Kabanata LXVII: ANG PAGKIKITA NI MR. G AT NG BAI











Kabanata LXVII: ANG PAGKIKITA NI MR. G AT NG BAI





---





Third Person's PoV



Nakatanaw ang Bai sa mga talampas sa malayo, na kanyang nakikita mula sa balkonahe ng bahay bakasyunan ng pamilya ni Cleo. Nang tumunog ang kanyang teleponong selular, isang mensahe ang natanggap ng Bai Huada mula sa hindi niya kilalang numero.



Nang buksan niya ang mensahe, ay ito ang nakasulat.



Para sa pinakamagandang babae na bumabasa nito, kumusta? Ako ulit 'to. Alam kong curious ka, na makilala 'ko. Ako, kinakabahan! Hehe! Kung gusto mo ako makilala... Diyan mismo sa kinatatayuan mo ngayon, diyan tayo magkita mamayang 7:00pm.


                                                     Mr. G.



Napalingon ang dalaga sa kanyang kanan, kaliwa at maging sa ibabang dako. Ngunit wala siyang nakita na ibang tao, na kahina-hinala na maaari na maging si Mr. G. Walang tao sa kanyang paligid— kahit sa ibaba na maaari siyang matanaw.




Sino ka Mr. G ?




Ito ang tanong sa kanyang isipan, na mukhang magbibigyan nang kasagutan.










Bai Hera's PoV



Tahimik kaming naghahapunan, nang mapansin kong tila nakatitig sa akin si Lilibeth. Anong suliranin ng babaeng ito? At sa akin nakatingin?



Sa totoo lamang, ay tuwang-tuwa ako sa kanyang pagka-imbyerna sa akin kanina lamang.



Sinalinan ni Milan ng katas ng prutas ang aking inumin nang—



"Milan, huwag mo na lagyan ng katas ng ubas ang baso ni Bai Herabaka sumakit ang kanyang tiyan mamaya sa pag-inom niyan," sabi niya kay Milan.



Anong karapatan ng Dayang na ito? Gusto kong uminom ng katas ng ubas!



"Paumanhin, Dayang. Ngunit paborito ng aking Bai ang katas ng ubas," saad ni Sima, na nasa aking tabi.



"Sino ang nagsabi sa iyo na maaari kang magsalita?"



"P-paumahin, Dayang. Ngunit nagsasabi lamang ng totoo ang aking kaibigan," pasintabi ni Milan.



"Ano naman kung paborito niya iyan? Ang aking utos ang inyong sundin, palitan mo ng tubig ang inumin ni Hera," utos ng Dayang kay Milan.



Mabilis kong pinigilan ang kamay ni Milan, bago pa man nito hawakan ang aking inumin.



"Ayos lamang, Milan. Iinumin ko ang katas na iyan, kayo ang gumawa niyan kaya tiwala ako na hindi sasakit ang aking tiyan. Tuwing hapunan naman ako umiinom ng iba't-ibang katas ng prutas, ni minsan hindi pa naman sumakit ang aking tiyan dahil sa mga iyon." Akin pang pinakatitigan si Lilibeth.



"Tama si Hera. Maging ako man, ay tuwing hapunan umiinom ng katas ng prutas ni minsan ay hindi pa naman sumakit ang aking tiyan," wika pa ni Dayang Liwayway. "Sa katunayan nga ay masustansya ito," aniya pa.



"Bata pa si Hera, kung kaya't hindi pa siya maaaring uminom niyan lalo na at gabi na," wika pa ni Lilibeth.



"Paniniwala iyan nang nasa labas ng puod, ngunit kami na tagarito ay sanay na may mayroong matamis na katas ng prutas na inumin tuwing kumakain," saad pa ni Umbo Helena.



"Kaya Milan, dagdagan mo pa ang aking inumin."



Inis na pinakatitigan ako nito. Sisirain ko ang iyong araw at sisirain ko rin ang iyong gabi Dayang Lilibeth!











Azerine's PoV



"Winston, may napapansin ka ba kay Hope?" tanong ko.



"Wala naman, bakit? Mas ikaw pa nga kapansin-pansin mukhang malakas tama sa'yo no'ng Martin ah!" sabi niya.



Tingnan mo 'tong tomboy na 'to.



"Gag*! Hindi nga kasipansinin mo si Hope, parang ang tahimik walang kausap sa phone, hindi panay dutdot sa cp niya," saad ko.



"Eh! Baka break na sila ng jowa niya, mukhang pinagpalit na naman sa nota!" aniya pa.



"Kawawa naman!"



"Tara! Asarin natin!"



"Tingnan mo 'tong siraulong 'to! Broken na nga si Hope, aasarin pa"



At bigla na nga siya naglaho sa harap ko, loko talaga. Masamahan nga!



"Hooope! Na napagkaitan ng jowa! Come to papa!" Gag* talaga ang isang 'to.











Argo's PoV



Nagluluto kami ngayon ng papaitan ni Bacon sa kusina. Syempre! Hindi pwedeng gwapo lang tayo! Kailangan marunong din tayong magluto, malaking puntos 'yon para sa mga babae.



"Malapit na maluto 'to, konting pakulo na lang, pulutan na 'to!"



"Ayos 'yan! Argo. Marunong ka rin pala magluto," sabi niya, at sabay tinikman ang sabaw nito. "Wow! Ang sarap nito! Halos walang sebo na dumampi sa dila ko!" Papuri pa niya.




"Syempre! Di pwedeng may maiwan na sebo 'no! Kakain ang baby ko eh!"



"Baby? Teka, sinong baby ba? Si Ireah o si Azerine?" Tanong niya.



"Doon tayo sa nakasuot ng jersey ko.



"Ah! Di pala papatalo! Sa'yo ako boy!" sabi niya.




Haha. May supporter na 'ko.













Bai Hera's PoV



Nang matapos kaming maghapunan. Nang ako'y ihahatid ni Sima patungo sa aking silid, ay mayroong kamay na humigit sa aking braso.




"Bitiwan mo 'ko!"



Mabilis na huminto si Sima.



"Anong ginagawa niyo sa aking alaga, Dayang!?" Ani Sima.



"May nakalimutan lamang si Hera," aniya. At binitiwan niya ang aking braso.



Ano bang suliranin ng babaeng ito?



"Ito, Hera. Tsokoalate, paumanhin sa aking inasal sa hapag kanina lamang," aniya, at inilagay sa aking palad ang mga tsokolate. "Pero, sana ay huwag ka nang iinom pa ng mga katas ng prutas lalo kung hapunan. Hindi iyon maganda sa iyong tiyan, baka ito'y sumakit pa," dagdag niya.



"Iyon lamang ba? Ako'y mauuna na," at siya'y akin nang nilampasan.



Kahit anong pang-uuto pa ang kanyang gawin, ay hindi niya ako madadala sa ganoong bagay.












Azerine's PoV




"Broken ka pala talaga, Hope."



"Oo nga, Azerine!"



"Huwag ka magalit, nagiging magkamukha na kayo ni Winston eh!"



"Ang panget naman ng kamukha ko!"



"Tang*n*, Hope! Parang luge ka pa sa hitsura ko ah!"



"Talagang luge! Sugpo ka eh!"



"Unggoy ka naman!"



"Parehas lang kayong sugpo!" Sabi ko.



"Ikaw 'yong tunay na unggoy!" Sabay nilang bulyaw.



"Andito pala kayo, anong chika?" Biglang sulpot nina Whisky at Rica.



"Ito! Broken hearted si Hope, na pinagpalit sa may espada," sagot naman Winston.



"Ay! Taralet's! Walwal na this!" wika ni Rica.



"Oo nga, tara! Itagay na lang natin 'yan Hope!" Ani pa ni Winston.



"Sige! Pero, teka! Nasaan si Georgia? Si boss? Napansin niyo ba?" Tanong ko.



"Si Georgia nag cr lang," sabi ni Whisky.



"Si Ganda nakita ko, parang paakyat sa taas," saad naman ni Rica.




Yaan na nga! Andiyan lang naman si boss, di naman lalayo 'yon.











Third Person's PoV



Eksaktong ikapito ng gabi nang magtungo si Bai Huada, sa balkonahe. Walang kahit na sino ang naroon, bukod sa malamig na hangin na sumalubong sa kanya. Namumutawi sa mga mata ng dalaga ang paghanap sa taong nais niyang makilala, hindi niya mapagsino ito mula noong unang araw na makatanggap siya rito ng isang bulaklak.



Naghintay pa siya ng dalawang minuto, at mayamaya pa ay may narinig siyang naglalakad na tila pares ng takong ng sapatos. Kinakabahan ang dalaga nang siya'y lumingon sa kanyang likuran... Isang pigura na hindi niya inaasahan na makikita niya.




Siya nga kaya si Mr. G?




Ito ang tanong na nabuo sa kanyang isipan.



Nang maaninag niya ito, siya'y nakahinga ng maluwag ngunit ang dibdib ay tila binabagabag pa rin.





"Ikaw pala... Georgia..."




"Ganda..."




Waring may kung ano na nais sabihin si Georgia. Kapwa ang mga mata'y may mga katanungan sa isa't-isa— nangungusap na tila hindi mapagtanto.



"B-bakit ka n-na-r-rito, Georgia?" Tanong ng dalaga na halos mautal sa pagtatanong. Kinakabahan ito sa maaaring itugon ng kanyang itinuturing na kaibigan.




"G-Ganda..."




Humingang malalim ang Bai. At pilit pinipigilan ang emosyon na nagbabadyang kumawala.





"Ganda... Ako si Mr. G."





Hindi mawari ng dalaga kung ano ang kanyang sasabihin, ngunit siguro nga'y sapat na magsabi ang mga luha niyang pilit niyang pinigilan. Marahas niyang hinawi ang luha na dumausdos sa magkabilang pisngi, atsaka bumaling sa kaharap niya.




"Georgia, bakit?"




"G-Ganda kasi"



"Bakit mo nagawa sa'kin 'to? Bakit mo 'ko nagawang lokohin?" Tila basag ang boses niya nang magtanong ito sa kaibigan.



Ang damdamin ng Binibini ay nababalot ng mga katanungan, sakit na kanyang nararamdaman ngayon. Na tila siya'y niloko ng sarili niyang kaibigan.




"Ganda, sorry"




"Georgia, kaibigan kita bakit mo nagawa sa'kin 'to!? Bakit!?"




Pinilit magsalita ni Georgia kahit na takot siya sa nakikita niyang reaksyon ng kaibigan. Kinakabahan ito ngunit kailangan niya sabihin ang totoo.




"Ganda, kasi gusto kitak-kaya nagawa kong magpanggap na si Mr. G. S-sorry, Gandasorry," aniya, sa pagitan ng kanyang paghikbi.



"Georgia, nagtapat ako sa'yo hindi ba? Nagtapat ako sa'yo noon hindi ba!?"



"Oo, Ganda" aniya, habang tuloy-tuloy ang pagluha.




"Nagtapat ako sa'yotinanggap ko ng buong puso ang pagkatalo ko, diyan sa puso mo! At nanatili akong kaibigan mo, nakuntento ako sa pagkakaibigan na kaya mong ibigayngunit bakit ngayon ay nagtatapat ka na gusto mo ako? Bakit? Bakit mo nagawa sa'kin 'to? Ang lokohin ako at magpanggap na si Mr. G?" Tumingin ito ng diretso sa kaibigan na hindi makatingin sa kanya, "para saan, Georgia? Georgia, kaibigan kita..."




"Sorry, Ganda. Sorryhindi pa kasi ako sigurado noon sa nararamdaman ko sa'yo, kaya hindi ko sinabi. At nagpanggap akong si Mr. G para magkaroon ako ng puwang sa'yo," aniya.



"Sana noon pa lang sinabi mo na, upang umasa pa rin ako sa'yo! Para may panghawakan ako na gusto mo rin ako! Kahit hindi ka sigurado! Hindi sana 'ko nahulog sa iba! Hindi sana 'ko nakipagrelasyon sa iba!" Sandaling tumigil ang Bai.



"Hindi ko inibig si Mr. G. , Georgia. Ngunit ninais ko siyang makilala dahil sa mga mumunting sulat niya, at mga bulaklakna iyon pala kayo'y iisa."



Tumalikod ang Binibini kay Georgia. Sandaling humawak sa harang ng balkonahe si Huada, habang mainit na tumutulo ang mga luha nito— mariin itong pumikit pagkuwan ay humingang malalim.




"SorryGanda, hindi ko ginustong"




"Ako ang hihingi ng paumanhin sa'yo, Georgia..." Napamulat si Georgia sa sinambit ng dalaga. Humarap ito sa kanya.




" Sapagkat hindi kita mapagbibigyan sa nais mo, ang taong pumupuno sa aking puso ngayon ay tiyak dadalhin ko ang kanyang ngalan hanggang dulo," wika ng Bai.




Aanyo na sana itong umalis, ngunit pinigilan siya nito gamit ng kamay ni Georgia na nasa kanyang braso na.




"Gandasandali, sandali naman Ganda pagbigyan mo muna 'ko magsalita, mahal kita... Mahal kita eh!" hinawakan ni Huadelein ang kamay nito na nasa kanyang braso.




"Kung kaibigan kita, Georgia... Hahayaan mo ako. Nais kong makapag-isip-isip nang mag-isa. Kaibigan pa rin kita, ngunit hayaan mo muna 'ko at kung talagang gusto mo 'ko at mahal mo ako. Hayaan mo ako sa aking nais."




At ito'y umanyo na. Naiwang lumuluha si Georgia sa balkonahe.














Samantala, sa puod ng Rajah.



Bai Helena's PoV



Nalalapit na ang araw ng aking pakikipag-isang dibdib kay Prince, ngunit wala pa rin akong naiisip na hakbang upang ito'y hindi maganap.



Ako'y sukang-suka na sa pagmumukha ni Prince at ng kanyang tiyahin. Kailangan ko na kumilos.



"Bai Helena, naririto ang ilang mga kasuotan na ipinasusukat sa inyo ni Dayang Lilibeth," sabi ng isang tagasilbi matapos nilang ipasok ang napakaraming kasuotan.



"Ayoko niyan! Alisin niyo iyan sa aking silid!" Mabilis kong pinulot ang mga iyon, at inihagis ang mga ito sa labas ng pinto ng aking silid.



"Sabihin mo sa babaeng iyon, na hinding-hindi ako makikipag-isang dibdib sa nakasusuka niyang pamangkin! Layas!" Aking utos.




"M-masusunod, Bai. Paumanhin" nagmadali ang mga ito na umalis ng aking silid.




"Laya, samahan mo ako!"




"Bai, saan kayo magtutungo?" Tila kinakabahan niyang ani.




"Sa aking amang Rajah!"




Mabilis akong lumakad, patungong Bulwagan ngunit wala roon ang aking ama. Napansin kong may kung ano sa labas kung kaya't ako'y nagtungo roon.



"Bai, ang Dayang!" Aniya. At ito'y aking naaninag sa di kalayuan.



"Madali!" Aking sambit, at ako'y nagtungo sa aking amang Rajah. At akin pang naaninag si Zero sa harapan nito.




"Baba!"



"Ano ang iyong ginagawa rito, Helena?"



"Baba, ako'y may sasabihin"



"Ano iyon? Magwika ka," aniya.




"Baba, hindi ako makikipag-isang dibdib sa pamangkin ng Dayang"



Lumingon sa aking dako ang mga mandirigma ng aking ama, at mga sandig nito gayon din sina Zero.




"Ano itong sinasabi mo, Helena? Huwag mo akong ipahiya"




"Baba! Ako'y may katipan na!"




"Katipan!?"




-------



Itutuloy...











-Sorry po sa napakatagal na update.

-Papel📝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top