako eh." sabi ni Mrs. Castillo bago ibinigay sakin ang isang brown envelop na may mga nakalagay na kung ano ano.

Natawa naman daw ako dun. Almost 50 na ang teacher na 'to pero ang bagets niya parin. Ang jolly niya nga magturo eh. Hindi boring.

Naglakad na ako sa hallway. Nakasalubong ko pa 'yung mga kaklase ko. May mga kung ano ano pa ngang sinabi. Pero natawa ako sa sinabi ni Kim:

"OMG! Don't tell me maghahanap ka ng mas poging fafa kesa kay Ginno? Magbati na kasi kayo! Nakakainis naman eh. Papa Ginno! Mag sorry ka na kasi kay Almirah! Bakit ba kayo nag away?!"

Alam ko. Nakakainis na minsan. Pero natatawa kasi ako dahil ang childish ng pagkakasabi niya. Parang nagtatantrums na baby eh. Hahaha.

"Gaga. Kung makapag salita 'to, ano akala mo samin, magjowa? Geez. Pumasok na nga kayo. At di kami magkaaway ni Ginno." sabi ko kay Kim.

Nilampasan ko nalang silang lahat. Nababadtrip ako. Bakit ba ako nababadrip? Siguro dahil inutusan ako ni Mrs. Castillo na pumunta sa kabilang ibayo ng eskwelahan eh ang init init. Nakakabwisit no?

Nang makarating na ako doon sa English Hall, kumatok ako bago binuksan ang pinto.

"Good morning, ma'am. Good morning, sir. Inutusan po ako ni Mrs. Castillo na ilagay ito sa table niya at pinapakuha na rin niya ang pagkain niya sakin." magalang na sabi ko.

"Go ahead." nakangiting sabi ng isang teacher.

Ngumiti ako bago nag bow at pumunta sa table ni Mrs. Castillo. Inilagay ko ang brown envelop sa ibabaw ng mga folders at kinuha ang jollibee foods. Wow. Sosyal ang lola mo.

"Thank you po." sabi ko sa kanila bago lumabas ng English Hall.

Phew~ maglalakad na naman ako ng malayo. Langya. Ang payat payat ko na nga, lalo akong papayat nito eh. Anyway, exercise naman 'to. After ng ilang minutes na paglalakad, nakarating na ako sa English room. Nakita ko naman na nagsstart na ng klase. Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok at ibinigay kay ma'am ang foods niya.

"Thank you, Ms. Martinez." nakangiting sabi niya sakin.

"You're welcome, ma'am."

Gusto ko sanang umirap sa hangin kaso, maraming traydor dito. Isusumbong ako ng mga 'to. Lol. Umupo nalang ako sa upuan sa tabi ni Aina at nakinig sa dinidisscuss ni ma'am. Maya maya, tumayo si Ginno.

"Ma'am, may I go out." sabi niya tapos naglakad palabas ng classroom.

Nadaanan niya ako tapos may inilaglag siyang papel sa desk ko.

"Oy, love letter!" bulong ni Aina.

"Sira! Epal mo." sabi ko bago pinulot 'yung papel na nasa sahig na.

1/4 papel na nakatupi. Binuksan ko at napangiti ako sa nakita ko.

S O R R Y . :(

-Ginno.

"Ayiee~" mahinang pang aalaska sakin ni Aina. Tinuro niya ang labi ko. "Nagsmile siya oh."

Natawa naman ako sa kanya. Siraulo 'to.

"Manahimik ka nga, Aina. Wala 'yon. Wag ka nalang maingay." sabi ko habang iniipit sa isang notebook ko ang papel na 'yun.

"I will keep this paper until the day I die. 'Yan ang drama mo eh. Alam mo bang ginawa ko na dati 'yan? 'Yung kahit candy lang ang ibinigay niya sakin, ipre-preserve ko pa -- okay, joke lang 'yan. I mean, itatabi ko pa. Hindi ko kakainin kahit langgamin na siya?" pang da-daldal niya sakin.

"Malisyosa nito. Bawal lang kasi magkaroon ng kalat kaya itinabi ko muna sa notebook ko." sabi ko naman.

"Okay. Deny all you can. Kayo na ba?" biglang tanong niya.

Seryoso, kung may iniinom lang ako ngayon, baka naibuga ko na 'yun sa kanya. Kinatok ko ang ulo niya.

"Anong utak ba meron ka at kung ano ano 'yang pumapasok sa isip mo? Syempre hindi!" bulyaw ko sa kanya.

Sa totoo lang, nagbubulungan lang kami. Syempre, mabait ako eh.

"Eh bakit kasi ganyan kayo? Para kayong magjowa. May Chewie and Bubble pang nalalaman. Tsk. Baka naman crush ka niya? Or... Crush mo siya? Crush mo ba si Ginno?" curious na tanong sakin ni Aina.

Natigilan naman ako sa tanong niya. Sus! Syempre hindi. Bakit naman ako magkakagusto sa gwapo, mabait, mahilig sa bubble gum at madalas akong pinapatawa? Bakit naman ako magkakacrush sa taong hindi boring kasama? Diba? Hindi talaga. Seryoso. Argh!

"Hindi nga! Kayo lang kasi ang malisyoso eh. Bawat galaw, bawat dikit ng balat, bawat pag uusap, napapansin niyo. Bakit hindi kayo maghanap ng mas worth it na asarin? Wag ako or kami kasi wala kayong mapapala samin. Hindi kami at hindi magiging kami. Asa pang papatol siya sa tulad ko, nu?" paliwanag ko.

Para ko namang sinampal ng sampung beses ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Nasaktan ako sa sarili kong salita eh. Langya. Nakita ko naman na tumango tango si Aina.

"Sabagay. May point ka. Ang sarap mo kasing asarin. Pikon ka kasi. Pagpasensyahan mo na kami. Sorry pero libangan lang namin 'yun. Kahit noong freshmens palang, kung sino sino na ang pinagpapartner namin. Pero ang hindi ko lang maintindihan, bakit ba nag eenjoy ka sa pangdo-down mo sa sarili mo? Hindi naman imposible na magustuhan ka ni Ginno eh! Mabait ka naman. Hindi ka naman boring kasama. Hindi ka rin naman panget. So bakit mo nasasabi 'yon?"

Umiling nalang ako at tumingin sa pintuan ng classroom. Maya maya, nakita ko ng pumasok si Ginno. Tiningnan muna niya ako. Ako rin ganun, pero maya maya lang, nginitian ko siya. Ngumiti rin siya sakin.

"Kyaah! OMG! Ayuuun. Oo nga. Wala ka ngang crush sa kanya. Hindi mo kasi siya inaabangan eh. Oo. Hindi mo siya crush. Insert sarcasm here."

Hindi ko nalang pinansin si Aina at yumuko nalang ako para ngumiti ng lihim at maitago 'yung kilig na ipinapahiwatig ng mga namumula ko ng pisngi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top