Chapter 9: Ogre Raid

NASA labas na kami ng dungeon nina Synix, SilverKnight, at Klayden. We are looking to the big rusty gate na napapalibutan ng mga ugat sa paligid nito. Ito ang gate papasok sa Ogre dungeon, once na ma-clear namin ito ay magkakaroon ito ng lock na nangangahulugan na hindi na kami puwedeng pumasok dito. Like what I'd explain earlier... You can enter at dungeon once.
Kasama din namin ang mga recruit ni Synix na sina Raindear (Level 9) at Laplace (Level 9). Kaibigan niya ito galing sa section C, sila 'yong hinihingan niya ng sagot sa tuwing mas nauunang mag-exam ang section C sa amin.
Well, college is survival. Naiintindihan ko naman if napipilitan mangopya 'yong iba especially kapag nagsabay-sabay ang exam. Nawawalan sila ng time na mag-review. If alam ko rin naman ang sagot ay binibigay ko rin naman sa kanila.
Bakit ko ipagdadamot ang sagot ko? I want us to graduate on time at hindi naman ako nakikipagkumpetensya.
"Heto na ang dungeon." Nakangiting sabi ni Klayden habang nakatingin sa gate.
Ogre Boss Raid
Minimum Level Requirement: 7
Monster Level: 5-15
"Sure ba kayong magagawa natin ma-beat ang record ng Battle Cry?" Raindear asked us. Naiintindihan ko naman if he is doubting in this raid. Wala naman kaming professional player sa team namin.
"Kung magtitiwala kayo sa akin. Magagawa nating ma-beat ang record nila." Sabi ko sa kanila. "Kung hindi man nati ma-beat, atleast, we tried."
"Sundin ninyo lang ang ibibigay na instructions ni Shinobi. Huwag kayong mag-alala, ililibre kayo ng Starbucks ni Trace kapag natapos natin 'to." Natatawang sabi ni Klayden.
"Gago 'to bigla akong nadamay." Reklamo ni Synix.
"Oo nga p’re, abala fee." Sabi ni Laplace.
Synix sighed. "Oo na, oo na. Kayo na nga 'tong bubuhatin namin ang dami ninyo pang request." Binatukan siya nina Laplace at Raindear.
Sa quest na ito, silang lima ang bahala sa mga maliliit na ogre sa paligid samantalang ako ang magiging keyfinder para makaalis sa isang room. Ang goal namin ay tuloy-tuloy lang na makapasok sa Ogre Boss. Natatandaan ko ang mga pintong pinasukan nila kuya kung kaya't walang magiging problema dito.
Ang maaaring magpatagal sa amin ay ang matagal kong paghanap sa susi at mahirapan sa pagpatay sa mga monsters.
Sa oras na buksan ko ang gate na ito ay magsisimula na ang timer for the raid. Tiningnan ko isa-isa ang mga kasama ko. "Ready?" I asked.
Humigpit ang hawak nila sa kanya-kanya nilang espada. "Game na." SilverKnight answered.
Itinulak ko na ang malaking gate at unti-unti itong nagbukas.
Boss raid start!
Tumakbo kaming anim papasok sa loob ng dungeon. Nagsimulang umandar ang timer at ilang minuto rin ang bubunuin namin sa loob ng dungeon na ito.
Sa unang room ng dungeon ay isang malaking gubat ito kung saan nakakalat ang mga ogres. Sa loob ng malaking silid na ito ay nakatago ang susi. "Kayo na ang bahala." Naghiwa-hiwalay na kami at nilibot ko ang buong map.
Kapag sinabi ko na malaki ang map na ito ay para na itong kasing lako ng subdivision (first room pa lang ito).
Habang tumatakbo ako ay nagulat na lamang ako noong may lumabas na isang ogre sa likod ng makapal na halaman. Maliit lamang ang mga ogre at kulay berde sila. Matalim ang kanilang mga pangil at nanlilisik ang mga mata nila. Para silang mga duwende na naglalakad ngunit mas maliksi lamang sila gumalaw.
Ogre [warrior]
Level: 6
Aggressive
Aggressive type ang monster na ito, ibig sabihin ay aatakihin ka nito once na makita ka. Humigpit ang hawak ko sa aking espada at inatake ang Ogre. Nakatalon ito ng ilang beses papalayo at mabilis ko itong hinabol. I sliced it again at tumalsik ang green na dugo nito sa paligid.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo.
Synix: Archers in left side, clear.
Raindear: mages in right side, clear.
Shinobi: kayo na ang bahala sa mga monsters.
Tumakbo ako at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nakita ko ang isang Ogre na archer na nasa itaas ng puno at nasa baywang nito ang susi papasok sa susunod na mga kuwarto.
Akmang aakyat na ako sa taas noong may tumama na isang matalim na kutsilyo sa noo ng ogre at sumabog ito. Tiningnan ko kung kanino nanggaling ang kutsilyo– kay Klayden. He smirked at nagpatuloy na ulit sa pagtakbo para hanapin ang location ng ibang monster.
Dali-dali kong pinulot ang mga susi papasok sa susunod na kuwarto. Tatlong susi ito na papasok sa tatlong magkakaibang kuwarto. Ang pinto sa right side ang dapat naming daanan upang mas mapalapit kami sa location ng Boss Ogre.
I checked the time, we spent 3 minutes for this room.
Shinobi: I found the keys. Sundan ninyo ako.
Mabilis akong tumatakbo sa masukal na kakahuyan ng silid na ito. Habang tumatakbo ako ay isa-isang sumulpot ang mga kasamahan ko.
"Sino ang may mga bawas sa buhay? Uminom na kayo ng healing potion. May bomber sa susunod na kuwarto, mas malaki ang bawas nito. Prioritize ninyo na patayin ito." I said.
"Yes, ma'am!" They answered in unison at uminom na ng potion sina Laplace at SilverKnight.
Mabilis kong binuksan ang pinto papasok sa susunod na room. Kagaya ng sa unang room, parang gubat din ang silid na ito. Nasa isa sa mga ogre ang may hawak ng mga susi at kailangan ko lang itong hanapin.
All my teammates are doing great job sa kani-kanilang task. Malalakas ang pagsabog na narinig ko sa palogid at hudyat iyon na kinakalaban na nila ang mga bomber sa lugar.
Synix: Backup, maghi-heal potion lang ako.
Klayden: akong bahala sa 'yo.
Mabilis akong tumatakbo at may nakita akong chest malapit sa isang puno.
Shinobi: Treasure chest sa may left side. 'yong puno na may pula na dahon.
Laplace: nakita ko na. Ako na ang kukuha.
I don't mind kung hindi namin makuha ang lahat ng items (kasama na ang mga rare) sa loob ng dungeon dahil ang goal naman talaga namin ay ma-beat ang record ng Battle Cry. But as we do our objective, kung may mga items (treasure chest) man kaming madaanan ay kukuhanin namin ito.
Iniikot ko ang aking paningin sa paligid upang hanapin ang ogre na may hawak ng susi.
"Shinobi, iwas!" Nakuha ni Synix ang atensiyon ko dahil sa malakas niyang sigaw.
Napalingon ako rito at doon ko lang napansin ang bombang lumilipad patungo sa aking direksyon. Napahinto ako sa pagtakbo at naghanap ng puwede kong pagtaguan.
But it's too late, the bomb exploded in front of me. Tumilapon ako at tumama ang likod ko sa malaking katawan ng puno.
"Shinobi!" Sigaw nila.
Ramdam ko ang sakit sa buong katawan ko. I know it's just a game pero nararamdaman ko ang sakit sa real life (you can feel the 10% pain of your character feels dahil sa nerve gear). Dali-dali akong bumangon at iniwasan ang sumunod na hinagis na bomba noong Ogre [Bomber].
Halos kalahati ang nabawas sa buhay ko dahil sa nangyari.
Klayden: Ako muna ang bahala sa paghahanap ng susi. Kayo na ang bahala sa pagpatay sa mga ogre.
Synix: Gegegege.
Shinobi: Iinom lang ako saglit ng potion.
Umupo ako sa likod ng makapal na talahib.
Inventory.
Healing potion.
Nagkaroon ng liwanag sa tapat ng aking kamay at lumabas ang isang lalagyan na naglalaman ng tubig na kulay pula. This is just a small healing potion so I need to drink a lot para manumbalik ang full health ko. We can do this.
Laplace: wala nang bomber sa buong lugar.
Klayden: I got the keys.
Ininom ko ang huling healing potion at unti-unting naghilom ang mga galos sa buo kong katawan. Dali-dali akong tumakbo at humigpit ang hawak ko sa aking espada dahil baka biglang may ogre na sumulpot sa paligid.
Habang tumatakbo ako ay nakasalubong ko at hinagis niya ang mga susi sa akin. Mabilis ko itong sinalo at tumakbo ako patungo sa mga gates.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
"Yeah, hindi ko lang napansin 'yong bomba na inihagis ng ogre. Buti na lang at madami akong nabili na potion." 'yong pera na nakuha ko sa ka-duel nila Klayden noong nakaraan ang ginamit kong pambili sa dungeon na ito. Naging useful pa para sa amib ang pagiging mayabang niya.
Naging alerto ako noong may gumalaw sa talahiban.
"Klayden, yuko!" I shouted.
Mabilis ba nagpadausdos sa sahig si Klayden na saktong lumabas naman ang isang Ogre [warrior] na level 7. Inipon ko ang lakas ko sa espada at hiniwa ang tiyan nito.
Hindi namatay ang Ogre pero tumilansik ito papalayo at tumama sa malaking bato. "Salamat. Ako na ang bahala rito, Shinobi, buksan mo na ang pinto papasok sa next room!" Sigaw ni Klayden at nagpatuloy ako sa pagtakbo.
Hinanap ko ang lokasyon ng mga pinto (may limang pinto sa room na ito papasok sa ibang room) at ipinasok ang isa sa mga susi sa gitnang pinto.
As soon as the door opened, kinuha ko na ang atensiyon ng iba kong kasamahan. Nakaka-7 minutes na kami at may isang room pa kaming dapat daanan bago marating ang boss room. Dapat ay bago mag-10 minutes ang timer ay makapasok na kami sa boss lair para magkaroon kami ng mahabang oras doon.
Killing the Ogre [Boss] will not be easy. Napanood ko kung paano natagalan at nahirapan sina Kuya.
Shinobi: Bukas na ang pinto. Let's go.
Hinintay ko silang lahat bago kami tuluyan na pumasok sa next room.
"Mag-iingat ka next time," Synix said to me at tumango naman ako bilang sagot. "Mahirap kapag namatay ka, mas matatagalan tayo sa pag-clear ng dungeon kapag nabawasan tayo."
"Okay. Sorry if I made you guys worry, naka-focus kasi ako sa paghahanap ng susi kaya nawalan ako ng map awareness." Paliwanag ko sa kanila.
The third room is slightly different sa naunang dalawa na room. Ito naman ay parang night time ang setup at sa gitna ng gubat ay ang kuta ng mga Ogre. Ang daming ogre dito since sila ang nagbabantay papasok sa Boss lair.
"Susugod na ba tayo?" Tanong ni SilverKnight habang nakatago kami sa likod ng matataas na talahiban. Pinagmamasdan namin ang mga Igre na alisto na nagbabantay sa kuta. Once they saw us ay paniguradong susugurin nila kami.
"Nauubos ang oras nati—" akmang tatakbo na si Raindear patungo sa direksyon ng kalaban ngunit hinatak ko ang laylayan ng kanyang damit para mapaupo siya ulit. "What?!" Pabulong niyang sigaw.
"Nakikita mo ang mga barrel na iyon?" Tanong ko habang nakaturo sa mga barrels na nakakalat sa buong kuta ng Ogre. "Those are explosives. Kailangan lang natin hanapin 'yong Barrel na magko-konekta sa sabay-sabay na pagsabog nito. It will deal a large amount of damage for the Ogres."
Napansin ko ito sa livestream ni Kuya kahapon. Tinanong ko rin kung bakit hindi niya pinasabog ang mga barrels, he explained na kapag natamaan sila nito ay malaki ang mababawas sa buhay nila lalo na't nilalabanan nila ang mga Ogres that time.
But if we maintain this kind of distance, paniguradong hindi kami matatamaan nang pagsabog and we can easily kill them.
"We can attack that Barrel," turo ni Klayden sa Barrel na nasa tabi ng Ogre [Archer]. "And we can attack that barrel at the same time." Turo niya sa barrel na nasa tabi ng Ogre [Bomber].
Pinagmasdan ko at in-imaging kapag inatake nga namin ang mga barrel na itinuro ni Klayden. Kapag sabay itong inatake ay gagapang ang pagsabog papunta sa gitna. And when they meet in the middle, paniguradong mababawasan ang lahat ng Ogres.
"Nice job." Nakipag-apir ako kay Klayden. "But how?"
"May Kunai ako." Sabi ni Klayden.
"Mayroon din ako." Synix said.
"Kaya mong patamaan ang barrel? Bobo ka, eh." Biro ni SilverKnight.
"Tanga tres ka lang sa Trigonometry, 2.75 ako. Mas mataas ako, mas matalino ako sa 'yo. Gunggong." Napangiti ako sa asaran nilang dalawa.
"Sabay ninyong patamaan ang barrel." Utos ko at humigpit ang hawak nilang dalawa sa Kunai. "Everyone, pagkatapos nang pagsabog ay tsaka tayo tatakbo tungo sa kuta ng mga Ogres at papatayin ang kung sino man ang matitira. Once you find the key ay ibigay ninyo agad ito sa akin para makapasok na tayo sa Boss Lair."
"Yes, Ma'am." They answered in unison.
Itinaas ko ang daliri ko at nagsimulang mag-countdown starting from five. Binibigyan ko ng signal sina Klayden at Synix upang magawa nila ng maayos ang pagbato ng kunai. Once kasi na hindi sila magsabay ay hindi namin magagawa ang chain ng explosion and it will be difficult for us.
"Three... Two... One... Go!" As soon as I shouted. They both threw the Kunai and thankfully, tumama ito sa dalawang barrier.
Malakas na sigaw ng mga Ogres ang narinig namin sa paligid at sunog-sunog na pagsabog mula sa base nila. Ramdam namin ang vibration nang pagsabog sa paligid.
"Sugod!" I shouted at tumakbo na kaming anim patungo sa lokasyon ng mga Ogres. As expected, maraming Ogre ang namatay at mayroong ilang natira ngunit bawas na bawas ang kanilang buhay at hindi kami nahirapan na mapatay ito.
"Treasure Chest sa loob ng tent nila." Sabi ni Klayden at kinuha ni Laplace ang laman ng treasure chest.
Nakita ko ang susi na nasa lapag malapit sa bonfire at mabilis ko itong pinulot. "I found the key." Sigaw ko at tumakbo na kami patungo sa gate papasoi sa Boss Lair.
11 minutes na kami sa loob ng dungeon at ilang minuto na lamang ang mayroon kami para ma+beat ang record ng Battle Cry. So far, masasabi kong mabilis ang naging pagpunta namin dito sa Boss Lair dahil natandaan ko ang mga pinto para makapunta rito at maganda ang team work na ipinapakita namin.
Nakikinig silang lahat sa sinasabi ko at mabilis namin naba-backup-an ang isa't isa sa tuwing malalagay kami sa alanganing sitwasyon.
"Healing potion, punuin ninyo ang health bar ninyo." I commanded and they immediately follow.
Nasa tapat na kami ng kahoy na gate na may mga bungong disenyo. This is the Ogre [Boss] lair.
"Are you ready?" Tanong ko.
"Anong strategy natin dito?" Tanong ni Laplace.
"Unahin ninyo ang mga maliliit na Ogres upang maiwasan ang malalaking damage sa buhat natin. Klayden at Synix, kayong dalawa ang bahala sa Ogre na boss. Hanapin ninyo ang weak spot nito." Sabi ko at pagkabukas ng gate ay mabilis kaming tumakbo papasok.
Isa itong kuweba na tanging mga sulo ang nagbibigay liwanag sa paligid. Sa gitna ng kuweba ay nandoon ang Ogre [Boss] na nakasuot ng armor. It growl loudly na naramdaman namin sa buong paligid at naging alerto ang mga maliliit na Ogres na nandito.
The Boss Ogre is 10 times bigger kaysa sa normal size ng isang Ogre. Mas nakakatakot ang hitsura nito at may hawak itong malaking palakol. Kaya nitong pakalahatiin ang mga buhay namin sa isang hampas lamang nito.
Ogre [Boss]
Level: 15
Aggressive
"Kaya natin 'to!" Sigaw ko at tumakbo na ako sa direksyon ng isang Ogre [Archer].
Seryoso akong nakatingin sa palaso nito at noong pinakawalan niya ito ay mabilis akong umiwas at tuloy-tuloy na nakalapit sa kanya. Ito ang mahirap sa mga archers, once na nalapitan sila ay magiging lugi na sila sa labanan dahil pang-long range lang ang kanilang mga atake.
Mega slash.
Nagkaroon ng apoy ang hawak kong espada at mabilis na hiniwa ang tiyan noong Ogre. As expected, hindi ito mamamatay sa isang skill lang kung kaya't sunod-sunod ang atake na ginawa ko upang hindi na ito makaatake pa. It green blood scattered all over the place hanggang sa maglaho ito.
Pinagmasdan ko sina Klayden at Synix na kinakalaban ang Boss. Hindi ganoon kalaki ang damage na nagagawa nila pero maganda ang ipinapakita nilang dalawa. Napipigilan nila ang Boss na makalapit sa amin and nagagawa naming maubos ang mga maliliit na Ogres sa paligid.
Isa ring magandang bagay kay Synix at Klayden... May koneksyon na silang dalawa. Alam nila ang galawan ng isa't isa which is malaking advantage sa isang Boss Raid
Synix: sub.
Laplace: ako muna.
Tumakbo si Laplace patungo sa lokasyon ng Boss habang si Synix ay umupo sa isang gilid upang uminom ng healing potion.
Nag-focus ako sa pagpatay sa mga Ogre sa paligid. Oo nagkakaroon ng bawas ang buhay ko pero mabilis akong umiinom ng potion para manumbalik ang buhay sa health bar ko. I bought a lot of healing potion, hindi ko titipirin ang resources na mayroon ako.
Naubos ko ang mga Ogre sa right side at malapit na ring maubos nila Raindear ang mga Ogre sa left side.
Shinobi: Tapos na ako. Tutulong na ako sa Boss.
Synix: Full na ang health bar ko.
Tumakbo kaming dalawa ni Synix tungo sa direksyon ng Boss. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumisi sa isa't isa bago umatake sa boss.
Critical X.
This is one of the newest skills na natutunan ko na kung saan aatake ang character ko na parang X gamit ang espada nito and it will be a critical hit sa kalaban.
"Synix!" Yumuko si Klayden.
"Got that!" Sigaw no Synix at bumuwelo siya saglit papalayo at inapakan niya ang likod ni Klayden at malakas na tumalon. Klayden also used force para maitulak papaangat si Synix dahilan para makatalon ito ng mataas.
"Mega slash!" He shouted at inatake sa ulo ang Boss. It deals a lot of damaged sa kalaban. "Nahanap ko na ang weak spot! Sa ulo!"
Malakas na umalulong ang Ogre at ibinagsak ang palakol niya sa mabatong lapag at umangat ang mga bato rito.
We are failed to dodged it at malaki ang naging bawas no'n sa health bar ko.
SilverKnight: Tapos na kami ni Raindear sa mga maliliit na Ogres.
Shinobi: Backup please. Heal lang.
SilverKnight: Yes ma'am.
Mabilis akong uminom ng healing potion at habang pinagmamasdan ko ang Ogre ay napansin kong walang armor sa kanyang bandang binti.
That's it.
"Guys! Atakihin ninyo sa binti!" Malakas kong sigaw at muli kaming sumugod.
They immediately followed my order. Umalulong ang Ogre at napaluhod ito dahil sa damage na nagawa namin.
Dahil nga napaluhod ang Ogre ay mas naging madali para sa amin na atakihin ang ulo nito.
"This is our chance! Gamitin ninyo lahat ng skills ninyo bago pa siya makatayo!" Sigaw ko at sabay-sabay kaming sumugod sa Ogre [Boss]
End of Heart.
I jumped and swing my sword at tumalsik sa akin ang ilang dugo ng Ogre.
Boss Raid complete!
Acquired title: Ogre Exterminator
You may leave the dungeon.
"Ilang minutes?" Tanong ni Klayden.
Pare-parehas kaming nakatingin sa itaas. Upang makita kung na-beat namin ang record.
***
RUFUS
[Battle Cry] Rufus
Level: 14
Class: Young Traveller
KASAMA ko ang bung Battle Cry at nasa loob kami ng Tavern sa Bayan ng Rokuto (Kalapit na bayan ng Silanya Town). We are having our meeting para pag-usapan ang susunod naming quest na gagawin.
Kailangan naming mag-Level 20 agad upang maghanda sa Summer Cup ng Hunter Online. We need to change our class para mas maging malakas ang damage namin sa magiging kalaban namin sa Tournament.
"I am saying, we need to find this hidden base of the Bandits dahil sinasabing may mga rare items na nakatag—"
Naputol ang paliwanag na ginagawa ng Leader namin noong tumunog ang maingay na sound upang makuha ang atensiyon ng mga players. Dali-dali kaming tumayo at sumilip sa labas ng bintana ng Inn.
Congratulation for players: Klayden, Laplace, Raindear, Shinobi, SilverKnight, and Synix for clearing Ogre Raid Quest for only 17:48 minutes [NEW RECORD!]
"Are they individual players? Wala silang squad?" Tanong ni Anonymouse habang nakatingin sa announcement. "They beat our record."
"Shinobi..." Pagbanggit ko sa pangalan na nakakuha ng atensiyon ko.
"Kilala mo, Rufus?" Tanong ni LutherKing sa akin.
That girl is really something.
"Siya 'yong player na nakatalo sa akin sa PVP match." Sabi ko sa kanya at nakuha noon ang atensiyon ng ibang members namin.
"Siya 'yong nag-iisang defeat sa PVP record mo?" Tanong ni Anonymouse.
"Kailangan kong mag-offline." Sabi ko sa kanilat umalis na sa may bintana. Sumunod sa akin si LutherKing.
"T-Teka saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang meeting. Mapapagalitan ka ni Nemesis.
"Kailangan kong makausap ang Headhunter natin." Sabi ko.
"Bakit?"
"They need to scout Shinobi bago pa man siya makuha ng ibang squad." Paliwanag ko at nag-logout.

Tinanggal ko ang nerve gear ko at tumungo sa CR ng boothcamp upang maghilamos. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.
Akala ko noong una ay beginners luck lang ang nangyari kung bakit ako natalo ni Shinobi noong naglaban kami. And honestly, I didn't expect that she or he will be that good. (I don't know his/her gender since maraming players din ang nag-iiba ng gender sa game)
Naglakad ako pababa ng boothcamp para pumunta sa office. Ngayong kulang ng ilang players ang Battle Cry... Naniniwala ako na malaki ang mako-contribute niya sa grupo namin. We need to win this Tournament, we need to redeem the old glory of Battle Cry.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top