Kabanata XXI: Versace on the floor
Kabanata XXI: Versace on the floor
--
Azerine's PoV
Last subject na at oras na ng Filipino, lumabas si sir Quinis tapos ang daming pinapasulat ngayon, tahimik lang akong nagsusulat nang may tumabi sa'kin na pamilyar ang amoy. Wala sa tabi ko si Huadelein, umupo siya sa may bandang gitna para raw mabilis siyang matapos.
"Pwapwa Emo, ang galing galing mo kanina sumayaw," ani nitong pagkalandi-landi.
Taena talaga ni Argo, di ko nga makalimutan 'yong sinabi niya kanina habang sumasayaw kami, taena, ipagsigawan ba naman na ang ganda ganda ko raw! Di na lang sinabi na ang gwapo gwapo ko eh.
"Taena. Argo, kung nandito ka lang para asarin ako huwag ngayon nagmamadali ako magsulat," sabi ko, habang nakatuon ang paningin ko sa notebook at nagsusulat.
Pero nagulat ako nang kumandong ito sa'kin, taena talaga ng baklang 'to!
"Pwapwa Emo... Hmm ang pogi pogi mo talaga, ang bangu-bango mo pa!" Nakayakap siya sa'kin at inamoy ang bandang leeg ko. Putcha talaga, kung di lang talaga ko nagmamadali magsulat ilalaglag ko talaga 'to eh!
Sa halip na gawin ang nasa isip ko sa kanya, nagtanong na lang ako.
"Argo'ng bakla, nakita raw kayo ni Huadelein na may kasamang mga babae ah?"
"Pfft! Oo, gag* haha mukhang nagtatampo nga ang Bai mo kay Dos eh, sinubukan daw kausapin ni Dos si Huadelein kanina kaso ayaw raw," sagot niya habang hinihipo ng mga daliri niya ang leeg ko, putcha! Nakikiliti ako.
"May kasama ka rin babae kanina, nakakandong pa raw sayo ah."
Taena! Di niya ba titigilan ginagawa niya sa leeg ko?
"Haha, syempre sayang 'yon Emo, babae 'yon eh tsaka mahirap tumanggi sa biyaya." Chikboy! Ang putcha!
"Isa ka pang garapal sa babae eh!"
"Ikaw, Emo? Di ka ba nambababae? Eh di ba lapitin ka?" Tanong nito sa'kin.
Teka! Parang nasarapan na sa pagkandong sa'kin si Argo ah! Di niya ba alam na ang tangkad niya at ang bigat niya pa!
"Hindi na 'ko lapitin ng babae ngayon Argo-- lapitin na 'ko ng mga bakla ngayon hayup!" Sagot ko.
"Pfft! Ganoon hahahaha,"
"Oo! At isa ka na do'n!" Sabi ko.
Naramdaman kong inilapit niya ang labi niya sa tainga ko, atsaka bumulong, dahilan para bahagyang manayo ang balahibo ko sa katawan.
"Salamat pwapwa Emo, alabyu..." Bulong niya sabay halik sa tainga ko, nagulat ako sa ginawa niya kaya--
"Tang*n--" pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ng palad niya.
"Hahahaha taena Emo huwag kang maingay," sabi nitong tumatawa. Taena talaga ng baklang 'to, hindi naman nagtagal tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko.
"Taena! Argo! Lumayas-layas ka na nga!" Bulyaw ko sa kanya.
"Ayoko nga! Emo time ngayon 'no!" Saad niya, at niyakap pa 'ko sabay mudmod ng mukha niya sa leeg ko!
"Taena talaga! Naniniwala na talaga kong lapitin ako ng bakla hayup!"
Narinig kong tumawa pa 'to at naramdaman kong hinalikan niya ang leeg ko.
"Taena, Argooooo!" Sabi ko, dahilan para mapatalon ito sabay kuha sa notebook niya at karipas ng takbo palayo sa'kin.
At may mapahabol pa ang bakla!
"Alabyu to Pwapwa Emo!" Wika nito sabay tawa.
Taena talaga! Walang mapagtripan 'tong baklang 'to nakadalawa siya sa'kin ngayon ah!
Huadelein's PoV
Narinig ko ang boses ni Azerine malamang ay naghaharutan na naman sila ni Argo, nagsusulat ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Hindi ko ito nilingon dahil hindi naman siya kalingon-lingon ngunit nagsalita ito.
"Babae, nagtatampo ka ba sa'kin?" Tanong nito, ngunit hindi ko ito inimik.
"--Huadelein sorry, hindi ko 'yon sinasadya tsaka 'yong babae 'yong kumandong sa'kin, nilalayo ko naman talaga sarili ko sa kanya kanina pero-- ang kulit niya ayaw akong tantanan," kanyang salaysay.
"Ayaw ka niyang tigilan kaya nakita kong nakakandong siya sayo kanina?" Tanong ko habang nakatuon ang paningin sa aking sinusulat.
"Oo-- hindi! Ganito kasi 'yan Huadelein hindi ko ugali na manakit at mamahiya ng babae kaya ang gusto ko, siya ang kusang umalis sa kandungan ko, ang sama ko naman kasi di ba kung ilalaglag ko siya," paliwanag niya.
Sana nga nilaglag mo na lang, natuwa pa 'ko. Ano ba itong pumapasok sa isip ko?
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging maginoo ka sa isang babae, gunggong," tugon ko.
"Pasensya na. Huadelein, hindi ko naman talaga gusto ang babaeng 'yon," Saad niya.
Nais kong maniwala sa kanyang sinasabi ngunit para saan ba at nag-uusap kami ng ganito? Gayong hindi naman niya ako katipan.
"Hindi mo kailangan magpaliwanag, Dos."
"Maniwala ka sa'kin Huadelein hindi ko siya gusto--" Hindi naituloy ni Dos ang kanyang sinasabi, dahil may nagsalita na para sa kanya at umupo pa ito sa tabi ko napagigitnaan nila akong dalawa.
"--Hindi niya ko gusto Huadelein-- dahil gustong-gusto niya ako." Tuloy ng babae sa sinasabi ni Dos at para bang tuwang-tuwa ito sa kanyang sinasabi.
"Ireah! Tigilan mo nga 'yang sinasabi mo," mariing wika ni Dos sa babae.
Tila ba nagpanting ang aking mga tainga sa narinig ko.
"--at Alam mo ang sarap sarap humalik ni Dos... 'Yong tipong hahanap-hanapin mo," salaysay nito.
Sa mga oras na 'to nais kong ihampas ang aking kuwaderno sa dalawang ito, hindi ko batid ngunit tila ba umaakyat ang dugo ko sa ulo.
"Ireah! Itigil mo 'yang kasinungalingan mo, Huadelein huwag kang maniniwala sa sinasabi niya nagsisinungaling siya," ani ni Dos.
"Ang sarap nga'ng maging boyfriend si Dos eh, alam mo 'yon? Bukod sa magaling siya humalik magaling rin siya---"
Hinampas ko ang aking kuwaderno sa mesa dahilan upang matigilan si Ireah. Tumayo ako at dumiretso kay Ginoong Quinis upang ipa-wasto ang aking natapos ng sinulat.
"Huadelein!" Tawag nito sa aking ngalan, ngunit muli ay hindi ko siya nilingon.
"Huadelein, pakinggan mo ako." At hinawakan niya ang aking braso.
Talagang hinabol pa ako nito kahit na nasa harap ako ni Ginoong Quinis.
"Ano na naman 'yan Ginoong Zeryozo? At Binibining Delzado? LQ kayo?" Tanong ni Ginoong Quinis.
A-ano raw LQ? Ano ang ibigsabihin no'n?
"Opo, sir, ayaw ako pansinin," sagot niya, kay Ginoong Quinis.
"Baka naman kasi nambababae ka huh Ginoong Zeryozo?" Tanong sa kanya ni Ginoong Quinis.
Habang iwinawasto ang aking sinulat sa kuwaderno.
"Hindi. Sir, hindi ko naman kasi talaga kasalanan ayaw niyang maniwala sa'kin," tugon ng gunggong.
Gusto ko siyang batukan at sabihing "tigil-tigilan mo ko gunggong!" Ngunit nanatiling tikom ang aking bibig.
"Binibining Delzado, nagsasabi naman siguro ng totoo si Ginoong Zeryoso, bakit hindi mo siya pakinggan?" Mungkahi ni Ginoong Quinis.
"Siguro lang Ginoo, ngunit hindi tiyak na siya'y nagsasabi ng katotohanan." Kinuha ko ang aking kuwaderno na iniaabot ni Ginoo, at umalis na ako sa harap nito.
Nagtungo agad ako sa aking upuan at kinuha ang backpack ko at lumabas na ng silid-aralan, narinig ko pang tinawag niya ako ngunit hindi ko na siya nilingon pa.
Zero's PoV
Araw ng sabado at umuwi ako ng bahay para kumustahin sila Mama at Dos, nasa kusina ako at kumakain ng gawa na leche flan ni Mama.
"Anak Zero, wala ka pa bang ipapakilala sa'kin na babae?" Tanong nito, habang naghihiwa ng manok.
Nabigla ako sa naitanong ni mama, palagi naman niya akong tinatanong kung may girlfriend na 'ko, o may ipakikilala na 'kong babae pero nabibigla pa rin ako dahil wala naman akong maipakilala sa kanya.
"Ma, kung girlfriend ang tinutukoy mo wala ako no'n Ma, kaya wala akong maipapakilala sa inyo." Sabay subo ng kutsara na may leche flan.
"Anak naman, kailan ka ba magkakajowa? Excited na kaya ako magka-apo!"
Halos mabilaukan ako sa narinig ko kay mama, girlfriend nga wala ako! Apo pa gusto niya! Mama talaga!
"Ano ba 'yan anak? Oh! Ito tubig, dahan-dahan kasi para ka naman kasi hinahabol ng kabayo niyan eh!" Aniya, habang iniaabot ang isang basong tubig sa akin, kinuha ko naman ito agad atsaka ininom.
"Ma, wala nga kong girlfriend kaya paano ka magkaka-apo?"
"Kaya nga bilis-bilisan mo manligaw anak," Sabi pa nito.
Uminom ako ulit ng tubig, atsaka nagsalita.
"Paano ko naman liligawan ang isang Binukot? Tatay pa lang no'n nakakatakot na--" bulong ko.
"Ano anak?" Tanong ni mama.
"Ang sabi ko Ma, uunahin ko munang ligawan ang tatay ng liligawan ko medyo istrikto kasi."
"Tama 'yan, anak! Verygood ka diyan, sabihin mo lang kay mama kung nililigawan mo na at padadalhan ko ng leche flan ang nililigawan mo pati ang tatay niya," sagot ni mama na ngiting-ngiti.
Napaka supportive talaga ni Mama.
"Mahal na mahal mo talaga ko Ma," ani ko, pagkaubos ko ng leche flan at lagay sa sink ng platitong ginamit ko.
"Aba'y syempre! Mama mo yata 'tong maganda!" Wika nito at nagpose pa.
"Hahahahaha sige Ma, akyat muna ko kay Dos," paalam ko.
Nakakatuwa talaga si mama, kaya mahal na mahal ko 'yan eh.
Umakyat na 'ko ng hagdan at dumiretso sa kwarto ni Dos, pinihit ko ang doorknob at bukas naman ito kaya pumasok na ko.
"Anong ginagawa mo rito kuya Zero?" Tanong nito sa'kin habang nakatutok sa cellphone niya.
Sino na naman kaya ang kinukulit nito?
"Sino na naman 'yang kinukulit mo huh?" Tanong ko sa kanya.
Sabay upo ko sa tabi niya at sabay silip sa cp na hawak niya, nakita ko ang pangalan ng tinatawagan niya ay --Huadelein.
Anong ibigsabihin nito?
"Woi! Dos! Bakit tinatawagan mo ang anak ni Rajah Bagani?" Tanong ko.
Pinagtaasan lang ako nito ng kilay atsaka ito nagsalita.
"Pinagsasabi mo kuya Zero?"
"Hindi mo ba alam na anak ng Rajah 'yang tinatawagan mo? Pinagt-tripan mo ba ang Bai?" Tanong ko.
Umayos ito ng upo at humarap sa'kin habang hawak ang cellphone nito.
"Kuya, alam kong anak siya ng Rajah at wala akong pakialam basta akin si Huadelein!"
Hindi niya alam kung ano ang sinasabi niya, at hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya, loko talaga.
"Alam mo naman palang anak siya ng Rajah, bakit hindi mo pa tigilan? At saan mo nakuha ang number niya huh?" Tanong ko.
Nakakapagtaka lang dahil meron siyang contact kay Huadelein.
"Kuya, classmate ko si Huadelein sa Filipino subject--" sagot nito
Tang*na! Nag-aaral pala sila sa iisang eskwelahan? Kaya pala no'ng huli kong makita sila ni Huadelein, parang kilalang-kilala niya ang Bai, pero tang*na naman! Ano bang pumasok sa isip nitong si Dos at pati anak ng Rajah gusto pang patusin!
"--at gusto ko si Huadelein," dagdag niya.
"Tang*na Dos! Gusto mo bang mapugutan ng ulo?" Tanong ko at baling sa kanya ng tingin.
"Eh, bakit ikaw kuya? Di ba noon may girlfriend ka rin na Binukot? Di ka naman napugutan ng ulo ah," sagot nito.
Namimilosopo pa talaga ang loko.
"Ibang usapan naman 'yong sa amin ng ate ni Huadelein--" ay putcha! Nadulas pa kong sabihin bwiset!
"Ano kuya? Ate ni Huadelein? 'Yong dating kinukwento mo?" Tanong nito, na nakatitig sa'kin at para bang naghihintay ito ng sagot ko.
"A-ah... Oo, pero ibang usapan pa rin 'yong sa'min ni Helena," sagot ko.
"Pero Binukot pa rin siya," sagot naman niya.
At tutok na naman ng paningin nito sa cellphone na hawak niya.
"Woi! Ikaw! Ibigsabihin, si Huadelein 'yong babaeng tinutukoy mo na gusto mo noong nakaraang tumawag ako? At hinaras mo!?" Tanong ko.
"Oo, kuya--" sagot nito.
Tang*na! Napakaliit naman ng mundo!
"Tang*na! Nahalikan mo na?" Tanong ko.
Biglang namula ang mukha ni Dos atsaka sumagot.
"Oo kuya, ilang beses na nga eh," sagot niya.
Napahawak ako sa buhok ko, sabay napahilamos ako sa mukha ko.
"Tang*na Dos! Binukot 'yon! Binukot!"
"Eh! Ikaw rin naman kuya, may Binukot ka rin naman ah!" Sagot niya.
"Ibang usapan 'yong sa amin, Dos! kami nasa wastong gulang na kami no'n, eh! Ikaw?"
"Nasa wastong gulang rin naman ako ngayon kuya ah!" Sagot pa niya.
"Dos, si Huadelein hindi siya basta bastang babae lang na nakikita mo sa school na pwede mong i-date, si Huadelein mas mataas pa siya sa mga 'yon, kaya igalang mo siya," paliwanag ko.
"Alam ko naman 'yon kuya," sagot nito na nakatingin sa'kin sabay baling uli sa cellphone niya.
"Alam daw pero hinaras at hinalikan!"
Humagalpak naman ito ng tawa, loko talaga!
"Hahahaha! Tang*na sorry na kuya pero gusto ko talaga si Huadelein eh," sagot nito.
Mukhang may karamay na kong mapugutan ng ulo.
Bai Hera's PoV
Nasa tanggapan kami ngayon ng aking ama, kasama ang Dayang na si Lilibeth Hillari katabi niya ang aking ama habang hinihintay ang sandig na pinatawag ng aking amang Rajah.
"May balita ka na ba sa iyong anak na Binukot?" Tanong ni Lilibeth Hillari.
Tila nakalimutan niya muli magsalita ng wikang banyaga.
"Wala pa Mahal ko, ngunit pinaghahanap na siya ng mga mandirigma na aking inatasan," tugon ng aking amang Rajah.
Na ang totoo ay isa lamang itong kasinungalingan upang lansihin ang Dayang.
"Sana ay mahanap na siya agad, dahil nais ng aking pamangkin na maikasal sila sa lalong madaling panahon," wika ni Lilibeth.
"Ano ang iyong tinuran?" Tanong ng aking Ama.
Hindi ko naibigan ang kanyang sinabi, sapagkat nasa batas ng aming puod na magpapakasal lamang ang isang babae kung ito ay nasa wastong gulang na.
"Mawalang galang, ngunit ang aking kapatid ay wala pa sa wastong gulang upang makipag-isang dibdib," aking pasintabi.
Naguguhit ko sa kanyang mukha na siya'y nainis sa aking tinuran.
"Tama ang tinuran ng aking anak. Lilibeth, ang aking anak na si Huadelein ay wala pa sa wastong gulang upang magpakasal, maaari nating hintayin na dumating siya sa gulang na labing-walo bago sila magpakasal," wika ni Ama.
"Masama na ang loob ng aking pamangkin, dahil sa pagtakas ng iyong anak sa kasunduang kasiyahan kung kaya't huwag na natin itong dagdagan pa, mahal ko," wika nito sa aking Ama.
Ngunit agad ay nagsalita ako.
"Paumanhin, ngunit kailangan munang mahanap ang aking kapatid na Bai bago kayo magpasya, sapagkat hindi maaaring hilahin niyo na lamang ang aking kapatid sa harap ng inyong altar na labag sa kanyang kalooban."
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata sa akin ni Lilibeth Hillari. Tila lumalabas ang kanyang sungay!
"Tama ang aking anak," sang-ayon ni Baba sa aking sinabi.
"Huwag muna tayo magpasya muna Mahal ko, hintayin nating makausap ang aking pamangkin," wika ni Lilibeth.
"Mainam," tugon ni Baba.
Pumasok sa pinto ang sandig ni Baba at agad ay yumukod ito.
"Pinatawag niyo raw ako Kapunuan," wika ng sandig.
"Paratawag, ipagbigay alam mo sa lahat na mamimigay tayo ng teleponong selular, ika-tatlo ng hapon mamaya," utos ni Ama.
"Masusunod, Kapunuan," tugon ni Paratawag.
"Humayo na kayo at magsama ka ng ilang mandirigma," utos ni Baba.
"Masusunod, Kapunuan." Tugon ni Paratawag at umalis na ito.
Nang makaalis na ito, ay siya kong paalam sa aking amang Rajah.
"Baba, paumanhin ngunit mauuna na ako" aking paalam.
"Sige, aking bunsong Hera," atsaka na ako lumabas ng silid tanggapan ng aking Ama.
Ngunit nagulat na lamang ako nang may mariing humila sa aking braso.
"Ikaw bata ka! Napaka daldal mo!" galit na wika nito sa akin, at idiniin pa nito ang pagkakahawak niya sa aking braso.
"At ikaw naman ay masama!"
"Sa oras na maikasal ako sa iyong ama ikaw ang una kong parurusahan!" Pagbabanta nito sa akin.
Nasasaktan ako sa kanyang madiing pagkakahawak niya sa aking braso.
"At hindi ko ito pahihintulutan! Maikasal ka man sa aking Baba ngunit magiging isa ka lamang sandil ng aking Baba!" Aking tugon.
"Ikakasal kami, at ako ang magiging una niyang asawa dahil patay na ang iyong ina!" Wika nito na hindi ko naibigan.
"Lapastangan! Huwag mong mabanggit ang aking ina!"
"Tumahimik ka!--"
"Bakit hawak mo ang braso ng aking kapatid?" Biglang tanong ng isang Bai, dahilan upang mabaling ang aming atensyon sa kanya.
"Helena, ikaw pala... Inaayos ko lang ang kanyang kasuotan, hindi ba Hera?" Tanong nito sa akin, habang kunwari ay inaayos niya ang aking kasuotan.
"Totoo ba iyon Hera?" Tanong ni Bai Helena.
"Oo, Umbo Helena," aking tugon.
"Tila iba ang iyong kasuotan ngayon Helena?" Tanong nito kay Umbo.
Oo nga, at nakabihis Binukot ito.
"Ano ang iba? Ito ang kasuotan ng isang Bai," tugon ni Bai Helena.
"Nagsawa ka na ba sa kasuotan na mga taga labas? O kung nais mo ay reregaluhan kita ng mga bagong damit," wika nito sa aking kapatid.
"Maraming salamat na lamang Dayang, ngunit ako ay masaya na sa aking kasuotan, at wala na rin akong dapat pang isipin sa susuotin sapagkat wala naman akong katipan na taga labas," tugon nito.
Ano ang nais ipahiwatig ng aking nakatatandang kapatid? Hindi kaya ay sila ng kanyang katipan na labanos ay hiwalay na?
"Hiwalay na kayo ni Prince?" Gulat na tanong nito sa aking Bai na kapatid.
"Siya na lamang ang inyong tanungin Dayang, Hera halina, at marami pa tayong gagawin," aya nito sa akin at sumunod ako sa kanya.
Nagtungo kami sa kanyang silid.
"Ano't nagpunta tayo rito sa iyong silid Umbo?" Aking usisang tanong.
"Mag-iingat ka sa babaeng iyon Hera, masama sila maging ang kanyang pamangkin na si Prince, at ang lalaking nakatakdang maka-isang dibdib ni Huada," paliwanag nito.
Mukhang nauntog na ang aking kapatid sa katotohanan.
"Ikaw ang nais kong paalalahanan dahil baka mauto kang muli ni Prince,"
Ngunit lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Hindi na iyan mangyayari pa Hera, dahil batid ko na ang kanyang tunay na kulay, kaya't nais kong mag-ingat ka habang wala pa si Huada hanggat hindi pa ito umuuwi ng tuluyan ng ating balay," kanyang salaysay.
"Oo, Umbo."
"Kumilos ka lamang ng naaayon, at huwag magpahalatang may alam ka sa nangyayari." Bulong nito sa akin.
"Oo, maging ikaw man ay mag-ingat minsan pa naman ay ta-tanga-tanga ka," aking tugon.
"Manang-mana ka talaga kay Huada, basta ha mag-ingat ka lagi," sambit nito at yakap sa akin at niyakap ko rin siya pabalik.
"Oo, Umbo."
Ginoong Isagani's PoV
Kararating ko pa lamang ng puod, nang makita kong nakalinya ang mga Babae at mga bata, tila nagsisimula na si Ama mamigay ng telepono, mahal na mahal niya talaga ang mga taga puod.
Nakasunod sa akin ang aking mga sandig na sina Dado, Wano, at Kabang.
Sinalubong naman ako ng isa sa mga sandig ng aking amang Rajah.
"Ginoo, nariyan na pala kayo hali kayo at sasamahan ko kayo sa iyong Amang Rajah," giya niya sa akin.
"Salamat, Aguila."
Nagtungo kami sa Liwasan ng puod kung saan madalas ay nagdaraos ng kasiyahan.
Nakita ko ang aking Ama at kanyang mga sandig na namimigay na ng telepono at maraming nakabantay na mandirigma sa paligid.
"Anak, Isagani halika at tulungan mo akong ipamigay itong mga telepono sa mga ilaw ng tahanan at sa mga bata," paanyaya nito sa akin, na siya ko namang buong pusong pinaunlakan.
"Ikinagagalak kong tumulong, Ama" aking tugon at kumuha sa kahon ng mga telepono na bago, at pinamigay sa mga tao.
"Salamat Ginoo," pagpapasalamat ng isang bata.
"Walang anuman."
Habang namimigay kami ay nagtanong ang aking Baba.
"Isagani, nakahanap ka na ba ng iyong mapapangasawa?"
Ilang beses na niya akong tinanong patungkol sa bagay na ito, ngunit ano ba ang aking madalas na tugon.
"Ama, paumanhin ngunit wala pa akong nahahanap na Binukot upang aking maka-isang dibdib," tugon ko.
Wala pa ito sa aking isipan, kahit ngayon ay ako'y dalawangpu't anim na taong gulang na.
"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na kailangan mong humanap ng isang Bai na makaka-isang dibdib mo?" Tanong nito sa akin.
"Oo. Ama, ngunit wala pa kong mahanap sa ngayon,"
"Isagani, hindi na ako bumabata pa kaya't sa susunod na mga buwan ay dapat ay may maiharap ka na sa akin, na Binukot na iyong pakakasalan."
Hindi ba't napaka kulit ng aking Baba?
"Oo, Baba-- na siyang dapat maganap" tugon ko, habang patuloy sa pamimigay ng telepono.
"Ginoo, kasali ba kami riyan?" Tanong ni Wano.
Mapagbiro talaga ang isang ito.
"Ilaw ka ba ng tahanan Wano? --Wano, para lamang ito sa mga ilaw ng tahanan at sa mga bata," aking natatawang tugon.
"Sabi ko sayo hindi na tayo kasali riyan, kita mong binigyan na tayo noong nakaraang linggo ng Ginoo ng telepono." Batok ni Kabang kay Wano.
"Puro kayo kalokohan, tulungan na lamang natin ang Ginoo," wika ni Dado.
"Tila kanina lamang Dado, ay naghahangad ka niyan upang ibigay sa iyong katipan," dagdag pa ni Wano.
Natatawa na lamang akong pinagmasdan sila.
Azerine's PoV
Ala siyete na ng gabi at hinihintay ko lang mag 8:00 nang makaalis na 'ko ng bahay at pumunta ng bar, dahil magb-bar kami ngayon nila boss kasama sina Georgia pero taena! Naalala ko si Calla. Tanggap kong wala na siya pero nakakalungkot pa rin, minahal ko kasi si Calla kahit na nililigawan ko pa lang siya.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may tumawag at sinagot ko naman ito agad.
Argo'ng Bakla calling...
"Hello, Argo'ng bakla ba't napatawag ka?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Pwapwa Emo, Amisya na!" Malanding saad nito.
Sakit sa tainga!
"Kung wala kang matinong sasabihin Argo ibababa ko na 'to!" Sabi ko.
"Ui! Teka naman Emo, may itatanong kasi ako kaya ko napatawag," sabi nito.
"Ano nga? Itanong mo na!" Sabi ko.
"Pero bago ako magtanong Emo, SOC muna tayo," wika nito.
"Anong SOC pinagsasabi mo? Sumasakit ulo ko sa mga acronym na 'yan eh!" Bulyaw ko sa kanya.
"Pfft! Hahahaha taena, Emo di mo alam 'yon?"
Sa pagkaka-alala ko Sex On Call 'yon, kaso baka mamaya iba iniisip ko, baka mamaya isipin nito napaka libog ko putcha!
"Sa pagkakaalam ko Sex On Call 'yon eh," sagot ko.
"Alam mo naman pala eh! Tara na Emo! Umpisahan na natin!" Sabi nito.
Taena talaga ng baklang 'to.
"Siraulo! Ibababa ko na 'to di ka pa magtatanong?"
"Tang*na, Emo! Binaba mo na agad? Di mo man lang hinintay na hubaran kita," saad pa nito.
Apaka abno talaga hayup!
"Apaka siraulo mo Argo! Bilisan mo na may lakad pa ko!" Ani ko rito.
"May lakad ka? Aayain sana kita sumama sa'min mag bar," wika nito.
"Magb-bar din kami nila boss," sagot ko.
"Saan kayo?" Tanong niya.
"Basta 'yong kulay blue,"
"Doon din kami Emo, 'yong bago mag school?" Tanong pa nito.
"Oo 'yon nga!" Sagot ko.
"Ah! Sige sige, kasama si Huadelein di ba?" Tanong niya pa ulit.
"Oo, nga! Kulit mo."
"Sige pwapwa Emo, kita tayo doon," ani nito.
"Sige, b-bye!"
Sabay baba ko sa tawag at umalis na ng bahay, dahil medyo malayo ang bahay ko sa bar na pupuntahan namin.
--
Sumasayaw na sina Whisky sa dance floor kasama 'yong dalawa sina Jace at Tres, samantalang ako, si Huadelein at 'yong dalawa pang tomboy pati si Georgia ay narito lang kami sa table.
Narinig kong sumipol si Winston nang may dumaang sexy na babae.
"Sexy!" Sabi ni Winston.
"Pasensya na, pero tatayo na muna ko--" wika ni Hope.
"Woi! Saan ka pupunta?" Tanong ko dahil tumayo na ito at...
Napansin kong palapit na siya doon sa babaeng sinipulan ni Winston kanina.
"Taenang Hope 'to! Tibay ng mukha!" Sabi ni Winston.
"Tinalo ka ni Hope, Pogi," wika ni Georgia.
"Hintayin mo Georgia kung ano gagawin ko," sagot ni Winston.
Lumagok ito sa baso niya atsaka tumayo, at nilapitan 'yong dalawang nag-uusap sa bar counter si Hope at 'yong sexy na babae.
"Hayup na mga tomboy 'to! Nag-agawan pa sa iisang babae," wika ko at inom ko sa baso kong may laman na alak.
"Ikaw Georgia? Di ka ba sasayaw?" Tanong ko, dahil parang wala siyang balak pumunta ng dancefloor.
"Mayamaya pag may nakita akong cute guy," wika nito.
Napansin ko naman na tahimik si Huadelein, ano bang tinitingnan niya sa malayo?
"Boss, ayos ka lang ba?" Tanong ko.
"Azerine..." Tawag nito sa'kin.
"Bakit boss?" Tanong ko.
"Maaari ba na bigyan mo ako ng isang lalaki at hahalikan ko..."
P-putcha! Ano na naman bang nasa isip nito?
Narinig kong napa ubo si Georgia, siguro dahil sa narinig niya ang sinabi ng boss ko!
"Anong sabi mo Ganda? Kahibangan 'yan! Huwag mong gagawin 'yan," sabi ni Georgia.
"Oo nga boss, ano ba 'yang pumapasok sa isip mo?" Tanong ko, sabay tungga sa baso ko.
Nakita kong tumingin siya uli sa tinitingnan niya kanina pa, at tinungga niya ang isang bote ng alak.
Na curious ako kung ano ang tinitingnan niya roon kaya tumayo ako, at tiningnan pero hindi pa man ako nakakalapit ay nakita ko sila Argo. Ang grupo niya na may kasamang mga babae at putcha! Pati 'tong si Argo may kandong na babae!
"Woi! Argo!" Bulyaw ko, dahilan para mapatayo ito at malaglag ang babaeng kandong niya.
"E-Emo, i-ikaw pala!" Sabi nitong nakangiwi.
Anong nangyayari sa baklang 'to? Akala mo nahuli ng jowa niyang nagtataksil siya pfft!
"Di ba sabi mo magkita tayo rito?" Tanong ko.
"May date ka pa lang tomboy hindi naman ako na inform," sabi ng babae kay Argo.
"Hindi niya ako date, woi! Argo, sabihin mo sa date mo masyadong pasmado bibig niya!" Sabi ko.
Sabay layas ko pero naramdaman kong sumunod ang bakla sa'kin.
"T-tomboy, g-galit ka?"
Pinagsasabi ng isang 'to? May sapi ba 'to?
"Bakit ako magagalit?" Tanong ko.
Nagtataka lang ako sa ikinikilos ng baklang 'to.
"K-kasi mas inuna ko 'yong babae kaysa sayo," sagot niya.
"Pfft! Siraulo! Alam mo ba na kayo pala ang tinitingnan ng Bai ko kanina pa? Kaya pala tinungga ni Huadelein ang isang bote ng alak, dahil nakakandong na naman si Ireah kay Dos, at alam mo ba na gusto niyang bigyan ko siya ng isang lalaki na hahalikan niya raw!" Sabi ko, pero sa ibang direksyon siya nakatingin at naka nganga pa ang loko.
At ang tugtog ngayon ay tingin ko Versace on the floor.
"Tang*na! Ganyan ba talaga ka hot ang Bai mo?" Tanong nito.
"Woi! Gag*! Pinagsasabi mo?" Tanong ko.
"Tumingin ka sa stage," Sabi niya at naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko.
At nang tumingin ako sa maliit na stage nakita ko ang babaeng nasa pole.
"H-Huadelein..."
Let's take our time tonight, girl
Above us all the stars are watchin'
There's no place I'd rather be in this world
Your eyes are where I'm lost in
Underneath the chandelier
We're dancin' all alone 🎶
Naramdaman kong mahinang ginigewang na 'ko ni Argo mula sa likuran ko, habang ang kamay nito ay nasa bewang ko, at nakasandal ang pisngi niya sa ulo ko. Para bang isinasayaw ako nito...
There's no reason to hide
What we're feelin inside
Right now...
-------
Itutuloy...
-Papelet📝🍑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top