Chapter 2
Chapter 2
"Raquel! Anak,gising na! May pasok ka pa!"
Agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang katok at sigaw ni mama.Shit!
I instantly remembered what happened last night.
"Raquel, bangon na-"
"Y-Yes Ma!"
"Bilisan mo, nakahanda na ang breakfast natin, sabayan mo ako!"
"Opo ma!" Agad akong bumangon at pumasok sa banyo at agad ding humarap sa salamin.
"S-Shit!" My eyes widened and my hand flew to my right side of my face.
Wala na ang sugat ko doon, ni maliit na piklat o anumang bakas ng sugat na natamo ko kahapon.
Paanong nangyari yun? Teka,nananaginip lang ba ako? At paano ako nakauwi?
Pero hindi eh, totoong totoo ang nangyari kagabi, nasugatan ako sa mukha pero paanong wala na ito ngayon?
Y-Yung babae?!Totoo ba yun o nagha-hallucinate lang ako kagabi?
Nanlaki ang mga mata ko nang may isa pa akong napansin at hindi ko na napigilan ang sarili ko at natumba na talaga ako ng tuluyan.
"N-Nasaan n-na-" Namutla ako ng makita ko ang aking kamay.
My right hand is now perfectly fine,what the heck!!
Halos manlabo ang mga mata ko dahil sa matinding kabang nararamdaman.
What the hell is happening to me?!
Nagulat ako ng may biglang kumatok.
"Nak, ang tagal mo naman? Maaga pa ako sa station! Halika na, sabayan mo ako sa hapag!" Tawag ni mama sakin.
"S-Sige ma,b-bababa na po!" Pati sa pagsasalita hindi ko na rin mapigilan ang panginginig.
Kahit nanginginig pa ang mga tuhod,pinilit kong tumayo. Ipinilig ko ang ulo ko saka binuksan ang gripo.
Agad ko ding binalutan ang kanang kamay ko, natatakot kasi ako na baka pati si mama magugulat din sa nangyayari sakin.
Nang okay na ang lahat, agad na rin akong bumaba.
"Maaga ako ngayon sa station nak, pasensya na kung hindi na kita mahahatid sa school mo, pero gamitin mo na yung itim na motor para hindi kana mahirapan pang mag-commute." Sabi ni mama ng makaupo na ako.
"Y-Yes ma." Sagot ko nang hindi parin kumuha ng sariling pagkain. Ramdam ko parin kasi ang panginginig ng mga kamay ko.
"Pero wag na wag mong kakalimutang magsuot ng helmet. Kung hindi lang talaga ako kaylangang maaga ngayon, hindi kita papayagang magmotor at ako ang maghahatid sayo." Dagdag pa niya habang nagmamadaling kumain.
"Nga pala yung sugat mo sa kamay, nalinisan na ba? Nakung bata ka, kapag na infection yan ewan ko na lang sayo! Bat kasi hindi ka nag-iingat?" Sermon nito.
Oo nga pala,hindi alam ni mama kung ano ang totoong dahilan ng pagkakaroon ko ng sugat sa kamay.
Pasimple ko naman itong itinago sa ilalim ng mesa.
Buti na lang talaga at kaya kong gamitin ang kaliwa kong kamay kaya kahit papaano hindi ako nahihirapang kumain o magsulat.
"O-Okay na po, nalinisan ko na." Sagot ko ng mag-umpisa na akong maglagay ng pagkain sa sariling plato at nag-umpisa nang sumubo.
"Patingin." Sabi niya kaya agad akong kinabahan.
"M-Ma, kumakain pa po kayo-"
"Raquel, baka nakakalimutan mong pulis tong mama mo,kaya sanay na akong makakakita ng dugo." Putol nito sa sasabihin ko.
Seryoso siya kaya wala akong ibang magawa kundi ang ipakita ang kanang kamay ko. Nakabalot naman ito kaya hindi niya mapapansin na magaling na ito.
Napabuntong hininga naman ito.
"Oh siya sige,yung mga bilin ko sayo ha? Pagkatapos mo sa school,dumiritso na agad ng bahay o kaya naman puntahan mo na lang ako sa station para sabay na tayong umuwi." Sabi niya at tumango naman ako bilang sagot.
"Anong oras ho kayo umuwi kagabi?" Tanong ko.
"Pasado alas dos na ng madaling araw. Sumasakit na nga ang ulo ko sa puyat eh. Pero wala akong choice alam mo na, kaylangan kong bumawi dahil sa ilang araw akong hindi nagduty. Naiinis na sakin,ang mga kasama ko. Umuwi lang ako sandali para kumuha ng pamalit sa damit ko, doon na ako maliligo. Eh hindi naman kita pwedeng utusan kasi may pasok ka pa." Sagot ni mama na natawa na lang din.
Hindi ko maiwasang maawa sa kanya.
Parehong mga pulis ang mga magulang ko. Kaya lang noon tatlong gulang pa lang daw ako, namatay si papa dahil sa nangyaring ambush noon sa station nila kung saan ito noon nakadistino. Kaya mula noon, si mama na ang mag-isang tumataguyod sakin.
Kaya ngayong malaki na ako, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para naman makabawi kahit papano at matulungan siya sa mga gastusin namin dito sa bahay.
Labag man sa kalooban ko, sumali parin ako sa grupo nila Zau, yun lang kasi ang naisip kong mas mabilis na paraan para masolve ko ang mga problema lalo na noong nasuspende si mama ng ilang buwan at na-confined pa ito ng ilang linggo sa ospital dahil dun nanganganib ang ipon namin para sa pangkulehiyo ko.
Magtatanong pa sana ako kaya lang agad na siyang tumayo dala ang platong wala nang laman.
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili nagpaalam na ito sakin.
Nang matapos kumain agad ko ring niligpit ang pinagkainan namin at namamadaling nag-ayos ng sarili dahil mali-late na ako sa first subject ko.
Traffic pero buti na lang pinayagan ako ni mama na gamitin ang isa niyang motor kaya naman kaya kong sumingit at hindi na stuck sa traffic, at umabot sa unang klase.
Natapos ang lahat ng subjects na hindi parin magawang makapagfucos, sa kadahilanang hindi parin maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi at kaninang umaga
"Tara sa cafeteria!" Aya ni Ray.
Nang makalapit ako,agad na kumapit sa kabilang braso ko si Zoe.
"Ayos ah, parang walang bakas ng kahapon." Pabirong sabi ni Clyde.
"Pinakialaman mo yung concealer ni Tita ano?" Ngisi ni Ray sabay haplos sa pisngi ko. Tinapik ko naman ang kamay niya.
"Kayo bang naghatid sakin kagabi?" Walang kagatol-gatol kong tanong.
"Ha?" Nakakunot noong tanong ni Zoe.
"E-Eh diba tinanggihan mo nga yung alok naming ihatid ka? Bakit mo naman natanong yan?" Tanong naman ni Zau.
"Oo nga." Sabat naman ni Clyde.
"H-Hey may problema ba? Anong nangyari kagabi?" Bakas naman ang pag-alala sa tanong ni Ray.
Ibig sabihin hindi sila, so sino? Agad pumasok sa isipan ko ang mukha ng babae.
"W-Wala,kalimutan niyo na." Sagot ko.
"Are you sure?" Nag-aalangan namang tanong ni Zoe.
"Yeah." Sagot ko.
"Raquel!"
Agad namang lumingon ang apat sa likuran namin ng marinig nilang tinawag ang pangalan ko. Kahit nakatalikod,alam ko na kung sino ito. Halos araw-araw niya na itong ginagawa eh,hindi pa ba sya napapagod?
Siniko ako ni Zoe kaya naman humarap na rin ako.
"Gusto sana kitang yayaing manood, may laro kami mamaya." Sabi niya sabay kamot ng kilay at parang nahihiya pa.
Magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko muna siya bago ako tumalikod at sinagot ang tawag. Si mama.
"Hello nak, pauwi ka na ba?"
"Kakalabas ko lang po,niyaya pa ako nila Zoe sumaglit sa Cafeteria tapos uuwi na rin ako."
"Ah okay.. Ah nga pala nak, mamaya pag-uwi mo pwede mo bang puntahan muna si Niko? Kunin mo yung kinita ng motor natin ngayong araw. Busy pa kasi ako ngayon nak, may rape case kasi akong inaasikaso."
"Sige po,ako na pong bahala."
"Tinawagan ko na rin siya,puntahan mo na lang nak."
"Okay po,ma."
"Thank you nak! Bye!"
"Bye." I said before l hung up.
Humarap ako sa kanila.
"Sorry,may kaylangan pa akong puntahan ngayon." Sabi ko at kitang-kita ko naman ang disappointment sa mukha nila lalong lalo na kay Acel.
"Si Tita ba yun?" Tanong ni Ray.
"Oo." Sagot ko at tumingin kay Acel. "Pasensya na,hindi ako pwede ngayon."
"O-Okay lang,may next time pa naman eh. Tsaka baka importante yung pupuntahan mo." Sagot naman niya at halata ang lungkot sa boses nito.
Tumango na lamang ako bilang paalam at nagsimula nang maglakad patungo sa ibang direksyon.
Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng gate,may tumawag ulit sakin.
"Ah Raquel,pupuntahan mo ba si Tita?" Biglang tanong ni Zoe nang tuluyan itong makalapit.
"Oo."
"Ah pwedeng makisabay? Wala kasi akong sundo ngayon eh,si kuya Jose kasi nakaleave siya ngayon dahil nagkaemergency sa kanila. Si papa naman ay nasa munisipyo ngayon kaya makikisabay na ako sa kanya pauwi. Itong si Clyde naman kasi may projects pa daw na tatapusin kaya ayaw ko namang maiwan dito ng mag-isa habang hinihintay si papa. Eh tutal doon din ang punta mo kaya naisipan kong sumabay na lang sayo,kung okay lang?" Mahabang paliwanag ni Zoe at halatang nahihiya pa.
"Ayos lang sakin."
"Talaga?!" Tila hindi makapaniwalang tanong nito at medyo napapalakpak pa sa tuwa.
"Yeah, no problem."
"Kay kuya Zau sana ako sasabay eh kaso mukhang may lakad din yung isang yun."
Kumapit muli siya sa kabilang braso ko at sabay na tinungo namin ang motor.
"May tanong ako Raquel." Sabi niya ng makasakay na kami.
"Mmm?"
"Kung sakaling wala ka sa sitwasyon mo ngayon at hindi mo dinaranas ang mga problema na yan, sa tingin mo may chance si Acel?" Tanong niya.
I signed.
"Bat mo naman natanong yan?" I asked as l started the engine.
"Naisip ko lang kasi na baka kaya ka sarado sa lahat ng mga manliligaw mo ay dahil sa mga problema, iniisip mo na baka makakasira lang sila sa mga plano mo sa buhay o kaya naman makakadagdag lang sa mga problema nyo, in short 'sagabal."
"Tss. Hindi man lang ba sumagi sa isipan mo na baka ayaw ko lang talaga sa kanila?"
"Hala siya?! Seryoso ka jan sa sinasabi mo? Eh ang gugwapo kaya ng mga manliligaw mo--
"Itsura na ba ang basehan ngayon?" Putol ko naman sa sasabihin niya.
"H-Hindi naman, bakit? Mababait din naman sila, ma--"
"I'm not interested. Wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay, Zoella Isadora Del Varo."
Natahimik naman siya at hindi ko naman mapigilang mapangisi. Alam kong nagkandahaba na naman ang nguso nitong babae to dahil sa pagbanggit ko sa buong pangalan niya.
"Eeeh! Kainis ka naman eh! Tinatanong lang naman kita ba't kaylangan mo pa akong asarin?! Nahawaan ka na ba ng virus ng tatlong yun?" Reklamo niya habang pinaghahampas ang balikat ko.
"Hey! I'm driving!" I pursed my lips as l was trying to control my laughter.
"Palibhasa wala akong bala sayo ganyan ka na?! Ang perpek mo naman kasi eh kahit na may pagkaabnormal yang ugali mo! Ha! Pag nahanapan lang talaga kita ng butas! Humanda ka talaga sakin!"
"Tss. Good luck."
"Psh! Kunting-kunti na lang talaga, iisipin ko nang tomboy ka!" She chuckled.
"Baka nga." I shrugged.
"Baka magugulat na lang ako niyan na sa susunod na araw aamin kang may gusto ka sakin ah!" Panunukso pa nito at tinutusok-tusok pa ang tagiliran ko.
I rolled my eyes. Asa.
"Keep on dreaming, dude."
Ilang minutong byahe ng maisipan niyang huminto daw muna kami at magtake ng pictures.
Tinatamad man ay wala ring nagawa dahil mapilit talaga siya.
Nasa itaas na bahagi kami ng lugar na kung saan may magandang spot sa tabi ng highway, kitang-kita kasi dito ang ganda ng karagatan lalong-lalo na kapag papalubog na ang araw.
Madalas ding may mga motoristang napapahinto at tumatambay dito para kumuha ng mga litrato.
"Picturan mo ako." Sabi niya at hindi naman maitatago ang excitement sa mukha niya.
Sapilitan niya pang pinahawak sakin ang phone niya.
"Tss ginawa niya na nga akong driver, tapos ngayon photographer naman." I murmured.
"Sige na,please." She said flashing her smile and dimples.
I sighed.
"Abusado." I said as l rolled my eyes.
"You love me anyway."
Nakailang shots ako sa kanya ng pilitin niya akong magswitch daw kami ng pwesto.
Ngayon, nagmumukha na akong tanga dahil sa kung ano-anong pose ang pinapagawa niya sakin. Sunod-sunod na shutter sounds ang naririnig ko, habang ang isa tawa ng tawa. Kumuha rin ito ng ilang pictures namin together.
Nang matapos, dumiritso na kami ng munisipyo. Nagyaya pa ito na mag shawarma daw kami.
Madilim na nang makarating ako at makausap ko si kuya Niko. Nang makuha ang pera,agad na rin akong umalis.
Gusto kong dumaan ng police station para ibigay ang pera at yayain si mama na kumain sa labas. Alam kong bukas pa siya makakauwi kaya naman paniguradong mag-isa lang ako kung sa bahay na ako kakain, nakakawala ng gana kung ganun.
Naging mabagal ang pag-usad ng mga sasakyan nang marating ko ang plaza. Dagsa kasi ang mga tao ngayon dito lalo na kapag ganitong oras. At nang marating ang walking area,iniwan ko na ang motor dahil bawal na ito ipasok doon.
Napabuntong hininga ako ng makita ang napakaraming tao sa daan.
I hate crowded places pero simula nang sumama ako sa grupo nina Zoe, nasanay na rin ako kahit papano.
Habang naglalakad, agad kong kinuha ang cellphone ko nang marinig ko itong nagriring.
"Nak, nakauwi kana ba? Nakuha mo na yung pera?"
Sunod-sunod nitong tanong.
"Yup, pero ma kain muna tayo sa labas bago ako uuwi."
"Naku nak, sorry. Mukhang hindi ako pwede eh. Marami pa akong dapat tapusin-"
"Ah ganun po ba.. Eh ano kaya kung dadalhan na lang kita ng pagkain jan sa office mo? Sabay na tayong kumain, ma."
"Sige nak. Nilagang baka nak,parang gusto kong humigop ng sabaw ngayon eh!"
"Okay po." Sabi ko saka ibinaba ang cellphone ko pero ng akma ko na itong pipindutin nang may biglang bumangga sakin.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang hawak kong cellphone at muntik pa akong mawalan ng balanse. Agad kong hinanap ang cellphone ko at nakita ko itong nasa gilid ng kalsada, sa takot kong baka maapakan ito ng mga tao or worst masipa at tumilapon sa gitna ng kalsada at masagasaan, agad ko itong nilapitan.
Pero labis ang pagkadismaya ko nang mangyari nga ang huli.
Bago pa man ako makalapit, may isang babaeng biglang tumakbo at agad na dinampot ang cellphone ko.
Uminit bigla ang ulo ko, but before l could say anything humarap na ito sakin.
Nang magtama ang aming mga mata, nahigit ko ang aking hininga at nanlamig bigla ang buo kong katawan.
Oh shit!
Nagha-hallucinate na naman ba ako o totoo itong nakikita ko!
Napaatras ako ng makalapit na siya sakin.
"I'm so sorry, sa pagmamadali ko hindi na kita napansin. B-babayaran ko na lang." Sabi niya habang may kinukuha sa loob ng bulsa ng pantalon niya.
"B-But if you want a replacement phone, tawagan mo na lang ako sa number na ito." Dagdag pa niya at inabot sakin ang calling card niya at ang phone kong nabasag na.
"Sorry talaga, k-kailangan ko ng umalis. Nagmamadali kasi ako ngayon eh. P-Pero promise, babayaran kita! Tawagan mo lang ako!" Dagdag niya.
When her eyes catch my brown ones, my eyes widen at how gorgeous she looks.
Her eyes is black like her black hair, pointy nose, a kissable lips coated with red lipstick, slim body, and her skin is so white as the snow.
But there's something missing. Her red eyes. At nagpakulay siya ng buhok?
Shit! Totoo nga!
Nothing is said until she break the silence.
"Ah N-naririnig mo ba ako?" She asked with an awkward chuckle.
I blinked twice.
"Y-Yeah." Hindi ko mapigilang mautal. Shit! Am l talking to a vampire?
"Tatawagan na lang kita."
Nang makuha ko ang phone ko at ang calling card, agad ko na rin siyang tinalikuran at mabilis na naglakad.
Pero nakailang hakbang pa lamang ako ng hindi ko mapigilang mapalingon ulit dito. I looked around, pero wala na siya.
Napatingin naman ako sa hawak kong calling card.
Hellary Venus Lagrada.
To be continued...
( Vote and comment is highly recommended )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top