36

SUPEEER DUPEEER LATEEEE UPDATEEE HAHAHAHA

LABYU ALL SA PATIENCE 💗

JADE'S POV

Matapos ang dinner namin ni alisa ay agad ko siyang hinatid sa mansyon. Tinawagan ako ng secretary ng banko na pinapatawag daw ako nina mom and dad. I don't have any idea kung bakit but i decided na pumunta nalang kahit labag sa loob ko.


Yes , ayoko talagang pumunta doon. Bukod sa napaka boring ng lugar na iyon ay baka din mapag-usapan ang mga gulong nagawa ko habang wala ang mga parents ko. Nandun si Kuya and Lolo , so hindi na ako magtataka kung maya-maya ay mapag-usapan yon.

Actually , May importante sana akong bagay na gagawin ngayon. I need to see those two motherfvckers na magkasama pala ngayon at ang mga hangal ay ayaw magpakita agad sa amin. It was kreo and warren , we badly need their help pero ang dalawang kumag nagpapaka-VIP pa. VIP their ass , kahit kailan ay hindi ako magpapa-uto sa kanila even if we need them now. Tsss

"There you are , kanina ka pa hinihintay nina Mr and Ms Villaruel." bungad sa akin ng damuhong kasalubong ko , kapag nakikita ko siya parehas ang nararamdaman ko kapag nakikita ko ang kapatid niya. Parehas lang silang nakakainis ni Alistair.

Imbis na pag aksayahan siya ng oras ay agad ko siyang nilampasan. Baka kung anong magawa ng inis ko sa kaniya at makapagsabi ako ng tungkol sa kaniya. But i won't let that happen , kailangan kong maging maingat lalo pa't malapit siya kay kuya.

"I'm talking to you jade besides i'm being nice here." mapang-asar niyang sabi kaya agad akong inis na tumingin sa kaniya. Kagaya ng inaasahan , nakangisi siya na wari'ng nagtagumpay siyang asarin ako.

"Parang wala naman tayong pinagsamahan, 4yrs ago. Don't you remember na we're in the same group? so sad dahil parang nakaka--"

"Shut up!" pigil ko sa kaniya

Hindi ko na talaga mapigilan ang inis sa lalaking ito. Hindi na niya dapat banggitin ang mga pangyayaring iyon. Lalo lang umiinit ang ulo ko sa bastardong nasa harap ko.

" What do you want?" pigil inis kong tanong sa kaniya. Bahagya siyang lumapit sa akin at nakangising tumingin sa akin.

"I know a lot of secret of yours---take note , secret of you and my beloved brother, alistair. Wag mong hintayin na masabi ko lahat ng sikreto mo sa iba , sa kuya mo at sa mga magulang mo."

"Are you blackmailing me?" mahina ngunit bakas ang galit sa boses ko. He's really getting to my nerves.

"No , I'm not. I'm just saying it to you dahil mukhang nakakalimutan mo na kung saan ka ba nagmula." ani ni blair

Fine!! He likes to play with me?..then i'll give him what he wants.

"I don't need it , Hindi mo kailangang ipaalala sa akin yon. Besides parehas lang tayong may alam sa isa't-isa , hindi lang katulad ng nalalaman mo sa akin ang nalalaman ko sayo." i grinned at bakas sa mukha niya ang pamumutla. This is how i play blair.

"I know dark little secrets of yours , don't let me spill it out." dugtong ko na lalong ikinaputla niya. Ngumisi pa ako sa kaniya bago siya talikuran. Tssss such a trash

Pumasok na ako sa loob ng elevator at agad na pinindot ang floor kung saan naroroon sina kuya. Agad akong lumabas ng magbukas ang pinto ng elevator. Naglalakad na ako sa hallway ng makasalubong ko naman si Grand Primo.

"Are you leaving?" tanong ko sa kaniya ng magtama ang aming paningin.

"Yes apo , kailangan ko ng umuwi sa mansyon."

"I'm going with you then." alok ko sa kaniya pero sinenyasan niya ako na bawal.

"I can handle myself Apo , and besides you need to see your parents may kailangan silang sabihin sayo at sa kuya mo." pigil niya sa akin.

Kailangang sabihin? Hindi na ako magtataka kung magpapaalam na naman sila na babalik sa Paris hindi na bago iyon kaya mas magaling pa na umuwi nalang ako.

"Importante ba iyon? dahil kung hindi uuwi nalang ako kasama niyo para makapag-pahinga. "

Tinaasan niya ako ng kilay at nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. I feel his sincerety the way he looks to me. Ano ba'ng nangyayari? May hindi ba ako alam?

"Just promise me that whatever happens , always think that this is for your own sake. Para sa inyo ito ng kuya mo. Kaya go ahead apo , hinihintay ka na nila." nginitian niya ako pero hindi ko pa din maisip kung anong meron.

Out of curiosity ay mabilis akong nagtungo sa office at nadatnan dun sina mom and dad. Parehas nila akong tinignan at tanging naiisip ko nalang ay kung ano bang nangyayari.

"You're here , kanina ka pa namin hinihintay anak." bati sa akin ni daddy

Nilibot ko ang paningin ko sa buong office at napansin na wala si kuya blaise.

"We will wait for your kuya , malapit na daw siya. " napatingin ako kay mommy ng mapansin niyang may hinahanap ako.

"Nasaan si Ate Sidney? Ba't wala siya dito?" tanong ko ng makaupo sa isa sa mga sofa.

"Unfortunately , hindi siya makakapunta. But don't worry , she already know what this meeting all about." sagot ni daddy

"Ano ba talagang kailangan niyong sabihin? Nakasalubong ko si lolo galing dito at sabi niya meron kayong kailangan sabihin sa ami---"

"Don't worry son , malalaman mo din yun kapag dumating na si blaise." putol sa akin ni Daddy.

Nakakainis , bakit ba hindi nalang nila sabihin agad? Kung importante man yun o hindi , bakit hindi nalang nila sabihin agad. Nasasayang lang ang oras ko dito.

"IS THAT TRUE!?" lahat kami ay napatingin sa malakas na kalabog mula sa pintuan. Dumating si kuya blaise na galit na galit bagay na ipinagtataka ko.

"Calm down anak! ano bang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni mommy , bakas sa kanila ni daddy ang pagkabigla.

"IS THAT TRUE NA IPAPADALA NIYO KAMI SA PARIS? JUST FVCKING ANSWER!!" malakas na sigaw ni kuya.

Tama ba ang dinig ko? Tama ba na ipapadala kami sa paris? fvck! this can't be!

"Ito ba ang dapat niyong sabihin sa amin? ito ba ang dahilan kung bakit kami naririto?" Pilit ko'ng ikinakalma ang sarili dahil maging ako ay naiinis sa biglaang desisyon nila.

"BOTH OF YOU SIT DOWN!" isang malakas na sigaw ang nagpaupo sa aming dalawa.

"What's the reason? bakit niyo kami kailangang ipadala dun?" tanong ni kuya na bakas pa din ang galit sa tono ng pananalita.

"You know our situation right now. May umaalipusta sa kompanya at who knows kung dadating ang oras na pagtangkaan nila ang buhay natin. This is all for your own sake , para sa kaligtasan niyong magkakapatid." Paliwanag ni mommy habang tahimik kaming nakikinig. Naiinis ako dahil pakiramdam ko hindi tama ang lahat ng plano nila.

"I'll get your point pero hindi tama na ipadala niyo kami sa Paris. May ibang paraan at hindi 'yang katangahang plano niyo!" asik ko kaya agad akong kinuwelyuhan ni Daddy.

Pakiramdam ko sa init ng mga titig niya , kaharap ko ang tunay na demonyo na pinagmulan ko. The king of all demons.

"You don't have a right para tawaging katangahan ang ginagawa namin! Pinalaki
kita ng maayos jade! wala kang karapatan na bastusin ako!"

"Stop that! Hindi ito ang oras para mag-away tayo." suway sa amin ni mommy na agad na pumagitna sa amin. Agad akong pabagsak na binitawan ng demonyo at galit paring tumingin sa akin.

"Nakakatawa kayo , bakit niyo nabanggit ang salitang PINALAKI NG MAAYOS? Don't you remember na wala kayo nung mga panahong madaming nangyaring magagandang achievement sa buhay? Naaalala niyo pa ba kung ilang Birthday ko ang hindi niyo nadaluhan? Ano pa nga ba'ng aasahan? puro kayo trabaho ,kaya wag niyo akong sisihin kung ba't nagkakaganito ako. Kase after all , you only really care to your fvcking business!!"

Isang malakas na sampal ang natamo ko kay mommy. Nagsisimula na siyang umiyak sa harapan ko.

"Sa tingin mo gagawin namin ito kung trabaho parin nasa isip namin? Prinoprotektahan namin kayo laban sa mga taong gustong manakit sa atin. Keep it to your mind jade cyril! Lahat nang ito para sa inyo!"

"You don't need to protect us , kase kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko. I don't what this to get so long , I'm not going to Paris , that's final." Matigas kong sambit bago umalis ng opesina.

Fvck!! Ayokong sagutin sila ng ganon pero dapat inisip man lang nila ang nararamdaman namin. Hindi ako pwedeng sumama sa Paris. Kailangan kong tapusin ang laban namin ni Janver.

Kung ang tanging pakikipaglaban lang ulit sa kanila ang tatapos dito , i will go for it. I'm going to take a risk bago pa man mangyari ang pagpapadala sa amin sa paris.

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ko at agad na tinawagan si Kobe. Hindi ko na siya hinintay na sumagot bagkus inunahan ko na siya.

"Message everyone , tell them to prepare theirself coz we will have a fight between janver's group---again."


to be continued.....

Hindi ko alam kung kailan next update ko pero baka mamaya , bukas or next year...chawots HAHAHAHA basta wait niyo💗 Thankyou sa inyo..

Keep safe everyoneeeeee♥️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top