Chapter 5


Isang linggo kaming nanatili sa boracay. Gusto pa sanang magtagal ni pablo kaya lang tinawagan na siya ng kanyang manager at magsisimula na raw silang mag practise sa dadating na concert nila. At isa pa lunes na bukas kaya dapat na talagang umuwi kami. Isang linggo lang ang binigay na pahintulot ng university para sa akin. At isa pa tudo txt na ang bruha kong kaibigan at na miss na daw niya ako. Natawa pa ako ng sinabi nitong bumalik na ako dahil wala na siyang kasama kapag pinaparusahan siya ni sir jayvee. Ang bruha at hanggang ngayon ay gumagawa parin ng bagay na ikakahamak niya. Hindi rin kasi marunong tumimpi at kapag alam niyang nasa tama siya ay pinaglalaban talaga niya ang kanyang sarili. Iyong ang dahilan kong bakit madalas siyang maparusahan ni sir jayvee. Mabuti na lang talaga at matalino ang kaibigan kaya nakakpasa parin. Ikaw ba naman ang palaging pinaparusahan pero kapag may quize ay laging perfect. Pati pa exam ay kaya niyang i perfect. Minsan nagtataka si sir jayvee kong bakit ganoon na lamang ka laki ang kuha ng kaibigan sa mga pasulit. Siyempre mahilig magaral itong kaibigan ko. Hindi naman pwedeng bigyan na lang ni sir ng 3 si sharlene kasi may record rin ito sa mga pasulit at exam. Ang gagang babae matalino naman. Kaya lang hindi ginagamit ang utak para hindi na maparusahan.

“Binibini tapos na akong mag impaki. Ikaw ba tapos na?.” sabi nito mula sa likuran ko na siyang ikinagulat ko. Nabitawan ko pa ang hinuhugasan kong baso dahil sa presensiya nito. At nakayakap pa talaga sa akin ang lalaki. Hangang ngayon hindi parin ako sanay na niyayakap niya. Mula kasi nong pinahintulutan ko siyang ligawan ako ay wala ng araw o oras na hindi ito nahing sweet sa akin.

Nagulat pa ako noong isang araw ng sinabihan ako ni pablo na mahal na daw niya ako. Siyempre nakakagulat iyon. Kaya lang naiintindihan ko naman na hindi basihan ang araw at oras na magkasama kayo para hindi na kayo mahulog sa isat isa. Minsan nga may mga taong na lolove at first sight. Sobrang mesteryo ng pagibig at hindi mo na lang inaasahan na nahuhulog kana pala sa isang tao na hindi mo namamalayan.

Natatakot akong sagutin ang lalaki kahit naman gustong gusto ko na siyang sagutin. Nakikita ko naman ang senseryu niya at pagaalaga sa akin sa nakalipas na ilang araw namin rito sa boracay. Kaya lang natatakot talaga ako at baka hindi ito totoo. Na pawang panaginip ko lamang na nakasama ko ang isang pablo sa boracay. Na imahinasyon ko lang ang lahat ng ito.

Alam ko naman na totoo ang nangayayari sa aking paligid kaya lang may takot pa ako. Ito ang kaunaunhang pagkakataon na akoy magmahal kaya gusto kong sigurado ako sa desisyon ko kapag sinagot kuna ang lalaki.

“Tapos na akong magimpaki pablo. Ahm, pwede bang doon kana muna sa sopa? Hindi pa kasi ako tapos maghugas ng pinagkainan natin. Nakakhiya naman sa taga hotel kong iiwan nating madumi ang mga plato at baso nila.” narinig ko itong tumawa  sa balikat ko. Naroon kasi ang mukha ng lalaki. Masasabi kong adik itong si pablo sa leeg. Wala kasing araw na hindi niya nilalagay ang kanyang mukha sa aking leeg. Bawat may pagkakataon ito ay palaging nasa leeg ko ang mukha nito.

“Dito lang ako binibini ko. Hindi naman kita iisturbuhin kong iyan ang inaalala mo. Hayaan mo nalang akong mamahinga sa paborito kong lugar sayo.” sagot nito. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Napakagat labi na lamang ako sa kilig at ginawa ulit ang paghuhugas ng plato.

Ang sweet talaga ng ginoo ko. Sana siya na talaga ang para sa akin.

“Sige na nga. Kahit naman ilang beses pa kitang tatabuyin at pagsasabihan hindi ka rin naman makikinig sa akin. Wag ka lang malikot at baka mahambalos kita ng sandok.” pananakot ko pa. Narinig ko naman ang tawa nito bago ko naramdaman ang maliliit nitong halik sa balikat ko.

“Pasensiyahan muna ako binibini ko. Sadyang gusto ko lang sulitin ang araw na kasama kita. Hindi ko alam kong kailan ulit ako makapagpahinga sa paborito kong lugar o makasama ka ng ganito. Iniisip ko pa lamang ay nalulungkot na ako. Gusto ko kasing makasama ka bawat oras at minuto. Kaya lang may kanya kanya tayong ginagawa sa buhay. Magiging busy narin ako sa paparating naming concert kaya hindi ko alam komg kailan tayo magkikita ulit. Hindi ko kayang sa tawag lamang kita naririnig. Pero dapat kong tanggapin. Binibini ko ganito lang muna tayo ngayon ha! Sa susunod kapag ayos na ang lahat magkakasama rin tayo ng matagal pangako. Wag kang bibitaw binibini ko. Wag mo akong bitawan pakiusap. Mahal na mahal kita binibini ko. Mahal na mahal.” mahaba nitong salaysay.

Napangiti naman ako at hinawakan ang kamay niyang nasa aking tiyan.

“Hanggat walang dahilan para bitawan ka hindng hindi ako binitaw sayo. Kahit pa siguro laitin na ako ng lahat ng tao hindi parin ako bibitaw sayo. Salamat sa pagmamahal at pagaalaga ginoo. Pangako ko sayo na aalagaan rin kita katulad ng pag aalaga mo sa akin.”

“Shhh. Hindi mo na dapat pang alagaan ako binibini ko. Kaya ko ang aking sarili. Ang gusto ko lang ay gawin mo ang lahat ng nais mo. Lahat ng nagpapasaya sayo. Pinapangako ko sayo binibini ko na hinding hindi kita bibitawan. Hinding hindi ako magluluko para maging dahilan na iwan mo ako. Mahal kita binibini ko, palaging tatandaan mo iyon ha? Hindi ako magsasawang sabihin sayo ang mga katagang iyon. Pangako kakagising mo lang ang pagmamahal ko na ang bubulabog sayo. Kahit saan ka, malayo kaman sa akin o malapit. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni pablo. Ni pinuno at ng ginoo mo. Mahal kita binibini ko.”

“Salamat sa pagmamahal ginoo. Maraming salamat.”

Natapos akong maghugas ng pinagkainan namin ng eksaktong may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan ito ni pablo at nakita ko ang dalawa niyang body guard sa labas. Nakipagusap muna sa kanila si pablo bago sila pumasok sa silid at kinuha ang mga gamit namin.

Nilapitan ako ni pablo at tinulungan sa pagsuot ng jaket at sapatos ko. Nahiya pa ako ng halikan ako nito sa nuo habang nakatingin sa amin ang guards niya. Ngunit parang wala namang nakita ang dalawa kaua ayos lang. Pagkatapos ako nitong tulungan ay siya rin namang pagauot ni pablo sa oang disguised niya. Pinagtatawanan ko pa ito ng pinili nito ang kulay pink na wig at ginamit. Nagmumukha siyang koreano sa ayos niya. Idagdag pa ang itim na mask at shades niya. Nagmumukha siyang kidnaper tuloy.

Nakarating kami sa manila eksaktong alas diyes ng umaga. Ayaw kuna sanang ihatid pa ako ni pablo sa amin ngunit hindi ito nagpapigil at nagbuluntaryo pang ihatid ako. Ayaw rin sana ng guwardiya niya ngunit nangako ang lalaki na hindi naman daw siya bababa kaya ayos lang. Sa ilang minutomg pagtatalo nitp sa gwardiya ay pinahintulutan rin.

At nandito na kami sa daan malapit na sa aming bahay. Kinakabahan pa ako pero nagpaalam naman ako. Baka hindi naman ako papagalitan ni mama. Alam naman niya kong saan ako pupunta.

“Dito nalang pablo.”

“Sige binibini ko. Paalam sa susunod ulit.” sabi nito bago ako niyakap ng mahigpit at hinalikan sa ulo. Napangiti naman ako nago yumakap pabalik.

“Sa susunod ulit.”

Bumaba na ako sa sasakyan niya at mabilis na tumalikod at naglakad papasok sa bahay. Nakangiti pa akong lumabas sa kotse niya pero nong nasa harapan na ako mg pintuan ay binura ko rin ang ngiti ko bago bumuntong at binuksan ang pintuan.

Nakita ko ang aking magulang na nanood ng tv. Alam kong narinig nila ang pagbukas ko ng pintuan ngunit hindi man lamang nila ako nagawang lingunin. Ayos lang naman nasasanay rin ako na ganito sila sa akin araw araw. Na para bang hangin lang ako sa kanila. Na para bang hindi nila ako nakikita. Na para bang sila lang dalawa ang naririto sa bahay. Nasasanay rin ako pero ang sakit. Ang sakit sakit at parang wala talaga silang paki sa akin. Nararamdaman ko lang ang paki nila bawat oras na ng pagkain. Bago ako pumasok sa kusina ay naroroon na sa mesa ang pagkain ko. Iyon nga lang ako lamang ang kumakain magisa.

Pumasok ako sa aking silid bago pinahiran ang tumulo kong luha. Hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa trato nila. Siyempre magulang ko sila. Gusto ko lang naman maramdaman ang pagmamahal at pagaalaga nila pero napa ka impossible. Wala silang paki sa akin.

Hihiga na sana ako ng may maalala ako. Nakangiti akong bumangon at kinuha ang luma kong cp sa bag. Sa katunayan kay sharlene talaga ang phone na ito. Ibinigay niya sa akin nong nagpabili siya ng bago sa mommy niya. Hinanap ko ang number niya at mabilis na tinawagan. Ilang ring lang at narinig kuna sa kabilang linya ang boses niya.

Miss me binibini ko?.” bungad nito na siyang ikinatawa ko.

“May nakalimutan lang akong sabihin sayo.”

“Ako rin binibini. Nakalimutan kong sabihin sayo na may party pala kami kasama ang grupo dahil birthday ni couch. Nais ko sanang sabihin sayo na ayos lang ba na ikaw ang isasama ko. Ayos lang naman kong ayaw mo.”

Kailan ba ang party?.”

“Mamayang gabi pa naman.”

“Sige punta ako.”

Sige binibini aasahan kita. Ano pala ang sasabihin mo binibini?.” sabi nito na siyang ikinalunok ko. Sige na nadine sabihin muna. Deserve naman niyang malaman kong anong sasabihin ko. Bumuntong muna ako ng malalim bago naglakas loob sumagot.

“Mahalnamahalrinkitaginooko.” mabilis kong sabi baho pinatay ang tawag at tinawagan si sharlene. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko mabuti na lamang st napa kalma ko ang aking sarili bago sumagot ang kabilang linya.

Nadineeeeee. Miss you nads. Bakit napatawag ka? Dont tell me na inlove kana kay pablo? Na kayo na? Na mahal muna siya? Na sinuko muna ang sarili mo sa kanya? Nadinneeeee????.”

Napangiwi ako sa sigaw nito.

“Maliban sa sinuko ko ang sarili ko. Lahat ng sinabi mo ay totoo.”

“Talaga? O to the M to the G. Kayahhhhhh nadinnnneeee. Seryuso ka talaga?”

“Yes.” natatawa kong sabi.

Kayahhhhh.” sigaw ng sigaw ito sa kabilang linya kaya inilayo ko sa aking tainga ang aking telephono.

“Tumahimik ka nga sharlene. Naduduling na ako sa kakasigaw mo. Tama nah. Mabuti pa tulungan mo na lang ako mamaya.”

Ano bang maitutulong ko sayo my dear friend?? Sharlene ganda is here to help you.”

“Magpapatulong sana ako sa damit at mag papa derma. May party kasi sina pablo mamaya at inaya ako. Ayaw ko namang mag mukhang chaka sa party no. Kaya please sharlene tulungan mo naman ako.” pagpapaawa kupa.

Naisipan ko kasing magpaderma. Syempre ayaw kong mapahiya si pablo sa mga kaibigan niya. Isa pa balak ko naman talagang magpa derma noon pa. May saving na nga ako para doon kaya lang walang time. Ngayon pa lamang ako naglakas loob na magpaganda. Hindi ko naman sinabing sobrang ganda ko kapag wala na akong pimples. Pero alam kong maayos ang mukha ko kapag wala akong pimples. Nakakahiya kasi kapag ganitong mukha ko kapag kaharap ang mga kaibigan at ka team ni pablo. Atsaka gusto ko ring magustuhan nila ako para kay pablo. Siyempre kaibigan nila si pablo nararapat lang na kilatisin nila ang napupusuang babae ng kaibigan.

OMG! Sa wakas magpapaganda ka narin my dear friend. Ilang beses na kitang sinabihang magpaderma na kaya lang ayaw mo. Finally at naisipan mo narin nadssss. Ohmy excited na akong makita ang kagandahan mo nadineeee.”

"Hindi ako maganda sharlene kaya tumahimik ka. Gusto ko lang mawala itong pinples ko yon lang.” reklamo ko.

“Wag ako nadssss. Gusto mo lang mag pa impress kay pablo kaya naisipan mong magpaganda na. Nako nadine lustre, matagal na tayong magkaibigan. Basa na kita hoy.”

“Kong iyon ang gusto mong paniwalaan. So ano sasamahan mo na ba ako?.”

“Of course! Actually kakareply lang ni ninang lily sa akin. Ready na daw ang reservation natin. Pweding pwede na tayong pumunta doon ngayon din. Ohmy Im super duper excuted nahhh.”

Sige maghahanda lang ako bye!.”

Bye! Bye! Nadsss.”

Tinapos ko ang tawag at nagmadaling umalis sa kama at kinuha ang perang itinabi ko para sa pagdederma. Matapos kong makuha ay tumayo na ako at handa na sanang umalis ng makita ko si mama sa mismong pintuan ng kwarto ko. Seryuso itong nakatingin sa akin.

“Kayo na ng lalaking iyon? At wag kang magsinungaling sa akin nadine narinig ko lahat ng sinabi mo.”

“Opo ma, kami napo ni pablo. May problema po ba?.”

“Mayroon malaking problema. Magiimpake ka ngayon at ipapadala kita sa australia. Hihiwalayan muna ang lalaking iyon ngayon ngayon din.” sabi nito na siyang ikinagulat ko. Lumapit pa talaga si mama sa closet ko at nagmadaling pinasok sa malita ang mga gamit ko. Gulat ako sa lahat pero mas nagulat ako na pati si papa ay tumulong rin kay mama para mag impake.

“Tika ma, pa. Ano bang sinasabi mo? At bakit ako aalis? Hindi ko po kayo naiintindihan?.”

“Talagang hindi mo ako naiintindihan dahil wala kang alam......”

Maraming sinasabi si mama at namalayan ko na lamang na tumulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko inaasahan na ganon paka ang nagyari noon. Hindi ko kayang tangapin ang mga narinig ko. Iyak ako ng iyak hanggang namamalayan ko na lamang ang aking sarili na nakasakay na sa isang eroplano patungo sa ibang bansa.

Malayo sa lahat. Malayo sa kanya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top