Chapter 4


Pangalawang araw na namin rito sa boracay. At masasabi kong worth it ang pagsama ko rito kay pablo. Wala kaming ginawa kahapon kundi ang magliwaliw sa kabuohan ng isla. Napaka ganda ng puting buhangin ng boracay. Parang hindi komplete ang araw mo kong hindi ka gumawa ng sand castle gamit ang mapuputing buhangin. Hindi ko talaga akalain na makapunta sa ganitong lugar habang 2nd year pa lamang ako. Pinangako ko lang sa aking sarili na saka na ako pupunta sa mga lugar na gusto ko gaya na lang ng boracay kapag nakapagtapos na ako ng pagaaral at magkaroon na ng trabaho. Siyempre hindi kami mayaman na pweding mag unwind nalang kong kailan namin gusto. Ang mga bagay katulad ng beaches ay pawang pangarap lang ng isang katulad ko. Pero tingnan mo nga naman, andito ako. Sadyang mapaglaro talaga si tadhana. Kong saan hindi mo inaasahan ay saka naman dumarating sayo.

Nandito kami sa silid na nirentahan ni pablo. Isang malaking suite  ito na may dalawang  silid sa loob. Siyempre bawal magkatabi ang lalaki at babae sa isang silid kapag hindi pa sila kasal. Iyon ang palaging bilin sa akin ni lola nor noong nabubuhay pa ito. At hanggang ngayon dala dala ko parin ang bilin niya. Atsaka kapag nangyaring isang silid tulugan lang ang kinuha ni pablo sa sopa nalang ako matutulog. Mahirap bawiin ang pinangako mo sa namayapa niya. Wala rin naman akong balak na bawiin ang pinangako ko. Mahalaga sa akin ang pangako kaya hinding hindi ko babawiin ang pinangako ko.

“Saan mo gustong pumunta ngayon binibini?.” tanong ni pablo na nakadekwarto sa isang single sopa. Umiling na lamang ako bago sumagot.

“Ayaw kuna munang lumabas. Masakit pa ang mga binti ko sa pinangagawa natin kahapon. Libutin ba naman natin ang isla buong araw. Napagod ako sa kakalakad natin. Baka bukas nalang siguro ulit ako mamamasyal.” nakanguso kong sabi. Narinig ko ang mahinang tawa nito.

“Sige manonood na lang muna tayo ng mga palabas ngayon. Ako rin ay pagod sa ginawa kahapon binibini. At ikaw naman bakit kapa magluluto? Maari naman tayong tumawag sa mga tauhan ko at magpadala na lang ng pagkain rito.”

“Wag na. Kaya ko namang magluto, tsaka nakakahiya sa mga tauhan mo. Marunong naman akong magluto kaya magluluto nalang ako ng makakain natin.” sabi ko bago sinalang ang lutuan at nilagyan ng mantika. Mag priorito ako ng hotdog at itlog. Natapos ko na rin kanina ang pag gawa ng sandwich. Pagkatapos nito gagawa ako ng garlic and egg fried rice. Hindi ito ang nakasanayan kong breakfast pero alam ko naman lutuin.  Alam kong ang mayayaman na katulad ni pablo ay ganito ang pagkain sa umagahan.

“Kong iyan ang gusto mo binibini.  Siyanga pala binibini, ano bang palabas ang nais mong panonoorin? Nais ko kasing maghanap sa internet ng palabas na magandang panonoorin. Baka may gusto kang palabas para mai download kuna.” aniya.

“Kahit ano nalang.” sabi ko habang binabaliktad ang itlog.

“Anong genre ba?.”

“Horror? Nah! Kahit ano nalang. Lahat naman ng genre nagugustuhan ko. Ikaw nalang ang pumili ng palabas na gusto mo.”

“Sige ako nalang ang bahala.” sabi nito bago tumayo at pumasok sa kanyang silid. Kukunin siguro ang loptop niya para mah download ng movie.

Pinagpatuloy ko ang aking pagluluto ay hinintay ang lalaki. Nang matapos na ay saka ko ito tinawag at inimbitahan sa hapag. Mabuti na lamang at narinig ako nito. Isang bese ko lang kasi tinawag ang pangalan niya. Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa lalaki. Sino ba naman kasi ang hindi mahihiya. Isang sikat yan e! Tsaka isa pa sa idolo ko.

“Ang sarap mo palang magluto binibini.” nakangiting sabi nito. Namula naman ang aking mukha dahil sa papuri ng lalaki.

“H-hindi naman, saktong sakto lang.”

“Saktong sakto lang? Ni lalang mo lang binibini? Seryuso kang saktong sakto lang ito? Kasi para sa akin hindi lamang ito sakto gaya ng sinasabi mo. Masarap talaga lalo na itong friend rice mo. Ang galing ng pagkatimpla.”

“S-salamat.”

“Walang anuman. Pero seryuso binibini, Maara kanang magpatayu ng  kainan. Ilang putahe palang ito masasabi ko ng masarap kang magluto. Sigurado ako kapag nagpatayo ka ng kainan dudumugin talaga. Kakaiba kasi ang pagkatimpla mo. Para bang mau espesyal na sangkap kang nilagay sa niluto mo.”

“Wala namang espesyal na sangkap.”

Mula ng bata pa ako gusto ko talagang magluto ng magluto. Kaya lang dahil sa isang trahedya pinatigil ako ng aking magulang at hindi na kailanman inutusang magluto. Kahit nga lalapit lang sa kalan ay ayaw na nila. Baka raw kasi mangyari na naman iyong nangyari 10 years ago.

Naiintindihan ko naman sila. Siyempre may malaki akong kasalanan kong bakit nangyari ang nangyari noon. Kahit nga umiba ang pakikitungo nila sa akin ay iniintindi ko na lang. Kasalanan ko kaya wala akong karapatan mag reklamo sa kanila.

“Natahimik ka binibini?.” taas kilay nitong tanong. Hindi kuna pala namalayang bumalik na naman ang isipan sa nakaraan. Bata pa ako noon kaya may mga bagay rin akong hindi naalala. Kaya lang palaging bukang bibig ng ina ko ang mga nangyari noon. Hindi ko man lubusang naalala ang lahat ng nangyari ay may ideya parin ako. Talagang hindi ko lang alam kong ano talaga ang totoong nagyari.

“Ayos ka lang ba binibini? Tumigil karing kumain. May masakit ba sayo?.”

“Wala naman. Pasensiya na, may nalala lang naman ako.” piking ngiti bago nagsimula ulit kumain.

“Maliban sa panonood ng palabas binibini. May iba ka pa bang gustong gawin?”

“Wala naman masyado.” tumango ito sa akin bago kumain ulit.

“Kong liligawan ba kita binibini, papayag kaba?.” tanong nitong ikinagulat ko. Nahulog ko pa talaga ang aking kutsara ng marinig ang sinabi nito.

“A-ano?”

“Kong sakaling liligawan kita, anong isasagot mo sa akin? Papayag kaba?”

“Huh?.”

“Alam kong nakakagulat binibini. Pasensiya kana, nais ko lang naman itanong sa iyo iyon. Nagbabakasakaling sagutin mo.”

“Hindi naman sa ano pablo. Parang ang bilis lang at gusto mo na akong ligawan. Hindi mo pa nga yata ako kilala e! Tsaka parang hindi naman kapani-paniwalang narinig ko talaga ang mga katagang iyon mula sayo. Ang bilis lang.”.

“Naiintindihan ko binibini. At mali ka sa sinabi mong hindi kita kilala. Maniwala kaman o hindi marami akong alam tungkol sayo. Mula sa iyong pangalan, paborito at ilang bagay na gusto mo. Kilala kita binibini, kilalanh kilala.” sabi nito na siyqng ikinagulat ko.

Paanong kilalang kilala niya ako? Hindi kapani-paniwala na kilala ng isang pablo ang isang pangit na katulad ko. Nakapagtataka rin na kong sabihin niyang kilala niya ako ay para bang totoong kilalang kilala talaga ako ng lalaki.

“Pa-paanong kilalang kilala mo ako?.” naguguluhan komg tanong. Ngumiti ito ng pagkatamis tamis at tinitigan ako ng matagal.

“Sekreto lang muna binibini kong paano kita nakilala. Basta hindi ako nagbibiro ng sabihin ko sayong kilalanh kilala kita. Sa maniwala kaman o hindi.” seryusong sabi nito.

“At bakit mo ako gustong ligawan? Hindi naman ako kagandahan at ang layu ko pa doon sa mga babaeng nagakakagusto sayo. Nakapagtataka lamg at gusto mo akong ligawan. Napaka imposible kasing nagagandahan ka sa akin. Pasensiya na pablo pero hindi ako naniniwala na gusto mo akong ligawan.” sabi ko bago yumuko.

Hindi bagay sa isang pablo ang katulad ko. Tsaka ano nalang ang isipin ng mga fans at school mates ko kapag nalaman nilang nililigawan ng isang pablo ang pangit na si nadine lustre? Nakaktakot isipin na magkaroon ng world war 3 ng dahil sa akin. At isa pa hindi talaga ako naniniwalang kilala ako ng lalaki. Baka binasa niya lang ang bio data ko o ang profile ko sa school. Pangalan, apilido, taon at ilang bagay lang naman ang naisulat doon. Kaya nakapagtataka at kilalang kilala niya daw ako.

“Kasi gusto kita binibini. Kaya nga diba nanliligaw ang lalaki sa isang babae dahil gusto niya ito? Ganon rin ako binibini. Gusto kita kaya gusto kong ligawan at mapasa akin ka.”

“Parang ang bilis naman.”

“Maniwala ka sa hindi matagal na kitang kilala at nagustuhan. Ayaw ko lang lumapit sayo at baka hindi mo ako pinapansin. Kuntento na ako habang pinagmamasdan kita sa malayo. At isa pa ayaw kong dumugin ka ng aking tagahanga kapag nalaman nilang gusto kita.”

“Matagal muna akong gusto? Pinagmamasdan?.”

“Oo natagal na. Nong senior high kapa lamang ay pinagmamasdan na kita. Naalala ko nga noong intrams na binully ka ng ibang babae dahil ikaw ang nanalo sa cooking contest. Binuhusan kaoa nga noon ng spaghetti at juice sa mukha. Alam mo bang gusto kitang lapitan noon? Kaya lang naunahan ako ni ken hahaha. Ang lokong ken na iyon.” natatawang sabi nito na para bang naalala ang mga pangyayari.

Binully talaga ako noong senior high dahil sa pagkapanalo ko sa cooking contest. Wala naman akong kaalam alam na may galit na pala sa akin ang mga babaeng iyon. Nagulat na lang talaga ako at binuhusan na nila ako ng spaghetti at juice. Sekreto lang naman sana ang pagsali ko sa cooking contest na iyon, dahil ayaw na talaga ni mama at papa na magluto ako o humawak ng bagay sa pagluluto.

Dahil sa nangyari nalaman ni mama na binali ko na naman ang bilin niya. Kaya ayon imbis na ako ang nabully ako pa ang pinagalitan niya. Ikinulong pa ako sa aking silid buong araw. Mabuti na lamang at weekends kaya hindi ako naka absent sa school. Iyon rin ang huling cooking contest na sinalihan ko.

Nalaman iyon ni sharlene at minsan pinupuntahan niya ako sa bahay kapag weekend at sasabihin niya kay mama na may lakad kami pero ang totoo gusto lang niya akong paglutuin ng paborito niyang adobo at sinigang. Nagmula kasi ng matikman nito ang luto ko ay ayaw na niyang kumain ng luto ng iba. Kapag paborito niya ang pinag uusapan. Nalaman ko pa nga sa ina ni sharlene na nagtataka na daw siya kong bakit hindi na ina araw araw ng anak niya ang adobo at sinigang. Kaya lang wala naman akomg masabi sa mama niya kaya umiling na lamang ako.

“Noon pa?.”

“Oo binibini, noon pa kita gusto. Kaya nga noong nalaman ko na magkakaroon kami ng trip at ibat ibang lugar ang napili ng membro, iminungkahi ko na magdala kami ng gusto naming isama maliban sa pamilya namin. At noong sumangayon sila mabilis kong sinabi na ikaw ang isasama ko. lingid sa kaalaman ng grupo na may gusto ako sayo. Ay nong nawala ang manager namin doon ko nalaman na plano pala nila ang mag trip at pumili ng ibat ibang lugar. Kapag daw hindi ako nagmungkahi ng ganon ay sila ang magmumungkahi. Ikaw nila baka daw may magkagusto na sayo at maunahan pa ako haha.” natatawa nitong sabi.

“Alam nila ken na may gusto ka sa akin?.” nanalalaking mata kong tanong.

“Lahat naman ng sekreto ng bawat isa sa amin ay alam naming lahat. Binibini nais ko lamang malaman mo na seryuso ako sa gusto kitang ligawan. Matagal tagal naring nakaukit sa puso ko ang iyong pangalan. Hihintayin na lang sana kitang makapagtapos ng kolehiyo. Kaya lang itong mga kaibigan ko tinatakot akong baka maunahan pa ako ng ibang lalaki sayo. Kaya ginusto ko narin na mapalapit sayo at piliin ka para makasama sa trip ko. Pasensiya kana, nais ko naman na malaman ng ibang tao na ikaw ang laman ng puso ko kaya lang ayaw ko ring saktan ka nila. Pasensiya na binibini hindi ko kayang ilabas ka at ipakilala sa lahat. Hindi dahil hindi ako bilib sayo kundi dahil ayaw kong masaktan ka. Pasensiya na.” mahabang sabi nito na siyang ikinagulat ko.

Nakakataba pa ng puso at iniisip pa talaga nito ang kapakanan ko. Palihim akong napangiti at tinitigan ang lalaki. Tunay na gusto ko si ken pero itong lalaking nasa aking harapan talaga ang nagbigay sa akin ng ibang pakiramdam lalong lalo ng sa puso ko. Gaya ng sabi ko hindi ako ganon ka inosente. Alam ko kong bakit at ano ang dahilan ng pagtibok ng puso ko ng malakas.

Mahirap man isipin pero alam kong may paghanga rin ako sa lalaki. Sa katunayan siya talaga ang unang nakakuha ng atensiyon ko noong una ko silang makilala. At noong tinulungan ako ni ken ay nabaling ang atensiyon ko. Hindi dahil sa ayaw kuna sa kanya kundi dahil sa kabaitan ni ken. Si ken ang nagustuhan ko at naging bias ko dahil doon. Pero hindi ko parin maipagkakaila na kay pinuno ako unang nahumaling at hanggang ngayon ay sa kanya lang.

“Salamat at sinabi mo yon sa akin. Mahirap naman talaga kapag nalaman ng fans mo na may gusto kanang babae. Atsaka salamat dahil kahit hindi ko alam ay pinili mo parin kong anong makakabuti sa akin.” hindi lang pala mabait itong si pablo kundi marunong rin magisip kong ano ang nararapat sa mga taong mahalaga sa kanya. Mas lalo lamang akong nahuhumaling sa kanya.

“Walang anuman binibini. Hangad ko rin naman ang kaligtasan mo kaya para sa akin maliit na bagay lamang ang ginawa kong pagpoprotekta sayo. Ayaw ko rin namang may masamang mangyari sa babaeng nilalaman ng tumitibok kong puso na ang tanging hangad ay makasama at mapasaakin ka.” seryuso nitong tanong. Tumango na lang ako at nagsimulang kumain ulit. Nakakahiya kasi at baka makita pa nito ang pagiinit ng aking pisnge. Mabuti na lang talaga at marami akong pimple kaya kapag nambablush ay hindi masyadong halata.

“Sige pablo. Pinapahintulutan kitang ligawan ako sa isang kondisyon?.”

“Ano yon binibini?.” nakangiti nitong tanong.

“Na walang makakaalam na nanliligaw ka sa akin. Hindi dahil ayaw ko kaya kundi ayaw kong madumog ng mga tagahanga mo. Gusto kong lowley lang ang buhay ko gaya ng nakasanayan ko. Kaya sana maiintindihan mo.”

“Noted binibini. Maraming salamat sa pahintulot. Wag kang magalala at ipapangako kong hindi mo pagsisihan na binigyan mo ako ng permeso na ligawan ka. Pangako gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat ako sayo.”

“Sige.”

Hindi ko alam kong bakit umuo ako. Ang alam ko lang gusto ko rin ang lalaki o mas malalim pa doon. Hindi naman mali kong pagbibigyan ko ang aking sarili para magmahal. Gusto ko rin kasing maranasan ulit kong paano mahalin at alagaan. Magmula ng mawala siya ay hindi ko na naramdaman ang mga bagay na iyon.

Sana nga lang at hindi ako magkakamali sa isang to. Ang hirap ring masaktan at mag move on. Sana lang talaga at ito na ang para sa akin. Siya na ang para sa akin.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top