Chapter 3-Gather
Miracle's POV
The four survivors of Grade 9-Section 3, Logan, Zalleah, Joridyl and me. Lahat kami ay shocked sa pangyayari. Syempre, masho-shock pa rin ako, di ko naman in-expect na mangyari ito.
We stood infront of the gym's entrance and spot four students of Section 2. Sina Danlive, Clarissa at dalawa pang lalaki na di ko kakilala ay nandoon nakatayo lang sa gitna ng gym.
"Danlive, Clarissa!" I called as I ran towards them. Humarap silang dalawa sa akin. Tumakbo papalapit sa akin si Clarissa na naiyak.
"Mira, buti nalang buhay ka! Di ko na alam gagawin ko." Sabi ni Clarissa sabay yakap habang naiyak. I looked at Danlive whom is staring at me lifelessly with red eyes, while I pat Clarissa's back in a comforting way.
"Ami, buhay ka pa! Buti naman." Someone said. I looked at my right and saw a boy with a messy curly black hair. "Who are you again?" I asked.
He sighed, "Si Vinn, kaklase mo nung Grade 6." Sagot niya. "Kaklase kita nung Grade 6?" I asked trying to remember it.
I snapped my fingers, "Ah, ikaw yung walang kwentang presidente ng klase natin noon." Sabi ko.
"Harsh naman sa walang kwenta." Sabi ni Vinn sabay lagay ng kamay sa dibdib nya. "Don't care." I said.
Tumayo sa likod ko si Joridyl habang nanginginig. Si Logan nama'y niyakap si Vinn from behind. Si Zalleah naman, obviously, nilapitan crush niya, si....sino nga ulit yun?
"Geoff!" Sigaw ni Zalleah sabay yakap sa isa pang lalaki na may clean hairstyle, his bangs parted on the side, he has this immense glare, his bloody uniform made him look like a killer.
Geoff...
Yun, yung pangalan ng crush nya. Siya pala si Geoff.
I looked around. "Tayo-tayo lang?" I asked. Umalis sa yakap ko si Clarissa and pinahid ang kanyang mga luha. "What if yung nangyari sa atin ay nangyari sa iba at walang survivors?" Tanong ni Clarissa habang naiyak.
"So be it for them, I guess." Sabi ni Vinn habang umaalis sa yakap ni Logan, "Ano ba? Kung makayakap wagas eh!" Sabi niya kay Logan as soon as makaalis sya sa yakap niya. "Bilis mo naman maasar." Sabi ni Logan.
"So, tayo lang?" Geoff asked as he walks over to us with Zalleah tailing him behind. "Looks like it. Uwi na kaya tayo." Suggest ni Danlive.
May narinig kaming footsteps biglaan. We all turned our heads to the gym entrance and saw Ashley, Kei, Lorelei, Arantxa and Mavis entering the gym. Lahat sila mukhang haggard at parang kagagaling lang din nila sa death game parang kami.
The students of Section 1, five out of 34 students survived.
"Uy, section 1." Bulong ni Vinn."Kailangan mo i-state yung obvious talaga 'no?" Bulong ko pabalik.
"Section 2 and 3 students? Nandito rin kayo tulad ng sabi ni Marionette." Sabi ni Kei habang inaadjust yung mga salamin nya.
Kei ran his hand through his messed up hair. He looks at me then sighs, "You're here as well, Miracle Amillia." He said.
I bit my lip in annoyance, "Feel free to call me Mira, kasi sobrang haba ng tawag mo sa akin." I said, "And furthermore, the way you say that earlier sounds like na inakala mo wala na ko."
Tumawa si Kei, may sasabihin sya sana pero inunahan siya ni Lorelei magsalita, "Tayo nalang lahat ito?" Tanong niya.
Arantxa sighed in disbelief, "Tanong ng tanong eh." Sabi niya. She suddenly looks over at Joridyl and smiles as she embraces, "I'm glad you're alive." She said outloud to Joridyl.
Umirap nalamang ako. Nilapitan ako ni Ashley na nahihiya, "Reyes, ah, nevermind." She said. I shook my head in slight annoyance.
We suddenly heard footsteps. Tumingin kaming lahat sa gym entrance at nakita sina Richabel at Azrette. Akay-akay ni Azrette si Richabel atsaka nakita kami. Ngumiti sya at binuhat si Richabel kahit nabibigatan sya.
"Section 4 students." Kei said as he lifts his glasses like any anime character whose wearing glasses.
Inirapan ko sya at nilapitan namin ni Vinn sina Azrette at Richabel para tulungan.
"Anyare sayo?" Tanong ko kay Richabel. "P-pi-pilay." Sagot niya, hingal na hingal. Nagtulungan kaming tatlo buhatin si Richabel at dahang-dahan hiniga sya sa gitna ng gym. Ginawa namin ang first aid kay Richabel dahil dami ng sugat niya.
"Anong laro niyo at ganto nangyari kay Richabel?" Tanong ni Vinn. "Dodge ball." Sagot ni Azrette.
Dodge ball? Tas ganito ka lala yung nangyari sa kanila.
"K-kayo lang natira?" Pautal-utal ko tinanong dahil natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Tumango si Azrette as her eyes wandered the gymnasium.
"Tumingin kami sa mga ibang classroom kanina bago pumunta rito. May mga ibang estudyante na nakaligtas, sa ibang grade level nga ang." Sabi ni Azrette.
"Ah, y-yun din yung sasabihin ko sayo kanina, R-Reyes." Ashley stuttered, "Pero di ko alam kung bakit wala sila dito." She added.
I stood up and looked around. "May purpose ata kung bakit nandito tayo." Sabi ko. "Ano? Maglaro ulit?" Tanong ni Logan.
"Ayoko! Ayoko maglaro ulit. Nakakatakot!" Umiyak ulit si Clarissa. "Tama si Clarissa, lalo't na di natin alam kung ano ang nangyayari sa labas ng school." Sabi ni Mavis.
"What do you mean by that?" Kei asked.
"I mean, may nangyari kakaiba sa school natin ngayon, pero di natin alam nangyayari sa labas ng school. Nangyayari rin ba sa iba ang nangyayari sa atin ngayon or what? Like that." Mavis explained.
"So di tayo makakauwi?" Tanong ni Danlive. "Obviously, hindi." Sumagot si Kei, "Going home is not an option now. It's risky and di natin nga alam nangyayari sa labas ng school." Dagdag niya.
"Subukan ko tawagin parents ko." Sabi ko sabay kuha ng cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan Dad ko muna.
I tapped my foot in patience.
Your call cannot be reached.
"Lah, anong kalokohan ito?" Sabi ko sa sarili ko at tinawagan naman si Mama. Ganun din. Tinext ko silang dalawa nalang.
To: Mama
Ma, anong nangyayari dyan sa school niyo?
To: Dad
Dad, anong nangyayari dyan sa school niyo?
"Ami, diba teachers yung parents mo?" Tanong ni Vinn sabay lapit sa akin. "O tapos?" Sagot ko. "Paano kung nangyari sa kanila ang nangyari sa teachers natin?" Tanong niya ulit.
Tiningnan ko sya ng masama at sinampal siya ng malakas, "Wag na wag mo yun sasabihin! Di kita tinatanong." Sabi ko sakanya na pagalit.
"Sorry." Sabi ni Vinn mahinang boses. I breathed, calming myself, "I'm sorry. Di ko sinasadyang magalit." I said.
"Guys..." Kinuha ni Lorelei atensyon naming lahat, "May paparating." Dagdag niya. Narinig namin ang heavy footsteps na nang gagaling sa staircase.
Nagkumpulan kami lahat sa gitna. Akay-akay ni Azrette si Richabel, hawak-hawak ni Danlive ang kamay ni Clarissa, yakap-yakap ni Arantxa si Joridyl in a comforting way, nakahawak na mahigpit si Zalleah kay Geoff, sina Mavis at Logan ay nakatayo sa tabi namin ni Vinn, habang si Kei ay nakatayo sa harapan naming lahat.
I felt my breath caged on my throat because of fear.
Biglaan nawala ang heavy footsteps. Nagtaka kami lahat at nagtinginan sa isa't isa.
From the railings above us, a tarpouline rolls down, showing a written message. Tinitigan namin ang tarpouline at binasa ang message.
"Grade 7 survivors' meet-up place: AVR
Number of survivors: 10
Grade 8 survivors' meet-up place: Quadrangle or outside
Number of survivors: 14
Grade 9 survivors' meet-up place: Gymnasium
Number of survivors: 15
Grade 10 survivors' meet-up place: Canteen
Number of survivors: 11
Grade 11 & 12 survivors' meet-up place: Senior HS building
Number of survivors: 9
Five teams, your team mates will be your fellow survivor in your grade level.
Goals:
1. Survive all tests to break the curse along with your team. Work together and stay alive.
2. Find other teams from another school whose the same grade level like you and work with them.
Objective today: Find a hide-out or a place to live along with your team
Note: What happened to you, has happened to other schools.
Have fun and stay alive!"
"SAO." I murmured. "What?" Kei asked.
I sighed, "SAO, Sword Art Online. It's an anime, its plot is a boy played a MMORPG virtual reality game that has bugs. Resulting to every player of SAO to be stuck there and in order to get out of it, you have to clear the game. Defeat Floor 100 boss." I explained, "Pag namatay ka sa game, you're also dead in the real world."
"How is SAO connected to our situation?" Kei asked.
"Wag mo ko ma-english english nga!" Sagot ko, "And connected din sya dahil may teams din sa SAO, two kinds. Party and Guild. And plus, may condition din para matapos na itong kababalaghan na nangyayari sa atin." Dagdag ko.
"It's like SAO with Another anime theme." Sabi ni Vinn, "May curse na sinasabi o. Kaso nga ang, anong curse yun?"
Tumili si Clarissa at umiyak ulit, "Ayoko na! Ba't ito nangyayari sa atin?" Humagulgol sya.
Habang pinapatahan ng iba si Clarissa, tiningnan ko muli yung text ko sa parents ko.
Imposible na may nangyari sa kanila...imposible.
"My parents are teachers as well." Kei said making flinched. He stood beside me, "Nagtuturo sila sa mga elite and prestigious schools. And I'm sure nangyari rin sa kanila ang nangyari sa teachers natin." He added.
"Di ko tinanong." Sabi ko.
"I know. I just have to tell you na, I'm also worried about them but I have to stay strong. So you should too." He said with no emotion.
I bit my lip, "Ba't mo sinasabi sa akin yan?" I asked. "Kasi alam ko nangyari na rin sa parents mo--" I immediately interrupted him, "Di ka mananahimik? O gusto mo i-knock out kita para manahimik ka?" I said, angered.
Kei sighed, "I'm sorry." He apologized, "Pero pwede ba, magfocus tayo sa sitwasyon natin ngayon? Maghanap tayo ng matitirahan muna and obviously, di tayo makakauwi pag ganito tayo ngayon." He explained.
"Why's that?"
"Because, what if something dangerous happens if we're separated? Mas okay pa kung gawin ang tama sa una pa lamang." Sagot ni Kei.
I sighed, "Guys, maghanap tayo ng matitirahan muna, tulad nung sabi sa tarp." Inanunsyo ko, "Mas maayos kung gawin na natin ang tama sa una."
"Ha?! Ayoko." Sagot ni Arantxa. "Di ako payag dyan. Gusto ko umuwi." Sabi ni Geoff. Lahat sila maliban kay Vinn umangal sa gusto namin ni Kei.
Tumingin ako may Vinn, "Vinn? Please." Pagmamakaawa ko sa kanya. I can't believe I just begged to him.
"Everyone!" Kei called. We all turned our attention to him. "Yung plano niyo na umuwi, it's a bad idea. How sure are you guys that things will end here? That nothing bad will happen to us?" He asked.
Nanahimik kaming lahat.
"I'm with Mira on this." Kei said. I flinched when he called me by my nickname.
Logan sighed as he scratched his head, "May point ka rin. So, sige, payag ako." Sabi niya. "K-kung payag si Logan, payag rin ako." Sabi ni Ashley na nahihiya.
I smiled a bit.
"May tao ba dito? Hello!" May tumawag biglaan.
"Sino yun?" Tanong ni Geoff. "Nang gagaling sa 3rd floor. Halika." Sabi ni Mavis. Lahat kami tumakbo pababa sa 3rd floor at nakita si Ma'am Cruz.
"Ma'am? Ma'am Cruz!" Tumawag sina Joridyl at Danlive. Humarap sa amin si Ma'am Cruz at agad naglakad papunta sa amin.
"Naku, buti naman nakita ko kayo Grade 9 students!" Sabi niya, "Umalis na kayo dito sa school. Di kayo ligtas dito." Binalaan niya kami.
"Ha?"
"Bakit po?"
"Ma'am?"
Nagtaka kami lahat sa sinabi niya.
"Umalis nalang kayo basta. Naka-alis na yung ibang survivors sa bawat grade level." She said, "Kailangan niyo na umalis dito at gawin ang sinasabi ng message na binigay sainyo. Maghanap kayo ng sariling hideout ng team niyo. I-e-explain ko rin sainyo lahat, i-text niyo ako kung nasan hideout niyo. Wag na wag kayo uuwi sa inyo mga bahay." She added.
"Ma'am, bakit po?" Tanong ulit ni Clarissa. "Basta. Sundin niyo sinasabi ko. May number niyo naman ako diba?" Ma'am Cruz replied. We all nodded.
"I-text niyo ako kung asan ang hide-out niyo. Kaya, go na! Sige go!" Sabi niya sabay gawa ng gestures na umalis na kami.
Tumango kami at aalis na sana ngunit pinigilan kami ulit ni Ma'am. "Ilan kayo dapat?" Tanong niya. "15 po." Sagot ko. Binilang kami ni ma'am upang makasigurado at tumango sya, "Sige go na! Maghanap kayo ng hide-out." Sabi niya.
Agad namin kinuha mga gamit namin sa classroom kahit ang baho na sa loob at tumakbo na kami papunta sa labas ng school. Nauuna si Kei habang nasa likod niya kami ni Vinn. Yung iba naman ay sumusunod sa amin. Si Logan tumatakbo sa tabi namin habang buhat buhat si Richabel sa likod.
Now, the question is, where will we go?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top