13
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 03/22/2020, 09:01 AM
Subject: To the girl who's my medicine whenever I got sick...
Hon,
How are you today? Sana inaalagaan mo ang sarili mo. I heard from Tito Melvin that you're on a new project. Masaya ako sa pagiging script writer mo. Sana lang, hindi mo pababayaan ang health mo. I know how you work hard for your career.
Speaking of health, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko simula pa kagabi. May trangkaso lang. Naalala ko tuloy no'ng nagkasakit ako noon. Tinalo mo pa ang mismong nanay ko sa pag-aalala.
"Anong okay ka lang?! Clearly, you're not okay. Mainit ka kaya!" bulyaw mo sa'kin.
Sinubukan kong bumangon mula sa kama pero kaagad mo naman akong itinulak kaya hindi ko magawa. "I'm fine. Sipon lang 'to. Pupunta pa tayong Simala ngayon 'di ba?"
"Hindi na. Next time na lang. Kapag hindi na masama ang pakiramdam mo." Kinumutan mo ako at pagkatapos ay hininaan ang air con.
Umubo ako. Sumakit ang lalamunan ko. "Pero nangako ako sa'yo na sasamahan ka do'n."
"I'll just go to church later," sabi mo at naupo sa gilid ng kama ko.
"Isama mo na lang si Lovely."
Ngumiwi ka. "Asa pa ako do'n. Parati kaya 'yong nagpapadasal lang sa'kin."
I chuckled. I felt drowsy. Hindi na rin ako makasinghot. Shit. May bumabara sa ilong ko.
"Iiwan muna kita sandali. Kukuha lang ako ng gamot sa baba." Mabilis kang tumayo at humakbang na palapit sa pintuan.
"Do you know where it is?" Hindi mo na nasagot ang tanong ko dahil lumabas ka na ng kuwarto. Oo nga pala at para mo nang bahay ang bahay ko.
Ilang sandali pa ay bumalik ka na bitbit ang isang baso ng tubig at tabletas. Bumangon ako at naupo na lang sa kama. Tinanggap ko ang tubig at gamot mula sa'yo.
You looked at me worriedly. "Should we go to the doctor?"
Inilagay ko ang baso sa ibabaw ng cabinet. "Hon, it's just cold. Malayo 'to sa bituka. I just need to rest for like two hours."
"Are you sure?"
"Oo. Umalis ka na. Baka mahawa ka pa. Mas titiisan ko pang magdusa ng mag-isa kaysa mahirapan ka," madrama kong sabi saka muling humiga.
Ngumuso ka lang at inirapan ang sinabi ko. "Fine. Babalik din ako pagkatapos magsimba. Wala kaya sila Tita."
"Nandiyan naman sina Manang. Tatawagin ko sila 'pag pakiramdam ko naghihingalo na ako dahil sa sipon."
Kinurot mo ang braso ko at tumawa lang ako. "Sige na nga! Aalis na ako. Kiss muna kita."
Pinagkrus ko ang braso ko na parang ginawang shield mula sa'yo. "Matapos mo akong saktan? Hahalikan mo rin ako? Wag na, babe."
"Alam mo, mas nakakainis ka kapag may sakit! Nakakaasar 'to!"
"Wag mo na akong halikan. Ayokong mahawa ka. Don't worry, once I get well, I'll kiss every inch of you." I winked.
Inirapan mo lang ako at lumabas na ng kuwarto.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa mahina mong pagtawag sa'kin. "Lunch ka na. Nagpaluto ako ng lugaw kina Manang."
"Kanina ka pa?" I asked as I sat up.
"Kababalik ko lang. Kumain na rin ako ng lunch sa baba. Sinabihan ko na naman sina Manang na lutuan ka ng lugaw bago ako umalis kanina. Gusto mo subuan kita?"
Umiling ako. "Kaya ko na. Masyado kang sweet. Sana palagi akong magkasakit." Mahinang hampas sa binti ang natanggap ko galing sa'yo. Natawa ako pero medyo gumaan na ang pakiramdam. Pahinga lang talaga siguro ang katapat.
Tahimik ka lang habang kumakain ako. Maya-maya pa ay muli kang nagsalita. "Gusto mo rito na rin ako matulog para bantayan ka?"
Nasamid ako sa lugaw. Kaagad mo naman akong inabutan ng tubig. Nang mahimasmasan na ay nagsalita ako. "Alam kong mahal ako ng parents mo, Hon. Pero ayokong ma-bad shot sa kanila."
You pouted. "Bakit ba? Wala naman tayong gagawing masama ah. Matutulog lang naman tayo ng magkatabi."
"Ayoko. Hindi rin ako makakatulog 'pag katabi kita."
You wiggled your eyebrows teasingly. "Why? Gagalawin mo ba ako?"
I grunted and shook my head disapprovingly. "Minsan talaga, babe, mas mature ako sa'yo. Sigurado ka ba talaga sa edad mo?"
"Don't you wanna sleep with me?" you softly asked. Inignora mo lahat ng sinabi ko.
"Fucking shit. Hon, really?! Kagagaling mo lang sa simbahan."
Nanlaki ang mata mo pagkatapos ay kinurot mo na naman ako. Puno na talaga ng pasa ang katawan ko dahil sa pang-aabuso mo. "Ang green minded mo talaga! Tulog lang naman ang sinasabi ko! Ano bang pinag-iisip mo ha?!"
Ngumiwi ako at napasulyap sa braso kong kinurot mo. "I just don't wanna take advantage of you. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. So no sleep over tonight. I can handle it."
Natahimik ka bigla at parang nag-iisip. Kinabahan tuloy ako. "Sixth...I think...I think I'm ready for it. I want to give you my virginity."
I groaned. A bit frustrated to myself. Dahil gusto ko na namang magpadala sa tukso. Pero siguro, matibay din ang self-control ko pagdating sa'yo. Pagdating sa bagay na gusto mo.
"I'm not. I'm not ready to take your virginity from you. I told you, I wanna marry you first," I said as softly as I could. I didn't want to give you the wrong impression.
You looked like a lost puppy. Doon pa lang gustong-gusto ko ng bumigay. Doon pa lang, gustong-gusto ko ng kalimutan ang paninindigan ko para sa gusto mo.
"Bakit 'yong mga babae mo no'n may nangyari na sa inyo? And I'm your girlfriend! We're already adults too..."
I cupped your chin so that you'd look at me. "Because you're different, Hon. You're the real deal. What we have, is the real thing."
You bit your lower lip and nodded. I held you closer and whispered. "I love you. We'll do it when the right time comes."
Hindi ako makatulog nang gabing 'yon. It didn't help that I was horny. Lalaki lang naman ako at may pangangailangan. Gusto ko lang talaga siguro na panindigan ang sinabi ko.
I woke up feeling fine the next morning. I took a shower because I already felt filthy with myself. Muntik na akong madulas paglabas ko ng CR nang makita kang nakaupo na sa kama ko.
My chest was dripping wet with water while the towel hung lowly on my waist. I could see you shamelessly gawking at my body. Pero iyong-iyo naman 'yon kaya wala akong reklamo.
"How are you feeling?" tanong mo na medyo garalgal ang boses.
I took a shirt and some pants from my closet. "I'm fine. Magbibihis ako. I don't mind if you watch."
"Tse! It's not like I haven't touched that before," singhal mo pero tumalikod ka naman.
I only chuckled and took a boxers from the cabinet. Nang makapagbihis na ay nilapitan kita at hinalikan sa noo. "You want some breakfast?"
"Kumain na ako sa bahay."
"Damn. Mag-isa na naman akong kakain. Dapat 'di ka na lang kumain para may kasama ako." Lumabas na tayo ng kuwarto at bumaba ng hagdanan.
"It's already ten in the morning, babe."
"Brunch then. Sa'n tayo ngayon?" I asked while we were sitting in the dining area. May mga nakalapag na na mga pagkain sa mesa.
"May bagong sikat na falls. Puntahan natin. Sama natin sina Eghart!"
"Do we have to? Tayo na lang dalawa. Thanks po, Manang." I added when she gave me a glass of juice.
"Isama na natin para mas fun..."
"Fine. Whatever you want. You sure you're not gonna eat?"
"Busog na ako. I already had my breakfast."
"Alright. Thanks for taking care of me yesterday, babe."
Nginitian mo ako. Humakbang ka papalapit sa kinauupuan ko at nang makalapit ay hinalikan mo naman ang ulo ko. You wrapped your arms around me from behind. "Anytime. I love you. You know that. I will always be here whenever you get sick."
Nilapag ko ang hawak na tinidor at hinarap ka. "Busog na ako."
Nagtagpo ang dalawang kilay mo at mabilis na sinulyapan ang plato ko. "Huh? Ang konti lang ng kinain mo!"
"Busog na ako. Sa pagmamahal mo," seryoso kong sinabi.
Natawa ka at tinapik ang ulo ko na parang puslit lang ako. "Hay naku, Sais. Cheesy mo minsan."
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top