Chapter 3
Kinabukasan natagpuan ko ang aking sarili sa sakayan ng jeep. Naghihintay ng masasakyan papunta sa bahay nila pablo. Nagkita kasi kami kahapon bago mag uwian at sinabing sa bahay nalang daw nila ako didiritso.
Habang naghihintay may grey na sasakyan na biglang bigla na lamang pumarke sa harapan ko. Napatalon pa ako sa gulat sa pagsulpot nito.
Sisigawan kuna sana kaya lang biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at nakita kong naka mask si pablo habang sinisinyasan ako pumasok. Natulala pa ako ng ilang segundo bago lumapit sa sasakyan at nagmadaling sumakay. Naalala ko sikat pala itong kasama ko kaya dapat talaga akong magmadali at baka mau makakita pa sa lalaki.
Pagpasok ko kinuha nito ang traveling bag na dala dala ko at nilagay sa likurang bahagi ng sasakayan niya.
“Magandang umaga binibini.” sabi nito bago hinubad ang mask na suot. Napatanga na lamang ako at umayos ng upo. Ang gwapo lang ng lalaking ito sa suot na pulong puti at itim na jeans. Hindi ako masyadong nakakahinga sa presensiya ng lalaki. Kaya nagkunwari na lamang akong tumingin tingin sa labas ng bintana habang hinihintay ko umandar ang sasakyan. Ngunit ilang minuto na ang lumipas hindi parin gumagalaw ang sinasakyan namin.
Taka akong napatingin sa katabi at nakitang nakataas ang kilay nito sa akin. Napakunot noo ako at hindi maiintindihan kong bakit nakataas ang kilay ng lalaki. Umiling na lamang ito at tinupi ang mangas ng pulo hanggang sa siko. Akala ko aalis na kami ngunit hindi pa pala. Bumalik ang tingin nito sa akin habang nakataas parin ang kilay.
“Hindi paba tayo aalis?.” nahihiya kong tanong.
“Nasaan ang magandang umaga ko binibini? Kanina pa kita binati ngunit wala man lamang akong narinig mula sayo. Nais ko lang naman marinig ang pagbati mo.” sabi nito na siyang ikinasindak ko.
Kaya pala hindi pa nito pinaandara ng sasakyan dahil gusto pang batiin ko. Nakalimutan kong batiin ito dahil nakuha ng atensyon ko ang ka pogihan nito sa suot. Hindi ko naman akalaing hinihintay pala nito na batiin ko pabalik.
Napayuko na lamang ako bago nilakasan ang loob na tingnan ang lalaki. Nakita ko itong nakatingin sa akin kaya bahagya akong ngumiti bago ito binati.
“Magandang umaga rin sayo ginoo.” nakita ko itong bahagyang ngumiti at tumango tangong binaling ang tingin sa steering wheel ng sasakyan.
“Mas matamis pa ang pagbati mo sa akin binibini. Tunay na maganda ang umaga ko. Kasing ganda mo ba naman ang makakasama ko.” sabi nito na siyang ikinainit ng buong mukha ko.
Nakakainis ang lalaking ito. Ayos lang naman wag na niyang sagutin ang pagbati ko. Pero ginawa parin niya. At ito ako ngayon. At ito ako ngayon nakayuko habang nakatingin sa mga kamay kong bahagyang nanginig dahil sa sinabi ng lalaki. Naramdaman ko rin ang abnormal na pagtibok ng puso ko dahil doon.
Kahapon pa itong puso ko. Nakakainis na.
Kasing ganda mo ba naman ang makakasama ko?.
Gusto kuna sanang kiligin sa katagang yon kaya lang nalala kong hindi pala ako maganda. Kaya yumuko pa ako ng tudo at pinaalalahanan ang sarili na hindi totoo ang sinabi ni pablo. Imposible naman talagang nagagandahan sa akin ang isang lalaking katulad ni pablo. Saang banda ba nakita nito ang kagandahan ko? Walang maganda sa mukha kong punong puno ng tigadig. Kaya hindi kapani-paniwala na lumabas talaga sa bibig ng lalaki ang salitang maganda. At ako pa talaga ang sinabihan. Ayos lang sana kong totoong maganda ako pero hindi e! Hindi ako maganda. Kahit sinasabi nila noon na may kahawig ako sa "Asia's superstar" na si Kathryn bernardo. Hindi parin ako naniniwala na maganda ako. Si Kathryn lang ang maganda hindi ako.
Atsaka noon iyon nong wala pa akong pimples. Pangit na nga ako noong wala pa akong tigatig mas lalo naman ngayong marami na sa mukha ko.
Hindi naman sa dinadown ko ang sarili ko. Nagpapakatotoo lang ako sa akjng sarili. Hindi ako maganda at hindi na yata gaganda pa. Ayos lang naman sa akin. Hindi naman basihan ang hitsura para maging successful o para magkaroon ng jowa. Kaya lang may iilan paring tao nagbabase talaga sa kagandahan at kagwapuhan. Wala na naman akong pakialam doon. Opinion nila iyon at gusto wala akong karapatang para i judge sila. Beside hindi pa naman ako ready magkaboyfriend. Tatapusin ko na muna itong pag cocolage ko. 2nd year na ako sa kursong bachelor of design in fashion. May dalawang taon pa bago ako mag jojowa. Kaya lang baka walang pumatol. Ayos lang naman sanay naman akong magisa.
“Didiritso tayo sa NAIA. May ticket na ako at naka laan na ang ating oras sa paglipad ng sasakyang panghimpapawid. Aalis tayo sa eksaktong alas otso ng umaga. Darating tayo sa catican airport mga sampu hanggang labing limang minutong paglalakbay.” sabi nito. Napatango nalamang ako at tumingin sa harapan. Normal lang ang bilis ng pag didrive nito. Hindi naman masyadong traffic kaya madali lang kami nakarating sa airport.
Bumaba ako sa sasakyan at nauna nag maglakad habang dala dala ang travelling bag ko. Hindi kuna hinintay si pablo. Hindi dahil sa hindi ko siha gusto makasabay ngunit dahil ayaw kong mapahiya siya dahil sa akin. Ayos lang sana kong pang diyosa ang kagandahan ko ngunit hindi. Ang layo layu sa pagiging diyosa itong mukha ko. Atsaka alam ko naman na hindi magiisa iyang si pablo lalong lalo na sa public places. Nakita ko rin kasi kanina ang dalawang body guards na papalapit sa sasakyan niya. Kilala ko ang mga guards na iyon. Ilang beses ko narin kasing nakita ang dalawang guwardiya na yon kasama ang membro ng sb19.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng bigla kong naalala na hindi ko pala alam kong saan ako pupunta. Siyempre first time ko rin makapunta sa airport. Napahampas na lang ako sa aking noo at unting unti lumingon sa likuran. Nagulat pa ako ng mabungaran ang mukha ni pablo na malapit sa mukha ko.
Nakasuot ng mask ang lalaki at brown na shades. May bunnet rin ito kaya hindi masyadong halata na siya itong nasa harapan ko.
“Nasa maling direksyon ka binibini. Mabuti na lamang at tumigil ka kaya naabutan kita. Wag mo na akong iwan ulit binibini. Kasama mo ako kaya nararapat lang na nasa tabi lamang kita palagi. Tayo na binibini.”, sabi nito at kinuha ang travelling bag ko bago ako hinawakan sa kamay at hinila kong saan ang tamang direksyon na pupuntahan namin.
Napatanga na lamang ako sa magkahawak naming kamay. Hindi ko akalaing mahahawakan ko sakamay ang isa sa membro ng sb19. Palaging nasa malayo lamang ako habang pinagmamasdan at hinahangaan sila. Kaya napaka imposible at nahawakan ko ang isa sa kanila. Hindi ko akalain na mabibigyan ako ng pagkakataon para makalapit sa isa sa kanila. Napaka swerte ko siguro at ako ang napili ni pablo. Iyon ngalang may hindi kagandahan pa ang napili niya. Parang hindi ko deserve ang makalapit o kaya naman ang piliin ng isa sa membro ng sb19. Pero heto kasa kasama ko at ka holding hands pa nag pinuno nila.
Naglakad kami sa direksyong sinasabi niya. Nagulat pa ako ng marating ang sinasabi nito at tanginh isang airplane lamang ang nakikita ko. Tiningnan ko ang kabuuhan ng airplane at nakita ang simbolo ng sb19 sa harapan ng nasabing airplane. Sa buntot naman nito nakasulat sa malalaking letra ang salitang pablo. Maaaring private plane ito ng lalaki.
“Pasensya kana binibini. Nalaman kasi nila ang plano kong mauna ma sa boracay kaya pinasundo ako at sinabihan na ihahatid na nila tayo sa boracay. Nagalit pa tuloy ang mga kasama ko ng malaman nila ang plano. Marami naman silang ginagawa kaya sa huwebes pa sila susunod sa atin. Pasok kana.” sabi nito.
Kaya pala parang maling daan ang tinatahak namin kanina. Dahil sa private plane niya pala kami sasakay. Tingnan mo nga naman. First time kong magbeach sa boracay pa. First time kong lumulan ng isang kotse sa isang Mitsubishi pa. First time kong sumakay ng airplane sa private plane pa talaga ni pablo. Andami namang first time na natupad kasama ko itong si pablo. Maswerte na talaga siguro ako at ako ang napili.
Habang tumataas ang paglipad ng airplane nasa labas lang ang aking paningin. Tinitingnan ko ang airport ng NAIA na lumiliit na sa paningin ko. Napatawa pa ako ng makita ang mga tao na parang mga langam na sa layong ito. Totoo palang magandang pagmasdan ang mga estruktura at iba pang bagay sa lupa mula sa himpapawid. Nakikita mo talaga kong gaano kaganda at kabigha bighani ang mga bagay bagay lalong lalo na ang mga kabundukan at ilog.
Hindi ko alam kong ano ang iniisip ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Para kasi akong batang hindi mapakali habang pinagmamasdan ang tanawin na nadadaanan ng plane.
“Ang saya mo yata binibini.” gulat akong napatingin sa lalaki ng magsalita ito. Nakita ko itong umiinom ng kape habang nakatitig sa akin. Napanganga naman ako kay umayos ako ng upo at bahagyang inayos ang aking salamin bago tumingin sa lalaki. Nakakahiya naman yata ang pinangagawa ko kanina. Baka isipin ni pablo na baliw ako at biglang bigla na lamang niyang itapon palabas sa private plane niya.
“Wala naman. First time ko lang kasing makasakay ng airplane. Pag pasensiyahan muna ang inasal ko. Nawili lang ako sa tanawin sa ibaba.” kamot ulo kong sabi. Tumango naman ito bago imuwestra sa akin ang pagkain na nasa mesa. May mga prutas at desert. May mga ibat iba ring inumin gaya ng juice, tubig, wine at kape.
Inabot ko ang platito at kumuha ng kutsara bago naglagay ng pagkain sa plato ko. Mango float at isang slice ng ube cake ang nilagay ko sa platito ko. Nanginginig pa ako habang kumukuha ng pagkain. Ikaw ba naman kasi pagmasdan ng lalaking si pablo. Siyempre manginginig ka talaga sa hiya.
“Ayos lang naman binibini. Kong gusto mo pabalikin ko ulit sa manila itong eroplano bago ulit tayo tutungo sa boracay.” serysusong sabi nito.
Nagulat ako sa sinabi ni pablo. Talagang gagawin niya para sa akin ang mga yon? Wag na mas lalo lamang akong mahihiya kapag nangyari iyon. Nahihiya na nga ako sa kasalukuyan at balak pa yata niyomg dagdagan. Nakakahiya na talaga.
“Ay! Wag na. Kuntento na ako sa napanood ko kanina.” pilit ngiti kong sabi.
“Seryuso ka?.” taas kilay nitong tanong. Tumango tango naman ako bago inabot ang inumin at uminom.
“Ayos lang tsaka malapit na naman siguro tayo sa boracay doon nalang ako maghahanap ng magagandang tanawin.” nakangiti kong sabi.
“Kong iyan ang nais mo.” sabi nito at sumimsim ng kape. Tumango lamang ako at kumain narin. Masyado namang mabait itomg si pablo para pabalikin pa talaga ang airplane niya sa manila para lamang makita ko ulit ang mga tanawin na napagmasdan ko kanina. Hindi ko akalaing alukin niya ako ng ganon. Siyempre nauna na itomg si pablo sa trip niya kaya hinuha ko gusto nitong mag unwind at libutin ang kabuuhan ng boracay. Parang nagmamadali ang lalaki at hindi na hinintay ang mga kasama niya kaya bakit gustuhin pa nitong ipabalik ang eroplano gayong malapit na kami sa catican?. Baka nasubrahan sa kabaitan ang lalaki.
Kaya mas lalo lamang ako nahihiya sa kanya. Hindi naman ako ganon ka importante para pagtuunan pa niya ng pansin. Ilang beses na ba akong ginulat ng lalaking ito? Hindi ko alam. Lahat na nga yata ng ginagawa nito para sa akin ay nagugulat ako. Nakakapanibago lang kasi at hindi ko pa kailan man nakita siyang ganito sa ibang babae. I mean fan nila ako at palagi ko silang nakikita araw araw sa school maliban na lamang kapag weekends. Sa mga araw na iyon hindi ko siya nakitang may kasamang ibang babae. Pawang membro lamang ng grupo nila ang palagi kong nakikitang kasama niya. O baka naman may espesyal na tao itong iniingatan kaya wala akong nakitang kasama nitong babae.
Ganon naman talaga minsan ang mga sikat diba. Itinatago ang jowa hindi dahil sa ikinkahiya ngunit dahil pinoprotektahan. May ibang fans naman kasing nag oover acting na at akala nila sa kanila na talaga ang idolo nila. At may iba pa kapag nalaman na may jowa na ang iniidolo binabash naman ng ibang fans. Kaya hindi natin mapipigilan kong isang araw malaman nalang natin na kasal na ang ating iniidolo. Tsaka privacy rin nila iyon. Mahirap naman talaga pag sikat at pag may hindi nagustuhan ang ibang fans ay tudo bash ang inaabot mo.
You should be perfect in their eyes. At nakakainis iyon. Hindi ako sikat pero sa mga napanood kong pambabatikos sa isang sikat masasabi ko 'yong ibang fans perpekto talaga ang pagtingin sa mga idol. Isang mali hinuhusgahan na agad. Kapag naman hindi nagustuhan ang pinili ng idolo binabash agad. Hindi ba alam ng mga fans na iyon na tao rin iyang iniidolo nila? Na hindi rin perpekto katulad nila? Nakakainis lang ang pag dedescriminate nila sa mga artista.
Parang wala ng karapatan ang iniidolo nila na maging masaya at makasama ang taong nagpapasaya sa kanila.
Remember they are an idol/artist and their main job is to entertain and make their fans happy. Pwede naman sigurong kasayahan naman nila ang piliin natin diba? Kong may nagpapatibok na ng puso nila, pwede naman sigurong tangapin nalang ng ibang fans at hayaan nalang ang idolo natin na maging masaya kasama ang pinili niyang tao diba?.
Oo nga at masaya tayo kapag may ginagawa sila o kong pinapasaya nila tayo. Pero ang tanong ganon ba sila kasaya kasama natin? Lahat naman tayo may isang tao talagang masasabi nating tunay tayong masaya kapag kasama siya. Sana respetuhin nalang ng ibang fans ang iniidolo nila.
Everyone deserves to be happy. Our idol deserves a pahinga. Someone they calls home.
“Malapit ng lalapag ang sinasakyan natin binibini. Isuot mo na iyang sit belt mo o kaya naman gusto mo ako nalang ang tatabi sayo. Mag sabi kalang binibini at gagawin ko.” sabi nito na siyang ikinalaki ng mga mata ko.
Ano raw? Parang hindi ko yata narinig ang sinabi niya?.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top