30
Alam ni Lia na hindi nagbibiro si Gaia.
Ramdam niya. Totoo ang message nito no’ng isang araw. Bukod pa roon, ang sabay nilang pagpost ng mga litrato nilang dalawa sa personal accounts nila na naka-off ang comment section ay isa pang proof.
Ayaw lang niyang tanggapin pa kahit pareho ang nararamdaman.
Dahil sa takot na mahusgahan.
Takot sa mga sasabihin, o ‘di kaya sa pagtalikod. Baka wala ng makinig. Baka wala ng sumubaybay.
Dahil hindi pa bukas ang isipan ng mga tao. Lalo na sa industriya na kinabibilangan nila. Hindi pa tanggap na magkarelasyon ang dalawang babae.
Pero tao lang din sina Lia at Gaia.
May mga puso na nahulog para sa isa’t isa.
Na ngayon lang nagkaroon ng lakas-loob umamin.
Sa isa’t isa. Sa sarili.
Kaya ngayong magkaharap sila, lalong hindi mapakali si Lia. Magkaka-stiff neck na siya dahil kanina pa siya nakalingon sa kanan. Iniiwasang tumingin kay Gaia.
Halos mapatalon siya sa gulat nang maramdaman niya ang hawak ni Gaia sa kaliwang balikat niya.
“Lav, okay ka lang?” halos pabulong na tanong nito.
Huminga siya nang malalim. Unti-unting lumingon kasama ang upper body niya. Tumingin siya sa mga mata nito, “Hindi… Nagstiff yung leeg ko, Bae…”
Mahinang natawa si Gaia. “Paano kasi, sa buong biyahe natin, nakapaling ka lang doon. Ayan tuloy…” Umayos siya sa pagkakaupo. “Akin na. I-massage ko para mawala.”
Lalong umikli ang distansya ng dalawa. Balat sa balat. Ramdam nila ang init. Hindi nakakapaso. “Pwede na ba akong magsimula?” tanong ulit ni Gaia. May lambing sa boses. Tumango si Lia.
Unti-unting nawala ang sakit. Parang propesyonal si Gaia. Ilang sandali pa ay natapos ang pagmasahe nito. Maluwag nang ikinilos ni Lia ang ulo niya.
“Ang galing galing mo naman, Bae!” Abot-tenga ang ngiti nito habang pumupuri. Napangiti lang si Gaia.“Para kang professional! Inaral mo ba ‘yon?” tanong ni Lia. Manghang-mangha pa rin.
“Hmm,” panimula ni Gaia. “Oo, siguro? Sorry, hindi ko ma-explain nang maayos.” Tumigil siya sandali para humugot ng malalim na hinga. “Sabihin na nating… out of five, mga tatlo hanggang beses kong naeexperience ang stiff neck. Madalas kasing mali ang posture ng ulo ko sa pagkakahiga. Lalo na kapag may shooting. No’ng una, kapag kaya ng sched, sasadya pa kami sa mga spa. Tapos naging may on-call. Minsan, si Manager na nagmamassage. Pero dumating sa point na busy rin siya kaya nag-try ako sa sarili ko. Nagresearch and ask na rin ako sa mga points na dapat lang at mga iingatan.”
“I see… At dahil d’yan, magpapaturo ako sa’yo!” Pareho silang natawa. “‘Di… naisip ko lang. Lagi kasi kaming kinokondisyon before and after ng rehearsals, shoots, etc. Lagi kaming iniistretch para siguro hindi magstiff or lock muscles namin.”
“Gano’n din naman ako. Pero siyempre, minsan ‘di maiiwasan. May sariling buhay katawan natin, e.” Pareho na naman silang natawa.
“Malayo pa tayo, Gaia at Lia. Matulog na muna kayo,” sabi ni Mico.
“Okay po!” sagot nilang dalawa.
Umayos sila sa pagkakaupo. Magkatabi sa gitna. Magkadikit.
Ipinatong ni Lia ang ulo niya sa balikat ni Gaia.
“Goodnight, Bae.”
Idinikit ni Gaia ang ulo niya kay Lia. “Goodnight, Lav,” nakangiti nitong sabi.
Sabay pumikit. Hinayaang magpayakap sa dilim papunta sa dreamland. At bago tuluyang makatulog, pinagsalikop nilang dalawa ang kanilang mga kamay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top