Chapter Four

Kaori

Sa likuran namin umupo iyong 'bisita' kuno namin. Umayos ako ng upo at nag-focus sa harap kahit na kating-kati na akong lumingon. Maya-maya pa ay may pumasok na mga estudyante. I guess it's the students from the other building, based from their uniforms.

"May event po tayong magaganap. The event will happen exactly at the end of the month," panimula noong isa.

I didn't pay any attention. Kasalukuyan kong kaaway si Kady dahil pinapagalitan niya na naman ako. Nakalimutan ko kasi iyong baon ko sa apartment.

"This event will be the choosing for the next Mr. and Ms. of our school. Note that this is also a fund racing event kaya after ng last balloting ay alam na agad natin kung sino ang makokoronahan. Magsisimula ang pictorial ng candidates bukas na bukas rin dahil rush na ito. May babalik na representative namin mamayang hapon dito sa classroom ninyo."

The dean came in together with the other students.

"This fund racing event is not by percent. Kumbaga, ganito ang mangyayari. Hundred percent ng pera na makukuha ay sa school mapupunta, wala ng maibabalik pa sa inyo. Now, I just want to clarify things. No one is forcing you to drop huge amount of money. Ang mga candidates na mapipili ay hindi kinakailangang lumapag ng malaking pera. Pwedeng magtulungan ang lahat ng estudyante sa solicitation but it is not required that candidates should drop huge amount of money," the dean announced.

Pine-perahan lang ba kami nito? But it's okay in my part. Magaling naman ako sa solicitation, makapal kasi ang mukha ko.

"Excuse me, Dean. What's the goal for this fund racing event?" nagtaas ako ng kamay.

Alangan namang mang-solicit ako ng hindi ko nalalaman kung para saan ang pera na kukunin ko. Magmumukha akong scammer niyan.

Ngumiti si Dean ng marinig ang tanong ko. "Thank you for asking, Miss Norhaya. Nagp-plano ang school na magpatayo ng panibagong building para sa mga estudyante. The students' number is increasing each year and we plan to add more buildings."

"Hindi naman yata kakayanin kung solicitation lang ang pagb-basehan, Dean," sagot ng kaklase ko.

"But that money will be a huge help for our school, too. Maliit man o malaki ang halaga ng pera, malaki pa rin ang maitutulong nito."

Private school ito, isang tanyag na unibersidad. Maraming pera ang school, sa tuition fee palang naming mga estudyante. Pero kung magpapagawa pa ng bagong building ay siguradong kukulangin ang pera ng school. If ever lang naman, hindi ko naman kasi estimated ang funds ng school at kung hanggang ilang floors ang building.

Mapera ang mga estudyante dito. Alam na alam ni dean na hindi kami kakapit sa solicitation. Alam niyang kami lang din ang maglalagay ng pera sa sobre na ibibigay nila. Hay, mautak talaga. Pero sige nalang, para sa school din naman ito.

"I am hoping that by the end of the day ay may napili na kayong representative para sa department niyo."

Paglabas ni Dean ay bulungan sila agad, kasali na pala ako doon.

"Gawin niyong representative si Gel tutal pabida naman 'yan. Mayaman daw sila eh, sabi niya," ani ko.

Hindi ko sasabotahin si Angela. In fact, I am giving her the opportunity. Oportunidad na magpabida.

"Harsh mo talaga, sis."

Tumango ako. "True."

"What if si Kaori nalang ang gawin nating representative!?"

Napahinto ako dahil sa sigaw na 'yon.

"Kael, nakikita mo 'tong ballpen na hawak ko? Itatarak ko 'to sa leeg mo kapag hindi ka pa nanahimik diyan," nakangiti kong sagot.

"Bakit, Kao? Bagay naman, ah. Matangkad ka, sexy, maputi, balingkinitan at maganda. Matalino pa. Go ka na agad," sabat pa ng isa kong kaklase.

"Isa ka pa," irap ko. "nandiyan naman si Angela. She's a sweetheart, right? Siya ang alas natin dito. Why don't you pick her? Come on, guys."

Napalunok si Gel. Ganiyan nga. Inaaway-away mo ako, ha. Gusto niyang maging center of attention kaya sige go.

"Maitim naman si Gel! Hindi bagay. Pangit!"

Nandilim agad ang paningin ko dahil doon. Oo nga at kaaway ko si Gel, pero never akong papayag na laitin ang skin color niya o ng ibang tao.

Tumayo ako hawak ang ballpen. "Ikaw na racists ka, may kalalagyan ka sa 'kin."

"K-kaori, joke lang naman," uutal-utal niyang sagot.

Dumukwang ako sa tainga nito. "Ayusin mo 'yang joke mo, hindi nakakatuwa."

Bumalik ako sa upuan ko. Marahang napalunok ako ng magtagpo ang tingin naming dalawa.

"Sino ang gagawin niyong representative?" tanong ni Prof.

Sunod-sunod ang sigawan nila. May pangalan ko, pangalan ni Gel, at ibang pangalan ng mga kaklase ko.

"Si Kaori nalang talaga, prof."

"Oo nga po. Pumayag ka na, singkit."

"Napaka-choosy naman ng Hapon na ito."

"Ipapa-salvage ko bawat isa sa inyo kapag tinuloy niyo 'yan," banta ko.

Wala sa diary ko na mapasali sa ganito. Never ko ring hiniling kay Lord na isali niya ako sa mga ganito. Gusto ko lang ng peace sa aking paligid.

"Bakit ayaw mo, Norhaya?" tanongni Prof.

"Hindi magugustuhan ng parents ko, Prof."

"Ako ang kakausap sa kanila."

"Ayaw ko talaga," iling ko.

Kinulbit ako ng katabi ko at ngumuso. Inilapit nito ang bibig sa tainga ko at bumulong.

"Ang gwapo ni Sir Hussein. Kanina pa siya tahimik tapos nakatitig sa likod mo. Kung laser lang 'yang mga mata niya, siguro hati ka na ngayon sa dalawa."

Dumagdag pa ito. Lord naman.

"Miss Norhaya, kung pera ang inaalala mo, there's no need for you to drop huge amount of money. Representative lang talaga ay ayos na," litanya ni Prof.

Iyon na nga ang problema. Knowing Mommy, hindi iyon papayag. She's competitive at everything. And when I say everything, it literally means everything.

"Dukha po 'yan, Prof. Wala ho kayong aasahan diyan," umirap at ngumisi si Gel.

"Kapag kayo na-bankrupt, ako una tatawa," ani ko.

Kinahapunan ay umuwi akong problemado. No matter how I say no, ako pa rin ang napili at naging representative. Kulang nalang ay maglupasay ako sa iyak. Hindi magiging maayos ang tulog ko nito hanggat hindi natatapos ang pesteng event na iyan.

"Wanna ride, baby girl?"

Napahinto ako dahil sa malalim na boses na iyon. May humintong itim na race car sa tabi ko at sa loob no'n ay ang gwapong si Mr. Hussein De Russo. Nakasuot pa ito ng itim na shades na mas lalong nagpa-gwapo sa kaniya.

"I don't talk to strangers. Sorry."

Labas sa ilong 'yon.

"Really, huh?" he chuckled. "Come on, ride me. I meant the car."

Ang bastos naman. Pero sige, sasakay ako. Sa kotse.

"Hindi mo ako pagbubuksan? Grabe naman, sis, hindi gentleman," iling ko at natawa sa sarili.

Nagtaka ako ng bumaba ito at lumapit sa 'kin. He opened the car's door for me and motioned his hand.

Nagtaas ako ng tingin at bahagyang napaatras. He's so tall. Hanggang dibdib niya lang ako at ang laki rin ng katawan niya. Natatabunan ako. Nakakatakot.

"Get inside. It's getting dark."

"P-paano kung hindi mo ako iuuwi?" tanong ko.

He chuckled. "I'm not going to do that. Not for now."

"Naiintindihan mo ako?!" singhal ko.

He shrugged. "Of course."

"So habang nagch-chat tayo... tapos..."

Mahinang natawa ito at tumango. "I can understand you, sweetheart. I was just kidding when you asked."

Hindi na ako nagsalita pa at nanahimik nalang. He encircled his arms around me and gently pulled me close. Ang malaking braso nito na nakapalibot sa 'kin ay nakakakilabot. Parang mapipiga agad ako kapag may galit siya sa 'kin.

"Enter the car now, sweetheart," he huskily remarked.

Pumasok ako at inayos ang sarili sa passenger seat. Pumasok na rin ito at pinasibad ang sasakyan.

"You're so pretty," basag nito sa namayaning katahimikan.

"Thanks."

"Japanese?" he asked.

I nodded. "Full-blooded."

Sa pagkakataong iyon ay napalingon ito sa akin.

"How come you're here?"

"My family and I moved here a long time ago. Bumalik sila sa Japan at ako na lang ang naiwan dito."

Nagulat ako ng masagi nito ang hita ko. I am wearing our uniform, the skirt one. Dalawa kasi ang uniform namin. Skirt and slacks. Skirt for today, slacks for tomorrow. Vice versa.

"Sorry for that. Nice legs," he commented.

"Ah... thanks?"

Natawa lang ito sa inasal ko.

"So, any plans to go back in Japan?"

Napaisip ako. Huling taon ko na 'to sa kolehiyo. That definitely means I have to go back.

"Actually, yes. After graduation, maybe."

"Oh."

"Yep. How did you found me by the way?" I casually asked.

Napaka-casual ng tanong na 'yon pero parang sasabog na ako sa kaba.

"That's easy."

Napalingon ako sa kaniya. Nakita kong nakatingin na rin ito sa 'kin.

"Sweetheart, you cannot escape me. I have connections..." he paused. "everywhere."

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top