CHAPTER 57
CHAPTER 57
ADELINE ISLA RAMIREZ
What are they doing here?
Napaatras ako at naramdaman ang paghawak ni Alastair sa aking likuran habang nanatiling nakatingin sa kanila. They remained silent... habang pinagmamasdan ko silang dalawa ay parang tumataas ang balahibo ko. Ramdam na ramdam ko ang bumalot na kilabot sa buong katawan ko.
Their face looks soft and I hate it. Bakit ganito sila makatingin?
It's been a decade, and ngayon ko na lang siya nakita, my mother. Dahil doon malaki na rin ang pinagbago ng katawan. May katandaan na rin, and I hate to admit it, she still looks pretty. Hindi ko matingnan ng diretso si Lana, akala ko mawawala na ang inis ko sa kan'ya pero hindi pala. Nandito pa rin pala ang pakiramdam na 'yon. Napalunok ako at parang gusto kong tumakbo papalayo sa kanila.
"Isla..."
"What are you doing here?" I hissed.
Nilagpasan ko si Alastair at nilapitan silang dalawa. Narinig ko na tinawag ako ni Alastair pero hindi ko siya pinakinggan.
"Anong ginagawa niyo rito?" pagpipigil ko ng galit sa harapan nila.
Mas lalong lumambot ang ekspresyon ng mukha ni mommy habang si Lana naman ay hinawakan ang kan'yang braso. She felt that my mother is scared? Anong dapat ikatakot nila?!
"Mahal..." malumanay na tawag sa akin ni Alastair.
"Bakit ka bumalik dito ngayong wala na si daddy? Bakit kayo pumunta pa rito!?" I shouted infront of them.
"Isla... I just want to visit Arden for the last time. I heard that this is the last day of his burial. Gusto ko lang bisitahin ang asawa ko—"
"Shut up! And don't you dare say that," nangangalaiti kong sambit.
Awtomatikong nanginit ang gilid ng aking mga mata. Hindi rin nagtagal ay tuluyan na silang tumulo pababa sa aking pisngi. Oh God, I can't control my emotions right now. My chest tightens, at sunod sunod na hikbi ang kumawala sa aking labi habang nanlilisik ang mga tingin sa kanilang dalawa.
Naramdaman ko ang kamay ni Alastair sa braso ko para ilayo sa kanila pero hindi ako nagpatinag. Padaskol kong tinanggal 'yon habang mariin pa rin na nakatingin sa kanila.
"Asawa? Kahit kailan hindi ka naging asawa kay daddy." Mabilis kong pinunasan ang aking luha. "Hinding-hindi niyo makikita si daddy. I'll not let you go near him; lumayas na kayo rito."
"Isla... my daughter."
"Don't also call me that... ayaw mo ng ginugulo ka na, hindi ba? The last time we talked, tinaboy mo ako. Sa call lang 'yon, ah, and you didn't know how much it hurts me when you say those words," matigas kong sambit. "Pero ngayon wala na... and I don't want you to come into my life. I can live without a mother. Nagawa ko na 'yan noon kaya ayaw na ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo kasama 'yang babae mo rito."
Mabilis kong pinalis ang mga luha sa aking pisngi. "You know what else hurts? All of my life, lumaki ako sa paniniwala na si daddy ang may dahilan kung bakit lumaki ako sa broken family. Lumaki ako na akala ko si daddy ang may dahilan kung bakit kayo nag-divorce, pero hindi pala! The real reason was because of you! Dahil ikaw ang may dahilan!"
Halos manghina ako sa kanilang harapan ng sumigaw. My voice was hoarse; kung hindi nakahawak si Alastair sa braso ko ay baka sumalampak na ako sa sahig dahil sa panghihina dahil sa iyak. My tears gradually streamed down to my cheeks.
Mas lalo lang sumikip ang dibdib ko nang makitang pati silang dalawa lumuluha sa harapan ko. Hindi ko alam, pakiramdam ko mas lalong uminit ang ulo at dugo ko nang makita 'yon. Parang may sariling utak ang mga kamay ko, I grab my mother's arm so she can clearly see my face.
Alam kong namumula na ang buong mukha ko dahil sa pagiyak. Nag taas baba na ang aking dibdib dahil sa mga hikbing kumawala sa aking labi. Pati na rin ang balikat ko ay nanginginig dahil sa galit.
"Bakit kayo umiiyak!? Why are you crying!? Umiiyak ka para saan? Sa konsensya?" natatawa kong tanong kay mommy. "Alam niyo kung anong pinakamasakit sa akin? Na hanggang ngayon nandito pa rin yung konsensya sa akin sa kung paano ko siya sisihin noon dahil sa ginagawa mo!" Dinuro ko si mommy. "Nandito pa rin lahat-lahat kahit na napatawad na ako ni daddy! And It's your fault, mom! Kayong dalawa ang may kasalanan!"
"Isla... gusto ko lang makita si Arden. Sige na please kahit ngayon lang... kahit matanaw ko lang yung kabaong niya—" pamimilit ni mommy.
"No! No! Get out of here! Get out!" I said, hysterically. "I-I will not let y-you see h-him!" nahihirapan kong bigkas dahil sa panghihina at mga hikbi.
"Isla!" natatarantang sambit ni Alastair nang mapaupo ako sa sahig.
"I don't w-want..." I whispered. Sa tuwing magsasalita ako ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko.
Mariin na lang ako napapikit at sa isang iglap lang ay pumasok sa isipan ko ang mga masasayang alaala ni daddy na magkasama kaming dalawa.
"Daddy... daddy..." lumuluha kong wika.
"Ate Isla!" dinig kong boses ni Betty. Mukhang nagising dahil sa sigawan dito.
Agad siyang tumulong kay Alastair para mapatayo ako. Dahan-dahan nila akong tinayo habang nanghihina na ako dahil sa pag-iyak. Nang muli ko silang tingnan, si mommy ay tahimik na lumuluha sa tabi ni Lana. May kakaiba sa ekspresyon ang kan'yang mga mata na gusto niya akong lapitan at tulungan. I felt disgusted. I don't need her. I don't want them here.
"We don't need you here," matigas kong sambit sa kan'ya.
For the last time I stared at them before I ran inside Alastair's house. And I didn't know why I did that. Pakiramdam ko parang may sariling utak ang mga paa ko ng gawin 'yon.
Habang lakad takbo papunta roon ay parang ang bigat ng mga hakbang ko.
I just want to stay away from them.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
I stayed at masterbedroom.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nagkulong doon dahil sobrang bigat pa rin ng dibdib ko. Hindi ako mapakali ngayon sa kama. Sinubukan kong matulog pero ilang oras na ang nakalipas, dilat pa rin ako hanggang ngayon.
"I'm sorry..." I whispered while caressing my tummy. "I'm sorry my baby..."
Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. I even do a breathing exercise just to get rid of this heavy feeling that started to build up again.
Calm down, Isla. Calm down. You have a baby inside of you; don't be selfish. Think about the baby too!
"I'm calm... I'm calm."
Umiba ako ng puwesto at humarap sa kung saan naka puwesto si Alastair kapag sabay kaming natutulog. I grabbed his pillow and hugged it. Pasimple kong inamoy 'yon at sa hindi malamang dahilan ay pakiramdam ko ay kumalma ako kahit papaano.
I need him. Where's Alastair?
"Ate Isla?"
Narinig ko ang boses ni Betty sa labas ng kuwarto kasabay ang mahinang katok sa pintuan. Dahan-dahan akong tumayo para pagbuksan siya habang hawak pa rin ang unan ni Alastair.
"Betty, what are you doing here?" bungad ko nang mabuksan ang pinto.
"Kumusta ka na?" tanong niya pabalik sa akin.
Tipid ko siyang ningitian at binuksan ng malaki ang pintuan para papasukin siya. I opened the lights and gestured to her to take a seat at the long ottoman bench at the end of the bed.
"I'm fine..." mahina kong sagot.
Tumango na lang si Betty at tipid akong ningitian. "Hindi na ako nakapagpaalam na dumiretso rito, Ate Isla. Si Kuya Alastair kasi parang balisa na ewan, hindi ko rin makausap nang maayos. Pero siya ang nag-aasikaso muna doon sa dalawang bisit—"
"Let's not talk about them, Betty," pagputol ko sa kan'yang sinabi. I smiled at her and sat beside her.
"I don't want to stress myself..." I whispered. "I don't want to risk my baby," natatakot kong sabi.
Ningitian niya lang ako at muling namayani ang katahimikan. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago yakapin nang mahigpit ang unan ni Alastair.
"Betty, can you tell Alastair to go here? I need him right now," sabi ko ng tingnan siya.
"Ay sige, Ate Isla. Mukhang okay naman na po kayo kaya mauuna na rin ako. Umakyat lang talaga ako rito para kumustahin ka. Kinakabahan din ako baka mamaya kung ano nang nangyari sa 'yo rito." Tumayo na siya sa kinauupuan niya at magaan akong niyakap.
"Okay. Thank you so much, Betty," pagpapasalamat ko habang nakayakap pa rin sa kan'ya.
Agad din siyang bumaba at pumunta sa kabilang bahay. Medyo matagal-tagal din akong naghintay kay Alastair sa loob ng kuwarto. Nakaligo na rin ako at nakabihis ng pantulog pero wala pa ring Alastair na pumasok sa kuwarto.
"Where is he?" bulong ko sa sarili.
Napakamot na lang ako sa pisngi at lumabas na para puntahan siya. Akmang baba na ako at pupunta sa kusina para kumuha nang makakakain sa loob ng ref nang muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita si Alastair. Nasa mini living area siya rito sa second floor, sa tabi ng master bedroom.
Nakatayo lang siya roon parang hindi mapakali. Nakahalukipkip at palakad-lakad sa kan'yang puwesto. Kunot na ang kan'yang noo at hindi parang kinakabahan na ewan. Napapahaplos pa siya sa leeg niya at umiiling.
"Alastair..." mahinahon kong tawag sa kan'yang ngalan.
Natigilan siya sa kan'yang ginagawa at nanlalaki ang mga mata na makita ako sa harapan niya. Napaatras pa siya at mukhang lalayo pero hinawakan ko agad ang kamay niya para pigilan.
"What's wrong? Are you okay? You looked tense," malambing ko tanong. My voice was soft and calm, and I think it's effective. Dahil kahit papaano ay kumakalma na ang bawat kilos niya.
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kan'ya at tumingkayad para halikan ang kan'yang labi. Hinaplos ko ang panga niya at malambot na tiningnan. Bakas na bakas ang takot sa kan'yang mga mata habang nakamasid sa akin.
"M-mahal..." nauutal niyang bigkas.
"You're not answering my question properly. You're really not okay," I whispered. Niyakap ko siya saglit bago hawakan ang kan'yang kamay para hilahin papasok sa kuwarto namin. "Let's talk inside, okay?"
Tuluyan ko na siyang dinala sa kuwarto at nagpatianod lang naman siya sa mga hila ko.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"What's bothering you?" malumanay kong tanong.
Nakaupo siya sa gilid ng kama habang ako naman ay nakatayo sa pagitan ng hita niya. Kinulong ko ang dalawa kong palad sa dalawa niyang pisngi para matingnan siya nang maayos.
Yumuko ako at pinatakan ng magagaan ng halik ang labi niya. Tinugon niya naman 'yon at niyakap ang baywang ko. Napangiti na lang ako at hinahaplos ang malapad niyang likod. Lumipas pa ng ilang segundo bago ko maramdaman ang mga halik niya sa aking t'yan.
"Can we talk na? Okay ka na ba?" I asked while caressing his back.
Gosh. I know this will be going to ruin our mood but I'm really bothered by his hair. Hindi ko masuklay 'yon dahil naka-buzz cut 'yon.
"Sorry kung wala ako kanina..." sabi niya.
Tinulak ko ang balikat niya para matingnan siya. "It's okay... pinahanap kita kanina kay Betty kasi gusto ko na nandito ka."
Tumango lang siya at niyakap ako. "I'm scared... hindi mo naman ako iiwan at itataboy 'no?"
Kumunot ang noo ko sa kan'yang sinabi pero maya-maya ay unti-unting pumasok sa isipan ko ang ibig niyang sabihin. Hindi niya talaga kayang magseryoso sa mga ganitong bagay. Narinig ko ang mahina niyang tawa bago ako harapin.
Habang pinapakinggan ang sinabi niya sa akin ay sumisikip ang dibdib ko. Parang kinukurot at pinipisil dahil nandoon pa rin pala ang takot sa puso niya na baka iwan namin siya.
"Para naman akong babae kung umasta ng ganito. Sorry, mahal... kung hindi kita sinamahan dito. Ang totoo niyan. Natatakot ako na harapin ka kanina. Kasi baka mamaya..." humina ang boses niya at mas niyakap ako. "Baka... ipagtabuyan mo ulit ako kasi nandito siya... nandito si mama."
I felt guilty because I know myself that I made him feel like this. It's my fault that he feels that way. At alam ko rin sa sarili ko na mahihirapan ako na alisin 'tong konsensya sa sarili ko dahil sa ginawa ko.
Napalunok ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kan'ya. Pero ang mga mata ko... nagsisimulang maginit ang mga sulok no'n. Pati ang lalamunan ko na parang may bigik na nakaharang kaya alam kong mahihirapan akong magsalita dahil paniguradong mapipiyok ako.
"Malay ko ba na mamaya kapag nakita o hinarap mo ako, siya ang makita mo sa akin. 'Yon lang naman kinakatakot ko, mahal. Kaya medyo nahihirapan lang ako na kausapin o puntahan ka kanina kaya sorry," aniya ng inangat ang paningin sa akin.
Tipid niya akong ningitian at hinawakan ang batok ko para mahalikan ang aking labi.
"Dinistansya ko muna sarili ko kasi hindi ko kayang mangyari ulit yung nangyari noon. Baka hindi ko na kayanin ngayon, mahal... kapag naulit 'yon," nasasaktan niyang sambit.
"A-Alastair..." nanginginig ang aking boses ng magsalita. "I'm not going to do t-that again... I promise," naluluha kong sambit. "I-I just need you here..."
Yumuko ako at niyakap siya sa leeg. "I'm s-sorry... I know it's my fault why you feel like that. I'm so sorry. I'm not going to do that to you anymore... hindi kita ipagtatabuyan, I promise. What happened between us in the past is already settled now... hindi na mangyayari 'yon," sunod sunod kong sambit sa kan'ya. "I understand why you feel like that; alam ko 'yon dahil ako ang may dahilan. But I swear I'll n-never do that to you... I love you, Alastair. So much..."
Nanatiling nakayakap pa rin ang bisig ko sa kan'yang leeg. Paunti-unting humihigpit 'yon at natatakot ako na bumitaw sa kan'ya. Sa kalaunan ay naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang at pinaupo sa kan'yang hita.
"I love you too, mahal..." bulong niya sa akin pabalik habang magkayakap kaming dalawa. "Mahal ko kayo..." Bumaba ang kamay niya sa manipis kong t'yan. "Pati si Baby Awi... mahal na mahal ko kayong tatlo."
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kan'ya. Hindi na rin nakatiis na muli siyang harapin habang punong-puno ng luha ang pisngi ko.
"I'm sorry, Alastair..."
He nodded and smiled at me. Pinunasan niya ang luha ko bago yumuko para patakan ng halik ang aking labi. Ningitian ko siya pabalik bago sinandal ang ulo sa malapad niyang dibdib habang nakaupo pa rin sa kan'yang hita.
"Shush now... okay na 'ko, mahal. Atlis alam kong hindi na mangyayari ulit 'yon. Natakot lang talaga ako kaya gano'n ang kinilos ko kanina."
"I'll never do that to you again, Alastair. Pangako 'yan..." I whispered. Pinatong ko ang aking palad sa kan'yang kamay na nakalapat sa manipis kong t'yan. "I don't want that to happen again... ayaw ko na ng mga problema, Alastair, at alam kong imposible 'yon dahil walang perpektong buhay."
"But as long as you're here by my side... I think we will get all of that together." Inangat ko ang paningin sa kan'ya at hinaplos ang mukha. "I understood what you felt a while ago. Because I know the reason, and I am the reason, but I promise hindi mangyayari 'yang kinatatakutan mo. Nasanay na ako na nasa tabi kita... na kasama kita palagi. Kapag naulit 'yon, para ko na ring pinatay sarili ko."
Tumaas ang gilid ng kan'yang labi. "'Yon naman talaga ang goal, mahal. Ang masanay ka na kasama mo ako palagi. Masyado ka nang over independent, eh. Hayaan mo naman na ako ng bahala sa iba at iaasa 'yon sa akin."
I scoffed. "I don't want that, Alastair."
Napapikit ako ng pinagdikit niya ang kan'yang noo sa noo ko at mabilis na hinalikan ang aking labi.
"Kahit ilang beses mo pang itanggi at sabihin 'yan. Hindi n'yan mapipigilan ang gusto kong iparanas sa 'yo, mahal. Kahit magkakababy na tayo, ikaw pa rin baby ko," panunudyo niya.
Mahina kong kinurot ang kan'yang pisngi.
"I'm serious, Alastair."
He chuckled. "Seryoso rin naman ako. Kapag kasama mo ako, hayaan mo na umasa ka na muna sa akin. Ilang taon ka nang independent sa sarili mo ayaw mong magpahinga?"
Napalabi na lang ako at muling sinandal ang ulo sa kan'yang dibdib.
"Ewan ko sa 'yo..." sagot ko at tinawanan niya lang ako.
Muli niya akong niyakap at sabay kaming nahiga sa kama habang nakakulong sa bisig ng isa't isa. We didn't go outside after this... ewan ko na lang sa kan'ya kapag nakatulog na ako.
"Are you going outside after I sleep?" I asked.
He nodded. "Yes po. Sige na, matulog ka na muna rito. Marami pa akong aasikasuhin... pati na rin sila," nagaalangan pa siyang sabihin ang huling sinabi pero kahit hindi niya sabihin ay alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.
"Okay..."
"Sleep well, mahal. Matulog ka na."
"Hmm... goodnight, Alastair. I love you."
Naramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking noo at hinaplos ang buhok. "I love you too, mahal. Goodnight."
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
The ceremony of my father's burial went smoothly. Sa isang private cementery nilibing si daddy. Ang iba ay nagsiuwian na maliban na lang sa mama ni Alastair at sa akin.
Nauna na si Kuya Amelio dahil may aasikasuhin pa raw. Si tito naman ay gano'n din, at si tita ay nagpaalam sa aming dalawa ni mommy. She confessed that she's the one who tell mommy about what happened to dad.
Hindi ko na rin kinompronta dahil ayaw ko na ng gulo. Everything is too much; iniisip ko na lang ang kapakanan ng baby namin ni Alastair dahil ayaw kong madamay siya.
Hindi pinauwi ni Alastair si mommy at Lana. Naging mabilis lang kan'yang kuwento dahil alam niyang iwas pa rin ako sa kanilang dalawa. Doon silang dalawa natulog sa isa pang guestroom para makapagpahinga.
Nanatili pa rin akong nakatayo at nakatanaw lang sa lapida ni daddy. Si Betty at Alastair ay malapit sa akin, samantala si Lana at mommy ay nakita ko sa hindi kalayuan sa aming puwesto. Nagpapasilong sila sa malaking puno dahil walang dalang payong. Mainit ang klima ngayon.
"You feel secure leaving me because he's already here. Am I right?" mahina kong wika habang nakatingin pa rin sa lapida ni daddy. "When you found out that we're back together, you were ready to leave me to him because you know he's going to take care of me... hindi ka na mag-aalala kasi alam mong nandito na siya..."
Nanginginig ang aking baba kasabay ng pangingilid ng aking mga luha.
Dahan-dahan akong naupo at hinaplos ang kan'yang lapida. Akala siguro ni Alastair ay babagsak ako sa damuhan pero hindi. Gusto ko lang haplusin ang lapida ni daddy.
"Mahal..."
Nilingon ko si Alastair at ningitian. "It's okay. I'm fine, I just want to touch it."
Napatango na lang siya at nanatili sa tabi ko. Muli kong binalik ang paningin sa lapida ni daddy. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatingin doon.
Don't worry, dad. It's okay... tanggap ko na. What matters to me now is that wherever you are, I know that you're in a safe place. Wala nang sakit na mararanasan at mararamdaman.
Alastair is going to take care of me... I know him. I will no longer be lonely anymore because he's back in mylife now... kasama ko na siya lalo na ang magiging anak naming dalawa, dad.
Tuluyang tumulo ang luha ko nang yumakap ang isang hangin sa akin. Mabilis kong pinunasan 'yon at tumayo na. Hinarap ko si Alastair at tipid na ningitian.
"Let's go," pag aya ko sa kanilang dalawa ni Betty.
"Sige. Tara na," aya sa amin ni Alastair. Yumuko si Alastair at hinalikan ang noo ko. "Mauna na kayo ni Betty sa loob ng kotse. Pupuntahan ko lang sila," tukoy niya kay Lana at mommy.
I nodded. Hinawakan ko ang kamay ni Betty at sabay kaming nagtungo sa kotse ni Alastair na nakapark sa gilid ng gutter. Nakabukas na 'yon kaya pumasok na ako sa passenger seat at sa backseat si Betty.
Walang imik na pinanood ko si Alastair na nakalapit na sa puwesto ni Lana at mommy. Nagusap pa silang tatlo hanggang sa tinuro ni Alastair ang kotse at sabay silang naglakad patungo roon.
Mariin ko na lang pinikit ang aking mga mata at pinilit na matulog.
I don't want to deal with them for a while.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Hindi pa rin ako sanay. Nandito pa rin sa pakiramdam ko na parang may kulang. Naging tahimik ang lahat... lalo na sa bahay ko. I can't even look at it, dahil habang tumatagal ay naalala ko si daddy. Mas lalong naging malungkot ang bahay nang makauwi kami.
Humigpit ang hawak ko sa pink scarf na binigay sa akin ni Betty kanina nang makapasok siya sa bahay ni Alastair. Ito yung binili ni daddy sa akin, at hindi ko man lang siya napasalamatan sa personal.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago naupo sa long ottoman bench sa walk-in closet namin. Katatapos ko lang maligo at magbibihis na sana ako pero naalala ko 'to.
"I'll treasure this, dad," mahina kong bulong sa scarf. "I promise..."
"Mahal—ay!" napahawak siya sa kan'yang dibdib dahil sa gulat bago napabuga ng hangin. "Bakit ka nakahubad?"
Mabilis akong napalingon nang marinig ang boses ni Alastair na mukhang nagulat dahil sa akin. Kumunot ang noo ko dahil doon at binaba ang hawak ko para lapitan siya.
"Saan ka galing? Sabi ko sabay tayo maligo, 'di ba?" tanong ko.
"May inaasikaso lang ako sa baba, mahal," nakangiti niyang tugon at hinapit ang baywang ko para mahalikan ang aking labi. "Bakit hindi ka pa nagbibihis? Baka malamigan ka."
"I'm wearing my panties," I answered. Tiningala ko siya at muling hinalikan ang kan'yang labi.
"Hindi naman buong katawan n'yan ang matatakpan. Tara na, magbihis ka na," aya niya sa akin.
Naramdaman ko ang kan'yang kamay sa aking braso para hatakin. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatianod na lang sa kan'ya. Siya na ang naghanap ng masusuot ko sa cabinet ko. Magkahiwalay ang mga damitan namin dahil mas marami akong damit kumpara sa kan'ya.
"Alastair..." malambing kong tawag sa kan'yang ngalan.
"Hmm? Bakit, mahal? May gusto ka bang kainin ngayon?" tanong niya sa akin ng harapin ako ng may hawak na pink cotton terno pajama.
I nodded. "Yes."
"Okay. magbihis ka na muna. Magluluto tayo sa baba—"
"No."
Kumunot ang kan'yang noo. "Akala ko ba gusto mong kumain? Ano bang gusto mong kainin?"
I nodded. "You."
Hindi nakatakas sa paningin ko ang panlalaki ng kan'yang mata, at parang nabilaukan pa yata siya sa sarili niyang laway habang ako ay nakatayo pa rin sa harapan niya.
"M-mahal... h-huh?" nauutal niyang sabi.
"I want you, Alastair. I miss you na; it's been days without having sex with you. Miss na kita," reklamo ko.
Mahina siyang natawa bago hinila ang kamay ko. Niyakap niya lang ako at hinagod-hagod ang likod ko na para bang may pinipakalma sa akin, pero pakiramdam ko ay imbis na kumalma ay parang nanginit pa ang katawan ko.
"Gagawin natin 'yang mamaya kung gusto mo. Sa ngayon may gustong kumausap sa 'yo sa baba. After that, you can have me for as long as you want me in the whole night—"
"No." Tinanggal ko ang sarili sa kan'yang bisig at umiling.
I already knew it. Alam ko kung sino ang gustong kumausap sa akin.
"Mahal naman, sige na, pagbigyan mo na sila. Aalis na rin sila maya-maya kaya gusto ka nang makausap ni Tita Odette."
"I don't want—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sapuin niya ang aking pisngi para mahalikan, and as usual I let myself drown in his kiss. Tinugon ko ang halik niya at mas malalim na 'yon kumpara kanina.
"Pagbigyan mo na sila, mahal... isipin mo na lang na pagkatapos nito hindi mo na sila makikita, okay? Gusto lang talaga nila na makausap ka," sambit niya sa aking mga labi ng maghiwalay 'yon.
"Then what? They'll proceed to hurt my feelings again? Anong sasabihin niya sa akin? Sorry? Saying sorry doesn't bring my father's life back."
Napabuntong hininga si Alastair. "Mahal, hindi naman pinatay ni Tita Odette si Tito Arden."
Napaawang ang aking labi at hindi makapaniwala na tiningnan siya.
"Why are you saying all of this, Alastair? Kinakampihan mo ba siya? Kinakampihan mo silang dalawa?" nasasaktan kong tanong. "If she didn't leave us or cheated on my father, hindi mangyayari 'to kay daddy. Kahit sabihin natin na baka magkasakit pa siya kahit na kumpleto kami, may malaking chance pa rin na hahaba pa ang buhay ni daddy."
"Mahal naman... hindi ko sila kinakampihan. Wala kayong maayos na usapan. Kahit closure man lang—"
Umiling ako. "Everything doesn't need a closure, Alastair."
Napasuklay na lang ako sa buhok dahil sa inis. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya nang maramdaman ang pang-init ng sulok ng aking mga mata. Iniwan ko siyang nakatayo roon at dinampot ang damit na napili niya para sa akin para suot 'yon.
Nagsimulang manginig ang kamay ko habang sinusuot ang pajama, pagkatapos ay sinunod ang t-shirt. Haharapin ko na sana siya ng ikulong niya ako sa kan'yang bisig.
"Mahal... sorry..."
Tuluyan na akong napahikbi at hinarapan siya. "Don't force me to something I don't want to do, Alastair," nahihirapan kong sabi. "Hindi sa lahat ng oras o bagay kailangan ng closure. Kung gagawin k-ko 'yon ngayon parang pinipilit ko na lang ang sarili ko. Para kong niloloko ang sarili ko."
"I know. I know. I'm sorry, mahal."
"Bakit ko hahayaan ang sarili ko na magkaroon ng closure sa kanilang dalawa kung sa tuwing m-maalala ko yung ginawa ni mommy at ang Lana na 'yon parang p-pinipiraso pa rin ang puso ko," garalgal ang boses ko nang magsalita.
"I thought I already moved on from them but I'm not. Madaling sabihin na ayos lang... na hindi na masakit... na wala na yung kirot. Pero kapag nasa h-harapan ko na pala yung taong may dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko, parang b-bumabalik lahat. Bumabalik sa isang iglap yung sakit na pilit kong k-kinakalimutan, Alastair."
Humigpit ang yakap niya sa akin habang paulit-ulit na sinasabi ang sorry. Habang ako heto naglabas na ng sama ng loob sa kan'ya dahil pakiramdam ko hindi na siya kumakampi sa akin.
After a couple of hours hugging and talking to each other. He literally convinced me to talk to them without having closure. I can't do that; hindi ko magagawa 'yon hangga't nandito pa rin ang bigat sa dibdib ko.
Just talk to them. Nothing more. Nothing less.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Calm down, Isla. Calm down. Calm yourself. Think about the baby.
"You want to talk to me," malamig kong wika habang mariin na nakatingin sa kanila.
We're here at the dining area to talk to them. Makatabi kaming dalawa ni Alastair habang kaharap ang dalawa. Wala silang imik nang makababa ako kaya ako na agad ang naunang magsalita para matapos na 'to lahat.
"Yes," mahinang sagot ni mommy. Napabuntong hininga na lang siya at malambot akong tiningnan.
I almost scoffed looking at her reaction. Ikukuyom ko na sana ang aking kamay nang maramdaman ang kamay ni Alastair sa akin at pinagsalikop ang palad naming dalawa.
Napalingon tuloy ako sa kan'ya at nakita na ginalaw ang ulo sa pwesto ng kaharap naming tao para iparating na mag-usap na kami.
"We're going home now, Isla."
"Then why don't you get out of here?" sagot ko.
"Mahal, napagusapan na natin 'to, hindi ba?" singit ni Alastair pero hindi ko siya pinansin.
"Your mother just wants to talk to you, Isla. I understand that you are angry at us but she just wants to say goodbye," dinig kong wika ni Lana na ikinalingon ko sa kan'ya.
Hindi na ako nakapagsalita. I can feel it; nararamdaman ko na naman ang namumuong mabigat na emosyon sa dibdib ko. Habang tumatagal dito ay pakiramdam ko nalulunod na ako sa sobrang bigat.
Can I just get out of here? I think it's really a bad idea that I talk to them again.
"I'm sorry if we go here without your permission. But I just want to see him. May pinagsamahan din kami ng asawa ko—"
"Ex-husband," pagtatama ko. "You can't call him husband, na pinagpalit mo d'yan sa katabi mo," pagtukoy ko kay Lana.
Natigilan si mommy at tipid lang ako ningitian. Pero hindi nakatakas sa akin ang pagdaan ng sakit sa kan'yang mga mata.
"You know what this is very useless. Pumayag lang ako kasi sinabi ni Alastair, and we already know that I'm not ready to face you two again. Why are you like that? Bakit pakiramdam ko sa inaasta ko ngayon parang kasalanan ko pa kung bakit ganito kayo ngayon?" nasasaktan kong wika. Tinuro ko si mommy lalo na ang ekspresyon na dumaan sa kan'yang mga mata. "What's with your reaction, huh? You're crying for what? Nagsisisi ka ba? Nagsisisi ka na ba sa mga pinag gagawa mo noon?"
Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang makita ang pagtulo ng luha ni mommy pababa sa kan'yang pisngi.
"Why!? Bakit ka umiiyak?!" napahampas ako sa lamesa at hindi na napigilan na lumuha sa harapan nila. "Bakit pakiramdam ko ang sama-sama ko dahil lang sa ganito? Pinapaalis ko kayo dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niyo, pero alam niyo kung anong nararamdaman ko tungkol d'yan? Daig ko pang pumatay ng tao! You made me feel like this! You made me loathe you!"
"It's not my fault why I feel like this..." nanghihina kong wika. "Why does it feel like it's my responsibility to make myself better even though I didn't want this? Bakit pakiramdam ko kasalanan ko pa kung bakit ganito ko kayo itrato, and I hate it so much."
"Mahal," pagpapakalma sa akin ni Alastair.
Mas lalong sumikip ang dibdib ko na ang mahinang iyak ni mommy ay may kasama nang hikbi. Para akong sinasakal. Pakiramdam ko kinakapusan ako ng hangin sa katawan. I was gasping, trying to control my breathing.
"This is useless... itong paguusap natin, walang kuwenta 'to," napapailing kong sabi. "Sobrang tagal na ng nakalipas, mommy. Dapat 'tong nararamdaman ko sa dibdib ko wala na. Yung bigat dapat wala na, and I should accept it but I was wrong. Because you know what? The moment I saw you again together with your woman, everything all came back to me now. Lahat-lahat bumalik sa akin ng isang iglapan lang at sobrang sakit," mariin at nanginginig kong sambit sa kanya.
"I-I'm sorry, Isla..."
Mapait akong ngumiti at umiling sa kan'ya. I can't talk properly; nahihirapan akong huminga dahil sa mga hikbing kumawala sa aking labi. Napapailing na lang ako at napasandal sa kinauupuan.
"I-I'm sorry, Isla... nagmahal lang ako. I love Lana so much... I know Arden already talked about my sexuality to you. I loved your father, I swear, pero kay Lana ko nahanap yung pagmamahal na hinahanap ko noon," paliwanag niya sa akin.
"You loved my father?" natatawa kong tanong sa kan'ya. "Kung mahal mo si daddy, I should expect that you'll love me too but what he told me, I guess what you're telling me right now isn't true."
"I-I love you, Isla..." humihikbing saad ni mommy.
"You didn't love me," madiin kong sambit. "You attempted to a-abort me..." nahihirapan kong bigkas. "That's not what mothers do to their unborn baby if they love their child. Ano sa tingin mo magiging reaksyon ko sa sinabi mo kanina? Maging masaya dahil mahal mo si daddy? Mahal mo ako?"
"Daddy told me about what you did, and to be honest, I'm not against your sexuality. If you really wanted to divorce my father, you shouldn't have cheated on him. Kaya mo naman mag mahal ulit kapag hiwalay na kayo, hindi ba?" Mabilis kong pinalis ang mga luha sa aking pisngi at mariin pa ring nakatingin sa kan'ya.
"Pero hindi kasi gano'n ang ginawa mo. Dad sacrifices everything for me... for you... for his family. He knows that you're going to find another person you'll love, pero hindi 'yon senyales na manloko ka at bastusin siya ng gano'n-gano'n lang."
"Alam mo kung anong bagay lang na sana hindi ko na lang narinig pa?" tanong ko sa kan'ya at muling nanubig ang aking mga mata. "Na sana hindi ko narinig kay daddy na gusto mo akong ipalaglag. Hindi mo alam kung gaano kasakit 'yon sa akin."
"I-Isla... I-I'm really sorry..." humihikbing sambit ni mommy. "I understand if you can't forgive me, Isla. Okay lang sa akin. Sa ngayon gusto lang kitang makita sa huling pagkakataon. We're going home now."
"I'm still not done talking to you... we're not done talking. I want you to know how much pain you caused me." Mapait akong ngumiti at pagak na tumawa.
"Sabihin natin na nagmahal ka nga. Na nahanap mo yung hinahanap mong pagmamahal kay Lana na hindi mo mahanap kay daddy. But fuck that, nagmahal naman din ako, mommy. Parehas tayong may minahal na tao, minahal ko si Alastair ng walang sinisirang relasyon, and that's the difference between us. You have a choice to not cheated on my father... may choice ka na huwag gawin 'yon pero tinuloy mo pa rin."
Unti-unting lumakas ang iyak ni mommy hanggang sa humagulgol na ito sa harapan namin. Si Lana naman ay agad na inalo si mommy habang ako ay heto... nanghihina dahil sa mga nangyayari.
Ramdam na ramdam ko ang kamay ni Alastair sa likod ko. Hinahagod niya 'yon para kumalma ako pero pakiramdam ko parang mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko.
Kahit na nanlalabo ang paningin ko ay nilingon ko si Alastair. Namumula ang kan'yang mga mata nakamasid sa akin. Hindi ko alam na kanina pa pala siya nakatingin.
Tipid niya akong ningitian at hinila ang kamay para yakapin. Tahimik akong lumuluha sa kan'yang bisig at paulit-ulit na umiling sa kan'yang balikat.
"A-ayaw ko na. Take me o-out of here... p-please. It's t-too much... everything is t-too much," nahihirapan kong wika.
Alastair nodded. "Of course, tara dadalhin na kita sa kuwarto."
Hindi ko na sila matingnan nang diretso sa kanilang mata kaya dahan-dahan na akong tumayo at nagpahila kay Alastair. Sabay kaming naglakad paakyat sa taas at pumasok sa master bedroom.
"Magpahinga ka na muna rito. I'm sorry, Isla. Dapat hindi na lang kita pinilit," nag-aalala niyang wika.
Umiling ako at tipid siyang ningitian bago pinunasan ang sariling luha. "It's okay..." Hinawakan ko ang aking dibdib. "Somehow, I feel like my chest doesn't feel that heavy anymore. Siguro dahil nasabi ko na sa kan'ya yung nararamdaman ko..."
Napabuntong hininga si Alastair at yumuko. Mabilis niyang hinalikan ang labi ko at hinaplos ang t'yan.
"Nag-aalala tuloy ako," bulong niya sa akin habang magkalapit pa rin ang mukha naming dalawa. "Bababa ako saglit, okay? I'll talk to them for a while; ihahatid ko lang d'yan sa sakayan ng bus. Papapuntahin ko na lang muna si Betty rito para may kasama ka."
Hindi na ako nakipagtalo sa kan'ya. Tumango na lang ako at nahiga sa kama. Ilang minuto rin yata ako nakatulala sa kama bago napagisipan na silipin sila baba. I didn't even know why I did that. Parang may kung ano sa puso ko na sumilip sa indoor balcony nitong second floor.
Akala ko ay nakaalis na sila pero hindi pa pala.
"Sigurado ka ba na ihahatid mo kami?" It was Lana.
"Oo, 'ma. Malapit lang naman yung bus terminal dito. Tara na, kailangan na nating umalis baka maiwan pa kayo."
Tahimik akong nakikinig sa kanila. Narinig ko pa ang mga kilos nila na nagsipagbitbitan na ng mga bag at pagbukas ng pintuan ng bahay.
"Alastair... please take care of Isla and the baby too," sabi ni mommy.
"I will, tita."
"Thank you again and congratulations."
Hindi ko na narinig ang iba pa nilang usapan. Hanggang sa makalabas na sila sa garahe ng nakasakay na sa kotse ni Alastair. Huminto pa siya saglit sa kabilang bahay at mukhang tinawag pa si Betty. Nang matapos ay bumusina pa siya sa labas ng bahay, at narinig ko 'yon hanggang sa tuluyan nang makaalis.
Bumalik na ako sa loob ng kuwarto at nilunod ang sarili sa lambot ng kama kasama ang comforter naming dalawa. Habang tumatagal ay paunti-unti na rin akong hinihila ng kaantukan dahil sa pagod.
A couple of hours passed, and I suddenly woke up when someone hugged my waist and pulled my body. Sa amoy pa lang alam na alam ko na kung sino. Hinarap ko si Alastair at niyakap bago isubsob ang mukha sa dibdib.
Medyo malamig ang dibdib niya at alam kong galing 'to sa shower dahil naaamoy ko rin ang gamit niyang body wash. Niyakap niya rin ako pabalik bago ko maramdaman ang malambot niyang labi sa aking noo.
"How's your feeling?" he whispered.
Umunot ako at siniksik pa ang sarili sa kan'ya. Narinig ko ang mahina niyang hagikhik hanggang sa humiga na siya sa kama at nakadapa na ako sa kan'yang dibdib.
"I'm tired..." I whispered back. "And hungry..."
He chuckled. "Do you want to eat? Anong gusto mong kainin?"
"They're not here anymore?" tukoy ko sa kay mommy at Lana.
He nodded. "Opo, they bid their goodbye again before getting to the bus."
Napabuntong hininga na lang ako at mas siniksik pa ang sarili sa kan'ya.
"It still hurts, Alastair..." I murmured. "When I think about what they did, my chest tightens."
"Alam ko mahal," sagot niya. Hinayaan ko na maging komportable sa kan'yang dibdib habang dinadama ang daliri niyang sinusuklay ang buhok ko. "Eventually, you're going to heal from what they did to you soon... uunti-untiin natin, okay? Holding a grudge in yourself is not really a good idea."
"But I can't help but feel like that," sagot ko.
"I know, mahal. Kaya hindi tayo magmamadali, okay? Dadahan-dahanin natin para hindi mabigla yung mararamdaman mo." naidilat ko ang mata ko nang maramdaman ang palad niya sa dalawa kong pisngi para matingnan ko siya.
"Slowly but surely, hmm?" aniya sa malambing na tono.
"Why do I need to take responsibility for my healing from what they did to make me feel like this?" wala sa sarili kong tanong sa kan'ya nang magsalubong ang tingin naming dalawa.
"Mahal, I understand why you feel that way. Alam kong unfair siya dahil ikaw pa mismo ang mag-aako ng responsibilidad na mag-heal ka dahil sa ginawa nila sa 'yo. Kaya naiintindihan ko kung hindi mo pa sila mapapatawad... pero mahal, lagi mong tatandaan na hindi mo kasalanan kung tutulungan mo lang ang sarili mo na mag-heal dahil sa ginawa nila, okay?" malambing niyang sambit.
Napaungot na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nanatili pa rin akong nakahiga sa dibdib niya habang hinahaplos na 'yon.
"Can we have a checkup in the morning? Ilang araw na akong umiiyak, baka may mangyaring masama sa kan'ya. "
Wala sa sariling hinawakan ko ang aking tyan at hinaplos 'yon. I'm really sorry, my baby. Hindi na magiging iyakin si mommy. I promise.
Happy thoughts only, Isla. Happy thoughts.
He nodded. "Of course we will. Sakto, mamaya naman talaga tayo magpacheckup. Excited na rin ako kasi p'wede na raw marinig yung heartbeat ng baby natin."
Ningitian ko lang siya at hindi na rin napigilan na makaramdam ng excitement. Mahina akong natawa nang pupugan niya ng halik ang mukha ko hanggang sa ihiga niya ako sa kama at sinunod ang leeg.
Mahina akong natawa at tinulak siya papalayo sa akin. "No! Stop, ayaw ko na. I'm hungry na, Alastair. Can we eat here? And let's watch some movies."
"Kahit ano pang request mo, mahal, gagawin natin 'yan. Anong gusto mong lutuin ko?"
Maingat akong bumangon at sinandal ang likod sa malambot na headboard ng kama.
"Our baby is craving some chicken tetrazzini," tumaas ang gilid ng aking labi. "I want a creamy and cheesy one."
He laughed. "Hmm. okay, okay. Let's go? Gusto ko ng may audience para magpakitang gilas."
Mahina akong natawa at dahan-dahang bumangon sa kama. Hinila ko ang kan'yang kamay para makababa na ng kama. Pero malakas akong napatili nang buhatin niya ako ng pa-bridal style.
"Put me down! Baka mamaya matapilok ka!" saway ko nang maglakad siya pababa ng hagdanan pero tinawanan niya lang ako.
"Alastair!" singhal ko. Napakapit na lang ako sa kan'yang leeg at natatakot na baka mamaya ay mahulog.
"Chill lang, mahal. Hahayaan ko ba na malaglag tayong dalawa dito?" Binaba niya agad ako nang makarating kami sa kusina. Pinaupo niya ako sa bar stool at yumuko bago halikan ang noo ko.
"Mahal na mahal kita, Isla," he whispered.
Hinaplos ko ang kan'yang palad na nasa gilid ng pisngi ko at ningitian siya ng tinangalain ko ito.
"I love you too, Alastair. So much..." Niyakap ko ang kan'yang baywang. "You and our baby."
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin nang marinig 'yon. May binubulong pa siya sa akin at sinasabi kung gaano niya ako kamahal. Ang puso ko naman ay nagsimulang magwala dahil doon.
Hinahaplos niya ang buhok ko... ang likod ko. Habang paulit-ulit na hinahalikan ang noo ko. While listening to him, I could feel my cheeks burning. Lunod na lunod na ako sa mga pinagsasabi niya at hinihiling na huwag umahon pa.
I love how he expresses his feelings and love to me. And I hope he'll never get tired of it; alam ko na hindi gano'ng klaseng tao si Alastair. Alam kong hindi siya magsasawa na iparamdam sa akin 'yon.
Habang dinadama ang paglalambing niya sa akin, I know that he's the right person. A right man who I can be with for the rest of our life.
Together with our mini-me and Alastair soon.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top