12
text message
< Lav
2:17 AM
Hi, Lav
Alam kong tulog ka na
And sorry if I’m messaging you this late
Ang ingay ng braincells ko
Para silang nakaduty ng graveyard shift
Hahahaha
Kaya inisip ko yung journey ko
7 years na rin
Parang drop tower pala
Minsan nasa taas
Madalas nasa ibaba
Pero nagpapatuloy pa rin ako
Kahit ako na lang yata
yung natira sa company
Yung mga kasabayan ko kasi noon
Mula sa training hanggang debut
Nagsialisan
Yung iba, nasa industry pa rin
Yung iba, umalis na
Solo life and travels
May mga bumuo na rin ng sariling family
Tapos naisip kita
Curious ako kung paano naging journey mo?
Paano ka nagsimula?
Ang alam ko lang kasi
nakasama kita noon sa Girls101
Namention mo rin before
no’ng bago tayo magkita
Pero blurred na sa memory ko
yung events doon
Naaalala ko na lang kapag pinapanood ko ulit yung mga videos ng missions natin
Inisip ko na ngang umalis na sa industry e
Kaya forever thankful ako sa collab natin
At sa friendship
Iniisip ko pa rin ba until now na umalis?
Yes.
Gusto kong mag-explore on my own
Para alamin kung ano pang kaya kong gawin
Kung ano talagang gusto ko
Para rin malaman ko
kung yung heart ko ay for performing pa
Or to help others with their idol dreams
Namiss ko ring magserve sa people
Ay ‘di ko pa pala nakwento ‘yon ‘no?
Before our collab,
sumama ako sa hometown nina Manager Joie
Sabi ko kasi gusto kong maghanap ng work
Para rin, if ever, kung aalis ako sa Lost Verses
At may balance pa ako, may pambayad ako
Pagdating namin doon
Do’n ko nalaman na may family restau sila
Matagal na nilang business ‘yon
At pinupuntahan talaga kasi masasarap yung meals na sineserve nina Imo at Samchon
Kapag free tayo pareho, punta tayo ro’n :)
Tumulong ako magserve
No’ng una, natatakot pa ako
kasi baka makilala ako at magkamali
Ayaw ko pa man ding napapagalitan :(
To my surprise,
sobrang welcoming ng mga tao
At gentle yung way nila
sa pagtuturo ng dapat kong gawin
Anak na nga rin turing nila sa akin doon e
I feel normal again
Walang pressure
And I miss that life :(
2:47 AM
‘Di ko pala natuloy sasabihin ko, Lav
Nakalimutan ko na rin T___T
Nakaidlip kasi ako e
Napagod na rin yata mga braincell ko
Good night for me
2:50 AM
Good morning, Lav
Have a nice day!!
Ingat ka :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top