CHAPTER 33
CELESTE'S POV
Humugot muna ako ako ng lakas ng loob bago maglakad patungo sa silid ng reyna. Medyo malayo ito sa mismong silid kung saan naroroon kami.
"Ano kaya ang dahilan at bakit ako gustong makita ng reyna?" sambit ko sa sarili habang dahan-dahan ang ginawang paglalakad. Maya't maya kong itinataas ang laylayan ng mahaba kong damit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sa ganitong kasuotan. Napakahaba, ang hirap maglakad!
"Fudge!" Muntikan na ako matisod. Mabuti na lamang at may mabuting kamay ang biglaang napahawak sa braso ko kaya napatungo lamang ako. Agad kong iniangat ang tingin ko. Nakita ko si ang unang prinsipe na seryosong nakatitig sa akin. Si Jin.
"Napakalampa talaga," naiiling nitong sambit kaya napaayos ako ng tayo.
"S-salamat," naiilang akong sagot habang hawak pa rin ang laylayan ng damit ko.
"Sa susunod mag-ingat ka na," tipid niyang wika. Napaiwas naman ako ng tingin.
"Mauna na ako." Yumuko ulit ako dahil naalala kong naghihintay nga pala sa akin ang reyna. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at mabilis nang naglakad palayo.
Ni hindi ko na siya nilingon.
Pagkarating sa nakapinid na pinto ay doon na nagsimulang kumabog ang puso ko. Lalo na nang unti-unti ko itong buksan at tumambad sa akin ang magkaharap na sina Takumi at Reyna Seina. Kapwa sila umiinom ng tsaa. Sabay pa silang napatingin sa akin nang pumasok na ako.
"Mabuti naman at narito ka na. Kanina ka pa namin hinihintay." Nagpakawala ng isang ngiti si Takumi. Hindi ko gusto ang ngiting iyon. Mapagkunwari.
Akala ko ba'y kami lang ng reyna ang mag-uusap? Bakit kasama ang isang 'to?
Alinlangan akong napayuko bilang pagbati at dinaluhan sila sa mesa. Isang ngiti ang ginawad ko sa kanilang dalawa. Kakaiba ang awra ng reyna ngayon. Hindi gaya noong gabing nasampal niya ako. Galit pa kaya siya sa akin?
"Gusto ko lang humingi ng paumanhin noong gabing hindi ako nakapagtimpi. Nadala lang ako ng galit, Hera." Hindi tulad noon, mahinahon na ulit ang boses niya kaya nahihiya akong napatungo.
I don't know but I doubt. Alam kong hindi ito ang rason sa pagpapatawag niya sa akin rito. Alam kong may bukod pang dahilan. Ano kaya iyon?
"S'ya nga pala, pinatawag kita dahil gusto kitang makausap at mas makilala pa lalo. Gusto kong...kalimutan mo na ang nangyari noong gabing iyon," dagdag pa nito at napatango ako.
Namayani ang katahimikan. Wala kasi akong ibang masabi. At isa pa, prinsesa at reyna ang kaharap ko ngayon. Alangan namang dumaldal ako rito na parang ewan? Aish!
"Balita ko, isa ka na sa mga mahuhusay nang magtimpla ng tsaa. Ang bilis mo naman matuto," namamanghang sambit naman ni Takumi na lumagok sa tasa. Napangiti na lamang ako.
"H-hindi naman. Madali lang po kasi ang procedures," depensa ko. Sila naman ay napakunot ang noo.
"A-ano?" tanong ng reyna na tila di na-gets ang sinabi ko.
Ay, oo nga pala. Procedures.
"Ibig ko pong sabihin, madali lang po ang mga hakbang sa pagtitimpla." Napatango naman si Takumi at binalingan ng tingin ang reyna.
"Inang Reyna, tingin ko sa araw na ito ay dapat matikman ni Hera ang isa sa pinagmamalaki na tsaa ng Gokamaya maliban sa tsaa na alam nilang timplahin. Hindi po ba?" suhestiyon ni Takumi at nagngitian sila pareho.
"Tama ka diyan, Takumi."
Ang weird nila. Bakit ang bait nila pareho sa akin ngayon?
Ikinumpas ni Takumi ang kanang kamay at agad pumasok ang alalay na bitbit ang tray ng tsaa.
"Tikman mo 'to. Tiyak na masasarapan ka," malapad ang ngising alok ng prinsesa sa akin habang inilapag sa harap ko ang isang umuusok na tasa.
Tinitigan ko lamang ito.
"Sige na. Napakasarap niyan."
Tumango ako at kinuha ang tasa. Napapikit ako sa dalang aroma ng tsaang inihain nila sa akin. Napakabango.
Kaunting tikim lamang ang ginawa ko dahil nahihiya ako. Pareho kasi silang nakaabang sa magiging rekasyon ko.
"Anong lasa?"
"M-masarap po," tipid kong sagot.
"Inom ka pa." Agad akong lumagok ng tatlong sunod-sunod hanggang sa maubos ko ang laman ng tasa.
Patuloy lang sila sa kwentuhan at ako naman ay tahimik lamang na nakikinig. Hanggang sa makaramdam ako ng kakaiba. Bukod sa kumikirot na naman ang ulo ko ay may parte sa tiyan ko na parang hinahalukay. Sumasakit na rin ito.
Napangiwi ako. Nanlalabo na rin ang paningin ko. The face of the queen infront of me, suddenly became blur.
Napasinghap ako.
"Bakit, Hera? Hindi ka ba nasarapan sa tsaa?" tanong ni Takumi na nasa tabi ko.
Mas tumindi pa ang sakit kaya hindi na ako nakasagot. Naririnig ko sila, tinatawag nila ako pero pati ata pandinig ko ay naaapektuhan na rin ng nararamdaman ko ngayon.
Sobrang sakit. Napaubo ako sa palad ko.
Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa nanginginig na palad.
May dugo rito. Dugo galing sa bibig ko.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi na rin ako makahinga dahil naninikip na ito.
Mamamatay na ata ako.
"Hera!"
Hindi ko na naramdaman pa ang sakit ng pagkabagsak ng ulo ko sa mesa kasama ng nabasag na tasa ng tsaa nang tuluyan nang manlabo ang lahat sa akin.
THIRD PERSON'S POV
"Ano?!" Nabitawan ni Tsuyu ang hawak na espada nang marinig ang balita ng kawal niyang si Yasu.
"A-asan siya ngayon? Ayos lang ba siya?!" Naghehisterical na ang prinsipe nang malaman ang nangyari kay Celeste.
"Kadarating lang ng manggagamot. Naroon siya sa silid---" Hindi na ito pinatapos ni Tsuyu at agad pinulot ang espada sabay takbo.
Naiwan namang nagsisisigaw ang kawal.
"Igen! Nakalimutan kong sabihin na bawal pumasok sa silid! Bawal ang bisita! Igen! Aish!" Napakamot na lamang ito sa ulo dahil sobrang kulit ng binata.
"Ano bang meron sa Hera na iyon at apat ang baliw na baliw sa kanya? Pambihirang nilalang na taga-ibang mundo." Napangiwi na lamang ito at iiling-iling na naglakad na rin sa ibang direksyon.
Humahangos na dumating si Tsuyu sa silid kung saan nakaratay ngayon ang walang malay na si Celeste. Bago pa makapasok ay hinarang na siya ng isang katiwala.
"Ipinag-utos po sa amin na huwag munang magpadalaw ng kahit na sino," magalang nitong sambit at napayuko habang nakaharang sa pinto.
"Si Hera? Kumusta siya?!" tanong ng binata at hindi pinansin ang sinabi ng babae na nasa harap niya. Akma na sa ulit itong papasok pero pinigilan ulit siya nito.
"Bawal po talaga sa ngayon, mahal na prinsipe. Patawad po."
Naikuyom na lamang ng prinsipe ang kamao sa sobrang inis at pag-aalala. Sakto namang dumating rito ang isa pang kawal ng hari.
"Prinsipe Tsuyu, pinatatawag ka ng hari. Nais ka niyang makausap."
Labag man sa kalooban ay napilitang sumunod ang binata sa kawal at iniwan ang nakapinid na silid kung saan ginagamot ngayon ang dalagang si Celeste.
Hindi maipinta ang mukhang nakaharap si Tsuyu sa amang hari. Ibinaba nito ang kupita at napasulyap kina Takumi at Reyna Seina. Mababakas sa mukha ng tatlo na may ibabalita ang mga ito sa kanya.
"Ipadadala n'yo na naman ba ako sa giyera para tuluyang mamatay?" sarkastikong tanong nito sa ama. Bakas sa tono nito ang malaking hinanakit.
Napailing ang hari.
"Hindi kita ipinatawag dahil isasabak na naman kita sa labanan, Tsuyu. Nagawang ipanalo ng hukbo mo ang dalawang giyera ngunit hindi sapat iyon para manatiling malakas ang kaharian natin. Kaya naman, kailangan natin ng kaalyansa. Kailangan natin ng suporta mula sa sibilisasyon ng Timog," sambit nito kaya otomatikong napatingin si Tsuyu sa prinsesa ng Timog na si Takumi. Nakangiti na ito at waring nasisiyahan sa naririnig.
Hindi pwede. Kung iyon nga ang mangyayari ay hindi siya papayag.
"Tsuyu, nais kitang ipakasal kay Takumi. Tatlong linggo mula ngayon, sa paglubog ng araw, uumpisahan ang seremonya ng inyong pag-iisang dibdib."
Dahil sa narinig ay tila nabingi ang binata at napanganga na lamang habang nakatitig sa amang hari. Tila tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo. Hindi niya kayang matanggap.
Mayamaya isang butil ng luha ang tumakas sa kanyang mga mata.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top