Chapter 10: Eyes on Her
MILAN
"NAGAWA ninyo pala na matapos nila Clyde 'yong dungeon sa loob ng 17 minutes?" Tanong ni Kuya Brooklyn sa akin habang sabay-sabay kaming nag-a-almusal. Buti na lang talaga at hindi kami nag-jog ngayong araw kung kaya't napahaba ang tulog ko. Naintindihan naman din daw nila dahil um-attend nga ako ng Webinar kagabi.
Wala na rin sina Mom at Dad dahil pumasok na sila sa trabaho. Oatmeal ang almusal naming tatlo na si Kuya Brooklyn ang nagluto, hindi ko nga alam kung bakit Software Engineer ang trabaho niya, puwedeng-puwede siyang maging cook sa isang mamahaling restaurant dahil sa sarap ng mga luto niya.
"We managed to beat the record," pagmamalaki ko sa kanila. "Unluckily, after four hours ay na-beat ng Black Dragon ang record namin. Hindi man lang pinatagal sa amin ang title." Reklamo ko.
"Atleast, nagawa ninyong ma-beat ang record ng Battle Cry. Pasalamat ka sa akin dahil nag-livestream ako para sa 'yo. Sabihin mo, salamat Kuya kong pogi." Kuya London flexed his biceps.
Napairap ako sa ere. "Asa ka."
Yup, hindi naging ganoon ka-big news ang pagka-beat namin sa record ng Battle Cry dahil natalo rin naman kami ng Black Dragon agad. Hindi nga alam ng lahat ng players sa Hunter Online na may mga independent hunters ang naka-beat sa record.
"Black Dragon is really a strong team, isipin mo, late sila lumipat sa Peninsula Server but they managed to clear Ogre Raid fastly." Manghang-mangha na sabi ni Kuya Brooklyn.
"As expected, professional players. Binabayaran sila para mag-excel sa laro." Paliwanag ni Kuya London bago kumain ng oatmeal. "Ah, pupunta nga pala akong mall mamaya, mamimili ako ng gamit para sa Ilocos trip natin. Baka may ipapasabay kayo."
"Isabay mo nga akong ibili ng bagong earphone," sabi ni Kuya Brooklyn.
"Sakto, bibili din akong bagong nerve gear." Kuya London smirked.
"Kuya, ang aksayado mo sa pera. Bili ka nang bili ng nerve gear." Reklamo ko sa kanya.
"Ikaw nga bili nang bili ng libro, hindi mo rin naman binabasa." Ganti niya sa akin.
Well, to be honest, may point si Kuya. May mga libro akong nabibili na hindi ko pa nga natatanggal 'yong plastic at hindi ko pa nababasa. Paano ba naman kasi, kapag nadadaan ako sa bookstore at nagbabasa ng mga teaser ng libro ay napapabili ako lalo na kapag maganda ang book cover at teaser ng kuwento.
"Eh, magkano lang naman 'yon."
"Milan, hayaan mo na 'yang si London. Pera niya naman 'yang ginagastos niya." Dinilaan ako ni Kuya London dahil kumampi sa kanya si Kuya Brooklyn. "Sumama ka na rin kay London sa pamimili. Baka may mga kailangan kang bilihin para sa swimming. Ikaw pa naman si 'Girl Convenience store' sa tuwing nasa biyahe dahil sa dami nang nakakalimutan."
"Alam ninyo, ang bully na ninyo na naman sa akin. Umagang-umaga, ha," reklamo at natawa ang dalawa kong kapatid. "Mag-jogging kayong dalawa bukas. Hindi ako sasama."
***
AT the end of the argument, sumama pa rin ako kay Kuya London para mamili ng mga gagamitin sa swimming. He just bought a new swimming trunks and khaki short. Hindi na daw siya magsa-sando because he want to show-off his muscle. Kapal talaga ng mukha.
"Kuya ang dami mong shorts na binili. Kuya, three days lang tayo sa Ilocos, huy. Doon ka na ba titira?" Reklamo ko. Ako kasi ay tanging summer hat and sunblock ang binili ko. Mamaya ay titingin kami sa shades at baka bumili rin ako.
"Alam mo, ikaw, kontrabida ka sa buhay ko." Reklamo ni Kuya London. "Kada-bibilihin ko ang dami mong sinasabi, si Mom ka ba?"
"Tapos by the end of the month, iiyak ka na naman kasi ubos na sahod mo." Umirap ako sa ere at naglakad na kami palabas noong stall matapos niyang mabayaran ang mga binili niya.
After kong bumili ng shades (na libre ni Kuya) ay pumunta kami sa gadgets side ng mall. You know what is the thing that I noticed? Kabi-kabila ang mga posyer at banner ng mga pro team mula sa Hunter Online.
"Sponsored ba sila ng mga brands na iyan?" Tanong ko kay Kuya habang nakatingin sa poster ng Black Dragon na may hawak na isang kilalang brand ng cellphone.
"Ah oo, putangina, lakas mag-promote ng cellphone mga naka-Apple naman silang lahat." Reklamo ni Kuya at natawa ako.
Tumingin na si Kuya ng Nerve Gear at ayon, lagas na naman ang kanyang sahod. In the next weeks paniguradong makikita ko na naman 'to na nakaluhod sa harap ni Kuya Brooklyn at nangungutang.
Kapag sahod, akala mo ay instant millionaire 'tong kapatid ko sa dami ng binibili, eh.
That is the reason why it's important to read books about saving money and attend webinars about successful young millionaires. Marami kang matututunan.
Pagkauwi naming dalawa ay naisipan kong mag-online. Dapat ay bandang alas-cuatro pa kami magkikita-kita nila Clyde pero nauna na ako sa pagkakataong ito. Busy din kasi sila Clyde sa kanya-kanya nilang ganap sa buhay.
PAGKA-ONLINE ko ay naglibot lang ako sa Silanya Town at minsan ay nakikipag-interact sa mga new players. Bumili din ako ng bagong set of clothes dahil na rin Level 10 na ako at marami ng available clothes for my level. (nag-level ako after namin matapos ang Ogre Raid and honestly, ang laki ng ibinigay nitong experience for us.)
"Ano ba 'yan, wala pa sila Synix," reklamo ko habang nakatambay ako mag-isa sa harap ng fountain sa plaza ng Silanya Town. Pinagmamasdan ko lang ang mga players na naglalakad sa paligid habang iniinom ko ang masara na Frappe na binili ko sa isang cafe sa may downtown.
Ang balak ko sana ay pumatay ng ilang monsters outside the Town pero gusto ko rin na sabay-sabay kami nila SilverKnight na mag-level up.
"Yow, Shinobi," nabigla ako noobg may lumapit sa akin na grupo ng mga Hunters. Nakilala ko agad sina Laplace at Raindear dahil kasama namin sila sa Ogre Raid noong nakaraan.
"Huy, kumusta kayo?" Tanong ko and I waved my hand sa mga kasama nila.
"Heto nagpapa-levelup. Nasaan sina Klayden?" Raindear asked.
"Wala pa. Mamaya pa sila mag-o-online. Saan ang punta ninyo niyan?" Tanong ko.
"We are planning to kill some Gorgons sa Aguna Cave para sa isang quest" paliwanag niya sa akin. "Baka gusto mong sumama muna? Kulang pa ng isa ang party namin, balita ko ay malaki ang bigayan ng exp sa lugar na iyon."
I awkwardly smiled. "Pass muna ako, hintayin ko sila Klayden na mag-online. May binabalak din kasi kaming gawin na quest." Nahiya naman ako kanila Laplace at Raindear dahil noong nakaraan ay walang arte silang sumama sa amin sa Boss Raid tapos ngayon ay tumatanggi ako sa Party invitation nila. "Sorry."
"No, it's okay. Naiintindihan naman namin na sila 'yong squad mo game." Sabi ni Laplace and smiled. "By the way, ang galing mong mag-command last time. We managed to beat Battle Cry's record."
"Kaso ay hindi rin nagtagal dahil na-beat din tayo agad ng Black Dragon." Natatawa kong paliwanag.
Nagpaalam na sila sa akin dahil magku-quest na sila habang ako ay ini-enjoy ko lang ang view sa Silanya Town. One thing that caught my attention ay ang aso na nakatambay din sa Plaza, it's a black dog na may white sa bandang mata nito. The dog wagging it's tail like it is excited to see players.
Tumayo ako at naglakad patungo sa aso. "Hello," hinimas ko ang malambot na balahibo nito at humiga siya sa sahig para mas maayos kong mahimas ang kanyang balahibo.
"Wait lang, ang dami kong nakikitang aso rito sa Silanya Town pero parang wala pa akong nakikita na pusa." Pagkausap ko sa aking sarili.
Okay, nakapagdesisyon na ako. I will give myself na sariling quest at iyon ay maghanap ng pusa sa Town na ito. Pampatay oras ko na rin habang hinihintay na mag-online sina Klayden.
Tumayo ako at nagsimulang libutin ang buong Town.
DION
"SIR Greg, you need to scout Shinobi. Malaki ang maiaambag niya sa Battle Cry," pagkausap ko kay Sir Greg (ang Head Hunter ng Battle Cry) habang nasa office niya ako.
Ang mga Head Hunter ay ang talent scouts ng mga professional team. Sila ang naghahanap ng mga bagong players na may skill upang isama sa booth camp.
"Dion, hindi nga natin puwedeng gawin 'yan." He explained habang tumitingin ng mga profile ng mga characters sa website ng Hunter Online.
"Bakit hindi?" Tanong ko at naupo sa tapat niya. "Natalo niya ako sa PVP match at nagawa nila ng team niya na matapos ang Ogre Raid ng 17 minutes. She just beat our record. The record that we planned for a couple of days."
"Dion, we only have two slots left para sa Hunter Online team ng Battle Cry. Hindi tayo puwedeng sumugal sa player na walang past records sa mga nakaraang Tournament. Ni-wala nga siya sa list ng mga recruiting services. I have an eye to Genocider, he is a player from a strong team last season."
Napaismid ako at napatingin sa labas. "Itong Peninsula Server, this server showed us na maraming hidden gems na wala sa mga recruiting services. May mga players na magagaling na hindi pa nadidiskubre ng mga Head Hunter ng bawat team."
Hindi ko rin alam kung bakit nakaasa lang ang Battle Cry sa mga recruiting services. Ang recruiting services ay may mga list ng players na ibibigay sa mga Head Hunter at doon pipili ang Head Hunter ng player na isasali nila sa team. Lahat ng players na nakalista roon ay may mga records na sa mga previous tournaments (maliit man o malaking tournament) at may malawak na fanbase dahil sa pag-i-stream nito.
"Hindi tayo puwedeng sumugal sa isang player na walang past records o achievement sa Hunter Online, Dion. I know that you are one of our strongest player pero hindi iyon magiging daan para magpasok ka ng player sa team," Mahinahon ngunit klarong paliwanag ni Sir Greg.
"Kapag natalo tayo dito sa Summer Cup... May mga sponsor na tayong magba-backout. Remember, last season ay nalaglag tayo sa qualifiers." I clearly remembered how we lost that time. Hindi man lang kami nakasama sa top 10 na team na maglalaban-laban para maging champion. "As the Head Hunter, sana maintindihan mo ang sitwasyon natin ngayon, Dion, we can't gamble sa isang baguhan na player."
Humigpit ang hawak ko sa baso at naglakad palabas. Gusto kong manalo this season.
Pagkalabas ko ng office ay nakaabang sa akin si Oliver.
"Anong sinabi mo kay Sir Greg?" He asked and followed me paakyat sa kuwarto. "Napapayag mo ba siyang i-recruit si Shinobi?"
"Hindi." I answered at umupo sa ibabang kama ng bunk bed. Marami kaming players ng Battle Cry ang nakatira sa booth camp.
Ang Booth Camp namin ay isang malaking bahay (Four floors) sa loob ng isang kilalang subidivision sa Metro Manila. Sa tuwing may tournament na papalapit ay mandatory na dito kami tumira ng ilang linggo para magsanay at mas maging pulido ang team work namin. Ngayon ay labing-walong players ng Baytle Cry ang nandito at may dalawang slot pa para sa mare-recruit ni Sir Greg.
"Kung natalo ka niya, hindi maipagkakaila na magaling na player ang Shinobi na iyon. Pero nabalitaan ko na puro lalaki ang kasama niya noong pumasok sila sa Boss Dungeon, baka nabuhat lang." Oliver explained.
"Baka naman second account lang siya ng isa sa mga member ng isang squad." Sabi ni Gavin. "Usong-uso pa naman 'yong ganoon para hindi masira ang record ng main account nila."
"Baka pilot account lang?" Teorya ni Oliver. Ang pilot na tinatawag ay isang method na kung saan ipapahiram ng isang player ang kanilang account sa mas magaling na player upang pataasin ang level nito. Kapalit nito ay babayaran nila ang player na iyon depende sa amount na napag-usapan nila.
Maraming gumagawa ng ganoong bagay sa mundo ng Esports.
"Pilot man o second account. Undeniably, masasabi kong isa siya sa magagaling na independent player na nakilala ko." Paliwanag ko sa kanila.
It will be a waste for us kapag nakuha siya ng mas malalakas na team. As of now, kami pa lang na team ang nakakapansin sa skill niya (ako lang pala). Pero once na i-scout siya ng ibang team... Mas mahihirapan kaming makuha siya.
Battle Cry is considered as of now as a mediocre team pagdating sa mga Tournament. Meaning, hindi nila kami nakikita bilang isang malaking threat. Last season ay hindi kami qualified for the championship at natapakan ang pride ko that time. Oo, magagaling kaming players... Pero kailangan namin ng isang tao na may kakaibang talent sa gaming— at nakikita ko iyon kay Shinobi.
"Mga p 're," biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at dumungaw si Edward. Nakuha niya ang atensiyon naming tatlo. "Tingnan ninyo 'tong naka-post sa website ng Hunter Online."
Sumunod kaming tatlo nila Oliver at bumaba sa second floor. Nasa second floor kasi ang mga gaming PC na ginagamit namin for livestream. Pagkababa namin ay nagkukumpulan na ang mga players ng Battle Cry sa iisang PC na parang may binabasa sila sa website.
"Anong mayroon, mga bobo?" Sigaw ni Oliver.
"Basahin ninyo 'to." sabi ni Axel (ang team captain namin) at pumunta ako sa harap ng kanyang gaming PC. Nakalagay ito sa website ng Hunter Online at sa gitna nito ay nakalagay ang isang announcement (na ina-announce din panigurado sa mismong game).
[ANNOUNCEMENT] Player 'Shinobi' successfully finished one of the hidden quest in Silanya Town
Again?
Napatingin sa akin sina Oliver. "Told you, she's not an ordinary player."
"Kilala mo?" Tanong ni Axel.
"Siya ang nakatalo sa akin sa PVP match." Paliwanag ko sa kanya.
Pagkatapos muling gumawa ng ingay ang pangalan ni Shinobi... Paniguradong maraming Pro team ngayon na nasa kanya ang atensiyon. It will be hard for us para makuha siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top