Chapter 8: Game Plan


"KUYA, puwede bang huwag muna akong sumama ngayon?" Pakiusap ko kay Kuya London habang hinahatak niya ako pabangon sa kama. I thought gusto lang nila ako isama sa jogging nila kahapon for siblings bonding pero hindi ko inasahan na aaraw-arawin talaga namin ito.

"Kailangan nang exercise ng katawan mo, Milan. Especially that you are playing Hunter Online, ang tagal mong nakahiga sa kama." Sermon niya sa akin.

"Pero Kuya, ang sakit pa ng binti ko." Napaupo na ako sa kama at kinusot ang aking mata. "Anong oras din ako nakatulog kagabi kasi in-annalyze ko 'yong map and strategies ninyo kagabi."

"Mawawala rin 'yang sakit ng katawa mo kapag inaraw-araw mo. Sumunod ka na sa baba." He said at naglakad na papunta sa pintuan. "Sumunod ka na, kung hindi ay si Kuya Brooklyn ang tatawag sa 'yo. Iyak kang bata ka panigurado."

Padabog kong inalis ang kumot na nakataklob sa akin at narinig ko pa ang tawa ni Kuya London. Lagi niya talagang panakot si Kuya Brooklyn sa akin.

Panganay kasi si Kuya Brooklynand trust me! Mas OA pa siyang magsermon kaysa kanila Mommy at Daddy.

Nagpalit na ako ng workout clothes ko at sumunod sa kanila sa baba. Naghilamos lang ako at after jog na lang ako maliligo.

Nasa tapat kami ng bahay at nag-i-stretching. Grabe, nanghihina talaga ang binti ko dahil sa sakit. Ganito pala 'yong feeling na nag-exercise ka after a long time, no? Feeling ko baldado ang binti ko ngayon.

"Nakakuha ka ba ng informations sa stream ko kahapon?" Tanong ni Kuya London habang nagja-jumping jacks sila ni Kuya Brooklyn. Hindi nila ako mapapaganoon, sakit kaya ng paa ko!

Nakaupo lang ako sa kalsada habang hinihintay silang matapos. "Oo sinend ko kanila Clyde 'yong mga sinulat ko sa notebook. Well, kahit papaano ay naaral ko 'yong map and alam ko na 'yong mga spot na hindi naman ganoon kaimportante sa quest."

"Kung balak ninyong makakuha ng mga items at lumevel up ng mabilis. I suggest na libutin ninyo 'yong map. Pero kung balak ninyong talunin 'yong record ng Battle Cry ay bilisan ninyo na lang ang pagpatay sa mga monsters. More on objectives." Payo sa akin ni Kuya London.

Nagsimula na kaming tumakbo, and as usual, nagrereklamo sila kasi ang bagal ko daw. Pero nakakatuwa ngayon dahil parang ang dami na naming bagay na napag-uusapan nila Kuya.

I mean, close naman kami dati pa pero noong naglaro ako ng Hunter Online ay lagi nilang kinukumusta patungkol sa paglalaro ko. And then ngayon, nagja-jogging din kami ng magkakasama.

Pagkaliko namin sa isang kanto ay nakita ni Kuya Brooklyn si Clyde na nagja-jogging din. He's wearing a White Adidas sport shirt and a black jogging pants. May earpods din sa kanyang tainga na tinanggal niya lang noong nakita niya kami.

Naunang tumakbo si Kuya Brooklyn para sabayan si Clyde. Napatingin ako kay Kuya London at may malaking ngisi sa kanyang mukha.

"Kuya, ayan na naman 'yong ma-issue mong ngiti. Umagang-umaga, ha!"

"Luh. Wala nga akong sinasabi."

"Basang-basa kita Kuya London. Mukha kang pagod na unggoy kapag kinikilig." Tinunggo ko ang kanyang braso habang nagja-jog kami. Which is wrong decision dahil sa pawis niya.

"Kapatid kita e 'di unggoy ka rin." Nakangisi niyang sabi. Sabay kaming tumatakbo ni Kuya London dahil sinasabayan niya lang ang bilis ko. "Hindi ka pa rin ba naniniwala na crush ka niyan?"

"Kuya, nagja-jogging lang 'yong tao! Ang issue mong tao, kaya hindi kayo nagtatagal ng mga jowa mo, eh." Reklamo ko.

"Nagjo-jogging. Utot mo. Alam ko schedule ng Jogging niyan. Thrice a week lang 'yan mag-exercise, alternate days pa. Ngayon inaaraw-araw na niya. Pakisabi kay Clyde, style niya bulok. Been there, done that." He said while smirking at nauna nang mag-jog si Kuya.

Mukhang totoo naman ang sinabi ni Kuya London na araw-arawin ko lang ang pagja-jog dahil kahit papaano ay nakakasunod na ako sa kanila.

Sumabay si Clyde sa akin sa pagtakbo. "Morning." Sabi ko sa kanya. Hindi naman ako 'yong tipo ng tao na magiging awkward sa isang tao kapag tinutukso ako. Clyde is my friend and ang laking tulong nila sa College life ko, honestly.

May kinuha siya mula sa kanyang bulsa-Salonpas. "Oh. First time mo mag-jog kahapon 'di ba? Ayan para iwas muscle pain."

Kumislap ang mata ko pagkakita sa inabot niya. Ngayon lang naging magandang bagay ang Salonpas sa paningin ko. "Salamat dito." Saglit akong umupo sa sidewalk upang lagyan ang binti ko.

"Anong balak mo sa Boss raid mamaya? Binasa ko 'yong informations na sinend mo kagabi, ang laking tulong no'n by the way." He said at tinulungan niya akong makatayo para makatakbo na ulit kaming dalawa.

"Puwede bang madaliin natin 'yong pagtapos sa map?" Pakiusap ko.

"Gusto mong ma-beat 'yong record ng Battle Cry?"

"Imposibleng ma-beat ang record nila. Sila Kuya ay inabot ng 27 Minutes kagabi para matapos ang Ogre raid na iyon." Kahit ang ganda ng team work nila Kuya base sa napanood ko ay natagalan pa rin sila sa pag-clear ng dungeon lalo na sa Boss dahil may mga healer itong kasama.

"Eh bakit gusto mong matapos agad 'yong dungeon?" He asked again.

"May webinar kasi akong a-attend-an mamaya. Last week pa ako nagbayad, sayang naman kung hindi ko a-attend-an." That webinar is about how to be a young entrepreneur habang nasa early 20's pa (Although 18 pa lang ako). Ang interesting kasi ng topic kung kaya nag-enroll ako, nawala lang sa isip ko these past few days dahil na-hook ako sa Hunter Online. It's not like I will do business after I graduate, gusto ko lang talaga makinig sa mga success stories ng ibang tao.

"I guess maiintindihan naman nila Trace 'yon." Sabi ni Clyde.

"Kaso kapag na-clear natin 'yong dungeon ay bawal na ulit tayong pumasok." Ayon sa nabasa kong information sa website ng game (yes, nagbasa ako kagabi para hindi na ako mukhang ignorante sa game).

Iyon ang unique sa Hunter Online, sa ibang game kasi ay puwede kang pumasok ng ilang ulit sa isang dungeon para ma-beat mo ang record mo. But here, once you enter the Dungeon, kung ano ang time limit mo ay iyon na iyon... Hindi na puwedeng mabago. So as a player, you just need to choose if you will clear the dungeon fastly to beat the record or lilibutin mo ang lahat ng lugar sa loob para tumaas ang level mo.

"Then let's have a shot na i-beat natin 'yong record." Napatingin ako kay Clyde dahil sa sinabi niya. Itinaas-baba niya ang kanyang kilay at hinawakan niya ako sa braso. "May kotse."

Hindi ko napansin 'yong kotse na dumaan galing sa kabilang kanto. Inis na sinundan nang tingin ni Clyde 'yong sasakyan. "Dahan-dahan naman! Umagang-umaga makakaaksidente ka!" Sigaw niya pero hindi naman siya narinig ng driver.

"Thank you." Sagot ko at nagpatuloy kami sa pagtakbo. "Feeling ko hindi natin magagawa na ma-beat 'yong record ng Battle Cry. 18 Minutes lang nilang natapos 'yong dungeon."

"Susubukan lang naman, eh. Since bibilisan natin ang pag-clear sa Boss Raid. E 'di taasan na natin 'yong pangarap natin. We will beat that record, let's claim it." He positively said.

Naisip ko. Wala naman ding masama kung susubukan namin.

"Papayag ba sila Trace at Tony?"

"Sa tingin mo?"

Na-imagine ko 'yong ugali noong dalawa. "Papayag 'yon. Competitive sila, eh."

"Hoy! Bilisan ninyong dalawa!" Sigaw ni Kuya Brooklyn habang hinihintay kami malapit sa clubhouse. "Gustong-gusto ko ng mag-LTB."

"Sayang jogging ninyo, lakas ninyong maglugaw." Reklamo ko at humabol sa kanila. "Let's talk about our battle plan later." Iyan ang huli kong sinabi kay Clyde at sa game na kami sunod na nagkita.

"TANGINA, sure kayong susubukan nating i-beat 'yong record ng Battle Cry?" Tanong ni Synix sa amin habang nakatambay kami sa isang Tavern dito sa Silanya Town. Tavern is a really good place para makakilala ng ibang players dahil dito sila madalas tumatambay. They have foods, drinks, and acoustic performers (Mga NPC) kung kaya't ang chill lang ng ambiance sa loob.

"May seminar akong a-attend-an mamaya, eh. Last week ko pa nabayaran." Pag-amin ko. Nakonsensiya naman ako dahil isang beses lang puwedeng papasok sa dungeon tapos hindi namin masusulit dahil nga mamadaliin namin itong matapos.

"Okay lang 'yon." Masiglang sabi ni Synix. "Susubukan nating taluning 'yang Battle Cry na 'yan!"

Tumingin sa akin si Klayden. 'sabi ko sa 'yo, eh' he mouthed.

"So anong plano natin ngayon, Shinobi?" Tanong ni SilverKnight. "Napanood mo ang ginawang raid nila Kuya London kagabi. Alam mo kung ano ang mga bagay na nasa loob ng dungeon."

"Hello mga bes!" Naputol ang pag-uusap namin noong may isang babae na umupo sa bakanteng upuan sa may table namin. Nagkatinginan kami nila Klayden dahil wala kaming ideya kung sino ito.

Hermosa
Level: 1
Class: Young Traveller

Kulay pink ang mahaba nitong buhok at may mestisang balat. She also have a round eye and a pinkish lips.

"S-Sino ka?" Tanong ni Synix. "Maling barkada ka miss. 'Di ka namin kilala."

She rolled her eyes at hinawi ang kanyang buhok. "Hello, Si Shannah 'to!" Sabi niya.

Pare-parehas kaming napasigaw at napayakap sa kanya dahil nakumpleto na ang barkada namin sa game na ito. Sa totoo lang ay hindi naman gamer si Shannah (ganoon din ako) pero dahil sa lakas manghatak nitong tatlo na ito ay napalaro na rin kami. Well, hindi ko naman siya pinagsisisihan dahil nae-enjoy ko maman siya.

"Buti naman at naglaro ka na!" Binatukan siya ni SilverKnight.

"Aray ko ha! Dumating na 'yong nerve gear ko kanina. Sinabi sa akin ni Clyde 'yong mga username ninyo kaya mabilis ko kayong nahanap." Napatingin kami kay Klayden at nag-peace lang siya sa amin. "Sabi kasi nitong si Mila- Shinobi, maraming pogi dito. Dahil sa malandi ako, bili agad ang ate girl ninyo."

Proud and loud talaga siya.

"So anong pinagtsi-tsismisan ninyo diyan?" Pumangalumbaba si Hermosa sa lamesa.

"We are talking about the Battle tactics that we will do inside the dungeon." Paliwanag ko sa kanya.

"Sama ako!" Sabi ni Hermosa.

"Hindi ka pa qualified." Napasimalmal si Hermosa sa sinabi ni Synix. "Level 7 ang minimum requirement para sa dungeon na 'yon. Ano naman gagawin mo doon, ganda lang?"

"Alam mo, kahit sa game. Ang pangit ninyo kausap." Reklamo ni Hermosa at napatawa kaming lahat.

"So ang goal natin ay matalo amg record ng Battle Cry which is eighteen and a half minutes. If we can clear the dungeon fastly... We can beat them." Nakuha ko ang atensiyon nila at nakinig sila sa sinasabi ko.

"If we can beat them... Ia-announce sa buong Peninsula Server na tayo ang pinakamabilis na nakatapos sa Ogre Raid. May text na lalabas sa kalangitan na nakalagay ang mga pangalan natin. Makikilala tayo ng mga players dito sa Hunter Online." Pangungumbinsi ni Klayden sa dalawa.

Judging by their expression... Mukhang nauto sila ng mga pinagsasabi ni Klayden. "Putangina, tapusin natin ng mabilis 'yang Ogre Raid. Na-motivate na 'ko. Sisikat na ako sa Hunter Online, magiging pro-player na ako." Dire-diretsong paliwanag ni Synix.

"Gago dre, taas ng pangarap mo." Pambasag ni SilverKnight.

"Tanga. Mangangarap na lang din naman ako, e 'di tataasan ko na. Nandiyan naman si Shinobi, magaling 'yan magbigay ng directions."

Na-pressure naman ako bigla dahil inaasahan nila akong tatlo. Well, kasalanan ko rin naman dahil sa webinar na a-attend-an ko. I need to execute a good plan para matapos namin ang dungeon.

"May mga rooms sa dungeon na hindi naman kailangan pasukan at monster trap lang, pampatagal lang sa oras." Paliwanag ko at seryosong nakikinig ang Kulokoy boys. "Natandaan ko 'yong mga daan papunta sa Boss lair pero hindi magiging madali iyon. May mga Magician and Archer Ogre na nakakalat sa paligid at nakatago... Sila ang damage-dealer sa map na iyon."

"Basically, we need to kill them first before namin labanan 'yong mga normal warrior sa dungeon?" Tanong ni Klayden.

"Napanood ko 'yong ginawang livestream ng isang member ng Battle Cry," pagtaas ng kamay ni Hermosa. We all looked at her. "Hoy ang judgemental ng tingin ninyo, ha! Sabi ko nga sa inyo crush ko si Rufus ng Battle Cry."

"Anong nakita mong strategy nila?" Tanong ko.

"Since pro-player naman talaga sila. Hindi sila pumasok doon ng walang plano. Anim na member ng Battle Cry ang pumasok sa Ogre Raid. Ang tatlo, sila ang tagapatay sa Archer at magician. Ang dalawa naman ang tagapatay sa mga warriors. At 'yong isa naman ang keyfinder nila. Ito 'yong hindi papatay ng monster sa loob ng dungeon at mag-iikot lang para hanapin ang susi papasok sa ibang lagusan."

Keyfinder, huh?

That's a really cool tactics mula sa Battle Cry.

"They can clear the dungeon more faster nga, eh. Iyon lang minsan namamali sila ng pasok na pinto." Hermosa continued.

"Kung tayong apat lang ang papasok... Hindi natin magagawang matapos ito ng mabilis. The fastest time that we can finish it is 25 minutes." I explained.

"Yabang may time estimation." Natatawang sabi ni SilverKnight.

"We also need two members para magawa nating matapos ang dungeon ng mas mabilis." Wala naman akong ibang kilala sa game. Alangan namang ayain ko si Rufus, member iyon ng Battle Cry at hindi niya ako kino-consider as his friend.

"Kung anim tayong papasok... Anong advantage natin sa Battle Cry noon?"

I smiled to them. "Mas kabisado ko ang map. Sabi ni Hermosa ay may maling napasukan na pinto lang ang Battle Cry kung kaya't natagalan sila." (but still they hold the record)

"Uunahin din natin patayin ang archers and mage na ogre sa dungeon at tsaka natin isusunod ang mga ogre warriors." Mas mahina ang depensa ng mga ito kahit ito ang damage-dealer sa map.

"Magtiwala kayo sa plano ni Shinobi." Hermosa said.

Nagkatinginan sina Synix at ngumisi. "May mga kaibigan kami sa ibang section... They can join us in monster raid."

Uminom ako ng ice tea at seryosong tumingin sa kanilang apat. "As long as they will follow my order, magagawa nating matapos ang dungeon na mas mabilis sa Battle Cry at makikita ninyo ang pangalan ninyo na ia-announce sa buong game."

We only have one shot to clear this dungeon and we must execute this plan well.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top