HTLAB2 - Chapter 11


Leave

-


"Hanggang ilang araw ang bakasyon mo, hija?" tanong ni Dad habang nasa hapag kami at kumakain ng dinner. Bigla akong napainom ng tubig. Mataman na nakatingin sa akin ang mga magulang ko at naghihintay ng sagot.


"Five days lang, Dy." maikli kong sagot.


Nakita kong ngumiti si Mommy at tila nasiyahan sa desisyon ko. "You've been working like a dog for years. Dapat lang na magbakasyon ka muna to unwind. Right, hon?" baling nito kay Daddy. Tumango si Dad at nagbuntong hininga.


"Saan mo balak mag-bakasyon?"


Umiling ako. "Hindi ko pa alam, Dy."


"Out of town or out of the country? Your dad and I can arrange your ticket-"


Pinutol ko ang anumang sasabihin ni Mommy. "My, kaya ko na po 'yon."


Nagkibit balikat si Mommy at ngumiti. "Just offering if we can help."


Totoong hindi ko alam kung saan ako pupunta. Huminga ako ng malalim. Hindi ako mahilig mamasyal kaya wala akong alam na lugar na magandang puntahan. Hindi ko pa naitatanong si Cyfer.


Sandali akong natigilan at napatingin sa mga magulang ko na masayang nag-uusap. They don't have to know. For now. . .


Nagawa kong itago sa kanila ito noon. Iba ang sitwasyon ngayon pero iisang tao pa rin ang dahilan. Ayokong maging selfish pero dumadating pala sa punto na kapag mahal mo ang isang tao, kailangan mong magsakripisyo. Kailangan mong bitawan ang ilang pananaw na lubos mong pinaniniwalaan. Like what I'm doing right now.


Not that I give them a reason to change their mindset. No. Hindi ko rin 'to sinasabi para lang i-justify ang mga mali ko. This is a line between me and the society. May mga bagay na hindi magagawang intindihin ng karamihan kahit ilang beses kang magpaliwanag.


"Aalis ka pa? I thought, dito ka matutulog?"


"No, My. May dadaanan pa kasi ako. I have to go." humalik ako sa mga magulang ko. Hindi ko na sila binigyan ng pagkakataong magsalita.


Bumyahe ako papuntang ospital. Nangako ako kay Ram na pupuntahan ko siya.


Hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko na nagiging malapit na kami sa isa't-isa. Madali siyang pakisamahan. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya na parang ang tagal na naming magkakilala. Pag kaharap ko siya, wala akong nararamdamang galit o pait katulad nung inaasahan kong maramdaman nung hindi ko pa siya kilala.


We chatted endlessly. Sobrang dami niyang kwento tungkol kay Cyfer. Wala na yung pagkailang. Wala na yung doubt. Nando'n na yung assurance na mabuting tao si Ram.


Napapayag ko siyang magpatreatment pero hindi sa ibang bansa kundi sa ospital namin. I'm happy that she considered my suggestion. Hopefully, maging maganda ang resulta at maging responsive ang katawan niya.


Nakarating ako ng hospital. Hindi pa naman masyadong gabi. Sa ganitong oras ay gising pa si Ram.


May binili muna ako bago umakyat sa taas. Nang sumilip na ako sa kwarto niya, nakita ko siyang nakasandal sa headboard at nakatingin sa bintana. Ilang beses ko na siyang naabutan sa ganyang ayos na parang napakalalim ng kanyang iniisip.


"Ram. . ."


Lumingon siya sa direksyon ko at awtomatikong ngumiti.


"Good evening, Anne." masaya niyang pagbati. Masigla ang boses niya pero mahahalata mo sa kanyang mukha ang tamlay at panghihina.


Ngumiti ako at nilapag ang dala ko sa side table.


"Wala pa si Cy. May inaayos pa ata. Buti naisipan mo pang pumunta." sabi niya.


"I promised, right?"


Ngumiti siya. "Sorry kung naabala pa kita. Wala kasi akong makausap." yumuko siya at tumingin sa kanyang kamay. "Ayoko na talaga rito. Gusto ko na lumabas pero. . ." huminga siya ng malalim. "Alam kong hindi pa pwede."


Tumikhim ako at nakakaumawang ngumiti. Masyado pang mahina ang katawan ni Ram at isa pa, natatakot si Cyfer na baka bigla na lang mag-collapse ang katawan ni Ram pag nilabas siya ng ospital.


"Makakalabas ka rin naman."


Dahan-dahang umiling si Ram. "I don't know. Ayokong umasa."


Akma akong magsasalita pero agad siyang nagbangon ng panibagong topic. Inintindi ko na lang na baka ayaw ni Ram mapag-usapan ang bagay na 'yon.


"Napag-usapan niyo na ba ni Cyfer kung saan kayo pupunta?"


Namula ang aking pisngi. Nahihiya akong umiling. "Hindi pa. Wala akong alam na lugar. Wala naman siyang suggestions. So. . ." nagkibit ako ng balikat.


Makahulugang ngumiti si Ram. "Hmm, may idea ako kung siya ang mag-d-decide ng pupuntahan niyo, baka tama yung lugar na naiisip ko. Hindi ko muna sasabihin sayo para may thrill. Malay mo, tama ako." she chuckles and do the same.


Napailing ako. Si Ram pa talaga ang nagtutulak sa aming dalawa ni Cy para magbakasyon. She suggested it a week ago at hindi siya tumigil hangga't hindi namin kino-consider ang suggestion niya. When Cyfer talked to me about it, I turned down his offer. Ang loko, nagsumbong kay Ram kaya ang nangyari dalawa na silang nangulit sa akin at wala na akong nagawa. Napapayag ako ni Cy last week, then nag-file ako ng leave.


Nakalabas na si Kris sa ospital. Ang sabi sa akin ni Cyfer, na kina Heira ang bata at doon muna titira hangga't nasa ospital pa si Ram. I miss that kid already. . .


"Napag-isipan mo na ba yung sinabi ko sayo?" tanong ni Ram. Natigilan ako ng ilang sandali bago tumikhim.


"I don't know, Ram." nag-iwas ako ng tingin.


"I understand kung medyo bothered ka pa rin. But please, think about it. Para sa inyo ni Cy."


Tumango-tango ako at ngumiti. May mga bagay na hindi kailangang madaliin.


"Anne, pwede ba akong magtanong ng medyo personal?"


Walang pag-a-alinlangan akong tumango. "Ask away."


"May balak ka bang ipaalam 'to sa mga magulang mo?"


Natigilan ako sa tanong niya at hindi agad nakahuma.


"Wala namang sikreto na hindi nabubunyag. Malalaman at malalaman nila, alam natin 'yan. Ang ibig ko lang sabihin, sa tingin mo mapapaintindi mo sa kanila ang sitwasyon? Maiintindihan ka kaya nila?"


Napalunok ako at hindi pa rin makasagot. Alam ko naman iyon pero nagdadala ng takot sa akin ang tanong ni Ram. Paano nga kung tumutol sila? Maintindihan kaya nila? At paano kung hindi?


Oo, malabong matanggap nila agad. Knowing my parents, they want me to marry someone who's in the same level of us. Kaya nga gustong-gusto nila si Shinn para sa akin dahil alam nila ang background nito.


Samantalang si Cy. . .


Well, he's now one of the richest bachelor in town. Si Ram ang nagkwento sa akin na maraming koneksyon si Cyfer dahil napalago niya ang business ng mga de Vera, not to mention his own company na nagsismula na sa pag-angat sa business world. Kilala na siya ngayon bilang de Vera pero kahit hindi nito sinasabi sa akin, alam kong may mga insecurities pa rin si Cyfer sa katawan nito. Yung klase ng insecurity na hindi na mabubura kahit kailan dahil kasama iyon sa katotohanan ng pagkatao ni Cy. Hindi issue sa akin na bastardo siya pero para sa isang tulad niya na, napakalaking usapin no'n at hindi mabura-bura sa kanyang isip.


I keep on saying na huwag niya na ungkatin iyon pag nag-uusap kami pero hindi talaga mawawala iyon sa kanyang sistema. Na bukod raw sa pera at galing sa negosyo, wala ng maganda sa background niya. Naiintindihan ko naman.


"Sorry if I'm asking too much. Huwag mo na lang sagutin. Mukhang hindi ka komportableng pag-usapan iyon." sabh ni Shai na nagpabalik sa aking katinuan.


"Salamat." Hindi sa pagiging malihim pero hindi ko rin talaga alam kung ano ang dapat kong isagot.


"Hintayin mo na si Cy. Didiretso 'yon dito kasama si Yaya Glenda."


"Yung kasama mo ritong matandang babae?"


Tumango si Ram. "Oo. Siya nagbabantay sa akin."


"I first thought that she's your mother." natatawa kong sabi.


Ngumiti si Ram ngunit nahalata kong pilit iyon. "I wished I could see my mother again." bulong niya habang nakatinginp sa kawalan. "But I guess, she doesn't want to see her daughter ever again."


"I. . .I'm sorry, Ram."


Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. "You're lucky, Anne. Nakakainggit ka nga, eh. You're very smart, sobrang ganda mo pa, napaka down to earth mo rin. No wonder, Gelo is going crazy over you." naiiling niyang sabi. "Be careful for now. I know you love each other but have a grip pag maraming nakatingin. Hindi ko naman sinasabing itago mo ito ng matagal. Kahit sa mga kaibigan at magulang mo, Anne. You can't trust anybody right now maliban sa aming dalawa ni Gelo. Tayo lang kasi ang makakaintindi sa ngayon. Pag dumating yung araw na nahihirapan ka na magpaliwang, Tutulong ako. . .kung buhay pa rin ako sa araw na 'yon."


Tuwing sinasabi niya iyan ay gusto kong magali sa kanya. I want her to live. Her death is not our only escape. We can get through this ng walang nawawala. I'm sure Cyfer would never wish of Ram facing death kahit na malala na ang lagay nito. We have to fight not only for ourselves but for each other's happiness and freedom.


"You'll live, Ram. I'll make sure of that." bulong ko. Hindi ako Diyos, lahat ng doktor ay walang kakayahan na pigilan ang mga naka-tadhanang mangyari sa isang pasyente. Pero gusto kong bigyan ng assurance si Ram na gagawin ko ang lahat para madugtungan ang nanganganib niyang buhay. . .namin ni Cy .


"I wish your happiness with him." humiga siya at pumikit. "Goodnight, Anne."


Pinanuod ko siyang matulog. Na-realize ko na kahit masaya ako sa relasyon namin ni Cy, may isang tao na nagpaparaya at iniinda ang lahat ng sakit para lang magkasama kami. I know for a fact that Ram needs Cyfer more than I do because she's ill and there's nothing left for her. Si Cyfer lang. . .


Pinusan ko ang takas na luha sa aking pisngi kasabay ng marahang pagbukas ng pintuan. Lumingon ako at nakita ko si Cyfer na naka-three piece suit. Sa likod niya ay may isang matandang babae. Tumango ako at ngumiti.


"Kakatulog lang niya."


Sandaling pinagmasdan ni Cy si Ram bago bumaling sa matanda.


"Manang, kayo na po ang bahala rito."


"Sige po." sagot ng matanda sa kanya.


Tinanguan ako ni Cy para sabay kaming lumabas. Nginitian ko muna ang matanda at magalang na nagpaalam.


Nagbuntong hininga si Cy. "Mauna ka lumabas. Hintayin mo ako sa parking sa Gate C. Did you bring your car?"


Tumango ako.


"Come with me tonight." marahan niyang sabi. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Pumikit siya at huminga ng malalim. "Damn. I hate this feeling. I can't hold handr with you while we're still here." bulong niya na ikinatawa ko naman.


"So. . .we'll use your car?"


Tumango siya . May something sa mga mata niya na hindi ko kayang pangalanan. "Hatid kita dito bukas."


Tumango ako. "I'll wait you at the parking."


Nauna akong lumabas. Magkahiwalay kami ng elevator na sinakyan. Nauna rin akong pumunta ng parking. Nakakainis na kailangan pa naming magtago. But we must be very discreet. Mahirap na. Maraming nakakakilala sa akin rito sa CMMC at isang tsismis lang ay makakarating agad sa mga magulang ko.


Hinanap ko ang BMW ni Cyfer. Ilang sandali pa ay tumunog ang sasakyan niya. Nasa tabi ko na pala siya.


Pagkasakay palang namin ay agad niya akong hinala payakap at sinakop niya ang labi ko.


"I miss you today." he murmured.


"Me too." kumawala ako para tumingin sa labas.


"Don't worry. Heavy tinted 'to." hinalikan niya ang noo ko. "I know you're becoming paranoid."


Nagkibit ako ng balikat at tumitig sa kanya. "I can't help it, Cy."


Tumango siya at nagbuntong hininga. "I understand. Lets go."


"Saan tayo?" tanong ko nang nasa gitna na kami ng daan. Hindi na masyadong traffic kaya medyo mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse.


"Let's have dinner first. Hindi pa ako kumakain. Saan mo gusto? Mag-drive thru nalang tayo."


"Nag-dinner na ako with Dad and Mom. Bili ka na lang ng iyo."


Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba na natigilan siya pagtapos kong banggitin ang mga magulang ko pero hìndi na lang ako nagtanong. Siguro ay bothered rin siya.


Hindi pa namin napaguusapan ang parents ko pero tingin ko ay parehas lang kamin gustong itago muna ito sa ngayon. My parents will not allow me to have a relationship with a married man.


Tinignan ko ang mukha ni Cy habang nag-o-order siya ng pagkain.


Komplikado kami noon. Mas komplikado kami ngayon. Hindi ba pwedeng maging masaya kami ng walang komplikasyon? Yung walang iisiping ibang tao. Gusto ko siyang masolo, oo, pero hindi ko siya kayang ipagdamot sa mga taong mahalaga rin sa kanya. Madalas kong naiisip si Ram at si Kris. Madalas ko ring maitanong sa sarili ko kung hanggang saan ba ang itatagal ng pagtatago namin?


Iniisip ko yung annulment nila, nakokonsensya ako lagi sa tuwing sasagi sa isipan ko iyon.


"You okay?" hinawakan niya ang kamay ko. "Pagod ka ba? Gusto mo bang magpahinga ng maaga? Do'n na lang tayo sa unit mo kung gusto mo."


"W-wala. May iniisip lang."


Tinitigan niya ako ng matiim bago niya hinalikan ang noo ko. "Don't stress yourself. Maayos rin 'to."


Nagtitiwala ako sa mga sinasabi niya. Iyon yung patuloy kong pinanghahawakan at hindi ko gustong masira ang tiwala ko sa kanya. Buo iyon at matatag.


"In-arrange ko yung ticket natin. We'll go to. . ." binitin niya ako sandali saka ngumisi. "You'll know when we get there."


Napailing na lamang ako at gumanti ng ngisi. Okay lang kahit saan. Kasama ko naman siya.


Lumipas ang mga araw at inaayos ko ang mga dapat kong ayusin sa trabahao para walang maging problema sa bakasyon ko. I'll off my phone para hindi ako makatanggap ng anumang tawag.


"Saan ka magbabakasyon? Hindi mo nabanggit 'yan sa akin, ah." nakangising tanong ni Shinn. "Ayaw mo lang ata ako isama kaya hindi mo sinabi."



"Buti alam mo." nagtatawanan kami nang matanawan ko si Cy na papunta sa elevator at may hawak na roses. Humulas ang ngiti ko at natigilan naman si Shinn nang mapatingin sa lalaking nasa harap niya. Agad akong kinabahan nang magpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Tumikhim ako at ngumiti kay Shinn. "Tara. Lunch?"


Hindi nawala ang pagdududa sa mga mata ni Shinn. Tumalikod ako pero bago iyon ay naunang umalis si Cyfer. Inakbayan ako ni Shinn. "Who's that guy?"


Hindi ako umimik. "C-classmate ko noon. Nung high school ako."


"Uh-uh." tumango tango siya. "What else?"


"Shinn-"


"You aren't very good at lying, Annie." umiling siya at tumaas ang kanyang kilay. "May hinala ako pero baka i-deny mo lang at mas mahalata ko na nagsisinungaling ko."


Pinagpawisan ako sa sinabi niya pero wala na akong sinagot. Shinn Aslejo is an evil-minded jerk at baka kung ano pa ang maisip niyang gawin. Ayoko na dagdagan pa ang hinala niya kaya nanahimik na lamang ako. Naramdaman ko ang pagtunog ng aking phone pero hindi ko agad mabasa ang message na nando'n dahil nasa tabi ko si Shinn.


Nabasa ko lang iyon nang magkahiwalay na kami.


Cyfer :Who's that man?


Cyfer : Is he a friend or an ex?


Cyfer :I don't want you getting close with that guy, Anne. I'm gonna break every bone he has.


At natagpuan ko na lang ang sarili ko na napapangiti.


>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112