Chapter 1: First Meeting
Ginger's POV
Naglalakad ako papuntang coffee shop dahil magkakape ako malamang. Naiinis ako sa bahay dahil nagtatalo na naman ang papa ko at si mama. Lagi silang ganun dahil napakaselosa talaga ni mama. Seaman naman kasi si papa. Pumasok ako sa favorite coffee shop ko. Inorder ko ang choco flavor with cheese cake. Medyo weird ang taste ko.
Habang kumakain ako tumunog ang phone ko. Sino kaya siraulo ang tumawag sa akin? Distorbo sa pagkain.
Tiningnan ko ang I.d. caller. Its Myra. Ang maingay na kaibigan ko.
"What took you so long dear," siya pa talaga ang nagrereklamo. Barahin ko nga to.
"Tumutula ka ba? Ano ba naman problema mo sa akin bakit naninira ka ng pagkain ko," reklamo ko pabalik. Pasaway na babae.
"Geez. Your in a coffee shop again. Why not bar tayo," never ako pupunta dahil madami daw bastos doon sabi ni Monika. Another bff of mine. Kaya lang nasa states yun dahil isa siyang restaurant manager doon.
" No way Myra, I rather stay in a coffee shop all day long kaysa pumunta sa cheap na lugar na yan,"after magkape ay lumabas na ako ng shop pero kausap pa din ang makulit na kaibigan ko.
"Try to unwind. Magiging diabetes ka nyan if you keep eating sweets dear. Sumama ka sa akin. Libre ko," kahit libre pa yun ayoko pa rin subukan. Precautionary measures lang.
"Kaysa umuwi ka sa inyo, aabutan mo ang parents mo na nagtatalo. Its not bad to try. At saka I want to consult you something please," konsensya niya sa akin. Habang nakasakay sa kotse ko naiisip ko na naman ang problema sa bahay. Aabutan ko ba naman silang nag-aaway. Sa pag-iisip nasa gate na kami.
"Ma'am,nandito na tayo," sabi ng driver ko.
"Kuya,pakiantay ako. Aalis tayo ulit papunta sa bahay ni Myra," tuluyan na akong bumaba at pumasok sa bahay.
"Saan ka ba galing," tanong ni mama. Pakialam niya ba. Ang aga ko kaya umuwi.
"Nagsasawa na iyang anak mo sa kaingayan mo Gina," sabi pa ni papa. His my life saver.
"Im asking her not you," reklamo niya kay papa. Napakachildish niya talaga. Dumiretso na ako sa taas at naghanap ng damit ko. Ano nga ba isusuot ko? Isang dress na black ang pinili ko. At isang pares na silver shoes ang binagay ko. Ayoko nang revealing.
"Saan ka naman pupunta? Kakarating mo lang," si mama. As usual ganun talaga siya magtanong. Akala mo nawala ako ng isang taon. Hindi naman ako suwail. Sadyang ayoko lang marinig ang talak niya.
"May pera ka pa ba anak," tanong ni papa. Tumango ako. Dumiretso na ako palabas.
I text Myra na sasama ako sa kanya. Nag emoji pa ang baliw.
After 15 minutes ride ay nakarating na ako sa kanila. Nagdoorbell ako.
Isang minuto ang lumipas binuksan ito ni Myra. Nakasuot ito ng robe at medyo magulo pa ang buhok.
"Who is that babe," rinig ko sa isang boses. Pinandilatan ko siya.
"Sino ba yun," matagal bago sumagot ang loka.
"Someone," sagot niya. May sariling bahay si Myra. Regalo ng kanyang mom.
"My happiness," dagdag niya pa." Don't worry, aalis na din siya,"lumabas na ang isang 6 footer na lalaki. Gwapo nga siya. May lahing Spanish. Diretso itong lumabas na parang di ako nakikita.
"Gin,sorry dear. Nalasing ako kagabi at tinulungan niya ako. Dahil humble ako,syempre pumayag ako," nakuha niya pang magpacute. Sarap niyang kutusan.
"Happiness? Nakadrugs ka ba Myra? Kailan pa naging seryoso ang isang Myra Cordoval? For I know,he is just your flavor of the night," napatingin siya sa akin. Totoo naman talaga. Wala siyang seryosong karelasyon. According to her,boys just ruin girls life. Ewan ko lang pag nabuntis ito ng wala sa oras.
"Fine. Alam mo naman ang dahilan di ba," she talk about her ex na first love niya pa. Baliw siya talaga sa lalaking yun. "Oo naman. But then,its not right use someone for your frustrations. At saka sigurado nagpahanda pa yun dahil baliw ka sa kanya at sinisira mo lang ang buhay mo. Just try to forget and forgive him. Bigyan mo naman ng kahalagahan yang buhay mo," ang haba ng sinabi ko. Saan ba ako humuhugot? Wala naman ako experience sa relasyon dahil ilag ako sa mga lalaki.
"Galing! Galing! Anyway, ang plain mo," pumalakpak pa ang gaga. Napansin din niya itsura ko. "I have suggestions,may damit ako kasya sayo. Tara sa taas," ano naman ipapasuot niya sa akin? Sumunod naman ako sa kanya. Binuksan niya ang walk-in closet. Tumambad sa akin ang mga gamit niya. Naghanap siya. Pag nakikita niya, pinapasukat sa akin. Halos sampung beses ako magpalit. Nakapili na din siya."Ang sexy naman nito. Maiksi na ang palda,kita pa ang pusod ko,"reklamo ko. Isang tube ang pinasuot na kulay red at skirt na black. "That's fashion. Umupo ka dyan. Aayusan kita," Hindi ko alam ano ba pinaggagawa niya. Ilang saglit pa lang tapos na siya. Napatingin ako sa salamin. Ako ba to?! Para akong doll. Ang layo ng itsura ko. "Ang ganda mo talaga. Sayang pag hindi ka nakikita ng boys. For sure,maglalaway sila mamaya," puri niya. Tama nga siya gumanda ako.
"Ligo muna ako. Hintayin mo nalang ako sa baba," paalam niya. Bumaba na din ako. Naupo ako sa sala. Nagscroll muna ako ng phone ko. Try ko nga magpicture. Ilang saglit bigla akong nakarinig ng doorbell. Sino kaya yun? Lumabas ako ng bahay at diretso.
"Sino po sila," tanong ko. Wala naman sumagot.
"Manigas ka dyan. Hindi naman kita kilala," hahakbang na sana ako pabalik ng nagsalita ito.
"Its me Gary. Is Myra there," tanong niya. Another flavor of the night ba nang kaibigan ko ito. Binuksan ko na ang gate. "Hey Goddess, is Myra there," bolero din pala ito. Sapakin ko nga. Matangkad siya. Gwapo din. At may magagandang mata. Hay naku! Kailan pa ako nagkainteres sa lalaki?
"Naliligo pa siya. At sino ka naman sa buhay ni Myra," reklamo ko. Ayoko lang sa awra niya.
"Ang sungit mo naman. I told you already my name. Myra is my friend," kaibigan daw? Sino niloloko niya? Napansin niya ang pagtaas ng kilay ko. "Hindi mo ba ako papasukin," nakaasar talaga pagmumukha nito. Parang ang hangin masyado. "Pasok na kayo Kamahalan," sarkastiko kong sabi sa kanya. Sana naintindihan niya. Biglang nagsalita si Myra sa likod ko.
"Oh,Gary,sorry pinaghintay kita," sabay hug at beso niya sa hambog na ito. Naiwan akong nagtataka. Bakit bigla akong nareject? Ganun ba siya kahalaga.
"Dear! Halika ka dito," tawag ni Myra. Buti naalala niya pa.
"Gary,this is Ginger,my beautiful best friend," pakilala niya pa. Balak nito makipagkamay pero ayoko. Di ko siya talaga feel.
"Snobera talaga yan. But anyway, buti pupunta ka sa party. May makakasama na kami," lakas makasira nitong kaibigan ko. Parang out of place yata ako.
"Oo naman. Ikaw pa ba, hindi kita pagbibigyan," niyakap pa ni Myra. Nakakadiri tingnan.
"Pupunta pa ba tayo," putol ko sa kanila. Nakakaumay silang tingnan. Pag sakay namin nasa backseat ako. Pinatugtog niya ang kanta ni Iñigo Pascual na ang title ay "Dahil sayo".
Habang nasa biyahe panay tawanan nila. Super close talaga sila. Ano ba gagawin ko sa buong biyahe? Manood ng lampungan. Nakakasira nang mood. Hindi ko napansin nakatingin si Gary sa rearview mirror. Ano ba pakialam ko? Ganun lang ginagawa niya. Sumusulyap sa akin minsan.
I hate how he looks at me kaya nagshades ako. Kunyari natutulog ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top