CHAPTER 29

ZARINA

Dalawang buwan na ang nakakaraan simula nang mangyari ang aksidenteng kinasangkutan nina Yohan at Elle, dalawang buwan na rin na nawawala ang best friend ko. Sa loob ng mga nakalipas na linggo at araw ay ako ang naging punong-abala sa paghahanap sa kaniya, ako at si Kuya. Ngunit parati kaming nabibigo sa araw-araw sa tuwing sinusubukan namin na hanapin siya, nalibot na namin nga namin ang buong Manila pero wala talaga. Hindi talaga namin makita ang best friend ko.

Ngayong araw ay katuwang ko sa paghahanap ang half-brother ni Elle na si Brent, nag-leave siya ng almost one week sa trabaho para pagtuunan ang paghahanap sa kapatid niya. Kasama rin namin si Kuya Ely na kuya ni Elle at si Sam na best friend ni Yohan. Nahati ang grupo namin, sina Julia, Marigold, Sandara, at 'yong iba pa ay katuwang naman ng pamilya ni Elle sa pag-iistima ng mga nakikiramay sa burol ng Lolo Igme.

"Sixty-one days na siyang nawawala, nakalipas na ang pasko pati na ang bagong taon pero hindi pa rin natin nakikita ang kapatid ko. Za, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa..."

"Kuya Ely naman, nawalan na nga ng pag-asa sila Tita Elsa e. Pati ba naman ikaw..." Sinusubukan ko na palakasin ang loob nila kahit na ako man ay nahihirapan na rin. 

"Bakit ba kasi tinanggap-tanggap niya ang alok ni Yohan? Bakit ba kasi nagpaka-desperada siya? Hindi sana tayo aabot sa ganito e, hindi sana siya mawawala." Padabog na ibinagsak ni Kuya Ely ang mga papel na may mukha ni Elle sa lamesa. 

"Kuya h'wag ka namang magsalita nang ganyan, alam mo na may dahilan si Elee kung bakit niya tinanggap ang buhay na inalok ni Yohan." wika ko habang pinupulot ang mga papel na nilipad ng hangin.

"So ang sinasabi mo ba Eliseo ay kasalanan ni Yohan ang lahat ng ito?" Matiko na nilingon ko si Samuela na kararating lang.

"Sam, huwag na." sambiy ko para sawayin siya.

"Bakit hindi ba? Siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito, siya rin ang kasama ni Elle nang maaksidente at mawala ang kapatid ko." Bulalas ni Kuya Ely na may yabang na nakapaskil sa mukha.

"Ely, huwag na." Pananaway ni Kuya Brent. "Hindi ito makakatulong.

"Bawiin mo 'yang sinabi mo!" Bulalas ni Sam.

"At bakit ko babawiin? Sam, nawawala ang kapatid ko! Dalawang buwan na, hindi namin alam kung buhay pa ba siya at  kasalanan 'yan ng magaling mong kaibig—"

"Sam!" Magkasabay naming sigaw ni Kuya Brent nanh humandusay si Kuya Ely at bumanda sa pader.

Mabilis na dumapo ang kamay ni Samuella sa sa pisngi ni Kuya Ely, palagay ko ay malakas ito dahil bumakat ang kamay niya sa pisngi ng Kuya at natumba pa ito.

Agad ako na kumaripas ng takbo patungo kay Sam, hinila  ko siya at pinigil dahil naka-akma pa ang kamay niya ay mukhang susuntikin niyang muli si Kuya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Eliseo? Naririnig mo ba?" Bulyaw niya. "Ang lakas ng loob mong isisi ang lahat ng ito sa kaibigan ko na nag-ahon sa pamilya mo sa kung saanmang lusak kayo nanggaling."

"Sam please, tama na." wika ni Kuya Brent.

"Walang ibang hinangad si Yohan kung'di ang makatulong sa pamilya mo Ely, ang iahon kayo sa hirap dahil gano'n niya kamahal si Elle. Para kay Yohan, kung sino ang mahal ni Elle ay mahal niya na rin. How ungrateful you are?" Bulalas pa niya habang nakaturo ang hintururo kay Kuya Ely na kasalukuyang itinatayo ni Kuya Brent.

"Sammy, tama na." Mahinang bulong ko habang hawak-hawak siya mula sa likod. "Tama na, please."

"Maaring wala rito si Yohan para ipagtanggol ang sarili niya pero hindi ko hahayaan na apihin ninyo siya at pagbintangan sa bagay na hindi niya ginawa." Bumunot siya ng malalim na buntong hininga bago muling magsalita. " Si Yohan comatose, hanggang ngayon hindi siya gumigising! At panigurado ako na kapag gumising siya, ay doble pa ang mararamdaman niyang sakit at   pangungulila kay Elliese kaysa sa atin.  walang may gusto ng nangyari, walang may gusto ma mawala si Elliese. Wala ka rin karapatan na sisihin si Yohan dahil biktima lang din ang kaibigan ko."

"Sammy tama na," pumagitna na si Brent sa dalawa. "H'wag na tayong magsisihan, walang may gusto nang nangyari at wala rin na maitutulong ang pag-aaway ninyo." Humugot siya ng malalim na buntong-hiningabago ming magsalita. "Zarina, isama mo si Eli sa pamimigay ng flyers. Kami na ni Sam ang bahala sa pagdidikit."

"Sige po kuya, magkita na lang po tayo ulit mamaya."

"Tara na Zarina," ani Kuya Eli at hinila ako papalabas ng condo ni Kuya Brent.

Nang makalabas kami sa gusali ay nagpatuloy na kami sa pamimigay ng missing flyers kahit pa ang katirikan ng araw ay sinusuong namin. Nagbabakasakali na mahanap namin si Elle, this time.

"Ate baka nakita ninyo po ang kaibigan namin na ito, matangkad po siya at maganda. Mga 5'7 po ang height niya, eto po siya..." ito ang paulti-ulit kong sambit sa mga taong naglalakad—sa mga taong hinaharang ko para pagtanungan.

May reward na tatlong milyon sa kung sino man ang makakapagbigay alam o makakapag turo kung nasaan si Elle. Paunang bayad iyon mula sa Papa ni Elle na si Don Arthuro, handa naman na dagdagan ng Papa ni Yohan ang reward kung sakaling wala talagang makapagturo sa kinaroroonan ni Elle.

Madalas kong maisip kung ano ang magiging reaksyon ni Yohan kung sakali na magising siya from coma at malaman niya na nawawala si Elle, sigurado ako na sobra siyang magiging devastated oras na malaman niya. Sobra-sobra niya kasing mahal ang kaibigan ko, to the point na binuntis niya na para hindi makawala si Elle sa kaniya.

Ang totoo nga ay nagpaplano na siya na pakasalan si Elliese, gusto niya sana na bago magpasko ay maikasal na silang dalawa. May malaki na siyang ipon, may napili na rin siya na wedding ring, may simbahan na rin siyang tinitignan, at mga nakausap na wedding organizer. Alam ko ang lahat dahil ako ang kasa-kasama ni Yohan sa pagpaplano—kami ni Sam. May mga bukod siyang credit cards para sa kasal, para sa panganganak ni  Elle, para sa pag-aaral ng mga magiging anak nila. Iniaayos na rin ni Yohan pati na ang mga negosyo at ari-arian na ipamamana niya sa mga magiging anak nilang dalawa ni Elle.

Planadong-planado na ni Yohan ang lahat at natutuwa ako na nasaksihan ko 'yon but these freaking accident ruined everything. Sa isang iglap, tila nawalan ng saysay ang lahat.

Kakauwi ko lang galing sa pamimigay, agad ako na nagtungo sa kwarto ko pagka-mano ko kay Mama at kay Papa. Agad ko na inihiga ang hapong katawan ko sa malaking kama ko. 

"Elle nasaan ka na ba?" bulong ko sa sarili, inabot ko ang litrato naming dalawa na nasa night stand at mariin itong tinitigan.

Maraming alaala ang naglalaro sa isipan ko habang nakatitig ako sa masayang laraaan naming dalawa.

"Newton's first law states that if a body is at rest or moving at a constant speed in a straight line, it will remain at rest or keep moving in a straight line at constant speed unless it is acted upon by a force Uhm.. Newton's first law states that if a body is at rest or moving at a constant speed in a straight line, it will remain at rest or keep moving in a straight line at constant speed unless it is acted upon by—Ay palaka! " Malakas na sigaw ni Elle matapos siyang magulat dahil sa panunundot ni Zarina sa tagiliran niya. "Ginulat mo naman ako Bess, nawala tuloy yung kinakabisado ko. Babalik na naman ako sa simula." Lumabit pa ito

"Busyng-busy ka na naman dyan," wika ng dalaga sa kaibigan. "Ano ba yan?"*

"Nagre-review ako, magpapa-recitation daw kasi si Sir Carillio mamaya e. Feel ko kasi tatagain na naman niya ang section natin," saad naman ni Elle.*

"Epal naman 'yang si Sir Carillio e, daming echos. Ang baba naman magbigay ng grades," umirap pa si Zarina saka sumipsip sa straw ng softdrinks na iniinom niya."Atsaka isa pa, matalino ka na. Hindi mo na kakailanganin pa 'yan. Samahan mo na lang ako, tara na." Inagaw ni Zarina ang libro na hawak ni Elle at hinila ang kamay ng kaibigan niya.*

Ha? Saan? "

"Lumipat na sa kabilang room 'yong crush ko na si Dominic Zafra, magpapa-cute lang ako."*

"Dominic na naman? E mula bata pa tayo siya na ang crush mo, ang loyal ha."

"Ganun talaga pag magaganda—ikaw nga Henry ka ng Henry e. Pinigilan ba kita? Hindi naman, right? Sagot ko ang lunch mo mamaya kaya tara na."


"Zarina? Bess bakit ka umiiyak?" Agad na yinakap ni Zarina ang kaibigan nang lapitan siya nito. "Okay ka lang ba? Anong nangyari?"

"Bess, tinanggal ako ni Diana sa grupo kasi sabi niya wala raw akong ambag sa research namin, e paano ako magkaka-ambag e lagi nila akong iniitsapwera? Tapos kapag nagtatanong ako sa kanila, hindi naman nila ako sinasagot. Binaliktad pa nila ako no'ng nagsumbong sila kay Ma'am Salonga," malakas na palahaw ng iyak ni Zarina habang nagsusumbong sa kaibigan. "Sabi nila, ako raw ang hindi nagri-reach out. Tinakot pa ako ni Ma'am  na hindi raw ako ga-graduate kapag hindi ako kumilos tapos after namin makipag-usap. Tinanggal na nila ako, natatakot ako bess."

"Grabe naman sila, ang sasama ng ugali nila pero hayaan mo. Wala pa rin naman akong ka-grupo, tayo na lang ang maging magka-group. Sasali tayo kina Zach at Kier, kulang pa sila ng dalawa e. I'm sure tatanggapin nila tayo."

"Talaga bess? Thank you! The best ka talaga Maria Elliese kaya love na love na love kita e. I love you Elisa"

Growing up, wala na akong ibang naging kaibigan liban kay Elle, parang kapatid ko na siya. I shared almost half of my life with her—my ups and down, our tears and laughters. Kaya noong nawala siya parang naputol na rin ang kalahati ng pakpak ko. 

"Elliese bumalik ka na, miss na kita. Miss ko na ang best friend ko." usal ko habang yakap-yakap ang litrato naming dalawa ni Elle.

"Nak, heto oh. Nagluto ako ng paborito mo, munggo na may tokwa at baboy." Si Mama, may dala-dala siyang tray. Nanuot sa ilong ko ang amoy no'n, monggo. Ang comfort food ko

"Busog po ako Ma, nanlibre po si Kuya Brent kanina." Pagsisinungaling ko—well, half of it ay lie and half of it is not.  Totoong nanlibre ang kuya pero hindi naman ako kumain.

Wala akong gana.

Hindi lang sa pagkain kung'di sa lahat. 

Miss ko na si Elle, gusto ko na makita ang best friend ko.

Kumusta na kaya siya? 

Masyado pa namang sakitin ang babaeng 'yon.

Nakakakain kaya siya ng mabuti?

Matakaw rin siya at mahilig sa seafoods, pinapapak niya kahit palikpik at buntot ng isda.

I miss you, Elle. 

Bumalik ka na please.

SAMMY

Pagod at hapo ang katawan ko mula sa maghapong paglalakad at pamimigay ng missing poster ni Elle pero imbis na umuwi ay dumiretso ako agad sa opisina ni Julia, ang girlfriend ko. Siya ngayon ang naka-assign at  nag-aasikaso ng kaso ni Elle, si Julia rin ang punong abala sa pag-iimbestiga sa pagkawala niya.

Naabutan ko siya na nasa loob ng opisina, nakaharap sa monitor ng laptop at tambak ang papel sa lamesa niya. Magulo ang buhok na para bang hindi nakapagsuklay sa isang buong taon, malaki ang eyebags at kalat-kalat na rin ang maskara sa gilid ng kaniyang mata.

"Babe," wika ko nang makapasok ako sa opisina niya, agad ako na humalik sa labi niya.

 "Sup, babe?

"I'm fine, kind off tired. Ikaw, kumusta?"

"As of now, I need another four hundred cup of espresso to keep me awake but don't worry, I'm still alive. Mabilis pa naman at hindi pa humihinto ang heartbeat ko."

"How about Elliese case? May balita na ba?" 

"The usual, wala pa rin."

"It's been months, wala pa rin ba kayong lead?"

"Wala, wala rin kasing witness na gustong magsalita e," mahinang saad niya na sinundan ng malalim na buntong hininga. "May apat na witness pero lahat sila tikom ang bibig at sa tingin ko ay nabayaran ang mga 'yon. O e teka, gising na ba si Yohan?"

"Hindi ko pa alam, hindi pa ako nakakadalaw simula kahapon. Tinutulungan ko kasi si Zarina, kawawa naman kasi ang best friend ni Elle na 'yon. Siya na lang ang nagho-hold on at naniniwala na buhay pa si Elle hanggang ngayon. 'Yong pamilya mismo, sumuko na." wika ko nang maka-upo ako sa sofa na nasa harap ng lamesa niya.

"Sinusubukan ko naman pero wala naman akong napapalam, naaawa na nga ako kina Aling Elsa at Mang Jun, ilang buwan na silang pabalik-balik dito pero laging bad news ang naibabalita ko. Hindi na ako magtataka kung bakit sumuko na sila after how many months." Saglit siyang napatigil nang tumunog ang cellphone niya na nasa tabi ng laptop. Agad niya itong kinuha at itinapat sa tainga niya. "Hello Vil? Anong balita?...Sige, salamat." Agad niya rin na ibinaba ang cellphone matapos tumawag si Vil na kaniyang kasamahan. Mariin niya akong tinignan at umiling. "Sorry."

"Bukas na lang siguro, tara na. Umuwi na tayo, kailangan mo na matulog at magpahinga." Pag-aya ko sa kaniya, umiling lang siya bilang tugon. "Julia, you've been working 24/7 baka naman gusto mo matulog man lang."

"Mauna ka na, I can still deprive my sleep. Uuwi na lang ako pagtapos naminn, okay?"

"Julia."

"Just go, trabaho ko 'to. Hindi ko pwedeng biguin ang mga umaasa sa akin, hindi ko pwedeng biguin ang pamilya ni Elle. Hindi ko puwedeng biguin si—" natahimik siya at mariin na tumitig.

"Sino?"

"Sam plea—"

"Si Yohan ba?"

"Babe please..."

"Ginagawa mo ba 'to para lang ba sa pamilya ni Elle o para kay Yohan?"

"Babe..."

"I'm aware, may feelings ka pa rin kay Yohan. Hindi naman mawawala 'yon nang gano'n kadali e, kaya mo nga sinusunod ang lahat ng mga utos niya e. Lahat ng utos niya na alam ko pati na ang mga hindi ko alam, tama? And you even spill his secrets kay Ate Yanna at kay Ninang Yvonne para pati sila protektahan din si Yohan dahil alam mong bukod sa akin, kay Sandara, sa'yo, at kay Elle. Maiintindihan rin nila ang best friend ko 'di ba?."

"Samuela this isn't about Yohan—"

"I knew it Julianna Louise, and I know you very well. Ginagawa mo 'to para makadagdag points kay kay Yohan."

"Babe, no."

"Na kahit magkanda-kuba ka, okay lang kasi para ito kay Yohan."

"Masama ba na hilingin ko na sumaya si Yohan? Masama ba na gawin ko yung best ko para lang mahanap si Elle para paggising niya hindi na siya maging malungkot o mawalan ng pag-asa gaya ng ginagawa natin kasi gigising siya na makikita niya ang taong mahal niya. Masama ba 'yon?"

"Pero nasasaktan ka na Juls,"

"Sanay ako sa sakit, Sam. Sinanay ko ang sarili ko, masaya na akong natutulungan ko si Yohan, masaya na ako na nakikita ko siya na masaya. Masaya ako na nagtatrabaho ako para sa kanya, masaya ako na nakikita ko siya na masaya sa piling ni Elle."

"Paano ako?"

"Magpahinga ka na, ayokong makipagtalo. Bukas na lang tayo mag-usap please." 

Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kainya. Agad ko rin siya na tinalikuran saka ako lumabas mula sa opisina niya.

Julia has an unsaid feeling for Yohan since when we were young. Grade five yata siya noong nag-start 'yon at hanggang ngayon ay naroon pa rin ang feelings na 'yon kahit na pitong taon na kaming magkarelasyon. She knew her limit naman, alam niya ang tungkol sa identity crisis noon ni Yohan thats why she choose not to tell Yohan about how she feels. Noong una talaga Julia and I were just best friend till I develop my feelings for her, mahal namin ang isa't isa but her feelings for Yohan? Hindi pa rin  nagbabago kaya nga once na nag-utos si Yohan ay dalawang kamay pa ang itinataas ni Julia para i-presinta ang sarili. Sinanay ko na rin naman ang sarili ko kahit medyo masakit minsan, mabuti nga at manhid itong si Yohan. 

Mabuti na rin at dumating si Elle a buhay niya.

Matapos ako na makalabas mula sa gusali na pinagtatrabahuhan ni Julia ay dumiretso muna ako sa malapit convenience store para bumili ng makakakain, past seven p.m na rin kasi ng gabi. At wala na akong oras na magluto—well, medyo tinatamad kaya na-decide ako na bumili na lang. Mag-isa lang din naman ako na kakain kaya hindi na masama ang instant noodles—ramen to be exact at siopao

Aabotin ko na sana ang handle ng glass door para buksan ito pero naunahan ako ng isang matangkad na lalaki, siya ang nagbukas ngunit hindi siya ang nauna na pumasok sa convinience store.

"Ladies first," narinig kong sambit niya. Pamilyar ang boses niya, tunog college enemy namin ni Yohan. Agad ko naman siya na nilingon, isang malapad na ngiti ang isinalubong niya. "Good evening Ms. Samuella Jean Lim."

"Nakabalik ka na pala Demonic Zafra," pang-iinsulto ko sa kaniya.

"Hanggang ngayon pala ay demonic pa rin ang itatawag mo sa akin," impit siyang natawa.

"So? Ano naman sa'yo?"

"Wala wala, mauna ka nang pumasok, nangangalay na kasi ako." sambit niya na hawak-hawak pa rin ang  glass door.

"Sino ba kasi ang may sabi na pagbuksan mo ako ng pintuan?" Mataray kong tanong.

"I just want to be a gentleman, bakit? Wala bang gumagawa no'n sa'yo."

"Pwes hindi ko kailangan, kung galing lang naman sayo no thanks na lang. Kainin mo ang pagiging gentleman mo."

"Kuya!" sabay kami na napatingin sa tumatakbo papunta kay Dominic na batang babae na nakapigtails at big curls at may hawak na asul na teddy bear. "Ate Amera called and she told me na gusto raw ni Ate Elle ng chocolate, bilhan natin siya ng almonds! She'll love it kuya"

Elle?

Sinabi niya ba ang pangalan ni Elle?

Alam ko naman na hindi lang si Elliese ang may palayaw na Elle pero bakit biglang kinabayo ang dibdib ko? Para akong kinutuban bigla dahil sa sinabi ng bata.

"Elle?" aniko, "Who's Elle?"

"M-My... M-My wife," nag-aalangan niyang sabi.

"No, she's not your—" sasabat sana ang bata ngunit inunahan siya ni Dominic na magsalita.

"Bri, sige na you go inside. Kunin mo ang lahat ng gusto mo, I'll pay for it." Mariin niyang sabi habang pinadidilatan ang batang kausap niya.

"Fine," inirapan pa siya ng bata at tumakbo papasok sa loob ng 7/11.

"Ikinasal ka na?" Siyang tanong ko.

"Y-Yea, last year." Nauutol niya na pagsagot na para bang nag-aalangan siya.

"Last year? I didn't knew it. hindi ka man lang nag-imbita." Siyang pagsakay ko sa trip niya.

"I-It's p-private wedding happened in P-Panggasinan, hindi na kami masyadong nag-imbita. Ayaw din kasi ng wife ng maraming tao,  you know? Introvert things." Peke siyang tumawa.

Sinipat ko ang kamay niya, only to find out na wala naman siyang suot na wedding ring. I'm not really convinced sa sinasabi niya, there's a part of me 

"Ang malas naman niya."

"Yeah but swerte naman ako sa kaniya, she's kind and beautiful ." Nag-aalangan ito na ngumiti. "S-So Paano mauuna na ako,"

"W-Wait... sinabi no'ng bata kanina na  Elle ang pangalan ng asawa mo tama a? Is that her real name or just her nickname?"

"Why are you so curious? Kaaway ko ang best friend mo 'di ba? And you just call me 'Demonic' kanina. Bakit bigla ka yata naging interested sa akin—or more like sa wife ko?" Akma siya na aalis ngunit hiniklat ko ang damit na suot niya

"Elliese ba ang tunay niya na pangalan?" Hindi na talaga ako makapagpigil kaya naman itinanong ko na

"I don't need to tell you," mariin na sabi niya.

"Sagutin mo ang tanong ko! Elliese ba ang pangalan niya?"

"Hindi ko kakilala ang Elliese na sinasabi mo, Elliana  ang tunay na pangalang ng asawa ko."padaskol niya na tinanggal ang kamay ko saka nagmamadaling pumasok sa loob ng 7/11.

Ano ang tinatago niya?

Magdamag ako na hindi pinatulog ng nangyari kanina, hindi ko talaga maintindihan kung bakit malakas ang kutob ko kay Dominic eh. Oo at maatagal nang may 'bad blood' sa pagitan nila ni Yohan, college days pa lang due to some reasons pero ang alam ko na pinakamalala nilang pinag-awayan ay ang tungkol sa Royal Gem. Pilit kasi na binibili ng Tatay ni Dominic ang Royal Gem since 2001, noong nabangkarote ang kumpanya nang dahil sa kagagawan ni Yoorangot but Yohan rejected Atty. Chongpico Zafra's offer.

There's a part of me na nagsasabing may kinalaman siya sa pagkawala ni Elle pero there's also a part of me na nagtatanong kung PAANO? Hindi naman niya kilala si Elle at matagal siyang nawala dito sa Pilipinas.

"Bakit tulalala ka? Wala ka na naman bang tulog?" tanong ni Alona nang mapadaan siya sa cubicle ko. "Nagbantay ka ba kagabi kay Sir Yohan?"

"Alona, ni minsan ba nagpunta dito si Dominic Zafra dito para ipagpatuloy ang naudlot niyang offer?" Ito agad ang namutawi sa labi ko imbis na sagutin ang tanong niya.

"Oo, mga once or twice ata... Ay wait four times pala. Pinipilit niya pa rin na bilhin ang property ng RG pero hindi pumayag si Ma'am Yanna." Siyang sagot ni Alona.

"Yon lang ang sinadya niya? About sa RG lang? Wala na bang iba?" Muling tanong ko.

"Meron pang isa, mukha ngang tinamaan din siya kay Ma'am Elliese e."

"Ha?"

"'Hindi ba't nagpadevelop si Sir Yohan ng mga litrato ni Ma'am Elliese tapos pinadikit niya sa office niya? Tapos may portrait pa si Ma'am Elliese sa may lobby?"

"Don't tell me pati 'yon..."

"Yon na nga, sinadya niya rin 'yon, hinihingi niya pa 'yong isa sa dalawang portrait. Ang sabi niya pa ay kakilala niya raw si Ma'am Elliese, kababata niya raw at first love."

Kababata?

First love?

Call me ridicolous but because of what Alona said, my gut feeling only got stronger. I cannot explain, hindi ko kaao-ano si Detective Conan pero napagduduktung-duktong ko na ang lahat ng mga clues.

 I just need to prove it...

Ebidensiya na lang ang kulang para maging konkreto ang iniisip ko.

"Alona kapag hinanap ako ni Ma'am Yanna pakisabi sa kaniya na hindi ako pumasok," nagmamadali ako na tumayo sa upuan ko at isinukbit sa balikat ko ang shoulder bag ko.

"H-Ha? B-Bakit? Saan ka naman—"

"Basta, may kailangan lang ako na malaman."

Dali-Dali ako na tumakbo papalabas ng building para hagilapin ang isang tao na kailangan ko, isang tao na siyang makakasagot sa mga tanong ko. Ang best friend ni Elle—ang babaeng maputak. Agad ako na sumakay sa kotse ko at tinungo ang landas papunta sa lugar nila Zarina.

Siya lang ang bukod-tanging tao na makakapagpatunay at kukumpleto sa puzzle na nabubuo sa isipan ko.

Ang mama niya ang bumungad sa akin nang mga oras na iyon, pina-upo niya ako sa sofa muna dahil ginising at tinawag niya pa si Zarina na tulog pa. Alas-nuwebe na ng umaga ay naghihilik pa ang tumbong, mukhang pagod na pagod ito dahil sa maghapong lakaran na ginawa namin nila Brent kahapon—Maya-maya pa, mula sa hagdan ay nakita ko na siya habang pupungas-pungas at nag-iinat pa, basa ang mukha niya at may bahid pa ng colgate ang baba niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya nang makababa siya.

"Kailangan kita," sagot ko

"Hindi ako pumapatol sa babae, tit* ang hanap ko hindi kik*, meron na ako ng kung anong mayron ka.."

"Tanga hindi," bulalas ko. "Hindi kita type, may Julia na ako. Mas maganda 'yon kaysa sa'yo."

"Eh anong sadya mo? Bakit ang aga-aga, nambubulabog ka?" tanong niya at umupo sa sofa. habang pinupunasan ang bibig at mukha gamit ang tuwalya.

"May kakilala ka ba na Dominic Zafra?"

"Dominic Zafra?" Nangunot ang noo niya na animo'y nagtataka. "Bakit?"

"Allen Dominicus Pagaduan Zafra. Kilala mo?"

"Oo," humikab siyang muli. "Bakit? Anong mayron sa kaniya?"

"Paano mo siya nakilala?"

"Kababata namin siya ni Elle, dito rin siya nakatira sa baranggay namin noon. Lumipat lang siya sa Manila noong nag-second year kami kasi bigla silang yumaman, bakit?"

"May kutob kasi ako na baka may kinalaman siya sa pagkawala ni Elle e,"

"Ano ba ang kalokohan na sinasabi mo?" Mas lalong nangunot ang noo niya. "Si Elle nawala that night after ng aksidente, paano magkakaroon ng kinalaman si Dominic sa pagkawala niya? Nasa France siya during that time."

"Nandito na siya."

"So? Wala naman siya sa pinangyarihan ng aksidente, 'di ba? So paano ka nakakasiguro na may kinalaman siya?"

Natahimik ako sa tanong niya, hindi ko alam kung paano sasagutin. Gut feel lang talaga...

"Oh bakit hindi ka makasagot?" Tanong pa niya. "Ginising-gising mo ako for this?"

"Ang lakas kasi ng kutob ko e,"

"Kutob? Bakit ka naman kukutuban kay Dominic? Bukod sa gwapo, mabait at matulungin si Dom. may pagkamahangin siya, very light lang naman pero imposible na gawin niya iyon kay Elliese."

Gwapo? Talaga, yuck!

"Naga-gwapuhan ka sa demonyong 'yon?"

Masama niya ako na tinignan. "Hoy! Crush ko 'yun hanggang ngayon ah. H'wag na h'wag mo pagsasalitaan ng ganun 'yon."

"Pero first love niya si Elle, tama?"

"Oo, so? Crush ko lang naman si Dominic eh. Isa pa, tatlong beses na siyang binasted ni Elliese. Karma niya 'yon kasi hindi niya ako ni-crushback. O e teka paano mo pala siya nakilala?"

"School mate namin at mortal na kaaway ni Yohan, mayabang kasi."

"I see, I see." sabi niya habang tumatango.

Paano nga ba at bakit nga ba si Dominic ang pinagbibintangan ko? Wala akong concrete na ebidensya, purong gut feel lang ang nararamdaman ko pero wala naman sigurong masama kung susunduin ko ang gut feel na ito, 'di ba?

Malay natin baka tama pala  talaga ako sa hinala ko sa Demonic na 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top