SEVEN

Chapter Seven

Zach's POV

Nakahiga ako ngayon sa kama at kakatapos lang ng lessons namin ni Mira. Halos madaling araw na kami natulog ni Mira dahil pagkatapos naming kumain ay tinuruan ko siya kung paano gamitin ang mga tools and equipment sa kusina. Natatawa ako tuwing niisip ko kung paano siya namamangha sa mga gamit sa bahay. Ultimo tubig sa gripo tinanong niya kung saan galing.

"Nasa tuktok ng gusaling itong bahay mo, 'di ba? Papaano nagkakaroon ng tubig d'yan?" Turo niya pa sa gripo na tila isang palaisipan sa kanya kung papaano nagkakaroon ng tubig doon.

Inunan ko braso ko at napangiti sa tuwing naiisip ko ang reaksyon niya kanina.

Muntik ko nang batukan ang sarili ko nang ma-realized kong para akong baliw na nakangiti na nakatingin sa kisame. Damn! Is not me!

Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising dahil matagal akong nakatulog dahil sa pagtatalo namin ng sarili ko. Bumangon ako. Damn morning erection.

Pumasok ako sa cr at naligo na rin. I have an itinerary for today. I decided to bring Mira outside, and, of course, groceries na rin. Wala pang laman ang ref ko, puro noodles naman ang laman ng cupboards ko na binili ko kagabi.

Nagpambahay lang muna ako total ay kakain pa naman kami. Naka-shorts lang ako at topless. Pagkalabas ko sa kwarto ay sinilip ko si Mira sa kwarto niya sa pamamagitan nung maliit na siwang sa pinto. Nakita kong wala na siya dun. Ang aga talagang nagigising ng babaeng yun.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at pagdating ko sa sala nakita ko siyang nakaupo sa sofa, her usual spot. Tsssk.

Nag-angat ng tingin si Mira sakin. Nagulat ako ng pulutin niya ang slippers niya at ibinato sakin.

Hindi ako nakailag doon at sumapol iyon sa aking pagmumukha. My nose was  severely stricken with the slipper. I grimace in pain, damn. Mukhang napango yata ang ilong ko sa pagkakabato niyang iyon.

My head automatically heated when I recovered from the pain. What the hell! Bakit niya ako binato?

Nanlilisik ang mga mata ko sa galit dahil sa ginawa niya. Inilang hakbang ko ang pagitan namin at tumigil sa harapan niya. Tinakpan pa niya ang bibig niya na parang 'di niya sinasadyang tamaan ang mukha ko. Pssh! Ngayon niya lang na realized ang ginawa niya. Damn her, I thought we're okay last night.

Nang nasa harapan na niya ako ay mabilis niyang inilipat ang kamay na nasa kanyang bibig tungo sa kanyang mata.

My brow puckered.

"Bakit mo ako binato?"

"Bastos ka!" Sigaw niya pabalik.

Kinuha ako ang kamay niya na nakatabon sa kanyang mga mata. "Bastos!" Ulit niya at winaksi ang kamay ko.

"Anong bastos ang tinutukoy mo?" Gulong tanong ko.

Kinuha niya ang kamay na nakatakip sa kanyang mga mata.

Inangat niya ang kanyang mga mata sa akin. "Hindi ano, kung hindi, sino; at ikaw 'yong bastos."

Ang tapang talaga ng babaeng ito na sagut-sagutin ako. Ni-isa sa opisina ko ay walang naglalakas loob na sigaw ako o kontrahin ako. Pero itong ignoranteng babaeng taga-bundok na 'to sinalo ang lahat ng kakapalan ng mukha. May gana pang makipag-debate sa 'kin.

Marahas akong napabuntong hinga.

"At papaano ako nakakabastos, huh, you witch!"

Mira's POV

Hindi ko naintindihan yung huling sinabi niya pero pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako at nasasaktan ako.

"Dahil walang matinong lalaki na ibina-balandra ang katawan niya sa harap ng isang dalagang babae." Ang aking pangangatwiran.

Umiling ito.

"Tssk, damsel my ass. Babae ka pala!" Sarkastikong saad niya. "At para sabihin ko sa'yo ganito ako pag nasa bahay lang. Hindi ko na kasalanan kong bastos ito para sa inyo pero para dito sa'min pinagkakaguluhan ang mga lalaking ganito."

Nakasuot lang kasi siya naman isang maiksing kalsonsilyo at wala siyang pang-itaas. Nakikita ko kung paano umaangat at bumababa ang dibdib niya sa galit ngayon sa akin. Nai-ingganyo man akong hawakan ang matigas na katawan niya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Magiging makasalanan pa yata ako dahil sa kanya. Kaso parang nang-iimbita ang katawan niya na hawakan ito. Napakaganda kasi ng kulay kayumanggi at walang depekto niyang katawan.

Nagulat kasi ako kanina nang pag-angat nang tingin ko ay nakita ko siyang naglalakad sa ganoong hitsura, parang wala siyang kasamang babae rito sa bahay niya.

"Nagiging makasalanan ata ako sayo." Mahinang sambit ko.

"Ano!?"

"Wala. Mabuti pa kumain ka na dun. Pinaghanda kita ng noodles, 'yung kinain natin kagabi." Pag-iiba ko sa usapan namin dahil sa kakaibang dulot ni Zach sa akin, parang ewan dahil nasa harap ko siya at nakabalandra ang katawan niya. Ito ang unang beses na naramdaman ko ito pagkagulo ng aking sistema at mukhang hindi ito maganda at wala ring mabuting idudot sa akin, kung ano man ito.

"Basta sa susunod huwag ka nang rumampa rito na naka-ganyan ka dahil hindi iyon maganda. Dapat ipinapakita mo lang ang katawan mo sa asawa mo, Zach."

Nakatingin ako sa kanya kaya nakita ko kung paano lumaki ang mata niya sa sinabi ko pero may nakita din akong lumantay doon na sakit. Ewan ko kung ilang sandali kaming nagkatinginan bago siya unang bumitiw. Tumalikod siya at nag-angat baba ang balikat niya na parang hinihingal ba.

Tumayo ako at hinarap siya. Mas mabuti siguro kung magiging mabait ako sa tagapangalaga ko baka sakaling magiging mabait din siya sa akin. Dahil mukhang mainitin talaga ang ulo niya at ako rin. Kasi kung walang magbaba sa amin siguro sasabog kami. Kaya ako na ang magbaba dahil wala rin naman siyang balak.

Hmp!

"Tara na kumain ka na, 'di ba, sabi mo may lakad tayo ngayon." Ngumiti ako pero alam ko namang hindi niya iyon makikita dahil may takip ang mukha ko.

Hindi siya gumalaw at nakatingin lang sa akin. Anong problema ng isang ito? Hinawakan ko ang braso niya kahit na alam kong bawal ito sa amin.

"Halika ka na." At hinila siya sa kusina niya. Atat na rin kasi ako kung saan ang lakad namin.

Pagdating namin sa kusina ay nakita kong nakatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. Mabilis ko iyong binitawan kaya napatingin siya sakin.

"P-paumanhin, ginoo, ay, Zach." Hingi ko nang tawad sa kanya. "Kumain ka na at manood lang ako ng palabas sa salas."

Pagkatapos ay mabilis akong naglakad tungo sa salas. Baka magalit iyon dahil hinawakan ko siya. Kasi kung siya ang humahawak sa akin ay winawaksi ko ang kamay niya pero ngayon ako pa talaga ang humawak sa kanya.

Hindi ko na talaga naiintindihan ang sarili ko minsan.

Tinoon ko na lang ang aking atensyon ko sa malaking kwadra na kung tawagin ni Zach. Nakita ko ang mga  gubat doon.

Bumigat ang dibdib ko nang makita ko iyon. Naalala ko kasi ang aking tahanan, kung kumusta na kaya ang mga bata doon? Kahit na hindi ako pinapansin at kinakausap ng mga batang iyon ay namimiss ko rin sila. Namimiss ko rin si Edna. Hinahanap kaya niya ako? O baka kinasal na sila ni Tonio. Namimiss ko na rin si Ama, kumusta na kaya ito roon? Ayos lang kaya siya roon? Nag-aalala ako kay Ama dahil baka kung ano ang gawin ni Tiyo Hernan sa kanya. Sakim pa naman ang kapatid na iyon ni Ama.

Hindi ko na napansin na lumuluha na pala ako. Titiisin ko ito pangungulila ko dahil alam ko magiging maayos din ang lahat ng ito. Aalis din ako rito sa puder ni Zach. Magiging maayos na rin siya pag-nangyari iyun dahil wala na ang sagabal sa bahay at buhay niya.

"Magbibihis lang ako, maghanda ka na rin dahil aalis na tayo."

Mabilis kong dinampi ang telang nakatakip sa aking mukha upang punasan ang basa kong pisngi sa ilalim no'n at saka bumaling kay Zach na nakakunot ang noo na nakatingin sa 'kin.

"Did you cry?" Ingles niya.

"Huh?"

"Ah, nervermind." Iritado niyang sambit at iwiniwasiwas ang kamay.

"Magtagalog ka kasi, Zach nasa Pilipinas naman kasi tayo." Payo ko rito.

"Nah, ako ang magdedesisyon n'yan, babae."

Sumimangot ako at ito naman ay naglakad papunta sa silid niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top