CHAPTER 48
A month later....
ELLE
Dumating na, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na halos araw-araw ko na pinaghahandaan, ilang oras na lang at magiging legal na kaming dalawa ni Yohan. Halos hindi nga ako makatulog kagabi, bukod sa hindi ko siya nakita ng buong araw at hindi rin kami nakapag text man lang o tawagan. Kinumpiska ang mga phone namin para maiwasan ang pag-uusap at pagkikita naming dalawa, bawal daw kasi ayon sa pamahiin nila Mommy Yvonne. Sinunod lang naming dalawa kahit na alam namin na hindi matitiis ni Yohan ang hindi ako makita.
Iniisip ko pa rin talaga kung paanong ang pagpapanggap namin ay nauwi sa totoohanan, ini-scam ko ang sarili ko. Sinabi ko noon sa sarili ko na si Henry lang ang mamahalin ko, may nalalaman pa ako noon na 'makuha man ni Yohan ang katawan ko pero kay Henry lang ang puso ko'.
E ano na ba ako ngayon?
Nasaan na ba ako?
Katawan ko nga lang ba ang nakuha ni Yohan?
Hindi.
Nakuha niya ako ng buo.
Ang katawan ko...
Ang isipan ko...
Ang sarili ko....
Kasama ang puso ko...
Hindi dahil sa binili niya ako...
Hindi dahil sa binigyan niya ako ng bagong buhay.
Hindi dahil sa pera niya o sa mga material na bagay na binibigay niya.
Kung hindi dahil nahulog din ako....
Nahulog ako sa taong naging dahilan ng pagbabago ng ikot ng mundo ko.
Nahulog ako sa taong nagpuno sa kakulangan ng pagkatao ko.
Nahulog ako sa taong hindi ko sukat akalin na mamahalin ko ng husto
Ang gusto ko lang talaga ay sanayin ang sarili ko sa kanya, sanayin na kasama siya, sanayin ang sarili sa pagpapanggap. And guess what? Nasanay nga ako, hindi lang na kasama siya. Kung'di, nasanay ako na mahalin siya. I actually didn't meant it at first, akala ko kasi naninibago lang ako. Akala ko nagiging mabait lang ako, akala ko normal lang...
I wasn't exactly sure when it happened or even when it all started. All I knew for sure was that right here and now, I was falling for Yohan deeply. Falling in love with him was never in my plan, until one day I just real
I realized that I love him that much and I will ready to sacrifice everything for him. He might not have been my first love, but he is person that made all the other loves irrelevant. I fall in love with the most unexpected person, at the most unexpected placee, at the most unexpected time.
'Yong araw-araw na pagpili niya sa akin sa bawat pagkakataon ay sapat nang dahilan para mahalin ko rin siya ng higit pa sa pagmamahal na ipinararamdaman niya.
Hindi niya lang kasi ako minamahal bagkus ay pinipili niya ako araw-araw.
Ngayon, heto na ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Yohan. Ang araw na haharap kami sa altar, sa pamilya at mga kaibigan namin, at lalong-lalo na sa Diyos.
Katatapos lang ako ayusan nina Julia na girlfriend ni Sam at Zarina na bestfriend ko. Si Julia ang naging personal make-up artist ko at si Zarina naman ang hair stylist.
Mataman ko na tinitigan ang sarili ko sa malaking salamin, suot ko ang puting lacy silhoutte , tube ballgown na ipinagawa pa ni Mama. Marami itong beads at diamonds na kumikinang mula sa top hanggang sa waist ko mahaba ang lenght ng gown halos sakop nito ang sahig ng kwarto. Medyo mabigat rin dalhin dahil sa dami ng layers nito. Naka-bun ang buhok ko at may maliit na tiaara na kumikinang dahil sa maliliit na dyamante na nakalagay dito, nakasuot na rin ang belo ko na napapalibutan din ng napakaraming diamonds. Simpleng make-up lang ang nakalagay sa mukha, nude ang lipstick, medyo glittery na brown eye shadow, sapat na ka-skintone na foundation. Nilagyan rin ako ng fake eyelashes ni Julia dahil mahiksi ang pilik mata ko.
"Maganda ka na, tama na ang pagtingin mo sa salamin,. Si Nanay iyon, hinawakan niya ang magkabilang braso ko at yinakap ako mula sa likod. "Ang ganda-ganda mo Elliese..."
"Kanino pa po ba ako magmamana Nay? Hindi po ba sa inyo rin? sa inyo po ni tatay."
"Ang Tatay mo ang talagang kamukha mo, pareho kayo ng ilong. Pareho kayo ng mata, labi, at pati na ng ugali." Natatawa naman na sabi ni Nanay na may ningning ang mga mata.
Mahal pa ni Elsa si Arthuro, natitiyak ko 'yon.
Bago kami dumiretso sa simbahan ay nagpicture-picture muna kami na pamilya, si Tatay Arthuro, Ako, at si Nanay sa mga unang kuha. Sa mga sumunod ay kami naman nila Tatay Jun, si Nanay, Kuya Ely, Crismar at Cathy, si Ate Cherry, Dorathy at sina Tala at Nemo. Nagpakuha rin ako ng litrato kasama ang mga bridesmaid ko na sina Zarina, Sam, Julia, Marigold, Alona at Sandara pati na kina Dorathy, Aesha, Diamond, at ang anak ni Ate Yanna na si Danice na lumipad pa mula sa America.
Kung may magtatanong sa akin kung ano ang nararamdaman ko ngayon bukod sa excited ako ay kinakabahan rin...
Masaya ako na nag-aaalala...
Masaya kasi sa wakas ay makakasal na kaming dalawa...
Nag-aalala dahil sa mga posible na mangyari...
Nananatiling threat si Bella at ang ipinagbubuntis niya sa pagsasama naming dalawa ni Yohan. Hindi pa siya nagpapakita nitong mga nakaraang buwan pero alam mo 'yon.
Baka mamaya sumigaw na lang siya ng "itigil ang kasal."
"Okay Elle, kalma na tama na ang overthink. You should be happy, araw ng kasal mo ngayon." Pagpapakalma ko sa kaing sarili.
Nasa labas na ako ng simbahan, nakasara ang pinto dahil nagalalakad sa gitna ang mga kasama sa entourage, ang mga flower girls, bearer, secondary sponsor, pati na ang mga Principal sponsor.
Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng pagkabog nito, anytime pwede na siya lumabas mula sa ribcage ko.
Naiihi ako, na nadudumi, pakiramdam ko rin ay sumasakit ang tiyan ko. Mahigpit ko na hinawakan ang kawawang bulaklak na hawak ko.
Mas lalo pa na nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko nang bumukas ang dalawang malaking pinto ng simabahan.
Naaninag ko ang kabuuan ng loob ng simbahan, may mga arko na gawa sa bulaklak ang bawat dadaanan ko, may malaking red carpet sa gitna. Napupuno ng bulaklak na puti at pula ang kabuuan ng simbahan. Ang lahat ng tao sa loob ay nakapako ang mga mata sa akin.
Nagsimula ko na rin na marinig ang tugtug at mga boses ng choir mula sa loob ng simbahan, inaawit nila ang kanta na Forevermore na inawit ng bandang Side A. Paborito ko 'yon at madalas namin na pinatutogtog ni Yohan habang nasa biyahe kami.
There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night
Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin bago ako nagsimula na maglakad, naka-abang sina Nanay at Tatay sa tapat ng pintuan sa loob. Pareho sila na nakangiti sa at nakatingin sa akin, si Nanay ay nakita ko na maluha-luha ang mga mata at mas lalo itong lumuha ng kuhanin ko ang kamay nila ng Tatay.
Naaninag ko na ang napakaguwapong mukha ni Yohan na nakatingin sa akin, malapad ang ngiti niya at bakas na bakas ang excitement sa mga mata niya.
I just can't believe that you are mine now.
Tuloy ang kuhaan ng litrato, pag-flash ng camera, at pag-awit ng mga choir habang naglalakad kami sa red carpet.
You were just a dream that I once knew I never thought I would be right for you I just cant compare you with Anything in this world You're all I need to be here with forevermore
Habang naglalakad ay biglang nanumbalik sa akin ang lahat...
Ang unang beses na pagkikita namin sa contest.
Ang araw na inalok niya ako para maging fiancée niya...
Ang mga araw na pinagtatanggol niya ako...
Ang mga araw na binago niya ang buhay ko...
Ang araw na nagtapat siya sa akin ng pagmamahal...
Ang mga panahon na nangungulila ako sa kanya...
Ang muli naming pagkikita...
At ang kamakailan lang ay proposal niya...
Everything feels nostalgic...
Hindi pa rin ako naniniwala na totohanan na ito, totoong naging fiancé ko na siya, totoo na magiging asawa ko na siya, at totoong nagmamahalan na kaming dalawa.
All those years I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night
I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine..
Kaunti na lang at malapit na ako sa kanya, malinaw na malinaw na ang lahat sa akin...
Nang makarating kami sa may altar ay nagbeso sina Nanay Elsa at Mommy Yvonne, nagkamay at nagyakap naman ang Tatay Arthuro at Daddy Harrison. Nagmano at nagbeso kami ni Yohan sa mga parents namin.
"Finally balae," wika ng Mommy ni Yohan sa Nanay, "finally Elle."
"Yohan, ikaw na ang bahala sa unica hija ko..." sambit ni Tatay nang bumitiw siya sa kamay ko at iabot ito kay Yohan. "Nagtitiwala ako sa'yo na mamahalin at aalagaan mo ang anak ko. Gaya ng ginawa mo noong mga panahon na wala pa ako..."
"I promise Uncle," ani Yohan at inabot ang kamay ko, hinagkan niya pa ang likod nito.
"Yohan, maraming salamat sa lahat... H'wag ka sanang magsasawa na mahalin at alagaan ang anak ko."
"Magsawa? That would never happen Nanay..."
Ilang sandali pa ay naiwan na kami ni Yohan sa gitna ng altar, at pareho nang nakaharap sa pari na magkakasal sa aming dalawa.
"Mga kaibigan, kapatid, at kamag-anak, naparito tayo ngayon upang saksihan a makibahagi sa kagalakan ng kanilang kasalang pag-iisang dibdib nina Yohannie Samuellie Carbonel at Maria Elliese Altamirano-Fuentebella. Ang panlabas na pagdiriwang na makikita at maririnig natin, naniniwala ako, ay isang pagpapahayag ng panloob na pagmamahal at debosyon na mayroon sila sa kanilang mga puso sa isa't isa. Naniniwala akong ang pag-aasawa ay mula sa Diyos, at sina Maria Elliese at Yohan ay darating ngayon na nagnanais na magkaisa sa sagradong ugnayan ng kasal. Ang seremonya ng kasal kung saan kayo nagkakaisa ay isa sa mga una at pinakamatandang seremonya sa buong mundo, na ipinagdiriwang sa simula sa presensya ng Diyos mismo. Ang pag-aasawa ay regalong ibinibigay natin ang ating sarili sa isa't isa. Naniniwala ako na ang kasal ay isang regalong ibinigay upang aliwin ang mga kalungkutan sa buhay at upang mapalaki ang mga kagalakan sa buhay. Ang pag-aasawa ay ang paghawak ng mga kamay, ang pagsasama ng dalawang puso, ang pagsasama ng dalawang buhay sa isa, at ang iyong kasal ay dapat na tumayo, hindi sa pamamagitan ng awtoridad ng Estado, o ng selyo sa iyong sertipiko ng kasal, ngunit sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan ng pananampalataya at pagmamahal na mayroon kayo sa isa't isa."Mahaba ang litanya ng pari na nagkakasal sa amin. Pareho kami na nakikinig ni Yohan habang magkahawak ang kamay at naka-upo. "Ngayon, ay inaanyayahan ko kayong dalawa na tumayo at magharap sa isa't isa at magsama ng mga kamay upang ipahayag ang inyong mga panata ng pagmamahal at debosyon sa isa't-isa."
Sabay kami na tumayo ni Yohan mula sa gintong silya na kinauupuan, may mga ngiti kami sa labi habang magkaharap at magkawak ang mga kamay.
"Yohan, Will you please repeat this vow to Maria Elliese, saying after me: I state your name..." ani ng parish priest itinapat nito ang mic kay Yohan habang may nakatapar rin na mic sa kanya na hawak ng sakristan.
"I Yohannie Samuellie Enrile Carbonel..."
"take you to be my wife,"
"take you to be my wife,"
"to have and to hold from this day forward,"
"to have and to hold from this day forward,"
"for better or for worse,"
"for better or for worse,"
"for richer or for poorer,"
"for richer or for poorer,"
"in sickness and in health,"
"in sickness and in health,"
"I promise to love and cherish you."
"I promise to love and cherish you."
"I promise to love and cherish you."
"I promise to love and cherish you."
"And now Maria Elliese, will you please repeat this vow to Yohan, saying after me: I state your name..." ani ng parish priest at itinapat nito ang mic sa anin
"I Maria Elliese Altamirano Fuentabella..."
"take you to be my husband,"
"take you to be my husband,"
"to have and to hold from this day forward,"
"to have and to hold from this day forward,"
"for better or for worse,"
"for better or for worse,"
"for richer or for poorer,"
"for richer or for poorer,"
"in sickness and in health,"
"in sickness and in health,"
"I promise to love and cherish you."
"I promise to love and cherish you."
"I promise to love and cherish you."
"I promise to love and cherish,"
Kapwa kami nakatitig sa mga mata ng isa't isa havang binibikas namin ang mga sinasabi ng pari. Parehong may mga ngiti na nakapaskil sa mga labi naming dalawa at tila iisa ang tibok ng aming mga puso.
"Sinasabi sa atin ng salita ng Diyos kung ano ang tulad ng pag-ibig at kung ano ang ginagawa ng pag-ibig: Ang pag-ibig ay matiyaga, ang pag-ibig ay mabait, ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pagmamahal ay hindi nagmamayabang at hindi mayabang. Hindi ito kumikilos ng hindi kanais-nais. Hindi ito naghahanap ng sarili, hindi ito pinukaw, at hindi ito isinasaalang-alang ang isang maling pagdusa. Hindi ito nagagalak sa kawalan ng katarungan, ngunit nagagalak sa katotohanan, sapagkat ang pag-ibig ay nagdadala ng lahat ng mga bagay, naniniwala sa lahat ng mga bagay, umaasa sa lahat ng mga bagay, at nagtitiis sa lahat ng mga bagay, ngunit higit sa lahat, ang pag-ibig ay hindi nabigo. Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng pag-ibig sa inyong mga puso para sa isa't isa, napili ninyong makipagpalitan ng mga singsing bilang tanda at selyo ng mga pangakong ginagawa ninyo sa isa't isa ngayon. Mga kapmilya at mga kaibigan, salamat sa inyong lahat sa pagpunta ngayon upang ibahagi sa napakahusay na okasyon. Ngayon ay magkasama kami rito upang pagsamahin ang Yohan at Maria Elliese sa kasal. Yohan,"
"I do father, I do," out of nowhere ay nasabi ni Yohan dahilan piara magtawanan ang lahat pati na ang pari.
"Wala pa hijo, ngayon pa lang. Do you Yohan Carbonel, take Elliese Altamirnao-Fuentabella to be your lawfully wedded wife, to live together in matrimony, to love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as la ng as you both shall live?"
"I do," sinserong wika ni Yohan na kanina pa gustong-gusto na sumagot.
"Do you Mari Elliese , take this man to be your lawfully wedded husband, to live together in matrimony, to love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?"
"I do," sinsero at nakangiting wika ko habang nakatitig sa kanya.
Maya-maya pa nang sumenyas ang pari ay lumapit ang ring bearer na si Isaac na pamangkin ni Zarina sa amin dala-dala ang panibagong singsing na muling isusuot sa akin ni Yohan. Kinuha ng pari ang singsing na pang babae at iniabot ito may Yohan...
"Napakalaki ng kabuluhan ng singsing para sa mag-asawa . Ang mga ito ay gawa sa isang mahalagang metal at mahalagang bato, at na nagpapaalala sa atin na ang pagmamahal ay hindi mura o karaniwan; ngunit sa katunayan ang pag-ibig ay napakamahal at mahal sa amin. Ang mga singsing na ito ay ginawa rin sa isang bilog at sinabi sa kanila ng kanilang disenyo na dapat nating panatilihin ang pagmamahal na patuloy sa buong buhay natin kahit na ang bilog ng singsing ay tuloy-tuloy. Habang isinusuot mo ang mga singsing na ito, magkasama kayo o magkahiwalay kahit sa isang sandali lamang, nawa ang mga singsing na ito ay maging isang palaging paalala ng mga pangako na ginagawa sa isa't isa sa araw na ito. Yohan, maaari mo bang kuhanin ang singsing na ito at ilagay ito sa ikatlong daliri ng kaliwang kamay ni Maria Elliese, at hawakan ang kanyang kamay, habang inuulit mo ang mga salitang babanggitin ko: Sa singsing na ito..."
Kinuha ni Yohan ang kaliwang kamay ko, marahan niya ito na pinisil-pisil.
"Sa singsing na ito
"tinatakan ko ang aking pangako,"
"tinatakan ko ang aking pangako,"
"upang maging tapat ako at mapagmahal na asawa,"
"upang maging tapat ako at mapagmahal na asawa,"
"at ang Diyos ang aking saksi."
"at ang Diyos ang aking saksi." wika ni Yohan habang matagumpay na isinuot sa daliri ko ang makinang ay gintong singsing na may malaking diamond.
"Maria Elkie, kuhanin mo ang singsing na ito at ilagay ito sa ikatlong daliri ng kaliwang kamay ni Yohan, at hawakan ang kanyang kamay, habang inuulit mo ang mga salitang babanggitin ko: Sa singsing na ito..."
Kinuha ko ang kaliwang kamay ni Yoha nang makuha ko ang gintong singsing mula sa ring bearer.
"Sa singsing na ito
"tinatakan ko ang aking pangako,"
"tinatakan ko ang aking pangako,"
"upang maging tapat ako at mapagmahal na asawa,"
"upang maging tapat ako at mapagmahal na asawa,"
"at ang Diyos ang aking saksi."
"at ang Diyos ang aking saksi." Malapad ako na ngumiti ng matagumpay ko na maipasok sa daliri ni Yohan ang gintong singsing na may maliit na dyamante sa paligid.
"Mga minamahal ko, nagsama tayo sa presensya ng Diyos upang saksihan at pagpalain ang pagsasama-sama ng lalaking ito at ang babaeng ito sa Holy Matrimony. Ang ugnayan at tipan ng kasal ay itinatag ng Diyos sa paglikha, at pinalamutian ng ating Panginoong Hesukristo ang ganitong uri ng pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang presensya at unang himala sa kasal sa Cana ng Galilea. Ito ay nagpapahiwatig sa atin ng misteryo ng pagkakaisa sa pagitan ni Kristo at ng Kanyang Iglesya, at pinupuri ito ng Banal na Kasulatang iginagalang sa lahat ng mga tao. Ang pagsasama ng mag-asawa ay inilaan ng Diyos para sa kanilang kapwa kasiyahan; para sa tulong at ginhawa na ibinigay sa bawat isa sa kaunlaran at kahirapan; at, kung kalooban ng Diyos, para sa pagbuo ng mga bata at kanilang pag-aalaga sa kaalaman at pagmamahal ng Panginoon. Samakatuwid ang pag-aasawa ay hindi dapat pasukin nang hindi napaplano o gaanong madali, ngunit may paggalang, kusa, at alinsunod sa mga hangarin kung saan ito itinatag ng Diyos...." mahaba pang litanya ng pari
"Ang tagal naman mag-kiss the bride..." mahinang reklamo ni Yohan."
"Shush, h'wag kang atat. Malapit na, kaunting tiis pa." pabulong ko na pananaway sa kaniya.
"Yohan at Maria Elliese, napunta kayo rito ngayon sa harap namin at sa harapan ng Diyos at ipinahayag ang iyong pagnanais na maging mag-asawa. Ipinakita ninyo ang iyong pagmamahal at pagmamahal sa pamamagitan ng pagsabay, at nakagawa ng mga pangako ng pananampalataya at debosyon ng bawat isa sa isa't isa, at tinatakan ang mga pangakong ito sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtanggap ng mga singsing. Samakatuwid, pribilehiyo ko bilang isang kura paroko at sa awtoridad na ibinigay sa akin ng Diyos, kayo Yohan at Maria Elliese ay ganap nang mag-asawa. Yohan, you may now kiss your bride."
"Yes!" pagdiriwang ni Yohan, agad niya na itinaas ang belong suot-suot ko at mabilis akong siniil ng malalim na halik.
"Mga kapatid, kaibigan, at kapamilya. Isang pribilehiyo para sa akin na ipakilala sa kauna-unahang pagkakataon sina Mr. and Mrs. Yohan & Elliese Carbonel."
Naghari ang masigabong palakpakan at mga nagliliparang paru-paru at talulut ng bulaklak sa loob ng simbahan ng araw na iyon.
Ito ang araw na hindi ko inasahan na mangyayari, sa totoo lang ay hindi ko rin pinangarap ang lalaking pinakasalan ko. Tama nga si Ed Sheeran "People fall in love in mysterious ways". Trabaho lang naman talaga ang ipinunta ko dito sa Manila e pero binigyan ako ng tadhana ng pag-ibig at bagong buhay.
Tama rin si Anurag Prakash Ray nang sabihin niya na "Love comes to you just at the right time; the time you never thought it would have.". Unang-una, wala akong balak na magmahal ng iba o tumingin sa iba. Oo at magkasama nga kami ni Yihan pero si Henry ang laman ng isipan ko hanggang sa isang araw...
Simula noon, inakala ko na... na si Henry ang pakakasalan ko pero mukhang hindi sumang-ayon ang tadhana sa amin. Sa dami nang naging hadlang, mapa-tao, mapa-lugar, estado, trabaho, pati nga araw at petsa.
Marami rin naman na naging hadlang sa aming ni Yohan pero hindi ko alam kung paano namin nalampasan pareho, naranasan namin na hadlangan ng kapatid niya, ng estado ng buhay namin, ng trabaho, ng araw at petsa, nawalan pa kami ng anak at naaksidente pero sa huli sa kanya pa rin ako dinala ng tadhana.
"Kasal na tayo, Yohan. Mrs. Carbonel na ako." aniko. Nangingilid ang mga luha kong nagbabadya na tumulo habang nakatitig ako sa mga daliri ko.
"Mrs. Carbonel ka na naman talaga, una pa lang e." wika pa ni Yohan nang hawakan niya ang aking kamay
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top