CHAPTER 35
CELESTE'S POV
Bakit ako umiiyak? Bakit may luha?
Pinahid ko ito at bumangon habang nakatitig sa pintong nakasarado. Mayamaya ay bumukas ito at nakita ko ang nag-aalalang si Mira.
"Mira---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sunggaban niya ako ng isang napakahigpit na yakap. Pagkaraa'y narinig ko ang pag-iyak niya.
"Akala ko tuluyan ka nang mawawala. Nakakainis ka, Hera!" aniya sa pagitan ng pag-iyak kaya hinagod ko na lamang ang likod niya at napangiti.
The thought of how sweet is this lady infront of me, reminds me of someone from the other world. It's none other than, Patrice. My one and only girl bestfriend.
"Hindi ako mawawala. Bakit naman kita iiwan?" sambit ko na lamang matapos siyang kumawala sa yakap.
"May lason ang tsaa na ipinainom sa'yo. Ang mga walang hiyang iyon, gusto ka talaga mamatay!"
Dahil sa sinabi niya ay napaiwas ako ng tingin. Ang reyna at si Takumi, sigurado akong plano nila iyon.
Pero bakit? Gusto na ba talaga nila akong tuluyang mawala?
"Mira, si Tsuyu nga pala?" Kusang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na hindi ko naman dapat ungkatin pa. Pero bakit gustong-gusto kong lagi siyang kinukumusta?
Saglit siyang napatigil at tinitigan akong mabuti na wari ay may dapat akong aminin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Hera, tapatin mo nga ako," panimula niya at umayos ng upo malapit sa pwesto ng kama ko.
"Gusto mo ba ang pangalawang prinsipe?" tanong niya na nagpakaba ng sobra sa puso ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napaiwas ng tingin.
Hindi ko alam. Ayokong sumagot.
Sa tuwing kasama ko siya, masaya ako. Kahit napaka-antipatiko niya.
"Hera." Hinawakan ni Mira ang kaliwa kong kamay at pinisil iyon. "Ayoko lang masaktan ka. Pero kailangan mo siguro malaman ang totoo," dagdag pa nito kaya napatingin ako sa kanya.
"Malapit nang ikasal ang prinsipe sa prinsesa ng Timog. Tatlong linggo mula ngayon, sa paglubog ng araw."
"Malapit nang ikasal ang prinsipe sa prinsesa ng Timog. Tatlong linggo mula ngayon, sa paglubog ng araw."
Napahawak ako sa dibdib ko. Sumasakit ito. Pilitin ko mang alisin sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni Mira ay hindi ko magawa. Parang sirang plaka, nag-eecho ito sa pandinig ko.
Napatitig na lamang ako sa bracelet na hanggang ngayon ay suot ko pa rin.
Ikakasal na pala siya. Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi na siya nagpapakita sa akin? Baka nga.
"Bobo mo, Celeste. Bakit ka iiyak? Wala namang kayo, bakit ka masasaktan? Tanga mo, girl. Baka! Baka!" paulit-ulit kong sambit dahil sa inis at pinagsisipa ang mga maliliit na bato rito sa tabi ng lawa. Sumalampak ako at pinagbubunot naman ang kung anong makita kong uri ng damo.
"Baka!"
"Huwag mong idamay ang inosenteng halaman dahil lang sa pinagdaraanan mo."
Agad akong napatayo dahil narinig ko ang biglaang pagsalita ng kung sino sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Jin na nakatitig na pala sa papalubog na araw. Napayuko ako.
"Masaya akong makita kang malakas na ulit, Hera," nakangiti nitong sambit kaya napangiti na lamang ako ng tipid.
"S-salamat," naiilang kong sagot.
Napabuga siya ng hangin at napatingala sa kalangitan na ngayon ay may bahid na ng kulay kahel at pula. Pagkuwa'y nilahad niya sa akin ang kaliwang palad. Napatitig ako rito.
"H-ha?"
"Maganda ang gabi ngayon para sa pangingisda. Samahan mo ako," alok niya.
"A-ako? Magagalit ang reyna," tanggi ko dahil ayoko na ulit mapag-initan ng ulo. Nagawa na nila akong lasunin. Kinakabahan na ako sa kung ano pang pwede nilang gawin sa akin.
Natawa siya kaya napasimangot na lamang ako. Gustong-gusto ata niya akong mapahamak.
Pero mayamaya ay tumigil siya sa pagtawa at agad akong hinigit sa kamay hanggang sa mapalapit ako sa kanya.
"Tara." Hindi na ako nakapalag pa ng hatakin niya ako patungo sa pinakamalapit na bangka rito sa lawa.
Hinayaan ko siyang isama ako.
Baka ito ang paraan para sandaling sumaya sa mundong ito. Para kahit sandali man lang, malimutan kong nasasaktan ako dahil kay Tsuyu.
THIRD PERSON'S POV
"Akala ko ba malakas ang epekto ng lason kapag kumalat na sa katawan ng tao? Bakit hanggang ngayon buhay pa rin ang babaeng 'yon?!"
"Talaga nga namang mahaba ang buhay ng masamang damo. Kailangang gumawa tayo ng paraan para mawala ang Hera na iyan sa palasyo. Sagabal siya sa mga plano natin!"
"Pero ina, hindi lang iyon ang problema natin!"
Hindi mapakali si Takumi. Pabalik-balik ang paglalakad niya sa silid habang sapo ang noo. Nakatingin lamang sa kanyang reyna na nakaupo at kalmadong umiinom ng tsaa.
"Ina, alam na niya! Alam na ni Tsuyu na..." Hindi niya maipaliwanag. Pati siya ay naguguluhan na rin.
"Kumalma ka. Hindi maganda iyan sa prinsesang ikakasal," paalala ng reyna at lumagok ng tsaa.
"Ina, alam na niya! Anong gagawin natin kapag kumalat 'to?" nag-aalalang tanong nito sa Inang reyna na ngayon ay padabog na ibinaba ang tasa saka tumitig sa kanya.
"Hindi kakalat kung walang magsasabi. Basta ikakasal kayo, at iyon ang mahalaga!" Nawawalan na ng timpi ang reyna. Halos hindi makapaniwala ang prinsesa sa narinig.
"Talaga? Sa tingin mo, hindi kakalat ang balitang iyon? Na ako at ikaw ay magkadugo at isa akong hamak na anak mo sa labas?!"
"Takumi!" sigaw ng reyna at ibinato sa dingding ang tasa. Nabasag ito. Nagulat ang luhaang si Takumi pero mas nanaig ang emosyon niya.
"Ina, hindi na ako tanggap ni Tsuyu. Paano pa niya ako pakakasalan?" luhaang sambit ng nanlulumong si Takumi sa inang reyna.
Agad lumapit ang reyna at hinawakan ang pisngi ng kaisa-isang anak na dalaga. Ito ang lihim na kahit kailan ay ayaw niya ipaalam sa lahat maging sa hari. Ayaw niyang ito pa ang maging dahilan ng pagkasira at pagbagsak nila.
"Itutuloy ang kasal. Kailangang maging isa ang imperyo ng Gokayama at ng Timog. Kapag nangyari iyon, tayo pa rin ang magmamana ng trono. Hindi pwedeng iba. Naiintindihan mo ba?" determinadong wika ni Seina sa umiiyak nang prinsesa.
"Ikaw ang pinakapaborito kong anak, Takumi. Huwag na huwag mo akong bibiguin." Hinaplos ng reyna ang pisngi ng dalaga sabay hawi sa nagulong buhok nito.
"Salamat ulit!" masayang sambit ni Celeste sa unang prinsipe na si Jin. Napatango na lamang ito. Kapwa lamang kagagaling ng dalawa sa pangingisda. Hindi akalain ni Celeste na kahit panandalian ay makakalimutan niyang may problema nga pala siya.
Iyon ay sa tulong ni Jin. Malaki rin ang pasasalamat niya sa isang 'to.
Masaya silang nagkukwentuhan nang makasalubong nila ang nagmamadaling si Takumi. Kakalabas lamang nito sa silid ng reyna at hindi maipinta ang mukha nito. Mukhang galing pa ito sa pag-iyak.
Saglit itong napatigil sa harap nila kaya napayuko si Celeste bilang paggalang. Sa halip na ngumiti, umismid lamang ang prinsesa at tuluyan silang nilagpasan. Nagtatakang naiangat ni Celeste ang tingin niya.
"Hindi ka na nasanay sa asal niya. Pambihira, hindi ko lubos maisip na ikakasal siya kay Tsuyu. Sabagay, pareho nga pala sila ng ugali."
Napatungo na lamang si Celeste nang marinig ang pangalan ng binata.
Nasasaktan pa rin siya. Sobrang nasasaktan at wala siyang mapagsabihan.
"Ang imperyo ng Kanluran ay binabalak ang isang malawakang paglusob. Kamahalan, hindi ito magandang pangitain," nababalisang balita ng isa sa mga kawal na kanyang pinagkakatiwalaan.
"Ihanda ang hukbong sandatahan ng Gokayama. Huwag hahayaang makapasok ang lahat ng armado. Protektahan ang kaharian at ang mga tao kung kinakailangan." Kalmado man ay halata sa boses ng hari ang pagkabahala.
"Mahal na hari, may isa pang dahilan kung bakit binabalak nila ang pananakop," nakatungong saad pa ng kawal.
Nanginginig ang kamay na ibinaba ng hari ang tasa ng tsaa habang naghihintay ng sasabihin nito.
"Nais nilang kunin ang dalagang mula sa kabilang mundo. Iyon ang pakay nila sa imperyong ito."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top