Chapter XV
MATINDING kaba ang bumalot sa puso ni Keen nang hindi niya pa rin matagpuan ang dalaga sa ilalim ng dagat. Kanina pa siya hanap nang hanap sa ilalim pero hindi pa rin niya ito makita. Dumating na lang ang mga bantay dagat na tinawagan ng mga kaibigan niya para tulungan siyang hanapin si Tryna at para na rin hindi makalapit sa kaniya ang mga piranha na kanina pa naghahanap ng timing na dumugin ng mga ito. May sugat na nga siya sa binti dahil nakagat siya ng isa sa mga piranha kanina no'ng pumanhik siya sa ilalim ng dagat.
"Fvck! Where the hell is she!" puno ng pag-aalalang sigaw niya nang maiahon ang ulo mula sa dagat.
"Azzarry, bilisan mo! Nahihirapan na ang mga bantay na pigilan ang mga piranha!" rinig niyang sigaw ni Kimwell.
"Damnit! Tulungan na nga lang natin siya!" sigaw ni Roshan saka tumalon sa dagat.
Napapamura na rin ang iba pang mga kaibigan niya saka tumalon para tumulong maghanap kay Tryna. Nakahinto ang barko kung kaya't nakadungaw na rin ang iba pang mga sakay ng barko.
"Fvck it!" hindi mapakaling mura habang napapahilamos ng mukha.
Muli siyang lumusong sa dagat at hinanap ang dalaga. Napamura pa siya sa isip nang may piranha'ng sumalubong sa kaniya. Mabilis na lumangoy siya palayo at pumunta sa kalalim-laliman ng dagat.
He's a seaman so no worries to swam that deep because he's an expert with it. He can swim under the sea within 3-5 minutes without breathing.
Napahinto siya sandali nang may makitang parang taong nakalutang sa bandang kaliwa niya. Mabilis na lumangoy siya papunta roon at nabunutan siya ng tinik sa lalamunan ng makita kung sino iyon.
'Tryna!'
Nasa kalagitnaan pa siya nang paglangoy nang may biglang kumagat sa kaniyang binti. Nang lingunin niya iyon, isang mabangis na piranha. Gusto niyang mapasigaw sa sakit pero tiniis niya. Gamit ang isang paa, sinipa niya ito dahilan para mabitawan nito ang kaniyang binti.
'Shit, it hurts!'
Kaagad na lumangoy siya palapit kay Tryna na wala ng malay at namumutla na. Mabilis niyang kinabig ang dalaga sabay yakap bago inilapit ang labi niya sa labi nito para bigyan ng hangin. Hindi gumalaw ang dalaga kahit na ilang beses na niyang binigyan ng hangin, niyugyog niya ang balikat nito pero ayaw pa rin.
Tinambol nang matinding kaba ang kaniyang dibdib saka mabilis na lumangoy na yakap si Tryna sa beywang. Napaatras siya bigla nang matanaw ang grupo ng mga piranha sa 'di kalayuan.
'Fvck!'
Lumangoy siya sa kabilang deriksyon subalit agad na nakatunog ang mga piranha dahilan para mabilis na lumangoy ang mga ito papunta sa gawi nila. Hindi niya alam kung ilang beses siyang napapamura sa isip habang mabilis na ikinukumpay ang mga kamay at paa upang makalayo sila sa mga piranha.
Hindi pa rin nagkakamalay si Tryna na labis niyang ipinag-aalala. Mapapatay talaga niya ang sino mang taong dahilan nang pagkahulog nito sa dagat kanina. Impit na napadaing siya nang may biglang kumagat na naman sakaniyang braso. Ganun na lang ang pagkagitla niya nang makitang halos makalapit na ang mga piranha sa kanila. Agad na nagkalat ang dugo mula sa kaniyabg braso dahilan para mas lalong ma-trigger ang mga itong lumapit sa kanila.
Itinulak niya palayo si Tryna nang kaunti na lang ay dudumugin na siya ng mga piranha. Wala siyang nagawa kundi hubarin ang suot niyang tuxedo at ginawang pain. Napaigik pa siya nang makabenta ang isang prinha't nakagat na naman siya sa kabilang braso. Sa galit ay dinampot niya ang piranha at walang pasabing pinilipit ang ulo niyon saka hinati ang katawan sabay hagis sa malayo.
Nag-unahan sa paglangoy papunta roon ang mga kauring piranha nito dahilan para gawin niya iyong pagkakataon na muling hilahin si Tryna na unti-unting lumubog sa ilalim. Agad na lumangoy siya paibabaw. Nakita naman agad sila ng mga kaibigan, kaya tinulungan siya ng mga ito.
"Argh! Fvck!" daing niya sa sakit.
Humahapdi ang mga sugat niya pero tiniis niya. Hanggang sa makalapit sila sa barko, panay ang sulyap niya sa dalaga. Hindi siya mapakali sa sobrang pag-aalala rito.
"Tangina bilisan niyo, nandiyan na ang mga piranha!" sigaw pa ni Eldian.
Napalingon sila sa likuran at halos sabay na napamura sila nang makitang daan-daang piranha ang palapit sa kanila. Nakaakyat na ang iba at nakalubog pa rin siya sa dagat habang nakasuporta sa pagbuhat kay Tryna.
"Shit!" he cursed.
Agad na hinila ng mga kaibigan ang walang malay na katawan ng katulong niya. Samantalang hindi naman magkandamayaw ang mga tao sa barko.
"Azzarry, move faster!" sigaw ni Luhen.
Mabilis na kumalambitin siya sa hagdan ngunit nakagat pa rin ang dalawang binti niyang nakalubog sa dagat.
"Argh! Fvck you!" galit at namimilipit sa sakit na sigaw niya saka pinagsisipa ang mga piranha.
Dumating ang mga bantay dagat at pinadaanan ng red alarm ang gilid ng barko dahilan para magsilanguyan paalis ang mga pesteng piranha. Puno ng dugo ang binti na umakyat siya sa barko. Imbes na alalahanin ang mga sugat niya, kay Tryna napako ang kaniyang atensiyon. Nakahiga ito sa sahig habang sinusuri at pina-pump ng kaibigang doctor na si Charm ang dibdib nito.
"Fvck, no!" mabilis na sigaw niya nang akmang i-mouth-to-mouth ni Charm si Tryna upang bigyan ng hangin.
Mabilis na tumayo siya na parang walang sugat na ininda saka tinulak si Charm at siya ang nag CPR kay Tryna. Narinig pa niya ang mga tawanan, murahan at tuksuhan ng mga kaibigan dahil sa ginawa niya.
'I am the only one who allowed to kiss her.'
***
NAGISING si Tryna sa isang hindi pamilyar na kamang kinahihigaan niya. Nang iginala niya ang paningin sa buong silid ay napagtanto niyang nasa loob siya ng kuwarto ni Keen sa mansion nito. Nagtatakang bumangon siya saka naupo sa kama. Papaanong nasa mansion siya eh ang huling naalala niya ay lulan sila ng barko kasama ang amo papuntang Amsterdam. Napalingon siya sa pinto nang bumukas iyon. Pumasok si Keen na may dalang tray, saktong napatingin ito sa kaniya dahilan para mapangiti itong lumapit sa kaniya.
Napansin din niya ang mga bendahe sa magkabilang braso nito na ikinakunot ng kaniyang noo. Anong nangyari sa amo niya?
"You're awake." He said.
Tumango siya, "anong nangyari? Bakit nandito tayo sa mansion mo? 'Di ba nasa barko tayo?" takang tanong pa niya.
Naupo sa tabi niya ang binata habang inaayos ang laman ng tray sa harap niya.
"Nahulog ka sa barko kahapon, hindi ka gumigising kaya naisipan kung bumalik na lang dito para matingnan ka ng mabuti ni Charm." Sagot nito sa tanong niya.
Natahimik siya at inalala ang nangyari kahapon. Sunod-sunod na lumitaw sa isipan niya ang mga nangyari bago pa man siya mahulog sa dagat.
"Sinong nagtulak sa 'yo sa dagat?" seryusong tanong ni Keen dahilan para muli siyang mapatingin sa binata.
"Si Venice," maikling sagot niya.
His face darkened.
"Si Venice? She did it to you?" halos hindi makapaniwalang tanong ng binata.
"Hindi ka naniniwala?"
"Fvck! No––I mean... bakit niya ginawa yun?" inis na tanong nito. "Alam mo bang alalang-alala ako sa 'yo kahapon? Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo." Dagdag pa nito.
Her heart beat so fast than normal. Parang nagdiwang na naman ang puso niya sa narinig mula sa binata. Nag-aalala pala ito sa kaniya. Napakagat-labi siya upang pigilan sanang mapangiti subalit nabigo siya.
Lumitaw ang ngiti sa kaniyang labi dahilan para mapatitig ang binata sa kaniya.
"Why are you smiling?" he asked.
Umiling siya. "Wala naman," aniya nang hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.
He chuckled. "Then why are you blushing?" may tudyo sa boses na tanong nito.
Napahawak naman siya sa magkabilang pisngi niya. Gosh! Hindi niya namamalayang namumula na pala siya.
"H-hindi ah!" tanggi niya sabay yuko.
Mabilis na hinuli ng binata ang kaniyang mukha saka iyon inangat at pinakititigan. Nagwala ang puso niya dahil sa uri ng titig nito. Para bang inaalam nito ang kalalim-lamin ng buong pagkatao niya.
"I am very happy that you're fine now." Masuyong wika nito habang marahang hinahaplos ang kaniyang pisngi.
Hindi niya maiwasang mapatitig din sa mga mata ng amo niya. Parang may ipinapahiwatag ang kakaibang titig nito sa kaniya subalit hindi niya alam kung ano.
Masyado siyang bobo para malaman at maintindihan ang imosyon sa mga mata nito. Napakagat-labi siya nang biglang bumaba ang mga mata ng amo sa nanunuyong labi niya.
Hindi niya alam kung namalik-mata lang ba siya sa nakitang pag-asam na mahalikan siya nito o kung ano pa man.
"Can I kiss you for a moment?" he asked huskily.
Hindi siya nagsalita o sumagot man lang sa tanong nito. She just kept on staring at his light black eyes. Parang hinihipnotize siya ng mga mata nito.
"Try, can I?" he plead.
Wala sa sariling napatango siya. Parang ayaw niyang tumangi sa hiling nito. Parang gusto niya ring mahalikan ng binata.
The moment she nodded, Keen claimed her lips without any hesitation. His kiss were gentle and full of care. Until, he became aggressive to kiss her.
Napadaing pa siya nang bahagya nitong kagatin ang pang ibabang labi niya upang bumukas iyon at bigyang daan ang dila nitong galugarin ang kaniyang bibig. Hindi maiwasang ni Tryna mapasabay sa bawat halik ng binata. Nakakabaliw at nakakaadik ang halik nito.
He's a good kisser!
"Sir Keen..." munting ungol niya nang lumalim ang halikan nila.
Hindi siya marunong humalik pero ginaya niya ang bawat galaw ng labi nito upang matugunan ang bawat halik nito. Kung hindi pa sila kinapusan ng hininga ay hindi pa sana titigil sa paghalik si Keen sa kaniya.
"Your lips taste good." Nakangiting kimento nito.
Mabilis na napalayo siya rito sabay iwas ng tingin. Nakaramdam siya ng hiya sa sarili niya. Nakikipaghalikan siya sa kaniyang amo ng umagang tapat.
"A-ahm... thanks." Nauutal na anas niya na ikinatawa ng binata.
"Let's eat first," wika nito sabay upo ng maayos.
Akmang kukunin niya ang kutsara nang pigilan siya nito. "Let me feed you, honey." He whispered.
Tumalon na naman sa tuwa ang puso niya ng marinig ang salitang 'honey' mula sa bibig nito. Parang musika sa pandinig niya ang boses ng binata.
Hinayaan na lang niya ito. Sinubuan siya ng amo at sabay silang kumain. Medyo nailang pa siya dahil iisang kutsara lang ang gamit nila. Hanggang sa matapos at iniligpit ng binata ang mga pinagkainan nila.
"Salamat." Nakangiting pasalamat niya nang abutan siya nito ng isang basong tubig.
Inubos niya ang laman nun bago ibinigay sa binata. Inalalayan pa siya nitong sumandal sa headboard na ikinangiti niya. Nahagip ng mga mata niya ang braso nito.
"Bakit may bendahe ang braso mo?" takang tanong niya.
"Nakagat ng piranha kahapon nung niligtas kita." Kibit-balikat na sagot nito.
Nanlaki naman ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwalang nakagat ito ng piranha nang dahil sa kaniya. Itinaas niya ang mga kamay saka marahang hinaplos ang braso nito. Nakaramdam tuloy siya ng guilty sa sarili.
"Masakit pa rin ba?" masuyong tanong niya.
"Not so," he answered.
"T-teka, pati mga binti mo nakagat din?" gulat na puna niya nang makita ang mga binti nitong may band-aid.
"Yeah. But I was fine though," tugon nito.
Napanguso siya saka sensirong tumingin sa mga mata ng binata. Utang niya rito ang buhay niya dahil sa ginawa nitong pagligtas sa kaniya.
"Salamat," madamdaming wika niya.
"Salamat? For what?" nalilitong tanong ng amo.
Hinawakan niya ang mga kamay nito saka mangiyak-ngiyak na nagsalita. "Salamat sa pagligtas mo sa akin. Akala ko talaga kung ano na ang mangyayari sa akin kahapon." Bakas ang takot sa tinig na saad niya. "Salamat dahil niligtas mo ako. Utang ko sa 'yo ang buhay ko, Sir Keen," dagdag pa niya habang nakatingin sa mga mata nito.
Lumambot lalo ang mukha ng binata. Sinapo nito ang mukha niya't nakangiting nagsalita.
"It's my choice of saving you, Try, I can't forgive myself if there's something happened to you yesterday." Malamyos ang tinig na tugon niya.
Parang hinaplos ang puso niya sa mga katagang binitiwan nito. Pakiramdam niya ay napakahalaga niya para sa lalaki. Mukhang malalim na ata ang tama niya sa kaniyang among guwapo.
"Alam mo bang wala akong takot na naramdaman para sa sarili ko? Natatakot lang ako para sa kalagayan mo kahapon. Para akong mababaliw nung hindi agad kita nanahap," malambing na saad ni Keen.
Wala siyang ibang masabi sa binata. Mabilis na niyakap niya ito nang mahigpit. Naramdaman pa niyang bahagya itong natigilan ngunit, kalaunan din ay niyakap naman siya nito pabalik.
Hindi niya alam kung paano suklian ang kagandahang loob nito sa kaniya. Sa pagkakaalam niya, bibihira lang ang mga among nagtatanaw ng awa o pag-aalala sa mga katulong nila. At isa siya sa pinaka-swerting katulong na nagkaroon ng among mabait higit pa sa inaakala niya.
"Salamat nang marami, Sir Keen, sabihin mo lang sa akin lahat ng gusto mo't gagawin ko." Mahinang bulong niya.
Hinagod nito ang likod niya bago lumayo ng bahagya. Nginitian siya nito na ikinabaliw ng puso niya. Mas guwapo talaga ito kapag nakangiti o tumatawa.
"Really? Gagawin mo lahat ng gusto ko?" may pilyong ngiting tanong nito.
Tumango siya. "Promise." Nangangakong saad niya.
Natawa pa ito nang itaas niya ang hinliliit para makipag-pinky swear. Naiiling na pinisil ni Keen ang kaniyang pisngi naikinanguso niya. Hobby talaga nitong panggigilan lagi ang kaniyang pisngi.
"So, ano'ng unang gusto mong gawin ko?" nakangiting tanong niya.
"Stay away from Simon," mabilis na tugon ng binata.
Napanguso na naman siya sa sagot nito. Ang hirap naman ata ng gusto nito. Kaibigan kasi niya si Monmon kaya parang mahirap gawin ang unang hiling nito.
"Ang hirap naman n'on," aniya.
"Tsk! Kakasabi mo lang na gagawin mo ang lahat ng gusto ko." Animo'y nagtatampo na asik nito.
Napakagat-labi na lang siya. Parang bata kung umakto ang amo niya ngayon.
"Oo nga––pero naman kasi––" Keen cut her off.
"Tsk! Don't talk to me." Wika nito sabay tayo at iniwan siya sa silid nito.
Napanganga na lang siya habang nakatingin sa nakasarang pinto kung saan lumabas ang lalaki. Napakamot siya ng batok saka nag-text kay Simon na bawal na silang magkita dahil ayaw ng amo niya. Binura na rin niya ang number nito sa phone book niya.
'Ang gulo talaga ng amo ko.'
***
TANGHALI na nagising si Tryna dahil sa pagpupuyat nito kagabi sa kakatanong kay dakilang google kung paano suyuin ang isang taong tulad ng boss niya. Kung ano-ano pa ang nababasa at nakikita niya sa google at YouTube para malimutan niya kung anong oras na. Hindi niya namalayang mag-uumga na pala kung kaya't kaninang madaling araw na siya nakatulog. Napaunat siya bago bumaba ng kama saka pumasok sa banyo para maligo.
Nang matapos ay nakangiting bumaba siya at dumeretso sa kusina. Hindi niya nakita ang binata na sa tantiya niya ay baka tulog pa rin hanggang ngayon. Nagluto na lang siya ng agahan nila pagkatapos ay naglinis. Natapos na lang siya sa paglilinis ay hindi pa rin bumaba ang kaniyang amo kaya't pinuntahan na niya ito.
Tok! Tok! Tok!
Katok niya sa pinto ngunit walang nagbukas. Pinihit niya pabukas ang pinto, buti na lang hindi naka-lock ang pinto nito. Pumasok siya sa loob at hinanap ito subalit wala siyang nakitang anino nito.
"Nasaan ba siya?" takang tanong niya.
Tiningnan niya ang verandah pero wala ito roon. "Sir Keen?" tawag niya rito ngunit walang sumagot.
Napatingin siya sa may closet nito. Kumunot ang kaniyang noo nang makitang bukas iyon, lumapit siya at akmang isasara nang may mapansin siya.
Hinawi niya ang malalaking damit nito at sumalubong sa kaniya ang isang kulay pilak na pinto. Bumudha ang kiyuryusidad sa pagkatao niya kung kaya't marahan niyang itinulak ang pinto.
"Ahhh!" gulat na sigaw niya nang may lumabas na ahas.
Napalunok siya nang makita ang alaga nitong ahas na si Zmeya, animo'y isang guwardiya sa pilak na pinto. Napasinghap siya nang lumapit ito sa kaniya at parang kinikilala siya. Nang makilala siya ng ahas ay tumabi ito, iyon bang parang binibigyan siya ng daan upang makapasok sa loob.
'Ang galing naman!'
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa pinto at alanganing pumasok sa loob. Nanindig ang mga balahibo sa batok niya nang umapak ang kaniyang mga paa sa unang baitang ng hagdan pababa. Napanganga siya sa sobrang mangha nang isa-isang bumukas ang mga ilaw sa hagdanan.
"Ang ganda, parang magic!" manghang bulalas pa niya.
Napahawak siya sa hawakan ng hagdan saka maingat na bumaba. Halos lumuwa sa pagkamangha ang mga mata niya nang sumalubong sa kaniya ang maganda ngunit nakakakilabot na silid.
Halos kulay pilak at puti lahat nang kulay ang makikita niya. Maliban na lang sa mga baril na kaniyang nakikita. Nakaramdam siya ng takot dahil sa mga baril at patalim na nakikita niyang nakasabit o naka-display sa wall. Ang iba ay nasa kahon at aparador na para sa mga baril.
Nanginig ang tuhod niya nang dahan-dahan siyang naglakad sa ground floor. Halos pare-pareho lang ang nakikita niya. May mga iba't ibang bomba rin na naka-set sa mga malalaking kahon at maleta.
"A-anong lugar ba 'to?" nanginginig na bulong niya.
"Who's there?" isang malamig na boses ang narinig niya kasabay nang pagkasa ng sa tingin niya ay baril.
Napayakap siya sa sarili at napaupo sa sahig sabay yuko. Mangiyak-ngiyak sa takot na nagsalita siya.
"H-huwag mo akong barilin," pakiusap niya.
Nakarinig siya nang sunod-sunod na mura at mga yapak papunta sa gawi niya.
"Tryna? Fvck!" malutong na mura nito.
Bigla itong lumuhod sa kaniyang harapan na ikinalayo niya. "H-huwag!" natatakot niyang sigaw.
"H-hey! Calm down, it's me." Isang masuyong tinig ni Keen ang narinig niya.
Natigilan siya saka mabilis na nag-angat ng tingin. Mang makita ang binata ay mabilis na lumapit siya rito sabay yakap. Nawala ang matinding takot sa dibdib niya at napalitan ng ginhawa.
"Boss," bulong ni Tryna.
Hinagod nito ang likod niya bago bumitaw sa pagkakayakap niya rito. "It's ok. You're safe, honey." Pagpapakalma ni Keen sa kaniya. Binuha siya nito papunta sa isang malawak na sala kung saan may malaking billiard table sa gitna.
"A-ano bang klaseng lugar 'to?" alanganing tanong niya sa amo.
Keen sighed.
"This is my basement where my hideous things are all here." Sagot nito sabay turo sa mga iba't ibang weapon sa buong silid.
Parang isang buong sala ng mansion ng binata ang laki ng basement––kung iyon nga lang ba kalaki. Sa tingin niya kasi ay mas malaki pa sa inaakala niya ang basement nito.
"Bakit napakaraming baril at bomba rito?" Nahihintakutang tanong niya.
Napabuntong-hininga si Keen habang pinapasadahan ng tingin ang mga baril na nasa paligid.
"Hindi ka ba aalis sa mansion ko kapag sinabi ko sa 'yo kung ano at sino ako?" balik tanong nito sa kaniya.
Natigilan naman siya. Nakita niya kung paano sumeryuso ang mukha nito. May iba't ibang imosyon ang dumaan sa mga mata nito na hindi niya kayang pangalanan. Pero nalilito siya sa binata, parang ipinapahiwatig nito na hindi niya ito lubusang kilala sa ilang buwan na nakakasama niya ito.
'Sino ba talaga siya?'
"B-bakit? Sino ka ba talaga?" matapang na tanong niya.
Gusto niyang malaman kung sino at ano ang taong natutunan na niyang mahalin. Gusto niya malaman ang pagkatao nito bukod sa pagiging playboy nito.
"Mangako ka munang hindi mo ako iiwan kapag sinabi ko na sa 'yo ang buong pagkatao ko." May bahid ng takot at pag-aalinlangan sa tonong wika ng binata.
Hinawakan pa nito ang kamay niya na animo'y ayaw talaga siya nitong mawala kapag nalaman niya ang totoong pagkatao ng binata. Huminga siya ng malalim at deretsong tumingin sa mga mata nito.
"P-pangako," alanganing saad niya.
Nakaramdam siya ng takot nang titigan niya ang mga mata nito. Parang ibang Keen ang nakikita niya ngayon nang unti-unting nag-iba ang awra nito. Iyon bang nakakapanindig balahibo at malayo pa lang ay matatakot ka na't lalayo.
Napalunok si Tryna nang lumapit si Keen sa kaniya. Parang isang istriktong German na papatay ng tao ang nasa harapan niya ngayon. Idagdag mo pang nakasando lamang ito at bakat na bakat ang maskuladong katawan nito. Napako ang mata niya sa bandang dibdib nito kung saan may pilat doon. Parang tama iyon ng isang patalim na sinadyang sugatan doon.
"I am a mafia boss," biglang anunsiyo ng binata dahilan para matigilan na naman siya.
'Mafia boss? Ano naman 'yon?'
Unti-unting kumunot ang kaniyang noo at nawala ang atensiyon niya sa pilat nito sa dibdib. Nag-angat siya ng tingin dito saka tinitigan ito sa mga mata.
"Mafia boss? Ano naman yun?" naguguluhang tanong niya.
He sighed.
"It is hierarchically structured secret organisation engaged in illegal activities like distribution of narcotics, gambling and extortion. In short, a crime syndicate and a trusted group of associates, as of a political leader." Paliwanag nito.
Nalukot ang ilong niya sa mga sinabi nito. 'Ni wala siyang naintindihan sa mga pinagsasabi ng lalaki. Ano ba naman iyan, ang hirap talagang makaharap o makausap ang isang englishero.
"H-hey!" napapalunok na saad ng binata. "You don't think to leave me, won't you?" Parang kinakabahang tanong nito nang hindi siya magsalita.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Bakit naman kita iiwan eh wala nga akong naintindihan sa mga pinagsasasabi mo eh!" Asik niya sabay nguso.
Ang binata naman ang natigilan. Priceless ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya, bahagya pang nakaawang ang mga labi nito. Kapagkuwan ay bigla itong tumawa na para bang may nakakatawa sa mga sinabi niya.
"Anong nakakatawa?" mataray na tanong niya.
"Pfft! Nothing. Ang cute mo kasi," nakangiting tugon nito.
Parang kiniliti ang bumbunan niya sa sinabi nito ngunit hindi niya pinahalatang kinikilig siya sa simpleng banat nito.
"Ano ba kasi iyong mafia boss? Tagalugin mo para maintindihan ko," maktol niya.
Natatawang nailing ito sabay sandal sa billiard table sa tabi niya. "Mafia boss, ibigsabihin ay isang leader o pangulo sa isang organisasyon na hindi kabilang sa pang-gobiyernong batas o sektor. Nakapaloob sa organisasyong ito ang lahat ng mga ilegal na gawain––tulad ng pagbibenta ng druga, baril, human trafficking, magnakaw at pumatay ng tao." Mahabang paliwanag nito na ikinatakot naman niya. Agad namang napansin ng binata ang takot na bumalatay sa mukha niya dahilan para mabilis na hawakan nito ang mga kamaya niya. "But we're different mafia boss––hindi kami nagbibenta ng druga o kahit anong ilegal na gawain." Kinakabahan bawi nito habang binabasa ang laman ng isip niya.
Napahinga siya ng maluwag. Parang nabunutan siya ng tinig sa lalamunan dahil sa sinabi nito. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Keen nang makita ang reaksiyon niya. Animo'y nakahinga ito ng maluwag.
"I am a mafia boss at ako ang namamahala ng mafias organization sa Germany. Every country has a mafias organization––Si Limorthone ang mafia boss dito sa Pinas at Spain, si Yoshiko naman ang sa Japan which is the Yakuza's Clan. We don't do illegal things but we protect people––especially, those civilians who abused by a syndicates." Mahabang paliwang na naman nito.
Napatango-tango siya, mabuti naman at hindi pala masama ang amo niya––pero may gusto siyang itanong dito.
"Pumapatay rin ba kayo?" kinakabahang tanong niya.
Deretsong tumingin sa mga mata niya ang binata sabay tango. Napalunok siya, bumudha ang takot sa dibdib niya.
"Yes, we are––especially when it's needed to defend ourselves." Depensa nito. "Pero pumapatay lang kami kapag sa tingin namin ay deserve ng taong iyon. Hindi kami pumapatay ng walang rason dahil may kapalit na parusa kapag papatayin namin ang isang tao ng walang dahilan, lalo na kapag sibilyan." Pagpapatuloy pa nito.
Napaisip naman siya sa mga sinabi nito. "Hindi ba kayo tinutugis ng gobiyerno kapag ganun?" naguguluhan pa ring tanong niya.
Ano ba naman kasi ang malay niya sa mga ganoong organisasyon. 'Ni hindi nga niya alam na may ganun pa lang nag-e-exist sa mundo kung hindi pa sinabi ng binata ngayon.
"No. They're not. Kahit hindi kabilang sa pang gobiyerno ang sektor namin, kakampi pa rin naman namin ang gobiyerno. May kapit kami sa pamahalaan at isa na roon sina Colonel Luhen Emerson at Captain Dwight Clinton," sagot nito sa tanong niya.
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Di ba mga kaibigan mo yun? Isa sa mga nakilala ko noong nakaraan sa barko?" gulat na tanong niya.
Keen nodded.
Hindi siya makapaniwala na mga bigatin pala ang mga kaibigan nito. Hindi na ata siya magugulat kung lahat ng mga kaibigan nito ay mga bigatin din.
"Mmm. Actually, professional lahat ng members ng BRPG organization. We have attorney, doctor, chef, engineer, captain soldier, colonel, pilot, seaman, detectives, ship captain, Chief marine at iba pa." Lintaya pa nito.
Nakiyuryos siya sa BRPG na sinabi nito. Ano na naman kaya iyon. "Anong ibigsabihin ng BRPG?"
"Black Red Phoenix Gang, iyon ang pangalan ng grupo namin. Nakapaloob sa grupong ito ang lahat ng mafias sa iba't ibang bansa. Gang ang ginamit ni Limorthone para hindi pag-initan ang grupo namin. Walang nakakaalam na kaming lahat na kabilang sa grupong ito ay purong mafia at magkakaibigan lamang––pero si Zachary Shan Limorthone talaga ang pinuno namin sa organisasyong kinabibilangan namin." Mahabang paliwang ng binata.
Tanging tango lang ang naging reaksiyon niya. At least, alam na niya kung sino ito. Hindi na ito parang stranger sa kaniya kahit paano. Pero nahihiwagaan din siya kung bakit hindi man lang nagdadalawang isip na sabihin ng binata sa kaniya ang buong pagkatao nito. Lalo na ang sekreto ng binata.
Pakiramdam niya tuloy ay mahalaga siya sa lalaki. Nag-a-assume na naman siya. Ayos lang, ayon sa nabasa niya sa Facebook, wala namang bayad mag-assume huwag nga lang daw tuduhin baka masaktan ka lang sa huli.
"Thank you." Nakangiting wika niya rito.
"Thank you? Saan?" takang tanong nito.
"Salamat dahil sinabi mo sa akin kung ano at sino ka. Hindi ko nga lang maisip kung bakit hindi ka man lang nag-alinlangan na sabihin sa akin ang lahat––lalo na ang sekreto mo." Nahihiyang saad niya sabay yuko.
Gusto niyang malaman kung bakit walang pagdadalawang isip na sinabi nito sa kaniya ang lahat. Idagdag mo pang hinayaan lang siya nitong makapasok sa sekretong silid nito––ang basement.
Nanigas siya sa kinauupuan nang biglang sinapo ni Keen ang mukha niya saka inangat dahilan para magtama ang mga mata nila. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
"I trust you, Try, I know you won't betrayed me. I'm sure of it." Panatag na saad nito.
"Paano ka naman nakakasiguro?" paghahamon niya rito.
"Because I feel it, honey. " He whispered.
Nakagat niya ang labi niya upang pigilan ang mapangiti. Ayan na naman sa 'honey' na iyan. Pati atay niya, kinilig tuloy.
"Paano kung mabigo kita? Anong gagawin mo?" muling tanong niya.
He smirked.
"I will screw you here, tying your hands and legs while standing on the wall." Nakangising sagot nito na ikinapanindig ng mga balahibo niya.
Kahit hindi niya masyadong naintindihan ang mga pinagsasabi nito, pakiramdam niya ay nakakatakot ang ibigsabihin n'on. Napaiwas na lang siya ng tingin nang makaramdam ng init ng katawan dahil sa kiliting hatid ng mainit na kamay nito sa pisngi niya, lalo na ang mainit na hininga nitong tumatama sa mukha niya.
Biglang napako ang mga mata niya sa kaliwang bahagi ng basement––parang may naaaninag siyang––barko?
"Ano yun?" puno ng kiyuryusidad na tanong niya sabay turo sa medyo madilim na bahaging iyon.
Lumingon doon ang binata, "it's my baby ship. Dad both it when I was ten years old as his birthday gift for me." Sagot nito.
Napatango-tango siya nang may mangha sa mukha. Tinitigan niya iyon, kahit medyo madilim sa bandang iyon ay mahahalata mong maganda ang baby ship nito. Sumisigaw ng dolyar ang barko na nagmukha nang antique display sa gilid.
"Halatang iniingatan mo, ano?" Mahinang tanong niya sabay tingin uli sa binata.
"Yeah. Iyon ang huling gift ni Dad sa akin bago pa siya magritiro sa pagiging seaman." May lungkot ang boses na tugon ni Keen.
Natigilan naman siya sa narinig. Sa halos ilang buwan niyang kasama ito ay hindi niya alam ang tungkol sa mga mahalagang tao sa buhay ng amo.
"Bakit ang lungkot mo naman ata, Sir Keen?" mahinahong tanong niya rito.
Naupo ang binata sa billiard table sa tabi nya. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ni Keen. Mukhang miss na miss na nito ang ama.
"My dad, he was a great seaman back then, I even idolize him and wanted to be a seaman, too." Napabuntong-hiningang panimula nito. "After my birthday, he went on a duty going to Spain. I was very happy that time and I didn't thought it was the last time that I saw him as a seaman. One week after, nalaman namin ni Mom sa tv na lumubog ang barkong sinakyan ni Dad dahil sa malakas na bagyong dumaan habang nasa gitna sila ng karagatan." Pagpapatuloy nito. Bakas ang lungkot sa bawat katagang lumalabas sa bibig nito.
May nakatago ring galit sa ilalim ng mga mata nito kahit pilit nito iyong itinatago.
Nakaramdam siya ng awa at lungkot para sa binata. Hinagod niya ang likod nito dahilan para mapalingon ito sa kaniya. Matamis na nginitian niya ito upang ipabatid na ayos lang iyon. Na nandiyan lang naman siya para rito. Na parte talaga ng buhay ang mangyari ang mga ganoong bagay sa mga mahalagang tao sa buhay ng isang tao.
"After what happened. Na-rescue sila Dad pero sa kasamaang palad, marami ang nasawi. I was so thankful that my dad is still alive." Patuloy pa nito.
Nanlaki naman ang kaniyang mga mata. Buhay pa ang ama nito? Akala niya eala dahil malungkot ang mukha ng binata.
"B-buhay pa ang ama mo?"
He nodded. "Yes."
"Kung ganon, bakit ka malungkot?" nagtatakang usisa niya.
"Because my dad had been damage due to what happened. Napuruhan ang mga binti ni Dad kaya hindi na siya puwedeng bumalik sa pagiging seaman." He said. "And it was the time that my mom left us." Dagdag pa nito sa mababang tinig.
Nakaramdam siya ng lungkot para rito. Gustuhin man niyang tanungin kung anong nangyari sa ina nito ay pinili na lang niyang manahamik.
Hinawakan niya ang kamay ng binata upang iparating na ayos lang ang lahat.
"Ayos lang 'yon, nandito naman ako. Hindi kita iiwan," aniya saka ito niyakap.
'Hindi kita iiwan dahil mahal kita.'
A/N: Ayay! Pumapaibig ang Tryna niyo HAHAHA! By the way, sana bag-enjoy kayo. Medyo mahaba ang chapter na ito, hinabaan ko talaga para naman sulit ang update ko.🥰 Lab yah guyss! Merry Christmas and happy new year. Let's all welcome the year or 2023🎄🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top