8
° ° °
Crystal's POV
---
Mukhang hindi okay ang bestfriend namin. Mukhang may problema siya na ayaw niya lang sabihin dahil ayaw niya kaming mag-alala.
Sinundan ko si Colleen sa kung saan man siya pumunta. Pero sa kasawiang palad, nahuli ako ng labas. Kaya hindi ko nakita kung saang direksiyon siya pumunta o lumiko.
"Ano? Saan siya pumunta?" tanong nitong si Honey na nakaupo lang.
"Wala eh. Nahuli ako ng labas. Hindi ko siya naabutan." sagot ko sa kanya.
Inaya ko na siyang pumasok na sa classroom namin. Baka nandoon na rin yung babaeng 'yon. Pababayaan muna siguro namin siya ng ilang araw hanggang sa maging okay na naman siya.
Iintindihin muna namin yung sitwasyon niya ngayon. Medyo nasaktan siya sa nga nagyayari. Kahit ako naman eh, magtatampo sa parents ko kapag ginawa nila sa akin 'yong katulad sa ginagawa ng Mommy at Daddy ni Colleen sa kanya.
Actually, naaawa tuloy ako sa kanya. Alam ko yung feeling na nag-iisa ka lang. Yung mag-isa kang kumakain, yung mag-isa kang namamasyal kapag Family Day o Family Month. Ang bigat sa pakiramdam. Dahil nangyari na rin sa akin iyon. Nagtampo ako kila Mommy nung mga time na yun. Kaya hindi na nila inulit pa.
Casper's POV
---
["Hello, couz! Balita ko, may nangyari raw na hindi maganda sayo. Ano? Ayos ka na ba ngayon? I-pahalik mo lang 'yan sa mga girls mo, maaalis na ang sakit niyan."] loko talaga ang pinsan kong 'to. May nangyari na nga sa akin na hindi maganda, lolokohin pa ako.
"Walang hiya ka talaga. O siya, may gagawin pa ako. Mamaya na lang tayo mag-usap. Bye."
["Bye, couz."] pinatay ko na ang tawag. Langya! Inaasar ako ng hinayupak.
Tinawagan ko muna sila Hans. Kinakamusta yung babaeng target ko ngayon.
Stop muna ako sa kaugalian kong gawin. Siyempre, I'm a hot playboy. Habulin ng mga girls out there! Hahaha!
"Hey, bro! Kamusta si Xandra, my target? Okay ba siya ngayon?" bungad ko mula sa kabilang linya.
["She's not okay. She's not fine. I don't know why. I'm not sure, too. Nakita ko kasi siyang mag-isa lang. Walang siyang ibang kasama. Nagbabasa lang siya ng libro."] sagot nito na siyang ikinatuwa ko.
"Okay. Send me the address. Wala siyang kaalam-alam na pinagpipyestahan na siya ng mga fan girls ko diyan sa school. Tsk!"
["Alright! Mukhang desidido kang parusahan siya ah. Nice, bro! You're so smart and awesome!"]
"Tsk. I know, since when I was a kid pa. So, goodluck to her na lang bukas pagpasok niya. I'm one hundred percent sure na hiniling na lang sana niyang walang pasok para hindi siya pagkaguluhan."
["So, ano naman kapalit ng mga ginawa namin para sayo? Siyempre may kapalit ito."]
Loko talaga 'to. Ang kapal ng mukha humingi ng kapalit.
"Fine. We will celebrate pagkatapos ng mga pinapagawa ko sa inyo ni Elvis. Deal?"
["Okay! Ayos yun, bro! Geh, gagawin na namin yung pinapagawa mo. Basta yung celebration ah?"]
Loko talaga.
"Oo na. Basta galingan niyo sa trabaho niyo."
["Yes, sir!"]
"Ok. Bye."
Pinatay ko na yung tawag at i-pinunta ko na sa facebook para mai-post ko na sa group page kung sino ang gumawa nito sa akin.
Tss. Sigurado akong magsisisi siya dahil sa ginawa niya. Pfft!
Honey's POV
---
Alam ko kung saan pumupunta si Colleen kapag gusto lang niyang mapag-isa. Sa likod ng school kung saan tahimik at maraming pagtatambayang puno.
Hindi pumasok ng ilang period si Colleen kaya after ng morning classes pumunta kami ni Crystal sa likod ng school. At tama nga ang hinala ko na nandito siya. Pero hindi kami nagpakita. Alam naming may pinagdaraanan ang kaibigan namin. Kaya imbis na magpakita kami, umalis rin kami kaagad. Naaawa tuloy ako sa kanya.
Pumunta na kami ng cafeteria para kumain na ng hapunan. Itinext na lang namin si Colleen na sumunod na lang na kumain. Tsaka sana pumasok na siya sa afternoon classes namin.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa hallway nang marinig ko ang nga tsismosang mga estudyante dito.
"Siya naman pala ang may kasalanan! Humanda talaga siya sa akin kapag nakita ko siya! Itutupi ko siya sa walo! Grrr!" sabi ng babaeng mahaba ang buhok na nakatirintas.
Teka? Alam na nila kung sino ang may kasalanan sa nangyari kay Casper? Pero, paano?
"Humanda talaga sa akin 'yang Alexandra Colleen Ethel na 'yan! Dudurugin ko mga buto niya! Grrr! Kainis!" sigaw naman ng babaeng katabi niya.
Mukhang tutok na tutok sila sa phone nila. Teka? Tama ba yung pagkakarinig ko kanina? Si Colleen ang may gawa no'n?!
Flashback...
"Oh, bakit nakangisi ka d'yan?" tanong nitong si Claire sa akin habang sinasabayan na akong maglakad papunta sa upuan namin sa likod.
"Tss. Huwag niyo ng tanungin. Matatawa lang kayo kapag i-kwinento ko sa inyo." naka ngising sagot ni Colleen.
End of flashback...
Kaya pala nakangisi siyang pumasok nung mga time na yun. Dahil siya pala ang gumawa kay Casper ng hindi maganda.
Naku! Mukhang malalagot si Colleen niyan.
Colleen's POV
---
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa hallway pasok sa classroom nang bigla akong harangin ng mga mean girls.
Lilihisan ko sana sila pero humaharang sila sa bawat gilid na pagdadaanan ko.
May dala-dala silang tig-iisang cup ng juice sa kanilang mga kamay.
Ano bang balak ng mga 'to?
"Siya ba yun, girls?"saad nitong babaeng parang pinaka-leader nilang lima saka..
Oh. My. Gosh!
Grrr! Ibinuhos niya sa akin yung juice! At hindi pa nagtatapos doon iyon ah. Pati yung nga kasama niya! Grrr!!! Ang lamig at.. Ang lagkit sa balat! Bwisit!
"Girls? Iwan niyo na siya." singit nung lalakeng nagsalita sa likuran kaya napalingon ako sa likod.
"At kami na ang bahalang patalsikin siya dito." nakangisi niyang dugtong.
Tatlo silang may dala!
May hawak silang basurahan na may lamang mga papel at plastic! Parang alam ko na tuloy kung sino ang nag-utos sa kanila.
Huminto sila sa harapan ko. Lumapit yung isang nasa harapan at.. Ibinuhos sa akin yung laman ng trash can! Grr!! Humanda talaga sila sa akin!
Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Iyan ang nababagay sa labanerang katulad mo."
Pasalamat ka at mas matangkad ka ng kaunti sa akin. Kung mas maliit ka lang, kanina pa kita sinipa.
Sinubukan niyang i-tap ang noo ko pero pinigilan ko yung kamay niya.
"Aha! Lalaban ka pa ha?" saad nito na nginisian ko lang.
Sinubukan niya akong sikmuraan pero napigilan ko yung kamay niya. Baka kung ano pang gawin nito sa akin kung hinayaan ko pa.
Pinilipit ko yung braso niya patalikod at sinipa ang hita patalikod saka ko siya pinadapa dahilan para lahat ng tao sa hallway ay mag-umpukan sa harapan namin.
"Ano? Lalaban ka pa? Susubukan mo pa akong hamunin? Pwes! Huwag mo nang ituloy kung ayaw mong balian kita at ang mga kasama mo. Maliwanang ba?" bulong ko sa kanya. Dali-dali siyang tumango ng mabilis.
Pasalamat siya at may awa pa ako that time. Ayaw na ayaw ko kasing may humahamon sa akin lalo na't bad trip ako ngayon.
Pinakawalan ko na siya. Dali-dali namang nagtakbuhan yung nga kasama niya kasama siya. Yung mga nanonood naman eh nag-alisan na rin. Pfft! Viral na naman siguro ito mamaya. May nakita kasi akong kumukuha ng video kanina. Grr! Kainis!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top