HOW? 6
Umm, inaccept ko naman si Ferlina.
Habang nasa pilahan ako ng FX, nagagawa ko pang manstalk sa babae na 'to. Ni hindi ko nga makilala kung naging kaklase ko ba 'to no'ng engineering student pa ko.
Schoolmate ko pala 'to. Pero, sino ba 'to sa ka nila? May mga nanghingi kasi ng FB ko, kasama na ro'n si Dari. Tapos, nasama na ako sa iba't-ibang group chat. Mabuti na lang may mga pangalan ang group chat, lalo na sa Finance 1 na ang pangalan ay Mga Alagad at Asawa ni sir Tonni <3
Eww. Nadamay pa ako sa pagiging asawa ni kuya, ampotek. Bakit ba kasi nandoon 'yon?
Nang makapasok na ako sa room, as usual, maiingay. Hindi pa namin nakukuha 'yon course syllabus dito. Sana naman meron na.
Magbabasa na sana ako nang may tumapat sa desk ko. Alam kong babae dahil sa amoy ng pabango niya na citrus.
"Hi ate, pahingi na lang po ng dos para sa syllabus."
Nakangiti naman siya sa akin nang sabihin niya 'yon. Inabot ko naman ang dalawang piso sa kanya saka naman niya binigay ang tatlong copy ng syllabus saka na umalis.
Napatingin ako sa katabi ko, palagi na lang siya late. At dahil diyan, napatingin na rin ako sa katabi niya. Bakante rin. Sa pagkaka-alala ko, 'yon unggoy ang naka-upo sa upuan na 'yan, e.
Ano ulit pangalan no'n?
"Okay, good morning class."
Tinago ko na agad ang phone ko nang pumasok na si ma'am. Grabe naman kasi ang pagpasok niya, kulang na lang sirain niya 'yon pinto. Buti hindi niya sinara, ang init-init pa naman ngayon.
June naman ang month, pero parang nasa kalagitnaan na ng April dahil sa init. 9 pa lang ng umaga, ah?
Nagsimula na mag-attendance si ma'am, matik na absent ang katabi ko.
"Tangina mo Juanito, pumasok ka pa."
"O, bakit? At least pumasok."
"Tangina mo, pasok na."
Sino ba 'yon?
"Mr. Castro, late ka na naman."
Castro?
"Ma'am, na-traffic lang po."
"Ganyan din ang excuse mo last meeting."
Ay weh? Siya pala si Castro. 'Yon mukhang unggoy na akala ko, si kuya L ang pumasok.
At saka, Juanito? Sa kanya ba talaga 'yon? Pucha, parang may mali sa pangalan niya. Hindi ata nag-match, e.
Nang makaupo na siya, bigla na lang siya lumingon sa akin. At ningitian ako.
Oo, moreno siya. Siguro, kasing-moreno na sila ni Lino. Teka, unggoy din naman 'yon, ah. Ang pinagkaiba nilang dalawa, palangiti si Lino.
Heto, ewan ko sa kanya. Hindi ko naman close 'to.
Ang pangit talaga niya.
Maayos naman ang naging daloy ng klase na 'to. Hindi nga lang ako nakapag-recite dahil magagaling ang mga kaklase ko, lalo na't may mga Accountancy dito na kailangan i-maintain ang grade nila.
Mabuti na lang hindi ako Accountancy.
"Ayos ka lang, March?"
Lumingon ako kay Dari. Maaga kami pinalabas kaya nandito ako sa labas ng room para sa Management class namin.
"Ayos lang naman ako, bakit?"
"Kanina! Kasabay ko maglakad si sir Tonni papasok."
Si kuya Tonni.
"Ay talaga?" tanong ko na lang.
Na sakto naman, nakita ko siya papasok sa loob ng faculty. Agad siya lumingon sa akin at ngumiti bago niya isara ang pinto. Kitang-kita ko dahil nakasalamin ako ngayon.
"Aah! March! Ngumiti si sir sa akin!"
Ano'ng problema no'n sa'kin?
Tinignan ko naman si Dari, nakatingin pa rin siya sa pinto ng faculty. Maya-maya, tumingin sa akin.
"Stalk natin si sir."
"Sino'ng sir?"
"Sir Tonni, sino pa ba?"
Ha?!
"Ano ka ba."
"Sisilip lang tayo, March. Bilang mga miyembro ng alagad at asawa ni sir Tonni, may karapatan tayo na i-stalk siya!"
"Ikaw gumawa ng group chat, 'no?"
Ngumiti naman siya. "Oo."
Jusko. Gano'n ba kagwapo si kuya?
Hinila na lang ako ni Dari at tumakbo papuntang faculty. Transparent naman ang bintana dito kaya kita namin ang mga nangyayari sa loob.
"Nasaan ba siya? Pumasok naman siya, 'di ba?" tanong ni Dari habang sumisilip sa loob.
"Baka kinausap siya ng department chair natin."
Agad naman siya lumingon. "Magre-resign na si sir?"
"Aba malay ko." Baka nga magreresign na 'yon at lumipat sa engineering department. Nandoon ang kapatid niya, wala rito.
Hindi ko pala nasabi 'yon kay Jasmeng.
Nang marinig namin ang tunog ng bell, agad naman naglabasan ang mga tao sa bawat room.
"Tara na, gusto ko na umupo." Kinalabit ko pa si Dari.
"Wait lang, hinihintay ko nga si sir, e."
"Huwag mo na hintayin 'yon. Bukas pa ang klase natin sa kanya."
"Actually, miss Dosal, ako ang magiging professor niyo habang naka-confine si ma'am ngayon sa hospital."
Huh?
"Ano?"
Siraulo, lumingon naman ako. Nasa likod na pala namin siya. Bakit hindi ko narinig 'yon pagbukas ng pinto?
"March, wala pa si sir."
Tumingin naman ako sa stalker na 'to. "Malamang, nandito siya sa likod natin."
Agad naman siya lumingon at dahan-dahan siyang ngumiti. May dimples pala siya.
"S-sir! Hi!"
Tinignan ko si sir, nakangiti siya. "Pasok na. We will start our class in a moment."
At dahil diyan, hinila ko na si Dari papasok ng room. Sinabi ko na rin na si sir Tonni ang magiging prof namin. S'yempre, nagsi-tilian ang mga kaklase kong babae.
Dire-diretsong pumasok si kuya Tonni kaya tumahimik ang lahat. Akala ko, magiging strict siya sa amin. Mabuti na lang mabait siyang prof. Ayaw na rin niya magpa-report, tutal Management 1 naman daw 'to, kaya siya na ang bahala na magturo.
Palagi ko nakakalimutan na i-chat si Jasmeng. Pa'no ba naman kasi, palagi ko nakikita ang mga post niya na nagpa-practice ng sayaw. Hindi ko alam kung saan na 'yon umuuwi. Hindi na rin kami nag-uusap mula na nagsimula ang bakasyoan. Ang huling sabi niya, magsu-summer class lang siya.
Nagpapasalamat talaga ako kay Clara dahil naalala pa niya ako. Hmm. Nakakalungkot.
"Hoy, kain na tayo."
Nawala na lang ang random thoughts ko nang marinig ko si Dari. Hala, vacant ko na ba?
"May 1 hour vacant ka?"
Tumingin ako sa harap, wala na pala si sir. At halos wala na rin pala tao rito.
Hala, lutang na ba ako?
"Ah," tumingin ako kay Dari. "Oo, may 1 hour vacant ako."
"Tara, kain."
~~
Kumain naman kami sa plaza, mabuti na lang hindi pa gaano karami ang tao. Tuloy pa rin sa pagda-daydream etong si Dari kay sir Tonni.
Naiilang talaga ako na tawagin siyang sir.
Humanities ang next kong subject. Naka-alphabetical arrangement na kami. Pandak din 'tong si sir Delfin. Parang, nakita ko na nga siya noon, e. I'm not sure kung kailan 'yon.
"Alam mo, inaantok na ako."
Napatingin ako sa katabi ko. Sakto na humikab siya. E, ayoko pa naman na 'yon katabi ko, humihikab.
Ayan, nahawa na tuloy ako.
"Bakit ba kasi siya ang prof natin?" tanong pa niya.
"Malay ko, ate. Hindi ko naman kilala 'yan."
"Parang, ngayon lang siya nagturo 'no?"
"Hindi natin sure. Baka naman matagal na siya nagtuturo rito."
"Hmm, kung sa bagay."
Nakikinig na lang ako kay sir. Wala rin naman pumapasok sa utak ko bukod kay kuya Livardo pati—
"Teka, kaklase kita sa Arts Appreciation, ah."
Lumingon naman ako kay ate. Nakakunot na ang noo niya.
"Po?"
Lumaki pa lalo ang mga mata niya. "Tama, ikaw nga 'yon."
"Ang alin po?"
"Kaklase nga kita."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Ni hindi ko nga siya maalala kung sino siya sa mga 'yon. Napatingin na lang ako kay sir nang sabihin niya ang "see you on next meeting".
Tinapos ko na rin ang last subject ko. Kaasar, kung makikipag-daldalan daw kami, kailangan magsalita ng English. Buti na lang, hindi ako noisy just like them.
Ayan, may English sa dulo. Hehe.
Naglalakad na ako palabas ng school. Sumakto naman ang paghangin dito nang tumingin ako sa langit na walang kaulap-ulap. Okay rin pala na wala ako kasama maglakad palabas ng school, nakaka-relax.
Sana naman hindi umulan bukas.
Nahinto na lang ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone. Nag-text pala si kuya Tonni.
kuya tonni:
meet me at the cafeteria near in MTFDVL College.
asap.
Hala. Sa MTFDVL? 'Di ba medyo malayo 'yon?
Ano na naman ang kailangan niya?
~~~
Wala siyang sinabing oras pero, pumunta pa rin ako. Sana man lang ilibre ako ng pagkain, kahit kape na lang tutal, cafeteria naman ang pagkikitaan namin.
Pagbaba ko ng train station, kitang-kita ko na siya mula rito. Sa labas pala siya naka-upo habang may iniinom. Suot ko ang salamin ko kasi hindi ko makita 'yon mga stations na naka-display sa loob ng train, hehe.
Nang makarating ako sa table niya, umangat ang kanyang tingin sa akin saka siya ngumiti.
Ngumingiti pala siya.
"Gusto mo ng cheese cake?" tanong niya.
S'yempre tumango ako. Gutom na ako, e.
Agad naman siya tumayo at lumapit sa counter. Sa likod kasi ng cafeteria na 'to, nandoon na ang MTFDVL College, isa sa mga kinakalaban ng TCMU. E, ano ba ang magagawa ng school namin, talented ang mga tao roon.
Pero, teka, bakit kaya ako pinapunta ni kuya? May problema ba sa mundo ng Mafia Mafia keme nila?
Hala, si Jasmeng.
Nawala na lang ang pag-aalala ko nang makakita ako ng blueberry cheese cake sa harap. Plus, may spaghetti na ewan pa na kasama. Hindi ko alam kung ano'ng tawag diyan, e. Basta, nasa linya siya ng spaghetti.
"Okay lang ba na strawberry frappe sa'yo?"
Tumingin agad ako sa kanya. "Oo naman, kuya."
"Good." Tinuro niya ang mga pagkain na nasa harap ko, "eat."
Eto na, kakain na me!
"Gulat ka ba no'ng pumasok ako sa room niyo?"
Nahinto ako sa pagsubo ng cheese cake nang itanong niya 'yon.
"Kasi naman kuya, wala naman sa business department ang kapatid mo," sabi ko saka ko na sinubo ang cheese cake.
"Actually, bantay ko kayong lahat. Kaya lang, mas madami na nagbabantay sa mga prinsesa kaya I decided to be a professor in your department."
"Para?"
"Para bantayan ka, March."
Sorry pero, hindi ko mapigilan na ngumiti sa kanya.
"E, ang sweet mo na kuya. At saka, ngayon lang kita nakitang ngumiti."
Umiling na lang siya pero, pero, pero! Nakangiti siya!
Mas lalo siya naging pogi kapag ngumingiti. Hindi na ako magtataka kung may girlfriend na 'to.
Speaking...
"Kuya, pa'no ka pala natanggap sa department namin?"
Hinintay ko muna na maubos ang iniinom niyang kape saka siya tumingin sa akin. "Nag-apply ako, March."
"Alam ko. Pero kasi, hindi raw sila tumatanggap na single ang civil status ng employee."
"I know."
"E, ano'ng ginawa mo?"
"Sinabi ko na kaka-engaged ko lang last year."
Tumango naman ako. "Pero, may girlfriend ka na talaga?"
Hindi na siya nagsalita pero, nakangiti siya habang umiiling.
"Luh. Wala?"
"Wala."
"Bakit?"
Kinuha niya ang tinidor ko saka humiwa ng cheese cake at kinain.
"Luh, sana umorder ka na lang."
"To answer your precious question, miss March..."
Diretso ang tingin niya sa akin. Kaya ako, napatingin na rin sa kanya nang diretso.
"...may hinihintay ako. Bawal pa raw kasi siya magka-boyfriend ngayon. Sabi ng kaibigan niya sa akin."
Ang ganda pala ng mga mata niya.
Parang mata ni kuya L.
___________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top