Chapter 3

NAGULAT naman ako nang nakita ko siyang nakangisi sa aking bigla. I'm pretty sure that this guy was loving my shocked reaction. Lumingon pabalik sa akin, lumapit siya. Hawak hawak ang fries ko ng mahigpit, kumuha siya ng isa bago niya ito kinain.

"So, nasaan na si Matthew?" tanong niya habang napatungo na lamang ako, hindi sinagot ang tanong. Nang mapansin niya ang malungkot kong mukha, narinig ko siyang huminga ng malalim.

"Lovely Cuzanne, tama ba?" sinabi niya habang tumango naman ako at umupo sa malapit na bench. Sinundan naman niya ako at umupo sa tabi ko, nainom pa rin ng kanyang pepsi bago ito inilapag ang kanyang softdink in can sa tabi ko.

Nang itaas ko ang tingin ko, napansin ko na kanina pa siyang nakatingin sa akin.

"Lovely is a nice girl, I have to admit. Straight hair, black eyes, nice personality, and slim figrue. But, I'm pretty sure that you dislike her very much since Matthew likes her and not you." Nanlaki ang mata ko ng ngumiti siya sa akin bago umiwas ng tingin.

"Paano mo naman nalaman?" Narinig ko naman siyang ngumisi ulit sa tanong ko bago kumuha ng isa pang fries. Ako naman, nagpatuloy lang sa pagkain at hinayaan na kumuha siya ng piraso. I was too curious to even argue anyway. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, alam ko na may itinatago siya sa akin.

"Kitang kita naman sa mukha mo. Nang banggitin ko ang pangalan niya, nagalit kang bigla sa 'kin," sagot niyang pabalik habang napakibit balikat na lamang ako. Well, he was right. Napangisi siya nang nakita niya ang reaksyon ko bago nagpatuloy.

"Matthew doesn't really know what he's missing on," bulong niya habang napatingin lang ako sa kanya.

"How can you tell?" tanong ko habang nakataas ang kilay ko sa kanya.

"I have my ways," tipid na sagot niya bago tumayo. Pipigilan ko sana siya para ibigay niya sa akin ang lahat ng detalye ngunit nagsalita naman ulit ito.

"Hindi mo maiintindihan kahit ipaliwanag ko pa sa'yo, Erin," sambit nito habang nanlaki kaagad ang mata ko.

"How did you know my name?" Nakita ko naman siyang nagkibit-balikat bago kinuha ang kanyang bag at isinakbit muli ito sa kanyang balikat. Binigyan niya ako ng huling tingin bago lumakad palayo.

"How...did you know my name?" tinanong ko ulit habang napatigil siya malapit sa pinto. Tumingin pabalik sa akin, narinig ko siyang sumagot.

"Like I said, I have my ways," tugon niya bago niya ako iniwanang mag-isa sa rooftop.

▬▬▬▬▬▬▬  

Sinubukan kong hanapin si Matthew sa buong campus ngunit hindi ko siya makita kita. Now where did that guy go? I swore that I saw him earlier leaving his last class. Bago pa ako mag-text sa kanyang phone, nakita ko si Alex na naglalakad palabas ng school. Dala dala ang kanyang bag, napansin niya kaagad ako at napakunot ang noo sa akin.

"Wala pa rin si Matthew?" tanong niya sa akin habang napailing naman ako. Judging the look on his face, he was a bit suspicious. Pero kahit nagtataka siya sa akin, binalikan ko lang siya ng ngiti bago ako sumagot.

"Dadating din 'yon. May kinukuha lang siguro sa kanyang locker," sambit ko habang napailing lang siya sa akin.

"Maglakad ka na lang pauwi, Erin. Hindi ka no'n sasamahan pag-uwi," sambit niya bago umalis, inawanan muli ako sa labas ng school. Okay, that was weird. Tiningnan ko siyang mabuti habang pinag-aaralan ang features niya. Naka-red siyang jacket, black na T-shirt, dark chocolate ang buhok, at matangkad. He's also a bit muscular but his attitude seems a little off.

Lumingon lingon sa aking paligid, napansin ko na maraming estudyante na ang nagsisilabasan. Halos wala ng tao ang school kaya bumalik ako sa loob para hanapin si Matthew. Bago pa ako makatingin sa iba't ibang rooms, nakarinig ako ng tunog ng piano. Pumunta kaagad sa music room, tumingin ako sa salamin at nakita si Matthew at Lovely na magkasama.

I didn't really want to believe it but it was right there in front of me.

Hindi na nagdalawang isip pa, lumakad ako palabas ng school at nagsimulang maglakad pauwi. Thanks a lot, Matthew. Thank you for being the decent friend I ever had. Hindi masyadong malapit ang bahay namin kaya naghintay na lang ako ng bus or either taxi para makauwi. Pero since wala akong masakyan at halos naagawan ako ng iba pang mga estudyante, naglakad ulit ako.

Kaso bigla naman umulan.

Tumingin sa itaas, nagtataka ako kung talagang bad luck ba talaga ang araw na ito. Puro kasi kamalasan ang nangyayari sa akin. Basang basa na ang t-shirt kong suot, kinuha ko kaagad ang bag ko at itinaas ito para hindi mabasa masyado ang ulo ko. But then suddenly, a miracle came to save me from getting sick. Oh wait, bumalik lang pala si Alex.

"Sabi ko naman sa'yo, huwag ka ng maghintay." Isang boses ng lalaki ang nagsabi habang napatingin ako sa tabi ko.

Hinubad bigla ni Alexander ang kanyang jacket at pinasuot sa 'kin habang kinuha naman niya ang payong sa kanyang bag. Binuksan ito, inilapit niya ako sa kanya para parehas kaming hindi nababasa.

"T-Thank you," sambit ko habang huminga siya ng malalim. Right now, naglakad kami papunta sa waiting shed para hindi kami mabasa masyado. Pinaupo naman niya ako habang tumayo siya, naghahanap ng taxi para sa akin.

"Hinintay mo ba siya o hinanap mo pa?" tanong kaagad niya sa akin habang napatungo na lamang ako. Nang napansin niya ang aking luha ng unti-unting tumutulo, tumango na lang siya sa aking pananahimik.

"I guess you saw her with him, huh?" agad na sambit niya bago bumalik sa tabi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang handkerchief niya. Pinigilan ko ang pag-iyak ko sa harapan niya habang binigyan niya lang ako ng isang madaling ngiti bago tumayo.

Pumara kaagad siya ng taxi at tumayo kaagad ako. Huhubarin ko na sana 'yong jacket niya ngunit pinigilan kaagad niya ako.

"Keep it. Marami naman akong jacket sa bahay," sambit niya habang tinaasan ko siya ng kilay.

"Sure ka?" tanong ko habang tumango lamang siya bago hinatid ako sa taxi. Pagkatapos kong umupo sa passenger seat, nag-wave kaagad ako bago isinara ang pinto. Ngumiti lang siya sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad.

Pero hindi ko maiwasang magtanong sa aking sarili.

Bakit parang naranasan ko na ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top