Chapter 8

NANG pumasok na ako sa loob ng bahay, agad akong tinanong ni inay tungkol kay Matthew. Of course, I just sighed before putting my bag on the sofa. Kahit ayaw kong sagutin ang tanong niya, kinakailangan pa rin. Lumingon pabalik sa kanila, kitang kita ko na alalang-alala sila.

Well, except dad.

Kahit anong banggit ng pangalan ni Matthew sa kanya, tatango lang siya na parang hindi siya interesado sa kanya. Kahit ano pang gawin ko, hindi talaga siya nakikinig. Instead, he would just read his newspaper and mute the words that came out of my mouth.

Si inay naman, kabaligtaran ni dad. Halos ipagtulakan niya ako doon sa tao. Pumapayag siyang gumala ako basta kasama si Matthew at minsan inaaya pa si Matthew na sumama sa aming sleepover para masigurado na okay lang ako.

"Anak, nag-away ba kayo ni Matthew? Narinig ko na tinatawag niya ang pangalan mo kanina sa kwarto tapos sinabi niya na wala ka raw doon," sambit nito habang umiwas ako ng tingin.

Paano ko naman ito ipapaliwanag? Sasabihin ko na lang ba na tumakas ako kasama ng isang lalaki na hindi ko pa gaano nakikilala?

Huminga naman ako ng malalim bago ako sumagot, "Ma, kasama ko si Alexander kanina. You don't have to worry."

Nang baggitin ko ang kanyang pangalan, agad na napatigil si inay sa pagtatanong. Si dad naman, mukhang interesadong malaman ang buong detalye. Hindi na lamang ako umimik, hinayaan silang dalawa na tanungin ako.

"Alex? As in Alexander Delgado?" masayang tanong ni dad habang napansin ko na kanina pa siyang nakangiti. Tumango naman ako kaya agad umakyat sa taas si dad – may kinuhang litrato mula sa cabinet.

Pagkabalik ni dad, pinakita niya ito sa akin.

"Kilala mo ba siya?" mabilis na tanong niya habang napailing na lamang ako. Tiningnan itong mabuti, nakita ko ang isang lalaki na naka-black na hoodie – nakaakbay sa isang maliit na babae.

Halatang may pagka-barumbado ang itsura nito kompara doon sa babae. As if they were the complete opposite. Dark messy hair, tall figure, and cold brown eyes.

Moreno rin siya, chinito, matangos ang ilong at may magandang jawline. 'Yon ang features ng lalaking nasa picture. Though, I couldn't point out who he looked like. Must've been a classmate of mine.

Iyong babae naman, halatang halata na hindi maayos ang kanyang ngiti. To be exact, it was fake. She's a bit small compared to him though. Naka-cap siyang blue, has a brown curly hair, a bit brownish eyes, short figure, and a fake smile plastered on her face.

And the shocking thing is, she looked a lot like me.

Well, maybe it was me. I don't know.

Noong itinaas ko ang tingin ko, nakita ko ang malungkot na mukha ni dad sa akin.

"Bakit parang malungkot ka, dad?" agad na tanong ko habang nakita ko si dad na bumalik sa kanyang kwarto – siguro ibinalik ang litrato. Nang bumaba siya sa may hagdan, sinagot niya 'yong tanong ko.

"Wala naman, anak. Ayaw ko lang na biglain ka sa issue na 'yon. Just take your time and you'll find out soon," malungkot na tugon niya bago umupo sa isang upuan at nagsimula ulit na magbasa ng dyaryo.

Si inay naman, malungkot rin na nakatitig bago niya inalis ang tingin niya sa akin at nagsimulang maghugas ng pinggan.

"Take your time? Para saan naman, dad?" tanong ko pabalik habang lumingon siya sa akin at umiling na lamang – hindi man lang nagsalita at nagpatuloy pa rin sa pagbabasa. It was rare for dad to keep secrets. He would mostly likely spill it afterwards. Pero ngayon, iba 'to.

Parang pinipigilan talaga niyang huwag masabi ito.

"Hindi mo maiintindihan kahit ipaliwanag ko, anak. It's better to leave that issue alone." Napakunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Tama ang dad mo, anak. Hindi mo dapat pinoproblema ang mga bagay na ayaw naming ipaliwanag sa'yo. Maguguluhan ka lang at baka lalong lumala ang..." she then trailed off as she saw my dad's look towards her.

"Imelia, darling, huwag ngayon." Agad naman tumango naman si inay at tumungo, nagpatuloy sa paghuhugas bago niya tinuyo ang kanyang mga kamay. Ako naman, mas lalong nagtaka sa kanilang mga ugali. Bago pa man ako makapagtanong, nagsalita ulit si inay.

"Dear, hanggang kailan pa ba natin itatago sa kanya?" tanong nito habang napatayo naman si dad at umiling.

"Itago ang alin, Ma?" tanong ko pabalik habang binago kaagad ni dad ang usapan – halatang iniiwasan ang tanong ni inay.

"Nga pala, paano mo nakilala si Alex, anak?" tanong niya kaya lalo akong nagtataka. Ganoon pa man, sinagot ko pa rin siya. Of course, he was still dad but I fear that he's hiding something from me. Probably my past.

"Dad, ano po ba 'yong sinasabi ni Mama? Maging malala ang alin?" ibinalik ko ang tanong habang napansin ko ang tingin sa akin ni dad. Alam ko na ayaw niyang sasagutin iyon. Sa takot, sinagot ko na lamang ang tanong niya sa akin na tungkol kay Alex.

"Nakilala ko po siya sa cafeteria pagkatapos namin magkausap ni..." I then trailed off, not daring to say Matthew's name. Napansin nila 'yong reaksyon ko kaya tumingin sila sa isa't isa bago ibinalik ang tingin sa akin. Buti na lang na hindi nila ako tinanong. Instead, they gave me a confused look before going back to what they were doing.

Pagkatapos noon, biglang tumahimik kaming tatlo.

Hindi ko alam kung bakit sila tumigil sa pagtatanong. Hindi ko rin alam kung ano ang tinatago nila sa akin. Ang bukod tangi ko lang napansin ay ang reaksyon nila tungkol kay Alex – na halos ikatuwa nila nang banggitin ko ito at kalungkutan nila nang sabihin ko na hindi ko kilala ang lalaki do'n sa litrato.

Dahil hindi na nila ako tinatanong, nagpatuloy na lang akong umakyat papunta ng aking kwarto.

Nang kuhanin ko ang mga ballpen ko sa aking bulsa, biglang may nahulog na papel sa sahig. Tiningnan itong mabuti, kinuha ko kaagad ito at pinagmasdan.

Sabay tayo umuwi bukas? Parehas din naman kasi tayo ng daan. Wait for me outside the school, alright? Here's my number. Just in case you want to talk to me about something.

0918*******

-ABD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top