16


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 04/12/2020, 09:01 AM
Subject: To the girl I wanna see the most...

Hon,

Good morning. Siguro kapag nabasa mo 'to, nasa Maynila na ako. 'Yan ay kung mababasa mo. Hindi rin naman ako nag-eexpect gaya na lang sa mga naunang emails na ipinadala ko sa'yo.

It was good to see you though you did not see me. Oo, umattend ako no'ng graduation ni Lovely. Mga ilang minuto lang siguro at nasa pinakamalayo lang ako. You looked great. I mean you always look great.

Isa akong malaking sinungaling 'pag sinabi kong gusto ko lang makitang grumaduate ng senior high si Lovely kaya ako nagpunta. Ang totoo niyan, gusto rin kasi kitang makita. I wanted a glance of you even for just a little bit. Kahit na pakiramdam ko para akong kriminal. Kahit na nakaw na sulyap lang 'yon.

Umalis din naman ako kaagad. Natatakot na makita mo at masira ko pa ang magandang araw na 'yon.

"Maganda pa rin ba?" si Ricker. Dumeretso kasi ako sa kanila 'pagkatapos kitang makita sa graduation ceremony ni Lovely. Kaagad naman niyang tinawagan sina Aki at Eghart.

Tumango lang ako sa tanong niya at hinilig ang ulo sa backrest ng sofa. Nasa sala kasi kami ng bahay nila.

"Kausapin mo na lang kaya. I mean, try to approach her again," suhestiyon ni Aki.

They were sitting on the sofa across from me. They were all expecting for my response. Ginulo ko ang buhok ko at pinisil ang dulo ng ilong. "I don't know. I can't. And besides, I'm leaving for Manila."

"Bruh, taga-Manila rin si Honey my love so sweet mo!" sabi naman ni Eghart.

Nagpakawala lang ako ng buntong-hininga.

"Pa'no kung magkita kayo ro'n?" tanong ni Aki.

"Then I'll cross the bridge when I get there," kalmante kong sagot.

"Bakit sa bridge ka dadaan? 'Di ba airplane sasakyan mo papuntang Maynila? Biro lang," bawi ni Eghart nang tinitigan lang namin siya. "Para namang hindi mo planong kausapin do'n si Honey."

"Hindi pa naman ako sigurado kung lalapitan ko siya sa Maynila. Ayokong guluhin pa siya." Naalala ko tuloy 'tong mga emails na pinapadala ko sa'yo.

Sumulyap si Aki sa kanyang relos. Napansin din yata 'yon ni Ricker at siya na ang nagtanong. "May lakad ka?"

"Mamaya pa. May kikitain lang," sagot ni Aki. Tiningnan namin siya na parang hinihintay ang susunod na sasabihin.

"Napaka-chismoso niyo talaga! Oo na. Babae."

Ngumisi ang katabi niyang si Ricker."Hot ba? BBBA ba? Alam mo na, Big Boobs Big Ass."

"Those are your types, Rick," sabad ko.

"She's pretty, okay? Saka matalino," depensa ni Aki.

"Kaya mo nagustuhan? Sus. Ano bang gagawin niyo sa kama? Magpapalitan ng trivia?" Humagalpak sa tawa si Eghart sa sinabi ni Ricker. Nailing lang ako.

"Nililigawan ko pa lang," sabi ni Aki sabay tingin sa cellphone niya.

Umasim ang mukha ni Ricker. "Ang hina mo, bruh. Sino ba 'to? Kilala ba namin?"

"Hindi mo kilala. Sa USJR ka nag-aaral 'di ba?Anyways, kailan mo ba balak grumaduate Rick?" pang-aasar pabalik ni Aki. Hanggang ngayon kasi, third year college pa rin si Ricker.

Napasandal si Ricker sa upuan at malapad ang ngisi. "Ewan ko ba. Mahal na mahal ata ako ng mga teachers dun. Ayaw akong bitawan e."

"Anong sabi ng Papa mo?" I asked in a serious tone.

"Wala. Alam niyo naman na wala 'yong pake. Bank ko lang 'yon basta 'di ko lang guguluhin third family niya, lusot ako."

"Ano bang plano mo, bruh?" si Eghart kay Ricker.

"Titigil na lang ako sa pag-aaral. Magtatrabaho na lang ako sa porn hub."

"Sagwa mo."

Humagalpak sa tawa si Ricker sa sinabi ni Eg. "O 'di kaya ay mag-aartista na lang ako. Hunk actor. Gusto kong sumikat. Katamad mag-aral."

"Gusto mong sumikat? Gawin kitang araw," biro ni Eg.

"Tangina mo!"

"I've been sending Honey a couple of emails now," I finally admitted to them. There was a stretch of silence.

Si Aki ang unang nagbasag ng katahimikan na 'yon. "Nag-reply ba?"

Bigo akong umiling.

"Send nudes," said Ricker. I guessed he was trying to lighten up the atmosphere. I gave him a small smile.

"I understand where Honey's coming from. Tropa kita Sais. She's also a friend. What you did a year ago was way out of line, but man, I've seen you broken too. I mean we were all there. Nakita ka naming lugmok na lugmok. Siguro naman kahit kapiraso lang ng oras niya. I mean maybe she can give it to hear your sorry ass," litanya ni Aki.

"I don't know. Do I still deserve even a minute of her time?"

"Alam mo bruh, kahit naman gago ka mas gago pa rin ako. Gagost. Lalo na pagdating sa chicks. Pero 'di mo naman chick si Honey. She was your Queen. Kulang na nga ihulog kita sa kanal dahil sa pagsamba mo sa kanya, ampucha. Saka, one year na ang lumipas. Tapos na ang mahabang panahon ng pag-iisip at pagmumuni-muni. At pagiging celibate mo o may ikinama ka bang chicks na 'di namin alam?"

Tumikhim si Eghart. "Nakikichismis ka lang yata, Rick."

Ricker faked an innocent look. "Hindi ah. Seryosong payo kaya 'yong sinabi ko. Feeling ko nga tinapik ako ni Pope mula Vatican dahil do'n. Seryoso nga, may ikinama kang 'di namin alam, bruh?"

"Wala," tipid na sagot ko.

"Seryoso?! Sa loob ng isang taong pagiging single? Kamusta barakuda mo niyan?"

Natawa na lang kaming tatlo sa 'di makapaniwalang mukha ni Ricker.

"I gotta go. Hindi pa ako nakakapag-empake para sa pag-alis ko bukas. Thanks for your time, brothers," paalam ko at tumayo na.

Tinapik ako ni Eghart sa balikat. "Chat ka araw-araw, bruh."

Sinapak siya sa ulo ni Ricker. "Ano ka! Girlfriend? Parang tanga," then he turned to me, "Paramdam ka sa group chat. Pwede kang mag-send ng photos do'n sa mga chicks na makikilala mo."

I only smirked and shook my head. Kalaunan ay nakaalis din ako sa gitna ng pag-aasaran nina Ricker at Eghart. I drove my car on my way home. Nasa graduation venue ka pa no'n. Dumeretso na ako sa bahay para mag-impake.

Nang makarating na ako sa bahay at nagpunta na ng kuwarto ay nadatnan ko sina Manang at Mommy sa loob.

"What are you doing, Mom?" tanong ko kahit obvious naman ang sagot do'n.

"Helping you pack. How's the graduation ceremony? Did you see...Lovely?" She can really see right through me.

"Ako na ang magtutuloy niyan, Manang. You can now go. Salamat," I informed Manang and then turned to Mom. Naghihintay sa isasagot ko. "Yes. Nakita ko rin si Honey."

I checked the contents in my luggage. Great. Parang wala na akong madadagdag ah. Clearly, they already took care of it. Natahimik si Mom kaya tiningnan ko siya ulit. Parang pinipigil niya ang sarili niya sa pagtatanong. Pero sa huli, nanalo pa rin ang curiosity niya.

"Did she see you? Did you talk to her?"

I sighed. "Of course I didn't. I didn't wanna upset her. It's a special day for her and her family."

Humugot siya ng malalim na hininga at naupo sa kama. "Inimbitahan tayo ng Tito Melvin mo sa party ni Lovely bukas. I told them you couldn't come because your flight's tomorrow."

Tumango lang ako at isinara na ang maleta na nakalapag sa kama.

"Sixth, I know that you haven't moved on yet...Maybe you can talk to her. If not today and not here in Cebu, maybe in Manila? Kakausapin mo ba siya doon, anak?"

I loudly sighed and sat beside her. "Please stop worrying about it, Mom."

Hinaplos niya ang balikat ko. Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. May namumuo ng luha sa mga mata niya. She looks so young. Because she had me when she was just young. Kaya rin sila nagpakasal ni Dad no'n. I know Dad doesn't love her but it doesn't stop her from loving him.

"I can't help it, anak. I will always worry about you."

I hugged her and kissed the top of her head. I was taller than her. "You don't have to. I'm fine, alright? Stop worrying about me or I won't stop worrying about you too."

Natawa siya. "Sometimes I get jealous of your fierce love for Honey."

I stiffened. She looked up. Matamis niya akong nginitian. "Oh not in a bad jealous kinda way. You know I love her to bits. Nagseselos lang ako dahil gusto ko ring makatanggap ng ganyang klaseng pagmamahal mo para kay Honey. But I know your Dad loves me, Sixth. In his own way."

"Alam ko," sabi ko. Kinukumbinsi ang sarili.

"Tumawag ka palagi dito. Pupunta rin naman kami ng Manila to visit you. Just call us if you have any problems in there or problems in the branch though we've assigned expert people to help you there."

"I will. At nasa Finance lang naman ako na-aasign."

Kumunot ang noo niya. "You know we can always make you the chairman—"

"And I'm not yet ready for that. Wala pa akong napapatunayan. I wanna start somewhere. Para na rin maka-focus ako sa MBA ko."

"Fine. Kung ano ang gusto mo."
Gusto ko siyang sagutin na si Honey. Si Honey ang gusto ko. Natatawa na lang ako sa sarili ko minsan. Of how pathetic I've become.

I wanna see you. I wanna see you so bad it hurts. But I know that the pain I have right now is the pain that I definitely deserve. The pain that I had put you through. Kaya sino ba naman ako para magreklamo?

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top