Second Sleep

Second Sleep

Zerzus.


What time is it?

Napatingin ako sa wristwatch na suot ko.

1:55 AM.

Madaling araw na naman pala. Bakit ang bilis ng oras? Bakit pakiramdam ko pinagtataksilan nanaman ako ng oras? O sadyang hindi lang ako dinadalaw ng antok kaya parang balewala ang paglipas ng oras?

Hindi ako makatulog, gaya ng palaging nangyayari.

Pa'no nga ba ulit matulog? Hindi ko na kasi alam kung pa'no 'yun. Wala na rin akong ideya kung ano 'yun. Matagal nang wala sa bokabularyo ko ang pagtulog. Wala na. Nakalimutan ko na.

It's funny na nagawa ko pang hagilapin ang cellphone ko kahit hawak-hawak ko ang isang alak sa kamay ko. I searched for the meaning of sleep. I tried to read it once, twice, pero wala, hindi nagsisink in sa akin ang salitang pagtulog. Kahit anong gawin ko, hindi mahagilap ng sistema ko ang salitang 'yon.

Muli akong lumagok ng alak. Wala akong pakialam kahit pa gumuhit na ito sa lalamunan ko. Kahit pa umikot ang paligid ko dahil sa epekto nito. Wala akong pakialam kahit pa wala nang space ang alak sa tiyan ko. Busog na busog na ako pero wala akong pakialam!

Ang alak lang ang tanging sandalan ko sa gabing hindi ako makatulog.

Naalala ko bigla, no'ng mga araw na naga-away sila Mom and Dad.

Dad drinks alcohol everytime na naga-away sila ni Mom. One time, I asked him kung bakit palagi niyang ginagawa 'yon. Eh wala namang magandang naidudulot ang alak sa katawan ng tao.

Or that's what I thought before.

Ang sagot ni Dad sa akin, "Hindi ko kasi kayang matulog na galit ang Mom mo, hindi magawang matulog ng sistema ko kaya I drink to sleep, to forget. Kasi baka paggising ko ayos na kami. Tsaka ito na ang best way para makatulog ako. Kapag wala nito, gising ako buong gabi."

Hindi ko ugaling uminom, hindi ko 'to ugali dati.

But now?

I drink because I want to forget, I want to sleep. I drink because Dad is right.

Kung wala nito, gising ako buong gabi.

Pero iba ata ang tama sa akin ng alak, tangina! Imbis kasi na makalimot, mas lalo ko s'yang naaalala, at sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko kapag naaalala ko siya.

If she's here, tatawanan n'ya ako kasi nagiging isip bata na naman ako.

Sino ba kasing nasa tamang huwisyo ang maglalasing habang may yakap-yakap na unan sa mataas na lugar, kung saan payapa at kitang-kita ang liwanag ng s'yudad?

Ako lang. Ang nag-iisang Zerzus Gieo Dela Carfe lang!

Wala akong paki kung magmukha akong tanga na may hawak na unan.

Because this pillow belongs to her. This pillow reminds me of her. Kapag kasama ko ang unan na 'to, pakiramdam ko kasama ko rin siya. Dahil kaamoy ni River ang unan niya.

Sa p'westo ko, literal na maliwanag.

Pero para sa akin wala nang liwanag, wala na ang nagbibigay liwanag sa mundo ko. Wala na ang mundo ko.

Nakakatawa na hindi naman ako ganito dati. Hindi naman ako korni. Hindi ako chessy. Pero gano'n pala talaga 'yon. Nagiging korni tayo kapag tungkol na sa pagibig. Tangina. Nakakabaliw.

"River..." banggit ko sa pangalan niya dahil nakita ko siya sa tabi ko.

I blinked twice, thrice. Pero wala pala siya sa tabi ko. Ito na ang epekto ng alak. Nakikita ko nanaman siya kahit wala naman talaga siya. Nararamdaman ko siya kahit hindi ko naman siya kasama.

I miss her.

I miss her stares.

Her smiles.

Her voice.

I miss her.

I miss her everyday.

Every hour.

Every minute, every second, every milliseconds of my fucking life!

Niyakap ko nang mahigpit ang unan, and I closed my eyes and let my mind think again about her, no'ng una kong malaman ang pangalan n'ya. Ang isa sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko.







One month na nang mag-umpisa ang klase at katulad ng dati pursigido akong mag-aral.

Why?

Simply because I want to make my parents proud. Kahit hindi ko sila biological parents.

Para masuklian ko ang mga binibigay nila sa akin. Alam kong hindi sila humihingi ng kapalit, pero alam mo 'yung feeling na gusto mong suklian lahat ng nagawa nila sayo? 'Yon mismo ang gusto kong gawin. Lalo na't binigay nila Mom at Dad ang lahat ng necessities at luho sa akin kahit hindi naman nila ako kadugo.

Napaayos ako nang upo nang magsalita ang professor sa harapan.

"Since mga future Engineer kayo, kasali kayo sa gaganaping exhibit," announce ng professor namin. Dinig ko ang pag-angal ng mga babae at ng ilang mga kalalakihan.

Exhibit is boring for them but for me, it'll be fun!

Binatay sa nakaraang exam ang mga maglelead sa Engineering department at kung suswertehin ba naman ay isa ako sa mga napili. Ang sabi makikipag-team up kami sa Architecture department at Art department.

May meeting din na magaganap.

To keep my self busy, nagayos nalang ako ng mga plano na hindi pa naman ipapasa, pero tinatapos ko na.

"Kain ka muna snack Zerzus!" Masiglang bati ng isa kong kaklase na babae. She even offered me a sandwich pero hindi ko tinanggap.

Hindi ako bastos o snobber. Ayoko lang na may umaasa sa akin. Madaling basahin ang mga babae, madaling mahalata kung may gusto sila sayo o kung anong balak nila. And that one? She likes me. Hindi 'yon paga-assume, dahil ilang beses nang umaaligid sa akin ang babae na 'to.

Umalis nalang ako at nagsimula na akong maglakad papunta sa meeting place kung saan kami magmemeeting about sa exhibit na magaganap.

Pagpasok ko sa room kung saan gaganapin ang meeting, bumungad sa akin ang isang babae. Pamilyar s'ya sa akin. Tingin ko ay nakita ko na s'ya pero hindi ko maalala kung saan.

"Hi! Aga mo rin ha! Wala pa yung iba," pagbati nito sa akin bago ko ilibot ang tingin ko sa paligid. Tulad ng sinabi niya, wala pa nga ang iba at kaming dalawa palang ang narito.

Mukhang tulad ko, exited din siya para sa exhibit.

"I'm Gieo Dela Carfe," pagpapakilala ko rito pagkatapos ay nilahad ko ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin bago n'ya tinanggap ang kamay ko.

"I'm River, River Beverly Cruz. Nice meeting you," masayang pagpapakilala n'ya. Then we shook our hands.

"I'm from Engineering Department. How about you?" Biglang tanong ko sa kaniya. Napabaling ang atensyon niya sa akin. Kasalukuyan s'yang nakaupo sa isa sa mga upuan, habang ako ay naka-sandal sa mesa.

"Arts and design department! Ang tagal ng iba 'no? Mga Filipino time pa rin ang basis! Himala nga at lalaki ka pagkatapos maaga ka," halatang nabigla ito sa sinabi n'ya kaya medyo humina ang kanyang boses.

"Ayaw ko malate eh. Baka mapagalitan ulit," Saad ko habang inaalala ang first day ko.

And that hit me!

Siya 'yung babaeng may maskara.

Hindi literal na maskara.

Siya 'yung babae na halatang pinepeke 'yung ngiti no'ng araw na 'yon. Ewan ko ba kung bakit curious ako sa kaniya. Ayan tuloy, first day na first day, late agad ako.

"Hmm... good to hear that from a boy like you, Gieo," nakangiting sabi niya at nagpatuloy na ulit sa kung anong ginagawa n'ya. Parang may kung ano siyang sinusulat sa notepad niya. Siguro mga plano rin niya sa exhibit.

Saglit akong natigilan nang tawagin niya ako sa second name ko. I'm not used to Gieo dahil kahit pamilya ko at kaibigan hindi ako tinatawag do'n. They call me Zerzus.

Sisitahin ko na sana s'ya sa pagtawag n'ya sa second name ko, nang maalala ko na ako pala mismo ang nagsabi sakanya kanina ng Gieo. Parang baliw 'di ba?

Lumipas ang ilang minuto at nakumpleto na rin ang mga kasama sa meeting. Nakaupo lang ako at nakikinig. While her, I mean si River ay nasa harapan at tumutulong sa paglilista sa whiteboard ng mga gagawin. Hawak din niya 'yung notepad niya na sinusulatan niya kanina.

Active s'yang tao, palangiti at madaling makasundo, magaling makihalubilo at— bakit ko nga ba sya dinedescribe?

Napailing nalang ako.

"Aasahan ko ang department n'yong tatlo okay? I'm hoping na magiging succesful ang exhibit ngayong taon," huling wika ng head professor na nanguna sa meeting kanina. Tumango lang kaming lahat sa kaniya.

"So ayon nga! Next time nalang ulit tayo magmeeting? I mean feeling ko kasi pagod na rin kayo at 'di pa naman gano'n kalapit ang exhibit," pagsusuggest ni River. Lumiwanag naman ang mukha ng iba nang marinig ang suggestion niya.

"Ang bait-bait talaga ni Ley! Kaya love ka ng department natin eh!" Pangaasar ng isang taga-department n'ya rin 'ata na babae. Nginitian ito ni River.

"See you next time then?" Biglang salita ng taga-archi department.

Nagtanguan naman ang lahat.

"Why not invite him Ley?"

"Ikaw na maginvite nahihiya ako."

"Please Ley."

Dinig ko ang mga bulungan sa likuran ko, pero hindi ko na 'yon pinansin.

Akmang aalis na ako nang marinig kong may tumawag sa second name ko.

It's her, it's River.

"Gieo, baka gusto mong sumama sa pakape ni Jessy? Magpapakape kasi s'ya sa lahat," naga-alangang sabi niya.

Alam kong napipilitan lang s'yang yayain ako dahil narinig ko kanina na pinakiki-usapan s'ya na isama ako. Hindi ko naman siguro kasalanang nasa likod ko sila at narinig ko 'yon.

"I'm sorry, maybe next time," maikling saad ko at ngumiti ng kaunti bago ko nilisan ang silid. Hindi ako p'wede ngayon dahil may report pa akong kailangan ipasa.

Siguro naman may next time pa.


Binuksan ko ulit ang aking mga mata nang maalala ko ulit ang lahat, ang umpisa ng lahat.

Naalala ko ang ngiti n'ya habang nagpapakilala kami sa isa't-isa.

Walang malisya 'yon.

Pero 'yung ngiti na 'yon...

Hindi nagtagal sa mga labi niya.

Dahil dumating ako sa buhay niya.

Tangina.

Ilang alak pa ba ang kailangan kong inumin para pansamantala ko s'yang makalimutan?

Pero gusto ko ba talaga s'yang kalimutan?

Gusto ko ba?

Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa unan ni River at doon binuhos ko lahat ng nararamdaman ko.

Ang saya dahil muli ko na namang nakita ang mga ngiti n'ya kahit sa ala-ala ko lang.

Ang lungkot dahil hindi ko na ulit s'ya masisilayan. Ang lungkot dahil hindi ko na ulit makikita ang mga ngiti niya. Ang lungkot dahil hindi ko na maririnig ang boses niya, ang pagtawa niya. Ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko.

At ang galit.

Ang galit ko sa sarili ko dahil kung hindi ko ginawa 'yun, sana nandito pa s'ya sa tabi ko. Sana kasama ko pa s'ya sa mga oras na 'to.

Sana masaya kami ngayon.

Sana bumubuo kami ng mga bagong ala-ala.

Mga masasayang ala-ala na ikuk'wento namin sa mga magiging anak namin.

Napakalaki kong tanga!

Dahil nagawa kong saktan ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagbigay ng saya sa buhay ko.

Ang babaeng nagbigay liwanag sa mundo ko.

Ang babaeng naging mundo ko.

Kaya paano...

Paano ko magagawang matulog, kung ang mga bagay na pinagsisisihan ko, ay hindi ko na maibabalik pa kapag natulog ako.

Paano ako matutulog kung ang sakit-sakit dito...

Dito sa puso ko.

Paano ako matutulog kung sobrang bigat ng dinadala ko.

Paano ako matutulog... kung sa bawat paggising ko, hindi ko na siya makikita pa. Paano ako matutulog kung kahit sa panaginip ko, siya lang ang iniisip ko.

Ngayon ang tanong,

Dapat pa ba akong matulog? O habang buhay nalang akong magigising sa katotohanang hinding-hindi ko na siya makakasama pa?

END OF SECOND SLEEP.

VOTE AND COMMENT!

THANKS FOR READING!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top