ILYS 16: Clues

"Kuya, konting bilis naman!"



Gustong gusto ko na talagang mag-teleport. Late na ko sa call time. Field trip na namin ngayon pero ang walanghiyang si Eros, hindi ako hinintay!



"Sino ba ang tulog-mantika ha? Kasalanan mo 'yan. Wag mo 'ko utusang pasibadin 'to at baka madisgrasya pa tayo."



Hinatid ako ni Kuya Marc hanggang sa school. Nakaalis na yung ibang mga bus nang makarating kami. Sana hindi ako maiwan.



"Ayun! Bus number nineteen! Kuya bababa na 'ko! Ba-bye!"



Lumabas ako sa kotse at dali-daling nagtungo sa bus na sasakyan ng section namin.



"You're late. Do you know how much I hate interruptions?" Si ma'am Lara. Yung adviser ng Special Science Class. Nakatayo siya sa pintuan ng bus. Nakakatakot siya dahil sa talim ng tingin na ipinupukol niya sa 'kin. Oh great! Kasama nga pala namin sa bus ang section na 'yon. "Get in." Utos niya. Hindi ako nakaimik.



Pagpasok ko sa bus, hinanap ko agad si Eros. Nakita ko siya katabi si Kimee na katabi naman ni Edward. Whoa there! Kailan pa naging close yung aso't pusa na 'yon? Nakita naman ako ni Eros and he mouthed "Sorry." Sinamaan ko siya ng tingin.



Nakakainis. Ginigising daw ako ni Eros kanina pero sumuko siya agad. Nagmamadali raw pumunta rito ang bruha. For sure, lalandi lang 'yan kasi kasama ng section namin sa bus ang mga heartthrobs ng SSC.



Humanap ako ng bakanteng pwesto. Nakatayo ako sa aisle at nagpalinga-linga. Nakita ko si Kae na katabi si JB. Mukhang close na rin sila.



Mukhang wala namang bakanteng upuan. Pinanghinaan na 'ko ng loob. Kung pumunta lang sana ako ng mas maaga...



"Lee, dito ka na lang." Narinig kong sabi ng lalaki na nasa gilid ko. Nginitian niya ko. Ngiti na minsan ko lang makita sa kaniya.



Ang ganda ng ngiti niya.



Nung ngumiti siya, halos hindi ko na makita yung mata niya. Para kasing nakangiti rin pati yung mga mata niya eh. At natuwa naman ako nang tumayo siya at in-offer sakin yung upuan na katabi ng bintana.



Wow! Alam niyang 'yon ang gusto kong pwesto. Chivalry is not yet dead!



Ilang sandali ko rin siyang tinitigan. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Parang nakakahipnotismo.



Cute pala siya. Sabi ng malanding parte ng utak ko. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito katagal...



My gosh, Lee! Nagkakagusto ka na ba sa kaniya? Tanong ng normal na parte ng utak ko.



"Lee, may problema ba?" Nawala ang ngiti ni Ian.



Sayang naman. Ngiti ka ulit, please...



What the hell is happening to me? OMG.



"Lee?" He snapped at me. Nagbalik ako sa huwisyo.



"H-ha? Ha. Ah! Salamat, Ian." Sabi ko. Geez nakakahiya! Umupo na rin siya sa tabi ko pagkaupo ko.



Ngumiti siya ulit.



Kumabog ng malakas ang dibdib ko. What the hell is wrong with me?



I smiled back. Pero agad akong nagbawi ng tingin at bumaling sa bintana. Nakakahiya yung pagtitig ko sa kaniya kanina. Hindi iilang babae ang gumagawa no'n sa kaniya. Baka isipin pa tuloy niya na may gusto rin ako sa kaniya.



Bakit? Wala nga ba?



Oh Shuttap!



Sus. Deny deny din 'pag may time.



Wala nga kasi!



Cute si Ian, gentleman, at hindi mahirap magustuhan. Kakainin mo rin 'yang sinabi mo!



Napailing ako ng malakas. Ano ba 'tong iniisip ko? Field Trip ngayon. 'Yon dapat ang iniisip ko. Oo. Yun nga!



"May problema ba, Lee?"



"Ha? Ah. Wala." Ah. Shit talaga. Nakakahiya. Baka iniisip niya na nababaliw na 'ko.



"Na-late ka yata ngayon, Lee." Sabi niya habang inaayos yung headset niya.



"Obviously." Sabi ko without looking at him. Although I wanted to keep the conversation up, imposible na yata dahil sa sinabi ko.



"As always." He chuckled. Tumawa siya. Shit! Ngayon ko pa lang siya narinig tumawa. Pati tawa niya ang ganda. Ang sarap pakinggan.



Tawa ka pa ulit, please...



Pero hindi ko na pinansin ang boses na naririnig ko sa utak ko. Nawawala kasi ako sa huwisyo.



"Tama. Pero hindi ko naman sinadyang ma-late ngayon. Field Trip eh. Gusto ko mag-enjoy." Tumawa siya ulit.



"Mag-eenjoy ka talaga." He sounded so lively! Naka-Enervon kaya siya? "Mag-eenjoy ka kasi kasama mo k –" napahinto siya. Inaabangan ko naman kung ano yung karugtong ng sasabihin niya. Kumunot ang noo ko kasi parang napaisip siya saglit. Tapos nagpatuloy siya. "Kasi kasama mo k-kami! Kami! SSC tapos section niyo. Hehe! The more the merrier!" Ooooh. Ang haba ng sinabi niya. Minsan lang mangyari 'to. Mas lalong kumunot ang noo ko. Ang weird niya. Tapos ngumiti siya ulit.



Ano kayang nakain ni Ian bakit siya ngiti ng ngiti ngayon? At ang nakakainis, bakit nakaka-adik ang ngiti niya?



Dahil man of a few words si Ian, hindi ko na siya narinig magsalita ulit. He busied himself with his phone. Kaya ginaya ko na lang siya. 7 am nang umalis ang bus namin. Laguna ang destination namin ngayon. I'm so excited!



T-in-ext ako ni Eros.


Eros

Sorry na, bakla! Ikaw kasi eh. Nagpuyat ka na naman! Si Gab na naman ba yung ka-chat mo? Ikaw ha? Akala ko ba ayaw mo ka-chat yun?

Lee

Ayoko nga. Pero sabi mo, sakyan ko lang 'di ba? Edi hinahayaan ko lang.






Ang totoo niyan, hindi talaga ako napuyat dahil ka-chat ko si Gab. Napuyat ako kasi iniisip ko kung sino ba talaga siya. Nakabuo na kasi ako ng hinuha kung sino siya. At kailangan ko lang ng pruweba.



Naglalaro lang ako ng COC buong biyahe. Medyo nakakaantok pero nilalabanan ko yun kasi marami ang nangunguha ng stolen shots ng mga tulog. Ayoko mabiktima.



Si Ian, mukhang ganun din ang ginagawa kasi paminsan-minsan, nakikita ko siyang humihikab.



Nag-beep ang cellphone ko. Akala ko, si Eros ulit yung nagtext pero unregistered yung number.


Unknown

Ang cute mo ngayon, Lee. :)

Lee

Sino po kayo?

Prince

Si Gab 'to, prinsesa ko :)

Lee

Gab? Nasan ka?

Prince

Bus 19 :)

Lee

Da ef?





Nakakainis. Sobra na talaga akong curious kung sino siya. Paano niya nalaman yung number ko? Inilagay ko sa loob ng bag ko yung cellphone ko na may kasamang pagdadabog dahil sobrang nakaka-frustrate na. Ayokong gambalain niya ang araw ko. Ayoko ng maraming isipin ngayon.



I sighed. Naramdaman kong lumingon sa 'kin si Ian. "Ayos ka lang, Lee?"



Tumango lang ako. Masyado yata akong malikot. Nakakagambala na yata ako.



Sumandal ako sa headrest ng upuan. Biglang bumigat yung mga mata ko. Nakatulog ako.





***





"Ahihihihi. Ang cute nila."



"Sssssh! 'Wag ka maingay baka magising sila!"



"Bagay sila."



"Sinabi mo pa."



Ang ingay ng paligid. Naramdaman ko naman yung biglang pag-flash ng mga ilaw. Maraming tao. Nasaan ba 'ko?



Pakiramdam ko, may nakapatong sa ulo ko na kung ano. Unan? Pero humihinga? May unan bang humihinga? Parang may nakalagay din sa balikat ko. Ang sarap sa pakiramdam. Tipong pakiramdam ko, ligtas ako.



"Dali. Damihan mo ng shots. Tapos post natin sa FB hahahaha"



"Magigising na siya!"



Dumilat ako. Sobrang dami ng mga nagfa-flash kaya nasisilaw ako. Pero nang maka-adjust na yung mata ko sa liwanag, saka pa lang nag-sink in sa 'kin ang lahat. Maraming tao sa harap ko. Isa si Eros sa mga yun. Nagkukumpulan sila sa harap hawak hawak ang mga cellphone nila at animo'y mga kiti-kiti.



"Kakiliiiiiiig!" Tili ni Edward. Naghagikhikan naman ang mga tao sa harap ko. Naramdaman kong may naka-akbay sa 'kin. At nakapatong ang ulo ko sa balikat ni..



"Ian?" Yung ulo niya naman, nakapatong sa ulo ko. Ang himbing ng tulog niya. Pero nung kinalabit ko siya, nagising naman siya. At nung ma-realize niya ang nakakahiyang sitwasyon namin...



"Shit! Akin na 'yan!" Pilit niyang inaagaw sa mga usisero't usisera yung mga cellphone na ginamit nila para picture-an kami. "Give it to me!"



"Ayieeeee, idol talaga kita, Ian! Isa kang dakilang hokage!" Halata namang nang-iinis si Edward. Akala ko, magpupuyos sa galit si Ian pero bakit, nagpipigil siya ng ngiti?



"Sht pre! 'Wag mong sabihing kinikilig ka? Ang bading, pre!" Dagdag pa ni Edward.



"Shut up!" Asik ni Ian. Hahablutin pa sana niya yung cellphone nung isa naming kaklase pero hinawakan ko yung braso niya.



"Hayaan mo na. Mabura mo man yung picture natin sa mga cellphone nila, wala na tayong magagawa. Nasa Facebook na." Sabi ko. Sigurado ako do'n dahil sa ngiting ipinukol sa 'kin ni Eros. Tingin pa lang nitong baklang 'to, alam ko na.



"Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeee" Sabay-sabay na sabi ng mga kasama namin sa bus. Nakatingin pa rin pala sila sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Ian. Oh my God. Ang dami nang nakakahiyang nagyari. Binitiwan ko siya. Lupa, please, kainin mo na 'ko!



Nakita ko naman yung transferee guy na nakaupo sa dulo, si Kenneth. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin at parang walang pakialam sa mga nangyayari. Ngingitian ko sana siya kaso inalis niya yung tingin niya saka yumuko. Problema nun?





***





Nasa bahay kami ni Gat Jose Rizal sa Calamba. Ang boring ng mga unang itinerary namin dahil puro historical sites. SSC lang tuloy ang nag-eenjoy.



"Lee, tara! Labas muna tayo." Aya sa akin ni Eros. Lumingon naman ako sa mga kasama namin – si Ian, JB, Kae, Kenneth the transferee, Ed, at Kimee.



"Alis muna kami ni Eros." Paalam ko sa kanila. Mukhang wala naman silang balak sumama samin kasi nag-eenjoy sila sa museum. So boring.



Nagtama ang tingin naming ni Ian. Ngumiti na naman siya. Ngumiti rin ako.



Naglalakad lakad kami ni Eros sa labas. Mas masarap magsight seeing dto habang kumakain ng mga street foods at kakanin. Biglang nag-beep ang cellphone ko.


Gab

Stick with your friend.

Lagot sa 'kin si Eros 'pag pinabayaan ka niya. Don't go far. Take care :)





The stalker really scares the hell out of me.



"Eros, kilala mo ba si Gab? Yung totoo ah."



"Hindi nga."



"Weh?"



"Oo nga."



"K."



Saktong pagballik namin ni Eros, naghe-headcount na ang mga advisers namin.



I texted the creep.





Lee

Where are you?





I heard someone's phone beep nearby. Napalingon ako sa may-ari niyon.



"Ian." Nakatingin siya sa screen ng cellphone niya.



"Lee." He was startled. Should I conclude things now? "B-bakit?"



"Phone mo ba 'yun?"



"Ha?" His gaze dropped to his phone. "Oo."



"I see."



"M-maingay ba? Hindi ko pala nai-silent. Wrong timing naman mag-text si mama."



I shouldn't have jumped into conclusions, should I?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top