Chapter 15
NATULALA ako nang mapansin ko na mag-isa na lang ako sa kwarto. Hindi ko naman talaga sinasadya na galitin si Alex. But some side of me told myself that I still needed to get the truth from him. Hindi ko na lang ito pinansin at lumingon na lamang sa aking paligid.
Pinagmasdan ang aking paligid, napansin ko 'yong mga balloon at letters na nakalagay sa gilid. Siguro akala ng mga kaklase ko na matagal akong magigising o malala ang kondisyon ko. Actually, wala pa rin akong kaalam alam kung ano ito.
Nagulat naman ako ng makita ko ang isang boquet of roses at isang box ng tsokolate ang bumungad sa akin na katabi lamang ng mga letters na natanggap ko. Tiningnan itong mabuti, napansin ko na hindi ito galing kay Alex.
It was from someone else.
I mustered a lot of my strength, trying to stand up on my own. Dahil sa masyadong pagod, halos hindi ko ito magawa. Nakatulong lang talaga sa aking 'yong dingding kaya hindi ako masyadong natumba. Looking at the chocolates and the boquet, I simply glanced at the card that was taped on the gifts.
Nang kinuha ko ito at pinagmasdan, nakita ko ang mensaheng nakalagay sa loob nito. Nagulat naman ako sa nilalaman dahil hindi ko naman inakala na siya mismo ang magdadala nito sa akin at hindi si Alex. After all, Alex was the type of guy who would actually do this.
Kahit galit man ako sa'yo, hindi ko napigilan ang sarili kong bilhan ka ng mga 'to. Take care of yourself, Elly. Sana maalala mo rin ang lahat kahit hindi ko man sabihin sa'yo ang nangyari. - M
Dahil sa initial na nakalagay sa dulo, agad kong nalaman na si Matthew ito. Well, at least he still cares. Nang subukan kong kunin 'yong tsokolate, agad naman sumakit ang ulo ko kaya halos mahulog na ako sa sahig.
What was happening to me?
Sinubukan kong bumalik kaso hindi ko na talaga kinaya ang sakit sa ulo ko. Napaupo na lamang ako sa isang upuan habang bumukas naman ang pinto at bigla akong nakita ni Alex. I guess he wanted to apologize. Nakita niya akong nakaupo sa isang upuan kaya nagmadali siyang lumakad palapit sa akin.
"Erin, anong masakit sa'yo? Okay ka lang ba? Kailangan ba kitang ibalik do'n sa kama? Tatawagin ko ba 'yong doktor?" mabilis niyang tanong habang umiling naman ako.
And before I could even answer him, a memory came back flashing before my very eyes.
▬▬▬▬▬▬▬
SINUBUKAN kong hanapin siya ngunit hindi ko naman makita. Right now, I was standing in front of a restaurant, waiting for the certain guy that offered me to another date. Tumingin sa orasan, nakita ko na na-late na naman siya sa usapan.
Nagulat naman ako nang makita ko si Mateo na nagtatakang lumapit sa akin. Naka-green na T-shirt siya at gray na pants, maayos ang pagkakasuklay ng kanyang buhok, tila nakakunot ang kilay at kitang kita ko ang pagkairita niya sa boyfriend ko na hindi pa dumarating.
"Wala na naman ba siya? I thought this was another date for the both of you? Nakaka-ilang beses na siyang wala," sambit niya habang umiling na lamang ako sa kanyang sinabi.
"Baka late lang 'yon, Mateo. Don't worry about it," paninigurado ko sa kanya habang lumingon siya sa kanyang paligid.
Bago pa man ako makapagsalita, lumingon siyang pabalik na tila malungkot at naaawa sa akin. I couldn't really explain what was going on right now. Bigla bigla na lang kasi siyang tumingin ng gano'n sa akin. Napataas naman ang kilay ko nang huminga siya ng malalim.
"I think it's best for you not to wait for him any longer, Elly." Nagtaka naman ako kaya agad akong lumingon sa aking paligid.
Nang tumingin ako sa loob ng restaurant, halos madurog ang puso ko nang makita ko ang boyfriend ko na nakikipaghalikan sa iba. At mukhang nag-eenjoy pa siya sa kanya.
And the worst part of it all was that the girl was actually Lovely Cuzanne.
Halos umiyak na ako sa kinatatayuan ko nang tiningnan ko ang pagmamahal sa mukha ng boyfriend ko, parang natutuwa na makuha ang atensyon ng babae. And to be honest, Lovely was loving it.
Nang lumingon ulit ako kay Mateo, agad kong napansin na niyakap kaagad niya ako, sinusubukang patahanin dahil sa nakita kong ginawa ng kasintahan ko. Noong sinabi niya na ilabas ko ang galit ko, hindi ko na napigilan ang patulo ng luha ko.
I can't believe that he did this to me.
I can't believe that Alex did this to me.
▬▬▬▬▬▬▬
NANG tumingin ako kay Alex, napansin ko na nag-aalala na siya sa akin. Napakunot kaagad ang noo ko, hindi sigurado kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa naalala ko.
Noong napansin niya na hindi ako umiimik, sinubukan niyang buhatin ako kaso itinulak ko lang siya pabalik at umiling. I needed some time to think about that weird memory or some sort.
"Erin — " agad ko naman siyang pinatigil sa pagsasalita.
"Kaya kong maglakad papunta sa kama. Leave me alone for a while, alright?" usal ko habang napalunok na lamang siya at tumango.
"Okay, I'm sorry for yelling at you earlier. 'Yon lang ang gusto kong sabihin. Nagalit lang talaga ako kanina," wika niya habang tumango na lang ulit ako.
"Apology accepted. Pero, gusto ko munang mapag-isa," sinabi ko sa kanya habang nagdadalawang isip siyang lumabas pero ginawa pa rin niya, nirerespeto 'yong desisyon ko.
Natulala naman ako, iniisip kung tungkol saan 'yong naalala ko. Totoo ba talaga 'yong nakita ko kanina? Kung totoo talaga iyon, bakit si Alex pa?
Madaming tanong ang umikot sa aking isipan habang narinig ko naman ang pinto na sumarado. I guess he actually left. Napatingin sa rosas at tsokolate, naalala ko si Matthew sa aking memory.
Pero bakit Mateo ang tawag ko sa kanya? Was he lying this whole time?
Hindi na lamang inisip ito, pinagsama sama ko ang mga detalye at ang mga sinabi nila kasama ng ipinaliwanag sa akin ng doktor.
Could it actually be?
Did something happen between us?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top