CHAPTER 12
YOHAN
I was all by myself when I first moved into my penthouse; I didn't have a maid, a guard, or even a gardener. I had to live alone and be independent while I was twenty-five years old throughout those years. My dad does not want me to be extravagant like my Ate Yoora. He can be treating us with the things we NEED but not the things we WANT.
Nasanay ako na maging mag-isa sa loob ng penthouse for six years, paminsan-minsan dinadalaw ako nina Sam at Julia, nina Ate Yanna at Ate Honey pati na ng pinsan ko na si Marigold. Gusto ko rin naman ng binibisita ako sa bahay pero most of the time ay mas gusto ko ang mag-isa dahil sa nasanay ako.
When I was in elementary school, I was an extrovert with lots of friends and acquaintances, but as I advanced to high school, everything changed. I also experienced having an identity crisis—which lead me to question my whole damn self during that phase.My cousins are mostly girls, and I go to school with some girls because of the competitions I enter. My siblings, with the exception of Henry, are all girls. In high school, a man was deemed gay if he was physically presentable and own all the necessary hygiene supplies. And in my case, naging biktima ako ng stigma na 'yon. Gladly, nakilala ko si Sam. Siya lang ang naging kaibigan ko during my highschool days.
My male friends gradually disappeared when the issue about my sexuality sprouted, came out, and spread all over the campus. Most of my male acquaintances shunned me because I was considered as "gay". I tried to have a relationship with a woman but it didn't work, ang laging isyu ay mas babae pa ako kaysa sa girlfriend ko. Until I met Daniel, He had been discreetly courting me prior to my meeting Daniel, but I don't recall responding. After kissing me, he abruptly announced that he was my boyfriend a day later. Limang taon na ang relasyon namin, going 8 years sana pero dalawang beses siya nakabuntis kaya dalawang beses din kaming naghiwalay. Isang beses lang kasi nangyari ang paghahalikan namin at hindi na nasundan kahit na anong pilit pa niya.
I insisted on being gay, even though I was aware that my daddy was a homophobic. Although, duda pa ako sa tunay kong identity ay pinanindigan ko na. I still consider myself as a man yet I ain't straight.
My Dad is indeed a homophobic dahil pinalayas niya ang Tito Carlos ko, na sarili niyang kapatid dahil sa paglaladlad nito dahilan para atakihin sa puso ang Lolo Victor ko.
I don't want to commit the same mistake that my Uncle commited that's why I came up with this plan. Ang pagpaggapin ang napili kong babae, which is Elle bilang fiancée ko. Daniel was aware of my planbut one thing he didn't know was that I would be ending our relationship once Elle accepted my offer. Another reason is, I'm still finding myself— my true identity to be exact. Ewan ko nga ba, minsan nga at napapaisip na lang ako.
What if, hindi talaga ako gay?
What if, maling tao lang ang mga pinakinggan ko noon?
Kaya ako umaarte na possessive towards Elle, I have my own plan, I have my own games. Kinaya akong gaguhin ni Daniel at mambuntis ng dalawang beses habang pinerahan niya ako. I will have him taste his own medicine.
'Yong mga pagpunta-punta niya sa kumpanya at mga panggugulo niya sa pamamagitan ng text at tawag ay puputulin ko na. Wala akong balak na ipa-ban siya pero muntik niya nang saktan si Elle kaya napilitan na akong gawin iyon dahil binigyan niya ako ng panibagong dahilan to delete him from my life. With that, mapapadali ang pagkalas ko sa relasyon naming dalawa.
Since I've been living with Elle for about a month, I can honestly say that sharing a roof with her is the best thing I've ever done for myself. She's always there by my side and I never feel alone because her existence. Elle is a living blessing in disguise—an angel.
Thanks to Cherry at nakilala ko ang sister-in-law niya, thanks to Sam and Alona for doing my favours, and thanks to Julia, marami akong nalaman about kay Elle, I've been commanding Julia for almost a month na rin na hindi alam ni Sam at wala akong balak ipaalam dahil marami na siyang nagawa para sa akin.
When we reached my penthouse, I told Elle to go upstair to rest, tapos ako naman ay dumiretso sa kusina to cook her favourite food. She deserves a break, mahirap ang situation niya because of Henry and as her fake-fiancé and boss I need to help her since I owe her a lot. Nabigla nga ako kanina sa ginawa niya sa loob ng kotse , honestly she turns me on. Well, actually everything that she does turns me on and I dont know why. Iba ang epekto ng katawan ko sa kaniya. She might be an angel but she's also a living temptation.
"Bakit ka bumaba? I told you to rest, why don't you just rest?" Panenermon ko agad sa kanya pagkapasok niya sa kitchen. May pagkamakulit ang babaeng 'to, daig ko pa nagka-anak nang dahil sa kaniya. Aanakan ko talaga ang babaeng 'to kapag napuno ako.
Wala namang expiration 'yong pagpapanggap namin e, ikakasal kami for real. That's the thing that she didn't know at wala akong balak na sabihin sa kaniya.
"Mababagot lang ako sa kwarto," wika niya saka umupo sa stool sa may island counter na katapat ko. "Ano 'yang niluluto mo?"
"Secret," mahiksi kong sabi habang ginagawa ko ang special sauce.
"Madaya," she pouts kaya naman ginamit ko 'yong way to kiss her sweet lips. "Yohan!" Pagpoprotesta pa niya.
Naaadik ako sa paghalik sa kaniya. Ang paghalik sa kaniya ang bisyong, hindi ko titigilan.
"Ilayo mo yung labi mo sa akin, kakagatin ko 'yan." I said while trying to hide my smile.
Ugh Elle! Hindi ko alam kung bakit ganito siya, sa buong buhay ko—sa thirty-one years kong pamamalagi sa mundo. Si Elle lang ang nakapagpangiti sa akin ng sobra. I swear, binigyan niya ng buhay ang tahimik kong bahay. Ginulo niya in a good way.
"Ikaw kaya ang nang-aamba ng halik diyan." Gumulong ang kaniyang mga mata.
"Kaya nga ilayo mo, ititigil ko 'tong pagluluto ko at magme-make love tayo ng tanghaling tapat kapag hindi ka tumigil diyan."
"Pati ba naman pagnguso, bawal pa rin? Abusado ka na Yohan Carbonel." Napipikon niyang sabi.
"I can't resist temptation, Elle." Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina. "Kaya nga the first time we had se—"
"Yohan h'wag mo nang ipaalala…" Pagputol niya sa akin, pinandilatan niya rin ako ng mata.
"Why? Maraming beses na nating ginawa 'yon and don't forget na pinipilit mo ako kaninang i-bang ka inside the car. Remember?" Pinamulahanan siya ng pisngi, I was aware na she didn't meant it naman. I just wanna test her patience, she's a little bit pikon and masungit sometimes and I love that side. I mean, I love every sides of her but her masungit and pikon side will always be my favorite.
"Para kang tanga," she utter saka niya ako pinalo ng kutsara.
"One hit, one kiss."
"Hoy!"
"What?"
"Dagdag ka ng dagdag ng rules tapos ako hindi puwede, napaka-unfair mo." maktol niya.
"Ipapaalala ko lang sa'yo at baka nakakalimutan mo. I'm still your boss, Elle."
"Alam ko." Sumeryoso ang mukha niya at nag-iwas ng tingin.
"Galit ka?"
"Hindi."
"Galit ka e."
"Ayaw mo na sa akin?"
Kunot noo siyang tumingin sa akin, "Anong sinasabi mo riyan? Adik ka ba?"
"Nothing," I faked my smile. Oo nga pala, nagpapanggap nga lang pala kami.
Posible ako na mahulog sa kaniya, sure 'yon—pero siya? It seems imposible na mahulog siya sa akin, she's madly in love with my brother and my brother feel the same way. Pera lang talaga ang panlaban ko at mga pangako ko kay Elle kapalit ng pagpapanggap niya, thats all.
Teka, bakit ko nga ba iniisip 'to? I mean, lagi naman sumasagi sa isip ko ang bagay na 'yon pero haha... basta ang alam ko nasasaktan ako.
Hindi ko rin alam kung how it started, basta bigla na lang. That's my nature, sobrang spontaneous ko na pati sa isip ko, nakakapag-isip ako ng
mga unexpected things.
Umiling-iling ako saka ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa kong sauce,
"Sauce ba yan ng chicken inasal?" She ask in a soft tone.
Hindi ko sinagot ang tanong niya pero matikong kumurba ang labi ko sa isang ngiti nang marinig ko ang boses niya, wala sa sarili akong tumango habang hinahalo ang ginawa kong sauce.
"Chicken inasal 'yang niluluto mo 'no?" tanong pa niyang muli.
"Yeah, a special recipe for the most special person in my life," I smiled as I caresses her cheeks.
"Special mo mukha mo," pangongontra niya sa sinabi ko. Impit akong natawa nang irapan pa niya ako.
"Why? Ayaw mo ba?" Saglit akong napahinto.
"Ano—" Elle was about to speak but I interupted her.
"Don't speak, alam ko naman na nagpapanggap lang tayo. All pretention, pure pretention. Pero sinabihan naman kita na puwede nating totohanin and I mean it."
I really do… to get rid of Daniel, to get rid of Bella and to get rid of Henry.
"Yohan?"
"Yes baby?" I call her baby almost every time, wala lang. Ang sweet lang pakinggan kapag sinasabi ko 'yon tapos hindi siya umaangal.
"Sorry..."
"For?"
"For not doing my best sa set up na'to." She puts her hand on my left cheek. "I'm sorry kasi... kasi—"
"Baby, wala kang kasalanan. Ang totoo, ako ang dapat sisihin sa nangyayaring 'to. Nadamay ka lang talaga."
"Ang drama natin," pineke niya ang pagtawa. "Magluto na lang tayo, ano ba ang maitutulong ko?"
Nang matapos ang ginagawa kong sauce ay ang chicken inasal naman ang inasikaso ko, habang si Elle ay nagpresinta na mag-bake ng dessert which is chocolate mousse cake. She use to work daw sa pastry shop kaya may alam sya sa pagbebake ng nga cake at cookies kaya hinayaan ko na.
Maganda rin 'to na bonding para sa aming dalawa. Kaysa andun kami sa loob ng opisina, naiistress ako tapos sya nabuburyong, at kaysa rin nasa loob kami ng kwarto at gumagawa ng milagro. Nag-iingat na ako e, baka madisgrasya ko na naman siya. I might consider myself as gay pero hindi ibig sabihin ay hindi na ako makakabuntis pa. Male genitals pa rin naman ang mayroon ako at nakakakabit sa akin.
"Wala ka bang naging girlfriend?" Matikong napalingon ako sa nasa islander counter at gumagawa ng icing na si Elle. Sobrang random kasi ng tanong niya at hindi ko maiwasan na magtaka.
"Meron naman tatlo sila, dalawa noong high school at isa noong college. How bout you? Ilan na ang nakarelasyon mo?" Siyang tanong ko at bumalik sa paglalagay ng spiced para sa chicken inasal.
"Si Henry lang."
He's a lucky fcking bastard.
"First boyfriend?"
"Only boyfriend for three years,"
"And I ruined that," I chuckles bitterly.
"Pinasira ko naman e, masyado kasi akong desperada," Muli akong napalingon sa abala sa pagmimix ng ingedients na si Elle.
"Baby," I spoke. Trying to caught her attention.
"Hmm?" Mahiksing tugon niya.
She is wearing a blank face while doing it and I can't bare to see her like that. Mas sanay ako na nakikita ang naiirita niyang mukha o kaya ang smiling face niya. Tinanggal ko ang apron pati na ang gloves na suot ko saka ko siya hinarap at yinakap.
"Hey, don't say that…" wika ko habang yinayakap ko siya mula sa likod. "Hindi ka gano'n, you're far different from those person okay?" I rested my chin on her left shoulder.
"Totoo naman kasi 'yon, Yohan e. Hindi naman natin maipagkakaila 'yon na kaya lang ako sumama sa'yo dahil sa pera."
"No Elle, first of all hindi mo iga-grab yung opportunity na 'yon kung hindi kita kinulit at pinilit. I know your reason why you accepted my offer, hindi mo 'yon ginawa for yourself. You did it for your family."
"Thank you." Mahinang usal niya, huminto siya sa paghahalo ng icing.
"For?"
"For everything, hindi mo lang kasi ako binigyan ng trabaho. You even give my family an easy life. 'Yong buhay na pangarap ko lang noon."
"You owe me, I owe you," I whisper as I place small kisses on her neck. "I'm just returning the favor."
"Wala pa naman akong masyadong nagagawa for you bukod sa magpanggap sa harap ng mga ate mo at mga empleyado."
"I actually hate counting kung ano ang ginagawa mo para sakin o kung ano ang nagagawa ko sa'yo, just let's be spontaneous na lang just like what I always do."
Marami Elle, marami ka nang nagawa para sa akin. Hindi mo lang narerealize 'yon sa ngayon.
"Hindi ko maipapangako, lalo kapag hinarap ko na ang parents mo. Sigurado akong kakabahan ako at baka ma-stutter ako sa harap nila."
"If ever man na magtanong sila, ako na ang bahala na sumagot. Just do your thing and I'll do mi—." napahinto ako nang maramdaman ko ang pagba-vibrate ng phone mula sa bulsa ng pantalon ko.
"Sure," nakangiti niyang sabi.
"Wait I sec, I think I had a call." Agad ako na kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kaniya at saglit na itinuon ang pansin sa cellphone. My Dad, he's calling
"Hello, Dad?"
"Son!" Siyang bungad niya nang sagutin ko ang tawag.
"Hey old man, how are you?"
"Aba! Marunong ka na pala na mangamusta ngayon, 'yan ba ang epekto ni Elliese sa'yo? Kung gano'n pala, she's a good influence." Pangangantyaw niya saka sinabayan ng malokong tawa.
Paano niya nalaman?
"Wait... who told you?"
"A reliable source..." tumawa siyang muli. Kapag naririnig ko ang salitang "reliable", automatic na pangalan ni Ate Yanna agad ang pumapasok sa isip ko. She's my dad's favourite daughter. The Carbonel's golden child.
"Can I call her Alyanna Marie Carbonel-Stevenson instead of 'reliable source'?"
"Nadali mo anak," muli ulit siyang tumawa na para bang walang sakit na iniinda. "Oh and by the way son, nandito na kami ng Mommy mo sa Manila. "
"Already? Akala ko sa December pa ang uwi ninyo ni Mommy?"
"Gusto kong dito na sa Pilipinas mag-retired e at saka isa pa, ang sabi ng ate mo nagsasama na kayo sa iisang bubong at engage na kayo. Kaya I'll see you tonight sa bahay ng ate mo, doon tayong lahat magdi-dinner. I can't wait to see my son and his soon-to-be wife. Bigyan ninyo na ako ng apo ha? Sige na baka naiistorbo ko na ang quality time ninyo, gawa well." Humalakhak pa ito, ilang sandali pa ay ang mahabang tunog na ng beep ang narinig ko.
Nang maibaba ko ang cellphone ay agad ako napatingin kay Elle na abala sa paglalagay ng unfinished cake na ginawa niya sa oven. Hindi ko alam kung magugustushan siya ng parents ko, especially my dad. He might be laughing pero I can feel na theres a part of him na wini-wish na sana si Bella na lang ang naging fiance ko.
Bella and Elle were both different person, in every aspect. Sobrang layo ng pagkatao, ugali, at kung paano nila ipresent ang sarili nila. Bella is a spoiled brat and a party animal, typical bad bitch type, while Elle? She's everything, she is the type of woman that every men dream of. She's innocent, brave, daring, pure, bold, kind, generous, selfless, and beautiful.
Pero kahit naman anong sabihin nila or kahit tumutol sila sa amin ni Elle at ipilit si Bella sa akin. I won't let them, si Elle pa rin ang pakakasalan ko.
"Bakit ka gan'yan kung makatingin sa akin?" Boses ni Elle ang siyang nakapagbalik sa akin sa sarili ko. "Chicken inasal na ba ang tingin mo sa akin?"
"N-No... No... Sorry, bigla kasi akong kinabahan e."
"Kinakabahan sa?"
"Daddy is already here in Manila and he wants to see us at dinner tonight, it will be held at Ate Yanna’s house. It is a challenge for us since it's a family dinner. We need to be extra careful, extra sweet, and extra clingy."
"T-Tonight na agad?" She asked, stuttering. "Bigla rin akong kinabahan, parents mo na kasi ang haharapin natin."
"Don't be, I'm here. Hindi naman kita pababayaan e, I always got your back." Tumango siya at yumakap sa akin. "Tapusin na natin 'tong cake at chicken inasal, we're going to the mall."
"Ano namang gagawin natin sa mall?"
"We'll going to buy you a new dress, jewelries, and a new pair of shoes."
"Hindi ba kaka-shopping lang natin two weeks ago? Hindi ko pa nga nagagamit yung iba doon."
"Luma na 'yon, kaya sige na bilisan na natin ang pagluluto."
ELLE
Nang matapos namin ang pagluluto at pagbebake ng cake ay dumiretso na kami ni Yohan sa mall, sa isang boutique niya agad ako na dinala at pinapili ng susuotin ko. Pulos mamahalin ang mga nandirito, hindi ko alam kung ano ang kukuhanin, heto na naman ako sa panibagong edisyon ng pamimili ng susuoting damit. Ito naman kasing si Yohan, napaka daming kaartehan. Kada aalis na lang kami ay kailangan dumiretso muna kami sa mall para mamili ng damit. Halos mapuno na ang pinasadya niyang walk-in closet sa dami ng mga pinagbibili niya sa akin na damit, sapatos, bags, at accessories. Nagagamit ko naman lahat kaso isang beses lang, he don't want me to become an outfit repeater kaya ayon, nagkakagulo ang lahat ng mga gamit ko. Daig ko pa may boutique.
"Nakapili na ako Yohan," wika ko nang magustuhan ko ang kulay puti na longsleeve na dress, marami itong bulaklak at lampas tuhod ang haba.
"No." mariin niyang sabi at pinagkrus ang mga braso niya. "Mamili ka pa, blanko ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"E eto?" itinuro ko ang isa pang long sleeve na dress, color mint green ito, round neck at may cute na belt
"No."
"Eto?" sabay turo ko sa isang color orange na dress na hanggang tuhod at assymetrical.
"No."
Medyo nakakaramdam na ako ng pagkapikon sa kaka-No niya, parang sinasabi niya na panget ang taste ko sa damit. Lalo na ang mapanghusgang titig niya sa mga inosenteng damit na itinuturo ko. Pasensya na kayo ha, may pagka-banidoso at ubod sa arte ang lalaking kasama ko.
"Ano ba talaga ang gusto mo?" Pagsuko ko.
"Ikaw," maloko siya na ngumiti. Inirapan ko na lamang siya.
Muli akong bumalik sa pagtingin ng mga damit, may nakita ako na tube at color red na damit, above the knee ko at may belt ito na pang shala pero nang tignan ko ang presyo ay napaatras ako at ibinalik 'to sa lagayan. Ang shala rin kasi ng presyo, Php 10,000.00 sa dress na isang beses ko lang na isusuot.
"Why did you return that dress?" Seryosong tanong niya.
"Nakakalula kasi ang price," wika ko, nakita ko na kinuha ni Yohan ang ibinalik ko na damit. Kumuha pa siya ng apat pa or lima yata. May assymetrical, may silver, yung isa backless, at lahat ng 'yon ay ipinasukat niya sa akin. Lima ang dress kaya limang beses akong nagpabalik-balik sa fitting room, kumuha pa siya ng panibagong lima pa na may kasamang see through, turtle neck, at cocktail at muli niyang ipinasuot sa akin Kaya limang beses ako ulit na nagpabalik-balik sa fitting room.
"We will buy everything you wear," sambit niya nang makabalik ko dala ang mga damit.
Kinuha niyang lahat sa akin ang sampung ibat-ibang klase ng damit na sinukat ko kanina at dinala sa counter Hindi na ako naka-imik at naka-kontra pa lalo pa ng i-swipe na ng babae ang credit card niya sa isang machine. Sunod kami na pumunta sa bilihan ng mga sapatos, at doon ay nagwaldas na naman siya ng libo-libo para sa limang sapatos na para sa akin. Kumain muna kaming dalawa bago nagpasya na umuwi, mag-aalas kwatro na rin at alas-sais ng gabi ang family dinner na attendan namin.
"O teka, hindi ito ang way pauwi sa penthouse mo ah." Napuna ko agad ang pagliko ng direksyon ng sasakyan, imbis kasi na kumaliwa ay dumiretso ito.
"Penthouse natin— and we're not going home yet. You need a make-over, I want you to become the prettiest girl sa dinner mamaya. I mean, maganda ka naman na pero gust kong matalbugan mo silang lahat."
"Imposible 'yan, ang ganda kaya ng Ate Yanna mo pati na si Ate Yoora mo."
"Due to make-up, while you even without make-up—maganda ka na talaga."
"Pero hoy, ang ganda ng lahi ninyo ah." aniko.
"Lalahian din kita, huwag kang mag-alala."
"Gago ka naman."
Natawa naman siya. "Pupuntahan natin si Julia, maaasahan siya when it come to make up and girly thing. She'll help 'you."
Mukhang nagdesiyon na naman siya ng hindi pinag-iisipan ah... pero sino muna si Julia?
"Sino si Julia?"
"Samuela Jean Alcarpio Lim's girlfriend."
"Girlfriend ni Ms. Sam? Lesbian ba siya?"
"Since birth," mabilis niyang sagot.
Napa-awang ang pang-ibabang labi ko nang malaman ko ang tunay na katauhan ni Ms. Sam. Hindi ko inaasahan na ang akala ko sobrang pa-girl at mala diyosang babae ay lesbian pala and that's cute tho. Na-excite tuloy ako na mameet si Julia, I wanna ask her kung sino ang nanligaw sa kanila, kung sino ang mas sweet, at marami pang ibang tanong.
Madali namin na narating ang subdivision kung saan nakatira si Julia na girlfriend ni Ms. Sam, pagpasok namin sa gate ay ang malaking pool kaagad na may parang waterfalls agad ang nahagip ng mga mata ko. Although meron din naman sa bahay ni Yohan ng ganun but I still feel fascinated lalo na kapag nakakakita ako ng mga unusual things na hindi ko pa nakikita sa 24 years na buhay ko or minsan ko lang na makita.
Malaki at malawak ang bahay ni Julia, kung ang bahay ni Yohan ay napapaligiran ng puti at itim na kulay. Gold naman ang kay Ms. Julia, simple at elegante ganyan ko mailalarawan ang loob ng living room niya. Walang masyadong abubut at kung ano-anong mga paso-paso, malinis itong tignan at mukhang hindi nahihirapan ang mga kasambahay sa paglilinis ng buong bahay.
"You must be Elle," isang maliit at mahinhing boses ang naulanigan ko.
Sinipat-sipat ko ang paligid hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ng balikat ni Yohan sa balikat ko, iminuwestra niya ang ulo sa direksyon na nakaharap sa may hagdanan. Isang medyo may kaliitan, payat, at maputing babae ang bumaba mula sa hagdanan. Nakangiti ito at maaliwalas ang mukha niya, mukha siyang doll. Halos ga-balikat ko lang siya, mukhang bata pa ito.
"Hello, I'm Julia..." inoffer niya ang kamay niya for a shakehand na agad ko naman na tinanggap.
"Elle." Pagpapakilala ko.
"Don't be fooled by her appearance, she's older than us." May pang-aasar ang tono ni Yohan, agad ito na pinanlakihan ng mata ni Julia. "She's 36 already."
Teka seryoso ba? Is Julia really 36? She looks younger, she has a baby face and she had a cute height too.
"H'wag mong papakinggan 'yan, tara na at pagagandahin na kita para makuha ka ng iba," hinila niya ako papalayo kay Yohan, she also stick her tounge out na parang bata. Padaskol niya rin na kinuha ang mga shopping bags kay Yohan na naglalaman ng mga damit na pupwede kong suutin para sa dinner mamaya.
Dinala ako ni Julia sa second floor ng bahay niya kung saan matatagpuan ang mini-salon niya, inuna niya na kulutin ng malalaking kulot ang buhok ko saka niya sinunud ang mukha ko. Light make-up lang ang nilagay niya sa mukha ko, simpleng lip gloss at golden brown na eye-shadow. Mukhang pang wake-up like this na itsura, madali kong nakapalagayan ng loob si Julia. Halos iisa kasi kami ng interest, madaldal rin siya at maraming baong chika. Naalala ko tuloy si Zarina sa kan'ya.
Ang silver na dress na above the knee at iisa lang ang manggas ang pinili niya na suotin ko, silver din ang suot kong stilleto. Silver rin pati na ang suot kong kwintas na may naka-engrave na Carbonel sa pendant, silver din ang maliit na loop earrings ko pati na ang dangle bracelet.
Nang matapos niya ako na ayusan ay bumaba na rin kami, napansin ko na iba na ang suot na damit ni Yohan. Kanina kasi ay naka-casual wear siya. Isang polong puti na at maong na pantalon ang suot niya kanina pero ngayon ay isang blue formal tuxedo na. Agad na rin kami na dumiretso sa bahay ni Ate Yanna matapos ako na ayusan ni Julia.
"Oh here they are. Yohan, my handsome child." Masayang sabi ng isang babae na tansya ko ay nasa edad 50s na, masigla ito na lumapit kay Yohan at hinalikan siya sa labi.
May edad na pero napaka sopistikada ng kanyang ayos at galaw. And hearing sa pagtawag niya kay Yohan, siya ang Mama niya. "Who is this lovely lady beside you?" tanong nito habang may malapad na ngiti sa labi.
"You'll know her later." ani Yohan.
"Fine fine, you two come here and let's eat" wika ng isang lalaki na na mukhang 50s din. Gwapo at tila isang DON ang pormahan. Papa yata ito ni Yohan, malaki kasi ang pagkakahawig nilang dalawa sa mata, ilong, at pati hulma ng mukha.
Matiim kong inobserbahan ang mga nasa hapag, magaganda at nagaguwapihan sila. Mga mayayaman at talaga namang sopistikado at sopistikada ang mga ayos nila. Nakasuot sila ng mga mahahaling damit, nakakasilaw din ang mga mamahaling alahas na nakasabit sa leeg, tenga, pati na braso nila.
"Let's join them," aya pa ni Yohan at inalalayan ako na maka-upo.
"Yohan, ipakilala mo naman sa'min ang kasama mo, kanina pa kami naiintriga." ani ng isang babaeng blonde.
"Oo nga naman, who is she?" tanong ng isa rin'g babae na hawig ni Yohan sa mga mata.
Nakita kong ngumiti si Yohan na lalong nagpagwapo sa kanya, tuumingin siya sa akin bago tumayo.
"Everyone, Mom, Dad, sisters, I would like you to meet Elle… my fiancé"
"Fiance?" gulat na tanong ng mga naririto sa hapag pwera kina Ate Yoora at Ate Yanna na nauna nang naka-alam.
"Hey you must be kidding son, kailan pa?" Its his Dad.
"Dad, don't act like you know nothing about her." Yohan said in a serious tone.
"Ikaw naman anak, masyado kang seryoso e. I already knew it." Tumawa pa ito saka tumayo at nagsalin ng wine sa wineglass "Let's cheer for the new member of our family." Itataas na niya sana ang baso pero natigilan ito nang magsalita ang Mama ni Yohan.
"Just a minute Harrison, Henry is not yet here..."
Napasinghap ako ng marinig ko ang pangalan niya, oo nga pala at family dinner ito. Nawala sa loob ko na magkapatid nga pala sila at magkikita at magkikita na naman kami ni Henry.
"Matutulog ako na girlfriend kita, gigising ako na girlfriend pa rin kita"
"Matutulog ako na girlfriend kita, gigising ako na girlfriend pa rin kita"
"Matutulog ako na girlfriend kita, gigising ako na girlfriend pa rin kita"
Paulit-ulit na nagpa-flash sa utak ko ang mga huling kataga na sinabi niya nang gabing makipag-hiwalay ako sa kanya. 'Yong gabi na mas pinili ko ang kapakanan ng pamilya ko kaysa sa kanya, ang gabi na pinili ko ang pera kaysa pagmamahal niya.
Alam ko kapag nakita niya ako ulit at malaman niya na desidido ako pakasalan ko ang kapatid niya ay mas lalo ko siya na masasaktan, kahit pa hindi ko intensyon na gawin iyon.
"Oh he's here! Henry baby!" Tumayo ang mom ni Yohan at sinalubong ang kararating lang na si Henry. "Hey son take your sit at may announcement ang kapatid mong si Yohan."
Marahang lumapit sa kinaroroonan namin si Henry, napayuko na lamang ako nang makalapit siya at nang maka-upo sa katapat namin ni Yohan
"Elle?" sambit ni Henry sa pangalan ko. "You're also here..."
"You know her?" Tanong ng buntis naate ni Yohan.
"Yes Ate Yashi she's my girl—"
Yohan cutted his sentence off
"Ex-girlfriend Henry, ex-girlfriend." Mariin nitong sabi kay Henry.
"Ex? Paano ko siya magiging ex? Hindi kami naghiwalay Yohan. Hindi ako pumayag." Matigas na sabi ni Henry, "Elle, sabihin mo nga."
"E-Excuse me p-po.." akma akong tatayo ngunit hindi ko nagawa nang higitin ni Yohan ang braso ko.
"Stay here baby and tell Henry na wala na kayo… c'mon tell it!"
"Y-Yohan…"
"Teka nga, teka nga. Ano ba ito? Bakit ganito kayo? Henry, Yohan." Ang daddy nila ang nagsalita. "Anong ex ang sinasabi mo?"
"Allow me to explain Dad…"
Sumama ang kutob ko nang magsalita si Yohan.
"Elle and Henry were ex-lover. Kaya nakipaghiwalay si Elle kasi sinasaktan siya ni Henry, and worst nakakaranas pa ng harrasment and threat si Elle from his handler. And ako naman, bilang mabuting kaibigan I help Elle till she move on. Then one day, we just felt that we loved each other."
"Hindi gano'n ang nangyari, h'wag kang magsinungaling Yohan!"
"Heto na naman ba tayo Henry? Pagtatakpan mo na naman ba ang sarili mo tapos ako ang gagawin mo na sinumgaling? C'mon! I'm tired with your shits."
"Elle, sabihin mo na hindi totoo iyon."
"See? He's still manipulating my fiance."
"Elle? Mahal ko…"
Hindi ko kayang makita siyang ganyan, nagmamaka-awa. Nasasaktan ako para kay Henry pero andito na ko e, kailangan paninindigan ko na ang pinasok ko.
"Tama na Henry, hindi ka na mahal ni Elle. Pinagpalit mo nga siya kay Sabrina diba?" Patuloy pa na pagsisinungaling ni Yohan para madiin si Henry.
"Kinahihiya mo siya."
"No! Yohan stop lying!" Mataas na ang tono ng boses ni Henry.
Hindi ko matiis na makita at marinig si Henry na nasasaktan at nadidiin nang dahil sa akin. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko, yumuko na lang ako saka patago na hinabol ang paghinga ko. Kung pwede nga lang ako na umalis na, talagang tatakbo ako papalayo.
"Ikaw ang nagsisinungaling Henry. Mom, Dad you knew it. Yan ang sampid ng pamilya, the great pretender! The blacksheep!"
"Stop that!" sigaw ni Ate Yanna, tumayo siya mula sa pagkaka-upo. Magkatabi kami kaya madali niya ako na nalapitan. "Elle? You okay?"
Tuloy ang palitan ng maaanghang na mga salita ng magkapatid. Nakakaramdamn na ako ng hindi na maganda sa katawan ko at pakiramdam ko rin ay mistulang pinarurusahan ako dahil sa ginawa ko.
Mahigpit akong napakapit kay Yohan gamit ang kanang kamay habang ang kaliwang kamay ko ay pinapakiramdaman ang puso ko. Sinubukan na iayos ang balanse ko, mukhang nakatunog at napansin ito ni Yohan kaya huminto siya sa pakikipag batuhan ng salita at sinuri ako.
"You okay?" aniya at humawak sa likuran ko. "Elle?"
Malakas na sigawan ang huling nadinig ko bago magdilim ang paligid ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top