CHAPTER 5


Andito ako ngayon sa office ng student council.

I'm still wondering kung ano ba yung binigay ng Vice President sa kakambal ko.

"What's on your mind?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko ang lalaking tinutukoy ko. "Natatapon na yung sinasalin mong tubig."

Agad naman ako napatingin doon at agad binitawan ang pitchel dahilan para mahulog ito sa sahig at mas kumalat pa lalo.

"Omg. This is my first time seeing our sercretary being out of focus. She looks so bothered." Sambit ng aming P.I.O

Napapikit nalang ako sa inis. I lost my track.

"Hey bat baha sa opisina?" Tanong ng president namin na kakapasok lang.

Nagtawanan lang sila at pinatawag ang janitor upang linisin ang tubig.

Bumalik naman ako sa table ko at inayos ang ilang attendance sheet mula sa STEM strand. nabasa. I'm so ruined.

Pag angat ko ng tingin ko, nakita kong hindi padin umaalis ang Vice President sa harap ng lamesa ko.

"Do you need anything mr. Vice president?" I asked professionally.

"Nothing. You just look bothered." He said to me.

"And? Do you care?" I asked. Hoping? Siguro. Baka may pakialam siya saakin. Kahit papano.

"Naninibago lang." He said at tumalikod. Aalis na dapat siya ng hilahin ko ang kamay niya.

"Ano yung ano, yung binigay mo sa kapatid ko kanina? You guys seems so close. I wasn't aware." Naka tingin ako sakanya pataas dahil nakaupo ako at nakatayo naman siya.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at napaharap ng diretso saakin.

"You saw that?" He looks so shock.

"Why? Dapat ba hindi ko nakita?" Napataas ang kilay ko. Ano ba meron sakanila?

"It's nothing." He said at inalis ang kamay kong nakahawak sakanya.

"Uy ano yon?" Tanong ng president namin. "Close ba kayo ng Vp? Di kaya kayo nag kikibuan nung election." Natatawang sambit niya at may nilagay na folder sa locker at umalis na.

Umalis nadin ako to take my miryenda break bago bumalik sa classroom para sa major subject namin.

I just ordered carbonara at iced tea at umupo na sa isang bakanteng table at nag simula kumain habang nirereview ang mga lessons na namissed ko during the times na I was excused.

"Kwek kwek?" Nagulat ako tinig at napatingala.

Okay siya nanaman.

Bitbit niya ang camera niya at may bitbit na dalawang mangkok ng miryenda din niya. Umupo siya sa harap ko at nilapag ang camera sa gilid.

"Uh? We are not close to share tables." I frankly said.

"Uh?" He mocked me. "I don't care." He said at nag simula ng kumain.

Kumain nadin ako at inignore ang presence niya.

I was eating peacefully ng bigla siya mabulunan!

The heck?

Umuubo ubo siya habang hinahampas ang dibdib niya. Nagtitinginan yung mga tao saamin dahil parang mamamatay na siya pero ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Nag kukulay violet na ata siya. Gosh I'm not a doctor!

Nagulat nalang ako ng bigla niya kunin ang iced tea ko at dirediretsong ininom iyon hanggang mangalahati.

"That's mine!" Sigaw ko sakaniya.

Binalik naman niya saakin ang nainuman na niya at pinunasan ang bibig niya. Tingin ba niya iinumin ko pa 'to? Eww.

"Kala ko mamatay nako." Hinihingal niyang sambit bago tumingin saakin. Natatawa. "Wala ka talagang pakialam kung mamatay ako sa harap mo? Piste, nalunok ko at ng buo yung pugo."

"I don't know what to do. Ano ba dapat ko gawin? Tumawag ng ambulance? Kasalanan ko ba na wala kang order na drinks?" Naguguluhang tanong ko.

"Pucha Secretary! Panagutan moko! Kala ko di na ako aabot ng DSPC. Hays, kala ko katapusan ko na." Tumatawang sambit niya at uminom ulit sa iced tea ko!

"Palitan mo 'yan." I said. Tumango naman siya at tumayo.

Binalik ko na ang librong binabasa ko sa bag ko at hinintay na bumalik yung kumag na photo journ na 'yon para sa inumin ko.

"You should always look on your surroundings. And you should always learn to care for others." Nagulat ako na nasa harap ko na pala siya at inilapag ang bottled water sa harap ko. "It's almost time. Major na. Kaya tubig nalang ang binili ko. Aalis na ako ha? Take care." Nakangiti niyang saad at kinuha ang bag niya.

Napatigil naman ako. I should care for others? Kelan ba ako inuna ng iba? Tss. I will never do that.

Pero on the other hand, should I consider that photo journ as one of my 'ka close?' Napailing ako. Of course not.

Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko para sana pumunta sa major class ko nang may mapansin ako.

Yung camera niya!

Pero wala na akong oras. Malelate na ako.

Kinuha ko ang camera niya at binitbit hanggang classroom. Nagtataka namang nag tanong ang mga kaklase ko kung kanino yon pero sinabi ko nalang na para sa ssg projects.

I don't have any friends sa room kasi andito lang naman ako pag may klase at the rest of my time nasa council office ako. But I have my close ones. Dalawa sila. Sila yung nag papahiram ng notes saakin at sumasama saakin sometimes. But I don't consider them as friends. Close lang.

After the class, kinuha ko lang ang mga gamit ko at umalis na pauwi.

I saw my sister sa garden. Nakangiti parang baliw habang hawak ang isang.... candy? The heck?

"U look stupid." I said at lalagpasan na dapat siya ng bigla siyang magsalita.

"Ate, the Vice President. May sweet side din pala 'no?" She said. Napalingon ako sakaniya. She's smiling.

"What do you mean?" I asked her.

"Even tig pipiso lang itong candy, I feel so kilig kasi naalala niya na birthda--"

I cut her off at inagaw ang candy na hawak niya. I don't know. Naiinis ako. Naiinis ako na napapansin siya ni Axel pero ako na laging kasama niya, hindi niya napapansin. Feeling ko naaapakan ako. Feeling ko hindi nanaman ako pinili.

Inagaw ko ang candy na hawak niya at binato sa sahig at inapakan bago umalis.

"Ate!" Sigaw niya pero dirediretso lang ako hanggang kwarto.

Binagsak ko ang bag ko sa kama at binuksan iyon upang kunin ang laptop ko pero..

Yung camera pala!

Naandito. Nasaakin. Gosh, paano ko ito ibabalik?

------

A COLLABIRATION STORY WITH air_jhel!

Meet Iannah Cervantes' twin and know her story!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top