CHAPTER 6

Hindi ako mapakali dito sa bahay. Ang aga namin mag dinner at pasulyap sulyap si Iarrah saakin. Nababanas ako parang may nagawa akong mali when infact, wala naman. It's just a piece of candy! I can buy her tons of that.

But ofcourse I won't do that to please her.

Hindi ako kumportable sa bahay kaya naisipan kong lumabas at maglakad lakad muna. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko palabas ng subdivision namin.

Tama din siguro 'to. Babalik nalang ako pag tulog na sila. Hindi ako kumportable sa presensiya ng kakambal ko kaya babalik ako ng bahay pag tulog na siya. Naisipan kong puntahan si Sophia na isang sakay lang naman ng tricycle ang layo mula sa bahay namin.

Imbes na pumasok ako sa loob ng subdivision nila, tumuloy ako sa katabi nitong coffee shop dahil may nahagip ang paningin ko. I texted Sophia na tumambay nalang kami dito since tinatamad din ako maglakad papasok sakanila.

Binalik ko anh tingin ko sakaniya.

It was the photo journalist. Para siyang nag papanic na ewan. Mukha tuloy siyang tanga kaka pabalik balik niya sa labas ng coffee shop.

"You look stupid." Sabi ko. Ewan ko bakit ko siya pinansin! Ewan ko bakit ako andito. Kusa akong dinala ng mga paa ko dito.

"Iannah!" Sigaw niya at niyakap ako bigla. Okay? Ano meron? We are not close. Tinulak ko agad siya.

"Why did you hugged me?!" Sigaw ko sakaniya pero nakatingin padin siya saakin na para bang nakakita ng anghel. I'm not an angel duh?

"Ikaw!" Sigaw niya ulit at tinuro pa ako. Para siyang baliw.

"Ano ba meron? Para kang baliw!" Naguguluhan kong tanong.

"You're the last person I'm with bago nawala ang camera ko!" Nababaliw niyang tugon. "Andun lahat ng photos, hindi ko pa natatransfer sa laptop, lagot ako sa--"

"I have your cam." Sabi ko at napalingon agad siya saakin at niyakap nanaman ako!

"You are my hero." He said at ayaw ako pakawalan sa yakap. Ano daw? I'm his hero? Bading ba'to?

Nagpupumiglas ako pero ayaw padin niya ako bitawan!

"Iannah?" Boses ni Sophia! Binitawan nadin ako nung photo journ at agad naman ako tumakbo palapit kay Sophia. I feel so harassed! "Sino 'yan?" She asked me at tinuro yung photo journ.

Inayos ko muna yung sarili ko bago mag paliwanag. "He's Photo Jou--" that guy cut me off.

"I'm Ryle. May pangalan nga kasi ako, ilang beses ko ba ipapaliwanag sa'yo yun Ms. Secretary?" He arched his brows at inabot ang kamay kay Sophia. Tinaggap naman ito ng kaibigan ko at nag pakilala din.

"So, you guys seems so close? Niyakap mo si Iannah e. Wala nakakadikit jan bukod saakin." She said while laughing.

"No we're not! He harassed me!" Defensive kong sagot pero tinawanan lang niya ako.

"Ang sensitive ha. By the way, aalis na ako." Sabi ni RYLE daw at tumingin saakin. "Ingatan mo yun ha. Papanagutan mo yun pag nalaglag." He winked before waving his hands.

"Oh my what's that? Anong papanagutan mo? Halika pumasok tayo sa coffe shop!" OA na sambit ni Sophia at hinila ako papasok.

Kinabukasan...

Late na ako nakauwi kagabi dahil inexplain ko lahat kay Sophia. Pero maaga ako nagising ngayon.

I was really surprised last night kasi akala ko pag uwi ko, tulog na sila. But no! Lahat sila andun sa sala nakatingin saakin!

I brushed my teeth at lumabas na ng kwarto.

Nakasalubong ko si Mommy pababa ng hagdan at tinignan niya ako. Napabuntong hininga nalang ako at humalik sakaniya.

"Goodmorning mom. Sorry about last night." I said at nauna na bumaba ng hagdan to eat breakfast. Pinagalitan niya ako kagabi dahil late na ako nakauwi pero dinaanan ko lang siya at dumiretso na agad ako sa kwarto ko. That's why I'm saying sorry.

After ko mag breakfast, naligo na ako upang maaga makapasok sa school.

Paglabas ko ng banyo, nakita kong kakagising lang ni Iarrah at patungo nadin sa banyo ng kwarto namin. We are sharing one room, one bathroom but there's a separator in the middle of the room and we are not sharing one bed, vanity and study table.mukhang sariling kwarto ko padin naman ito pero dumadaan ako sa space ni Iarrah dahil andun sa side niya ang pinto upang makalabas ng kwarto at dumadaan naman siya sa hati ng kwarto sa side ko pag maliligo dahil doon ang bathroom.

Nagkatinginan lang kami at hindi ko na siya kinibo at umupo na sa vanity mirror ko upang mag ayos. Pagkatapos ko mag ayos, nag bibihis na ako nang lumabas si Iarrah mula sa banyo. Nakita kong nakatingin siya sa camera na nakapatong sa kama ko.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Dumiretso na siya pabalik sa puwesto niya at lumabas naman na ako ng kuwarto dala ang bag ko at camera.

Pagbaba ko ng hagdan, andun na si Daddy at nag babasa ng diyaryo sa may lamesa. Lumapit ako sakaniya at humalik sa pisngi niya.

"Goodmorning Dad, sorry." I said. Nastress sila saakin kagabi. I should be  sorry. Hinaplos lang nya ang pisngi ko at nginitian ako.

"Nag breakfast kana?" He asked me. Ngumiti naman ako at tumango. I'm close with my Dad and not really with my mom. Pero minsan lang din kami mag usap bacause I always isolate myself. For some reasons.

"Aali--" mag papaalam na sana ako nang bigla ako tawagin ni Iarrah.

"Is that Ryle's camera? I'll take it with me." She said.

Nilapag ko naman ang camera sa may sofa at nag lakad na palabas ng bahay. Tauhan naman niya 'yon e. Edi siya na magbalik. I have so many things to do.

I just found myself going back at the house at kinuha muli ang camera at binitbit iyon.

Nagtatakang tingin naman ang binigay ni Iarrah saakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"It's under my responsibility. Ako na ang mag babalik." Sinabi ko 'yon at umalis na.

Sumakay ako sa kotse at andun na ang driver, naghihintay. Usually, hindi kami sabay pumasok ni Iarrah kasi maaga ako pumapasok to fulfill my duties.

I opened my phone when I heard a notification sound from Instagram.

Ry.lpz started following you.

But it did not end there.

He DMed me!

Ry.lpz: Don't forget my camera.

Ofcourse! Dala ko nanga e! Napairap nalang ako. Demanding?

Ry.lpz: Don't forget to smile when you return it to me. Goodmorning Ms. Secretary.

Smile?

_____

A COLLABORATION STORY WITH air_jhel! meet Iannah Cervantes' twin sister and know her story!

Kindly visit air_jhel's account to meet Iarrah Cervantes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top