CHAPTER 28

ELLE

Unti-unti ko na iminulat muli ang mga talukap ng mga mata ko nang may maramdaman akong mahapdi sa parte ng ulo ko at nang magising ako ay pulos kulay na puti ang naaninag ng mga mata ko, iginala ko ito para maging pamilyar sa lugar kung nasaan ako ngayon. 

Natitiyak kong nasa loob ako ng isang ospital.

Teka...

Siyam na buwan na ba ang nakakalipas?

Nanganak na ba ako? 

Napahinto ako upang pagmasdan ang sarili ko, may nakasaksak na swero sa likod ng kamay ko, may benda rin ang braso ko at may mga gasgas rin ako sa mga braso ko.  Mahapdi at sumasakit rin ang noo at ulo ko at nang  ako ay ay  mapahawak  ay panibagong benda ang nakapa ko.

Sinubukan ko na alalahanin ang mga nangyari ngunit malabo ang alaala ko, wala akong nakikita sa isipan ko. Bukod sa hindi ito malinaw ay madilim lamang ang lahat na tila isang blankong kahon.

"Yohan? Yohan? Yohan nasaan ka?" Siyang pagtawag ko sa pangalan ng lalaking mahal ko habang ipinipiid ko ang  aking ulo sa paligid.

Sinubukan ko na ibangon ang katawan ko ngunit hinang-hina ako,  bumabagsak muli ito sa kamang kinahihigaan ko. Ilang beses ko pang sinubukan na bumangon ngunit sa tuwing ginagawa ko ay nabibigo lamang ako.  

"Elle, Elle, h'wag mo munang subukan na bumangon. Kailangan mong mamahinga," iniluwa ng isang malaki at puting pinto ang isang pamilyar na matangkad at mestisong lalaki, nakasuot ito ng pulang polo at itim na pantalon. May hawak siya na bulaklak at basket na may lamang prutas at naghahadali na naglakad papunta sa direksyon ko. "Magpahinga ka muna," Inilagay niya ang mga dala niya na sa metal na lamesa na nasa tabi ko.

"Dominic?"

Iniayos niya ang unan ko sa kama at marahan ako na inalalayan at inihaga roon, iniayos niya rin ang kumot ko at itabon ito hanggang sa aking dibdib.

"Dominic ano ang nangyari? Nasaan si Yohan?" Napahinto siya at natahimik, hindi niya sinagot ang mga tanong ko. "Dominic sagutin mo ko! Anong nangyari sa akin? At nasaan si Yohan?" Hindi niya ako muling sinagot, nakatungo lang siya habang tinatanggal ang plastik ng fruit basket. "Dominic! Ano ba? Nasaan si Yohan?!" Pag-uulit ko sa mataas at malakas na tono. 

Dahan-dahan niya ako na hinarap at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm sorry, I don't know how and what to tell you."

"Sagutin mo na lang!" sigaw kong muli!"

"Just calm down Elle, calm down first." Mahinahon niya na sabi habang pilit na kinakalma ako sa pamamagitan ng paghimas sa balikat ko.

"Sabihin mo na lang, sagutin mo na lang Dominic."

"Elle, you and Yohan got to an accident, few weeks ago.  A car accident to be exact, According to witnesses, your car swerved to avoid two people passing by before colliding with a large pole."

"S-Si Yohan, nasaan si Yohan?" Hindi siya umimik at malaman na tumitig. Humapding bigla ang puso ko at nanubig ang aking mga mata. "Nasaan si  Yohan?" Muling kong tanong at marahas na hinila siya sa braso.

"H-He..."

"He what?"

"H left you, he left you na para bang walang nangyari, sinubukan ko na pigilan siya pero…" umiling-iling siya… "Parang bingi siya na umalis sa pinangyarihan ng aksi—"

"No! No! Hindi niya ako iiwan, hindi niya gagawin 'yon."

"He did, heto tignan mo. Kuha nila 'yan ni Bella, sinend niya sa akin," iniharap niya sa akin ang screen ng kaniyang phone kung saan napanood ko kung paano gumiling ang hubo't-hubad na si Bella sa kandungan niya

"Oooh baby..."

"Do you like it Yohannie?"

"Ahhhh..."

"Uhmm... Yohan..."

"Hindi! Hindi siya 'yan!" Marahas ko na tinabig ang braso niya dahilan para malaglag ang phone sa sahig.

"Si Yo—"

"Hindi niya ako iiwan, hindi  niya ako iiwan, mahal niya ako Dominic. Hindi niya kami iiwan ng anak nam…in…" Napahinto ako at naalala ang ipinagbubuntis ko, agad na bumitaw ako mula sa pagkakahawak kay Dominic at idinampi at inihimas ko ito sa aking tiyan.

Nawala na ang maliit na umbok nito.

Nasaan ang baby ko?

Muli akong bumangon at kinapa muli ang tiyan ko. "A-Ang baby ko…" Nanginginig na niliningon ko si Dominic, nakalamukos lang ang mukha niya at para bang alam niya ang sagot ngunit ayaw niya na
sabihin.

"Elle..."

"A-Ang baby ko, n-nasaan ang baby ko? Dominic, Dominic nasaan ang baby ko? N-Nasaan na siya?" My throat thickens. "N-Nasaan ang baby ko? N-nasaan siya? Bakit wala na ang baby bump ko? Nanganak na ba ako?" I am shaking terribly

"Hindi Elle, hindi ka nanganak."

"A-Anong... anong ibig mong sabihin?"

"I'm sorry, wala na rin ang baby mo…" He shook his head sadly as he reach and held my right arm.

"N-No…" My voice cracks, I was holding my eyes in such a way that kept my tears inside the lids. "Hindi siya puwedeng mawala! Hindi puwede Dominic! Ipapanganak ko pa siya! Ipapanganak ko pa siya  Dominic e, magni-ninong ka pa sa baby namin ni Yohan." My voice crack as I snob and sniffles.

"Elle, I'm sorry. Sinubukan naman nila e, sinubukan naman ng mga doktor na i-save si baby mo pero hindi na talaga niya talaga kaya."

"N-Nasaan ang baby ko? Nasaan ang baby ko?" I felt a sting of melancholy and confusion inside me, along with a great wrench of sadness. A great sense of weariness sweeps and enevelopes over me sucking my energy with it. Dominic came over to me and locked me in his arms.

"Shush..." he utter. "I'm here Elle, hindi kita iiwanan."

"Ang baby ko, nasaan na ang baby? Ibalik ninyo sa akin ang baby ko! Ang baby ko Dominic, nasaan ang baby ko?  Ang baby ko... ang baby namin ni Yohan, nasaan?"

"Cry it out, cry it out Elle. Ayos lang 'yan, magiging maayos rin ang lahat."

"WALA NA ANG BABY KO! WALA NA RIN SI YOHAN! PAANO MAGIGING MAAYOS ANG BUHAY KO? WALA NA ANG MGA TAONG INIINGATAN KO!" Siyang sigaw ko kasabay nang pagpalahaw ko ng iyak. "Mag-isa na lang ako Dominic, mag-isa na lang ako." Hindi ko napigilan ang sarili na higpitan ang pagkakahawak at alog-alogin si Dominic.

"Umiyak ka lang, ilabas mo lang ang lahat."

Pakiramdam ko ay nabasag ang puso ko at nadurog ito, ayokong maniwala na iniwanan na ako ng mag-ama ko. Ayokong maniwala na iniwanan ako ni Yohan dito sa ospital, ayokong maniwala na nawala na ang baby ko. Nandito lang siya sa tiyan ko kanina, nandito lang siya at natutulog sa loob ng tiyan ko.

I sobbed from time to time ass warm tears welled up in my eyes.

I just lost two of the most important people in my life because of an accident because of that damn accident!

Mag-isa na lang ako

Wala na ang anak ko.

Wala na ang mahal kong si Yohan.

"Wala na ang baby ko, iniwanan pa ako ni Yohan. Wala na…wala na sila… wala na sila. Paano na lang ako?"

"Elle I'm still here, I won't leave you. I promise, I won't leave you." He said softly in my ears as he leans down ang kisses me on my forehead. 

"Y-Yohan… Y-Yohan ko… Y-Yohan…" sunod-sunod kong pagtawag sa kaniyang pangalan habang pumapalahaw ako ng iyak. "W-Wala na ang baby natin… Wala na… Nasaan ka Yohan? Nasaan ka?! Yohan ko…."

"Bakit ka ganyan makatingin? Panget na ba ako para sayo?"

"Of course not, youre always beautiful. Come here baby,"

"You're the most beautiful girl, the sexiest, the kindest, the most loving. Brave, bold, and daring. Hindi na ako makakahanap ng katulad mo,"

"Niloloko mo naman ako,"

"Elle hindi na tayo nagpapanggap,"

"Totoo ang lahat ng sinasabi ko, ikaw lang naman ang mahal ko e. Maniwala ka,"

"Mahal mo pa rin ba ako kahit madagdagan na ang timbang ko?"

"I do."

"Mamahalin mo ba ako kahit magkamanas-manas pa ako?"

"Elle, I love you."

"Kahit dumami ang pimples ko?"

"Elle, I love you."

"Kahit hindi na ako makapag shave, mag toothbrush, o maligo."

"Elle, I love you."

"Mamahalin mo pa ba ako kahit losyang na ako?"

"Elle, I love you."

"I just wouldn't feel complete without you…"

"The heart wants what it wants, and as it seems, my heart wants nothing more than to be with you. You are everything that I never knew I wanted in this life."

"Y-Yohan, nasaan ka na ba? Balikan mo ako rito please. Buhay ako Yohan, huwag mo naman sana akong iwan. Bumalik ka na sa akin Yohan, pakiusap.

DOMINIC

I couldn't bear seeing Elle like this, she was so sad and in tears all the time. She had a miscarriage and lost her baby, her first child with my mortal enemy, but I can handle her being devastated and upset. Rather than seeing her with and marrying that fcking Carbonel, Elle is my first love; I'm holding her now and I'm not going to let her go.

"Ms. Altamirano is distraught and depressed as a result of her pregnancy loss. The loss associated with a miscarriage can be devastating for some women; feelings of sadness, anger, and guilt over the loss of the pregnancy are common after a miscarriage. These emotions can lead to depression in some women. Depression, also known as major depressive disorder, is a mental illness that causes persistent and intense feelings of sadness over an extended period of time. Many people who suffer from depression lose interest in activities they once enjoyed and have difficulty performing daily tasks." Paliwanag ni Dr. Francisco na siyang tumitingin kay Elle.

"Gagaling ba siya?"

"Yes, Mr. Zafra but it can take a long time to recover emotionally from a miscarriage."

"May mga gamot po ba? Treatment or anything para makatulong po sa paggaling niya?"

"Yes Mr. Zafra, there are common treatments for depression and it includes: antidepressant medications to help balance chemicals in the brain and alleviate depressive symptoms, a psychotherapy to help her work through her emotions and cope with her grief in a healthy way and an electroconvulsive therapy or we called ECT, which is a procedure that involves applying mild electric currents to her brain and which is used to treat severe cases of depression that don’t respond to medication or psychotherapy. Most women who’ve had a miscarriage can expect their depression to subside within a year after the miscarriage. Treatment is usually effective in relieving symptoms, and a strong support network can help women get back on their feet. Many women who’ve had a miscarriage also go on to have successful pregnancies later in life."

Mataman ako na nakikinig sa mga ipinapaliwanag ni Dr. Francisco tungkol sa kalagayan ni Elle, pagkakataon ko na ito. Pagkakataon ko na para bumawi sa limang taon ko napagkawala, pagkakataon ko na para mas lalong maiparamdam ang pagkagusto ko kay Elle.  Gagawin ko ang lahat para hindi na sila muling magkita pa ni Yohan..

Hindi totoong iniwanan ni Yohan si Elle, hindi rin totoo ang video na ipinakita ko sa kaniya. Nakuha ko lang 'yon from Bella—an ex-girlfriend. Well, she's in love with Yohan kaya naman isinagawa namin ang matindihang plano na ito, nagkita kami sa U.S. last October. Nalaman ko kasi from Marigold na nasa-rehab siya dahil sa ginawa niya kay Yohan—to make the long story short. We did this para tuluyan nang maghiwalay ang dalawa, with the help of few people inside the Carbonels, Bella as the master mind, and me.

Nag-collab ang mga utak namin—Bella's desperate mind and  that person inside the Carbonel's mansion who wants Elle out, and my heart who's longing for Elle.

Yohan is in coma right now at mas malala ang natamo niya dahil sinanggalan niya ang katawan niya para mailigtas ang mag-ina niya sa aksidente, unfortunately—si Elle lang ang na-save niya. They lost their baby, mababa ang kapit ng bata at mahina na ang pulso nito. The child is trying to survive, lumabas ito kay Elle—nanganak si Elle and her child is a baby girl. I named her baby Ella, isinunod ko sa pangalan ng kaniyang ina. Kasinglaki lang ng bote ng gin ang bata, in-incubator pa siya but after two days ay sumuko na rin.

I have to seize this opportunity while  Yohan is still unconscious and there is nothing he can do to reclaim Elle and take her away from me. Hindi biro ang ma-coma, he's brain dead. Matatagalan bago siya gumising,or better yet—hindi na.

Elle stay the same—simple and pretty. She didn't change anything; she simply became more beautiful. I remember when we were kids, I dreamed about marrying her.  making her my wife, and having many children with her. And that dreamed will be a reality now.

I thought I'd never be able to find her, or that if I did, it would be difficult, but it appears that fate is truly my friend—I mean fate change her name and transform into that hot chic named Bella and befriend with me.

Hinayaan niya na magtapo kaming muli and it was the best thing that ever happened to me.

"Hey Domi-domi, how are you?" It's Bella on the other line. She's in the U.S—in jail to be exact.

"Hey Isa! I'm fine and... happy nagawa ko na ang pinapagawa mo. Magkalayo na silang dalawa."

"What did I told you? I'm brilliant Domi, I'm not just a pretty face.

"I know right. So, what's your next step? Pakakasalan mo na ba agad ang babaeng 'yan?"

"Yeah, right after her therapy."

"Therapy? Why?"

"Well, she had—"

"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?" I got interrupted with Caprice, my younger sister's loud voice.

"Hold on Bella, tatawagan na lang kita ulit." Pagpapaalam ko bago ko patayin ang tawag at ibulsa ang  cellphone.

"S-Sino ka? K-Kasama mo ba si Yohan? N-Nasaan si Yohan?"

"Yaya please, pakidala na si Elle sa kwarto niya." utos ko kay Manang Minda na tagapag-alaga ni Elle ngayon. "Lock her, hindi siya lalabas hangga't hindi ko sinasabi."

"Oh my God, Kuya!" Caprice' eyes widen while looking at her.

"Caprice, calm down." aniko habang tinutungo ang direksyon ng kapatid kong paranoid. "Just please—"

"Calm down? How can I calm down? How can I calm down? Kuya, ilang buwan na siyang hinahanap ng lahat. Haven't you heard it from the news?" bulalas niya habang hinihilot ang sentido at naglalakad patungo sa direksyon ko.

"Listen sis, walang dapat makaalam na nandirito siya, okay?" Hinila ko ang braso niya nang magtagpo kami.

"This is kidnapping Kuya, sasabihin ko 'to kay Henry."

"Do it, nang pareho kayong madamay."

"Oh my God, kuya. What happened to you? Akala ko ba ang R.G.E lang ang gusto mo ? Bakit pati ang fiancée ng Presidente, kinuha mo?"

"Don't act na para bang wala kang alam, you know how much I love her, right? Noon pa, noong nasa Bulacan pa lang tayo."

She just rolled her eyes. "Get over it! Hindi ka niya mahal, hindi ikaw si Yoh—"

"Yohan is gone! He already left Elle!"

"He's not, comatose lang siya and sooner or later. Magigising na rin siya and I'm pretty sure na si Elle ang una niyang hahanapin."

"Hindi nila puwedeng malaman na nasa akin si Elle Altamirano. Magaling ka namang artista 'di ba? Mas magaling ka kaysa kina Lorraine at Sabrina, right?" I held her other arms, tightly as I look in to her arms. "Do it for Kuya, huwag mo akong bibiguin Caprice. Huwag mong bibiguin ang Kuya. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"K-Kuya, I-I can't do this." She was about to cry, tears welled up in her eyes as she look  upstair.

Tinignan ko rin anh direksyon ng kaniyang mga mata, she was looking at Elle—Elle did the same. Para bang sila ay nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

"Cap, listen to Kuya Dom."

"Kuya, ayaw ko. Parang awa mo na, ibalik mo si Elle."

"Hindi puwede, mahal ko siya Caprice. Alam mo 'yan," hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak sa kaniya.

"Kuya, mali 'to. Sobrang mali ang ginagawa mo, you have to bring her back. May pamilya siyang naghihintay at naghahanap kay Elle."

"Akala mo ba hindi ko alam 'yon? Of couse I knew it, ibabalik ko rin naman si Elle. Hindi nga lang sa ngayon."

"Then tell me, when?"

"Caprice..."

"Tell me!" Pagtataas niya ng boses.

"Kapag gumaling na siya, she just loat her baby. She had depresion and—"

"Depresion, na kagagawan mo. Tama ba ako?"

"Sis, huwag mo akong pagbintangan."

"Huwag mo rin akong gawing tanga, Kuya. I knew you, masama ka."

"Caprice!"

"Hindi ako naniniwalang aksidente ang nangyari, malamang ay may kinalaman ka kung bakit nangyari 'yon kay Sir Yohan at kay Ma'am Elliese. Hindi ako magsasalita pero ito lang ang sasabihin ko, walang lihim ang hindi nabubunyag." And with that, Caprice left me.

"Kuya,  Caprice is right." It's Bri, my niece. "You have to do the right thing. Kawawa naman po si Ate Elle." mahinang usal niya bago siya pumanhik sa kaniyang kwarto.

It's been two months since I brought Elle home, it's also been two month that I haven't been able to talk to her properly.  Dito siya nag-pasko at nag bagong taon kasama ko pero parang hindi ko rin siya kasama dahil sa lumalalamg kalagayan niya.

She constantly cries, sometimes speaks alone, or maybe sings. Madalas niya rin kung hanapin si Yohan, may mga pagkakataon nag rin na nagigising ako dahil sa boses niya. Tawag siya nang tawag sa pangalan ni Yohan, it's probably a  normal thing subalit hindi mawawala sa akin ang magselos.

Nagte-therapy na rin siya, matapos niya na ma-discharge sa hospital ay agad ako na naghanap ng pinakamagaling na psychotheraphist para sa kaniya. Nag-hire na ako ng pinakamagagaling na psychiatrist at psychology pero wala pa rin, wala pa rin improvement na nangyayari.

Muli akong nagising mula sa pagkakahimbing ng marinig ko ang boses ni Elle mula sa labas ng kwarto ko, kumakanta siya. Agad akong nagbangon mula sa kama at nilabas siya. Pinagmasdan ko lang siya habang nagpapalakad-lakad sa labas ng kwarto ko.

"In another life, I-I would be your gir...l. We'd keep all our promises—bee us against the world. In another life, I would make you stay so I don't have to say... you were the one that got away. Tehe one that got away. Ohohohooh… the one, the one, the one, the one that got away In another life, I would make you stay so I don't have to say you were the one that got away, the one that—" Saglit siya na napahinto nang makita niya ako, "Dominic…" mahinang usal niya. "Nakita mo na ba si Yohan? Kasama mo na ba si Yohan ko?"

Iyan ang parati niyang tanong sa tuwing nagkikita kaming dalawa, mga kataga na parang kutsilyong tumatarak sa inosenteng puso ko

"Elle, anong ginawa mo dito sa labas? Bakit hindi ka oa natutulog?"

"Dominic…" Muli niyang tawag sa pangalan ko. "Gusto ko makita si Yohan…" tears shimmered in her eyes as she sniffles. "I want to see my Yohan." tears drop from her eyes.

"Nagugutom ka ba kaya hindi ka makatulog? Gusto mo bang ipagluto kita ng monggo? Paborito mo 'yon 'di ba?" Pag-iiba ko ng usapan.

"H-Hiindi ko paborito ang monggo, si Zarina kaya ang may gusto non. Parati niya ngang ulam 'yon at monggo rin ang ibinaon niya noong fieldtrip natin. Natatandaan mo ba?"

"Oo nga pala, bqkit ko ba nakalimutan na si Zarina nga  pala ang may gusto nang monggo?" Impit akong natawa. "Tara na, ihahatid na kita sa kwarto mo. Matutulog na tayo," lumapit ako sa kaniya at kinuha ang kaniyang kamay  ngunit agad niya rin ito na inagaw.

"Ayoko! Hindi naman ito ang bahay ko e, gusto ko nang umuwi! Gusto ko na umuwi!" Sigaw niya sa akin nang agawin niya ang kamay niya. "Gusto ko nang makita si Yohan! Iuwi mo na ako kay Yohan, ayaw ko na dito. Natatakot na ako."

"Elle, wala na si Yohan. Matagal na siyang wala, iniwanan ka na niya. Masaya na sila ni Bella, ikakasal na nga sila e. Nakita mo naman 'yong video, right? Do you want to watch it over again? Para mag-sink in sa'yo na hindi ka na niya mahal."

Tumulala siya habang naka-awang ang pang-ibabang labi niya, nangilid ang mga luha at lumamukos ang maganda niyang mukha.

"M-Mahal ako ni Yohan, hindi niya ako iiwan."

I hate to see her like this but I need to endure it, kailangan mabago ko ang paniniwala niya tungkol sa fiancé niya. Kailangan, maging masama si Yohan sa isip ni Elle para tuluyan niya na itong iwanan at kalimutan.

"Iniwan ka niya kasi sinisisi ka niya sa pagkawala ng baby mo, ng baby ninyo. Dalawang buwan na ang nakakalipas Elle, ni minsan ba dinalaw ka niya? Hindi naman 'ei ba? Kasi galit siya sa'yo, galit siya sayo at sinisisi ka niya sa pagkawala ng baby ninyong dalawa. Hindi ka na niya mahal, hindi ka na mahal ni Yohan."

"G-Galit siya? G-Galit si Yohan sa akin?"

"Oo Elle, para sa kaniya ay masama kang ina dahil pinabayaan mo ang anak niya."

"G-Galit si Yohan sa akin, galit siya kasi namatay ang baby namin dahil… namatay ang baby namin dahil sa akin…" Paulit-ulit niyang sabi at napasalampak sa sahig, yinakap niya ang mga tuhod  habang umiiyak at paulit-ulit na sinisisi ang sarili. "K-Kasalanan ko, k-kasalanan ko kung bakit nawala ang baby ko. Masama akong ina… masama akong ina!" Kasabay noon ay ang pagpalahaw niya ng malakas na iyak.

Agad ko siya na nilapitan ay yinakap habang hinahagod ko ang likod niya.

"Okay lang 'yan, nandito pa ako Elle. I won't leave you. I'm here babe, hindi kita iiwanan."

Nang mapagod siya kakaiyak ay nakatulog na si Elle sa mga bisig ko. Marahan ko siya na binuhat at pinasok sa kwarto niya, dahan-dahan ko rin na inihiga si Elle sa kama niya at pinagmasdan siya habang pinapahiran ko ang mga luha sa pisngi niya.

"Elle, bakit ba hindi na lang ako? Mahal naman kita e. Bakit ba kailangan na si Yohan pa ang mahalin mo? Matagal na akong naghihintay sa'yo, nag-aral akong mabuti para sa'yo. Inihanda ko na ang future nating dalawa kaya this time, hindi na kita pakakawalan pa. Naririnig mo ba ako? Hindi na kita pakakawalan pa, sa akin ka lang Elle. Sa akin ka lang, naiintindihan mo ba ako?"

"K-Kuya…" isang maliit na boses ng batang babae ang narinig ko mula sa bukas na pintuan. Namataan ko si Bri na may karga-kargang baby alive mula sa pintuan, siya ang bunsong kapatid ko. Mukhang nagising din siya dahil sa malakas na pag-iyak ni Elle kanina.

"Bri ikaw pala, Come here…" 

"K-Kuya why don't you just return Ate Elle to that Yohan whom she always calls?"  sabi niya habang papalapit sa akin. "Kuya set her free, kawawa naman si Ate Elle."

"Brianna Reign, hindi mo kasi maiintindihan kung bakit ayaw ko siyang ibalik kay Yohan."

"Kuya, I know you love her but Kuya… she doesn't love you. You have to accept the truth, she belongs to someone and that someone is Yohan."

"Alam ko, and I already accepted it."

"Maybe that Yohan is all she need for her fast recovery, don't be selfish kuya. This isn't you, mabait kang tao. You always told me na masamang kumuha ng bagay na hindi sa'kin, natatandaan mo pa ba?"

"Call me selfish Bri but I won't let her go,ayaw mo ba na maging masaya ang Kuya Dom-Dom mo?"

"I want Kuya pero how about Ate Elle? She deserves to be happy too, she needs to get better. Ate Elle needs her Yohan, ibalik mo na siya Kuya. Tama si Caprice, I stand with her." Pagkasabi ni Bri non ay  tinalikuran na niya ako at lumabas na sa kwarto.

Bri is just seven years old, but when it comes to speaking, she seems ancient and wise. Every argument Bri makes is valid, and perhaps only Yohan can heal her. Yohan could be all that's required for Elle to recuperate quickly, but what about me? I don't want to lose her, and I don't want to be without Elle once more.

Mahal ko siya.

"Kung hindi ka mapapasaakin, sisiguraduhin kong hindi  ka rin mapupunta kay Yohan, sa akin ka lang Elle. Sa akin ka lang, naiintindihan mo ba ako? Dadaan mo sila sa bangkay ko bago ka nila makuha ulit."

SAM

"Condolences po, Tita Elsa." mahinang usal ko nang makalapit ako sa Nanay ni Elle na nakatayo malapit sa kabaong ni Lolo Igme.

"M-Ms. Sam, salamat po sa pakikiramay." Nanginginig ang kaniyang boses—yumakap siya sa akin at mahinang humagulgul.

"Tita Elsa, sige po. Umiyak ka lang po." hinagod-hagod ko ang kaniyang likod nang humigpit ang kaniyang pagkakayakap.

"A-Ang Tatay, h-hindi niya na kinaya. M-Magaling na siya pero noong nalaman niya na nawawala si Elle, naging malungkutin siya hanggang sa atakihin siya sa puso at—" hindi na niya naipagpatuloy pa ang pagkukwento at pumalahaw na lamang ng pag-iyak.

Habang umiiyak ay inilayo ni Tito Jun at ni Crismar ang ina ni Elle at iniupo ito sa mahabang silya na nasa may bandang unahan ng simbahan. Tinabihan siya ni Ninang Yvonne—Yohan's mom at ni Ate Yanna.

"Loom how devastated they are," ani Sandara sa tabi ko at nakasilip sa kabaong ni Lolo Igme. "Pati si Lolo, mukhang hindi masaya noong namatay siya."

"Sino ba ang sasaya sa ganito? Naaksidente na nga silang dalawa, na-comatose pa 'yong isa—habang si Elle hanggang ngayon ay nawawala pa. It's been two months, Sandara."

"Dalawang buwan na wala pa rin nangyayari, lumalala lang ang lahat." Humugot siya ng malalim na buntong hininga.

"Mabuti pang tumulong ka na muna sa pagse-serve sa mga nakikiramay, dumarami na sila." utos ko kay Sandara, tumango lang siya at sumunod kay Catherine—Elle's sister na patungo sa kabilang side mg simabahan kung saan naroon ang mga pagkain.

Tinungo ko naman ang landas  kung nasaan sina Tita Yvonne, Ate Yanna, at Tita Elsa—agad akong naupo sa bandang likuran nila.

"H-Hindi ko alam k-kung ano ba ang nangyayari sa amin, h-hindi ko alam kung parusa ba ito o sinadya." Umiiyak na sambit ni Tita Elsa.

"Don't say that balae, everything happened for a reason." usal ni Tita Yvonne na nakayakap sa kaniya.

"Pagod na pagod na ako balae, hindi ko na alam kung paano magsisismula na wala si Tatay, na wala si Elle."

"Don't worry, kumikilos na kami para mahanap siya. Umasa tayong sa mga susunod na araw ay mahahanap rin natin ang si Elle, kailangan nila ni Yohan ang isa't isa."

"Nagnamahalan lang naman sila pero bakit tila yata humahadlang ang lahat?"

"Hindi sa gano'n 'yon Elsa, sadyang mapagbiro lang talaga ang tadhana. Ipanatag mo ang isipin mo. Tama na ang pag-iisip ng mga negatibo, magpahinga ka at magdasal."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top